CHAPTER 1

CHAPTER 1

*JAMEA POV*

I'M JAMEA YSABEL SAMONTE ALVIAR, nag-iisang anak nina Jaime Alviar at Meriel Samonte. Lumaki sa isa sa mga sikat na Isla sa Palawan na pagma may-ari nang aking Abuela na si Doña Isabela Alviar - ang Isla De Alviar.

Dalawang araw matapos ang aking ika labing walong kaarawan, ay isang hindi inaasahang pangyayari ang dumating sa buhay ko - ang maulila mula sa aking mga magulang na naaksidente habang nasa biyahe pauwi sa aming Isla sa Palawan.

Pagkatapos nang araw na iyon ay nagdesisyon akong makipagsapalaran sa Maynila para doon tuparin ang aking pangarap at pangako sa aking mga magulang - ang maging sikat na Engineer.

Nahirapan akong mapapayag ang aking Abuela na siyang halos kasa kasama ko simula pagkabata dahil na rin sa laging wala ang aking mga magulang para pamahalaan ang aming negosyo, ang Samonte-Alviar Group of Construction na nasa Cebu.

Kaya naman nung dumating ang araw na ako ay paalis na papuntang Maynila ay matinding iyakan pa muna ang naganap sa pagitan namin ng aking Abuela at mga kasambahay na naging malapit narin sa aming pamilya.

'Mamimiss kita Ysabel Apo, gustohin ko mang sabihin sa'yo ngayon na dumito ka nalang, alam kong kalabisan na iyon. Gusto ko ring maging matagumpay ka sa buhay Apo.' Naluluhang sabi sa akin ni Lola Isabela.

'Lola, huwag na po kayong maging malungkot. Pangako babalik ako dito na matagumpay na sa buhay.' Pangako ko sa'yo yan Lola.

'O siya sige. Basta lagi kang mag-iingat doon ha? Huwag mong pababayaan ang sarili mo.'

'Opo Lola. Kayo din po, huwag kayong maging pasaway kay Nurse Jean.' Kunwaring mataray kung habilin na ikinatawa lang ng huli.

'Naku naman, bata pa ako Apo. Huwag kang mag-alala,' nakangiting sabi ni Lola. 'Siya nga pala, iyong titirhan mo dun maayos na. Gaya ng hiling mo Apo maliit at simpleng apartment lang 'yun na malapit sa mga Unibersidad at Mall.'

'Okay Lola, maraming salamat po. Aalis na po ako.'

Tanging tango at ngiti lang naging tugon ng Lola ko nung araw na iyon. Agad akong nakarating sa apartment na magiging tirahan ko at isang simpleng apartment lang iyon gaya ng aking hiniling.

Dala ang perang minana ko mula sa aking mga magulang ay nag enrol ako sa isa sa mga sikat na Unibersidad, ang ACE UNIVERSITY. Hindi ko alam kung bakit ano ang nangyari at naging kabilang ako sa mga Full Scholar ng nasabing University.

Kaya ilang beses kong itinatanong sa sarili dati kung bakit sa dinami dami ng paaralang papasukan eh dito pa? May estudyanteng Richkid, conyo, anak ng mayor, apo ng kapitan, anak ng doktor o kung ano ano pang mga propesyong meron sa mundo.

Unang araw ko sa kolehiyo nun nung nagkakilala kami ni Neil Anderson. Biology student at nobyo ng isa sa mga naging kaibigan ko rin na si Era Madrigal, na ngayon ay nasa Paris para tuparin ang pangarap nitong maging Modelo na siyang naging dahilan nang kanilang paghihiwalayan.

Naging matalik kong kaibigan si Neil at dahil sa araw-araw naming pagsasama ay nagkagusto ako ng palihim sa kanya.

Araw-araw kami laging nagkakasabay sa pagkain sa Cafeteria ng University kasama ang aking dalawang kaibigan rin simula High School na sina Mara at Crisa na kapareho ko ng kurso, kasama din namin ang kaibigan ni Neil na si Bryan.

Kakatapos lang namin mag exam para sa huling semester ng taon, at kasalukuyan akong nasa Cafeteria ngayon dahil pinangakoan ako ni Neil na ililibre niya ako ngayon ng Lunch.

Alas dose ang pinag usapan namin pero ngayong mag aalas dos na eh wala pa siya. Nauna nang umuwi sina Mara at Crisa dahil may dadaanan pa sila sa Mall.

'Kung di lang kita gusto Neil, malamang sa malamang kanina pa ako umali-

"Ysabel!" Sa wakas dumating rin. Hays.

"Uy Neil, ang tagal mo naman! Kanina pa ako dito." Nakanguso kong sabi sa kanya pagka upo niya.

"Hahahaha sorry kung pinaghintay kita. Miss Mae asked me to help her bring her things to her office." Tumatango tango ako sa naging sagot niya.

"Kumusta exam niyo?" Ani Neil pagka inom niya ng tubig.

"Hmm okay naman?" Di ko siguradong sagot sabay tawa. "Aish ewan! Bahala na si batman. Ikaw?"

"Wow si Jamea Ysabel na full scholar from engineering department, nahirapan sa exam for the first time?"

"Oh bakit? Eh sa nahirapan ako," irap kong sabi sa kanya. "Akin na pera mo, gutom na ako." Sabi ko sabay lahad ng kamay.

"Ouch! Why do I have this feeling na you are just using me?" Madrama niyang sabi habang kinukuha ang wallet niya sa kaniyang itim na bagpack.

"Dami mong sinasabi, gutom na po ang iyong alipin mahal na hari, alas dose ang sabi mo na puntahan kita pero dumating ka ng alas dos. Aba pag nagka ulcer ako nyan ikaw pababayarin ko!" Inis kong sabi sa kanya.

"Okay okay, binibiro ka lang okay? Hahahaha." Tumatawang sabi niya sabay taas ng dalawang kamay.

"Order kana, chicken sandwich at tubig lang sakin." sabi niya sabay abot sakin ng limang daan na ikinailing ko sabay tayo papuntang counter.

"Hi Ma'am may i have your order?" Agad na tanong sa'kin ng babae.

"Ah, isang chicken sandwich po at Pasta tsaka dalawang tubig."

"That's two hundred thirty four pesos ma'am." Grabe ang mahal talaga. Sabi ko sa isip sabay abot ng bayad.

"Change ma'am, two hundred sixty six pesos, thank you! We'll just serve your order." Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Ysabel busy kaba bukas?" Agad na tanong ni Neil pagkabalik ko sa mesa.

"Bukas? Hindi, bakit?"

"Accompany me." Ani niya na ikinagulat ko.

"Ha? saan?" Kunot noo kong sabi.

"Ahh sa mall sana, bibili kasi ako ng sapatos para bukas."

"Bakit anong meron bukas? At tsaka kakabili molang nang sapatos nung nakaraang buwan ah? Hanep iba talaga pag RK ano?" natatawa kong sabi sa kanya.

"RK?" Kunot noo niyang tanong.

"Duh! Richkid."

"Oh hahaha I see. Well No, I'm not rich, my parents are. Anyways, may party bukas sa bahay."

"Party? As in P-A-R-T-Y?" magiliw kong tanong. At natahimik pagka serve ng inorder naming pagkain.

"Yes, wanna go?" Yaya niya na ikinatuwa ko.

"Pwede ba? Uy sama ako! Hahaha ano oras mo ba'ko susunduin?"

"Haha sure Ysa, and by 2pm i'll fetch you to buy first my shoes. The party will start at six pm." Nakangiting sabi ni Neil sabay subo ng pagkain niya.

"Sige ba, sama ako dyan. Nandoon din ba sina Mara at Crisa?"

"Yes. I invite Bryan and Bryan Invite them."

"Ha ang daya naman, talagang nauna pa silang imbitahan." Nagtatampo kong sabi.

"Oh sorry about that. But anyways, about your dress ako na bahala. Pampalubag loob." Tumatawang sabi niya na ikinatawa ko nalang din sabay iling. Hays ang gwapo niya talaga pag nakatawa.






*NEIL POV*

HEY I'M NEIL ANDERSON, second child of Estela Miller and Franco Anderson. My parents are both into medical field. Our Older Brother Jeff Anderson is a Surgeon like my Father in our Hospital, the AMH or the Anderson Miller Hospital.

First sem sa College kami unang nagkakilala ni Jamea Ysabel Alviar, a morena girl but beautiful, Smart mouth woman, and a cheerful one despite that She's living on her own now. Her Parents died years ago through an accident.a

Era Madrigal my ex girlfriend and Jamea became friends. Simula ng magkahiwalay kami ni Era para pumuntang Paris para sa pangarap niyang maging modelo ay si Jamea na ang lagi kong kasa kasama maliban kay Bryan na aking kaibigan at kababata.

Jamea came from Palawan, and choose to live alone here in Manila, luckily she's one of the scholar in ACE UNIVERSITY where she studied Engineering, and so far she always nailed it.

Time passes by at nasa Second year College na kami ngayon, I'm studying BSBio as my Premed course since it's my dream to become a Pediatrician, and not because it's my Parents want.

My Parents really love her like their own, and I can't blame them for that. They only have 3 child, all boys. Me, my Kuya Jeff the Surgeon, and our Bunso Adrian on His 3rd yr at High School.

"Neil." I'm snapped out of my reverie when Jamea suddenly call me.

"Oh Ysa, why?" Tanong ko. "Teka namumutla ka ah."

"Doc Neil masakit tiyan ko." she said pouting her lips. "Gamot Neil... Bilhan moko gamot" naiiyak niyang sagot.

"Yan! Kasi kakakain lang kakain na naman. Ke takaw takaw di naman nataba."

"Woi! Grabe sesermon pa? Pari ka ba? Ha?" Sabi niya na ikinailing ko nalang sabay tayo. Talaga naman!

"Ahuh? Tsk! Kahit kailan ka talaga, Wait me here i'll just go to the pharmacy." Sabi ko sa kanya.

"Okay Neil, bilisan mo ha?" Nanghihinang sabi niya.

"Oh you're very much welcome Engineer." I sarcastically said to her na tinawanan niya lang ng mahina.

Patakbo akong umalis palabas ng Uni para bumili ng gamot niya.

'Ang bilis mo naman yatang mapasunod pag si Jamea ang humiling?'

Napailing nalang ako nang maalala ang sinabi sa akin ng kaibigan kong si Bryan nung minsang inayawan ko siya.

Tsk. Tsk. Kalma lang Neil!


SHILAMOI || shilamoi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top