Kabanata VI
Inihatid si Julia ng kaniyang nobyo sa eskuwelahan... Nang makarating sila ay inihinto ni Ichi ang sasakyan sa tapat ng campus gate, kaagad siyang lumabas ng sasakyan upanh pagbuksan ng pinto ang kaniyang nobya at nang makalabas ito ay nagpaalam sa kaniya si Julia.
"Pasok na ako"
"Tawagan mo ako"
Tumango naman si Julia bilang tugon, nang akmang aalis na siya ay naramdaman niyang hinawakan siya sa braso ng kaniyang nobyo kaya kaagad niya itong nilingon, "Why?" nagtatakang tanong niya.
Lumapit naman si Ichi sa kaniyang nobya hanggang sa lumapit ang kaniyang labi sa noo ni Julia nang biglang--- may narinig silang sunod-sunod na busina kaya kaagad silang napalingon sa kotse bumubusina.
"Sige na babe, tatawagan na lang kita" saad ni Julia.
Tumango naman si Ichi bilang tugon at nagmadaling itong sumakay sa kotse at nang makaalis na siya ay sinimulan na maglakad ni Julia papasok sa loob ng campus. Habang naglalakad naman siya sa hallway ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid, maraming estudyante ang naglalakad ngunit magkaiba ang patutunguhan. Hanggang sa nakarating siya sa kanilang classroom, umupo siya sa kaniyang upuan sabay napatingin sa katabi niyang upuan.
Lumipas ang minuto ay marami na silang nasa classroom, pumasok naman ang kaklase nilang babae na mayroong nakasabi na bag sa kaniyang isang balikat. Tumingin ito sa kanilang lahat habang nakatayo sa table kung saan pumupwesto ang kanilang Prof. at iniayos naman niya ang kaniyang suot na salamin.
"It's already 8:20am but Miss Alvarez didn't came here" panimula niya.
"Why?" nagtatakang tanong ng isang kaklase namin.
Sinulyapan lang siya ng babaeng nakatayo sa harapan at muling itinuot ang atensyon sa kanilang lahat, "May emergency si Prof. that's why we don't have a class in our first subject" wika ng President nila. Napatingin si Julia sa mga classmate niyang wala man lang reaksyon sa sinabi ng President nila at nang muli siyang tumingin sa harapan ay nakatitig ito sa akin, may pumasok naman sa pinto ngunit nanatiling nakatitig sa kaniya ang babae sa harapan, "And of course, Happy birthday Julia" dugtong niya.
Nanlaki naman ang mata ni Julia ng batiin siya ng kaniyang kaklase, napansin niyang umupo sa kaniyang tabi ang kaniyang kaibigan na si Lesley. Muling tumingin si Julia sa kaniyang mga kaklase nang sabay-sabay itong bumati sa kaniya.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi sabay tumayo, "S-Salamat"
"Saan ang handaan?"
"May lumpia?"
"Invite mo naman kami"
"Anong oras ang party?"
Mga tanong ng kaniyang mga kaklase, natawa naman siya "Invited kayong lahat, mamayang 7pm ang party kaya pumunta kayo" saad niya.
Hiyawan naman ng lahat nang sabihin niya iyon kaya sinaway sila kaagad ng babaeng nakatayo pa rin sa harapan, "Guy's minimize your voice. May klase ang kabilang room"
Tumahimik naman ang lahat ngunit bakas sa mukha nila ang saya at excitement, napailing na lamang si Julia. Muli siyang umupo at akmang isusuot sa tainga ang earphone ay narinig niyang nagsalita ang kaniyang katabi, "Happy birthday, Julia" bati nito sa kaniya.
Awtomatiko siyang napalingon sa kaniyang kaibigan na nakatitig sa kaniya, nangilid naman ang luha sa kanilang mga mata. Kaagad niyakap ni Julia si Lesley, "I'm sorry" saad ni Julia.
"No, it's my fault. I'm sorry"
Humiwalay naman sila sa pagkakayakap at pinunasan ni Julia ang luha sa pisngi ng kaniyang kaibigan, "Thank you" sambit niya.
Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Lesley, "Invited pa rin ba ako sa party mo?" biro nito.
Natawa naman silang dalawa, may kinuha naman si Lesley sa kaniyang bag at nang makuha niya ay kaagad niya itong iniabot sa kaniyang kaibigan. Bakas sa mukha ni Julia ang pagtataka kaya tumingin ito sa hawak ng kaniyang kaibigan at muling tumingin sa mga mata ni Lesley, "What is this?" nagtatakang tanong niya.
"Open it"
Binuksan naman ni Julia ang maliit na box at bumungad sa kaniya ang isang bracelet na silver, muli siyang tumingin sa kaniyang kaibigan na animo'y namangha sa kaniyang nakita, "Akin na ito?" tanong niya.
Natawa naman si Lesley sabay tumango, "Regalo ko sa iyo"
Inilabas ni Julia sa box ang bracelet at pinagmasdan ito na animo'y nabighani sa bagay na hawak niya ngayon, "Ang ganda" sambit niya.
"Wala akong makitang new style ng bracelet kaya iyan na lang ang binili ko"
Tumingala naman si Julia sa kaniyang kaibigan, "Ang ganda nga eh?!"
Kinuha ni Lesley ang bracelet sa kamay ng kaniyang kaibigan, "Isusuot ko sa kamay ko," saad ni Lesley sabay kinuha niya ang kamay nito at isinuot sa bandang pulsuhan.
Nang maisuot niya ito ay iniangat ng bahagya ni Julia ang kaniyang kamay habang nakatitig sa kaibigan niya, "Bagay ba?"
Tumango naman si Lesley, "Bagay na bagay"
Tumayo naman si Julia kaya tiningnan siya ni Lesley na puno ng pagtataka, hinawakan ni Julia sa pulsuhan ang kaniyang kaibigan, "Punta tayo sa cafeteria, nagugutom ako" wika niya na animo'y nagpapaawa.
Natawa naman si Lesley, "Hindi ka na naman kumain ng breakfast?"
Naglakad naman sila palabas ng classroom, "Kumain ako, si Ichi ang nagluto eh?!" nakangiting tugon niya.
Nang makalabas sila ng classroom ay humarang si Lesley sa kaniyang harapan kaha huminto siya sa paglalakad, "Hindi mo pa pinapakilala sa akin ang boyfriend mo" wika ni Lesley.
"Makikilala mo siya mamaya sa party" saad ni Julia at nagpatuloy na sa paglalakad.
Habang naglalakad sila sa hallway ay patuloy lang sila sa pag-uusap na animo'y matagal hindi nagkita... Nang makarating naman sila sa cafeteria ay lumapit sila kaagad sa kahera sabay nag-order.
"Ate, this one... this... this... and this" wika ni Lesley habang itinuturo ang kanilang bibilhin.
"Ang dami mong binili"
"Gutom ka, right?" tanong ni Lesley kaya tumango naman si Julia, "Then, kakain tayo ng marami" dugtong nito.
Napailing na lang si Julia habang nakangiti ng bahagya, "Ate, 2 bottled of water po" saad niya.
"Paki hatid na lang po sa table namin" wika ni Lesley sabay naglakad patungo sa pwesto kung saan sila laging kumakain.
Nang makaupo sila ay tumingin sa labas si Julia, tanaw niya ang magandang tanawin hanggang sa narinig niya ang balita mula sa television na kabubukas lang kaya nilingon nila ito.
"Isang batang babae ang natagpuang patay malapit Magenta University" panimulang wika ng reporter.
"Kailan ba matitigil ang patayan?" tanong ni Lesley sa kaniyang sarili habang nakatingin sa telebisyon.
"Saksak sa bandang puso at laslas sa leeg ang dahilan nang pagkamatay ng biktima. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang taong may kagagawan nito" wika ng reporter.
Napailing naman si Julia, "Kawawa naman ang bata" sambit ko.
Nilingon naman siya ni Lesley, "Until now hindi pa rin nahuhuli ang suspect, Psh!" dismayadong wika niya.
Mayamaya lang ay may lumapit na babae sa kanilang table at may dala itong food tray, "Here's your order" wika nito.
Ngumiti naman ng malapad si Lesley, "Thank you!"
Matapos ilagay sa table ang kanilang pagkain ay sinimulan na nila itong kainin... Patuloy lang sa pagsubo ng pagkain si Julia nang biglang nagsalita ang kaniyang kaibigan, "Anong oras ang party mo?"
"7pm"
"I'm so excited" sambit ni Lesley.
Napatingin naman sa kaniya si Julia, "Mas excited ka pa sa akin" biro nito.
Natawa ang kaniyang kaibigan, "Of course"
Time has passed! Palabas na si Julia ng campus nang napansin niyang may humintong kotse sa kaniyang tapat, bumukas ang bintana nito at may sumilip na lalaki mula sa loob, "Hey babe, sakay na" nakangiting wika nito.
Kaagad naman sumakay si Julia sa sasakyan at nang makasakay siya ay nilingon niya ang kaniyang nobyo, "Ang aga mong magsundo"
"Late na nga" wika nito, "Where's my kiss?"
Kumunot naman ang noo ni Julia, "Kiss? For what?" nagtatakang tanong niya.
"Kapag nagkikita ang mag-asawa dapat may kiss"
"Hindi tayo mag-asawa"
"Magiging asawa mo din ako"
Natawa naman si Julia at lumapit sa kaniyang nobyo sabay hinalikan niya ito sa pisngi kaya gumuhit ang ngiti sa labi ni Ichi na animo'y kinilig. Muling umupo si Julia ng maayos sabay isinuot ang seatbelt at inumpisahan na magmaneho ni Ichi.
"How's your day?" Ichi asked.
Nakatanaw lang sa labas si Julia, "Ayos lang, napanood ko na naman ang balita about sa killer na hindi pa rin nahuhuli"
"Gaano ba kahirap hulihin ang killer na iyon?" tanong ni Ichi sa kaniyang sarili, "Marami ng pinapatay ang taong iyon pero wala silang ginagawa na aksyon"
"Yeah! Kawawa ang mga taong pinatay niya" sang-ayon naman ni Julia.
"What do you think? Babae o Lalaki ang killer" tanon g ni Ichi.
Nilingon naman siya ni Julia, "I think, Lalaki"
"Why?"
"Base sa klase ng pagpatay niya sa mga tao ay mukhang malakas siya dahil hindi magawang lumaban ng biktima"
"But what if she's a girl?"
Kumunot ang noo ni Julia, "Girl? What do you mean?"
Bumuntong hininga si Ichi sabay sinulyapan lamang ang kaniyang nobya dahil abala siya sa pagmamaneho, "I saw her"
"Ha?"
"Ang ibinalita kaninang pinatay na bata... Nakita ko kung paano niya patayin iyon"
"What? How? I mean--- paano mo nakita? Bakit nandoon ka?"
"Pumunta ako sa mall kanina at naisip kong bilihan ka ng lunch kaya napadaan ako sa school niyo but--- bago pa ako makarating sa school ay may nakita akong babae na may dalang bata malapit sa Magenta University" mahabang litanya ni Ichi, "Lumabas ako ng kotse at sinundan siya hanggang sa huminto siya sa isang eskinita at doon ko nakita kung paano niya patayin ang bata, paulit-ulit niyang sinaksak sa dibdib ang biktima at hindi pa siya nakuntento dahil nilaslas niya ang leeg ng bata. Bago niya pa ako mahuli ay umalis na ako kaagad at tumawag ng police"
Tila umurong ang dila ni Julia sa kaniyang narinig kaya nilingon siya ng kaniyang nobyo at inihinto ang sasakyan sa tabi ng side walk, "Anong suot niyang damit?" tanong ni Julia.
"Nakasuot siya ng red leather jacket, black blouse, black pants with black high heels boots"
"Baka siya ang taong naririnig natin sa labas ng bahay namin" wika ni Julia na bakas sa boses at mukha ang takot.
Hinawakan naman siya sa kamay ng kaniyang nobyo, "Babe, imposible iyon! Relax, okay? Don't be afraid, I'm here"
Tumango-tango naman si Julia bilang tugon at kaagad siyang niyakap ng kaniyang nobyo upang alisin ang takot na nararamdaman niya. Nang kumalma si Julia ay humiwalay si Ichi sa pagkakayakap sa kaniyang nobya at tinitigan niya ito sa mga mata, "Are you okay?" tanong ni Ichi.
"I'm fine" wika ni Julia at muling nagmamaneho, "Babe, pwedeng bumili tayo ng food sa Jollibee? Nagugutom na ako"
Napangiti naman si Ichi, "Ang bilis mong gutumin" saad niya sabay iniliko ang sasakyan, "Anong gusto mong kainin?"
"Katulad ng dati"
"Noted Misis"
Bahagyang kumunot ang noo ni Julia, "Misis your ass"
Narinig naman niyang tumawa ang kaniyang nobyo... Maya-maya lang ay huminto sila sa drive thru ng Jollibee, hindi na siya nag-abalang lingunin ang kaniyang nobyo sabay sumandal sa kaniyang kinauupuan at ipinikit ang mga mata hanggang sa nakatulog siya. Nang matapos naman umorder si Ichi ay inilagay niya sa backset ang mga binili niyang pagkain at tumingin sa kaniyang nobya na mahimbing ang tulog. Napailing siya na mayroong ngiti sa labi, kinuha niya ang kaniyang leather jacket sa backset at ikinumot sa kaniyang nobya hanggang sa tuluyan na siyang nagmaneho.
Habang nasa biyahe ay tumunog ang kaniyang cellphone kaya isinuot niya sa kaniyang tainga ang wireless earphone at sinagot ang tawag, "Yes po?" panimula niya.
"[Nasaan na kayo, hijo?]" tanong sa kabilang linya.
"Pauwi na po kami, dumaan lang kami saglit sa drive thru"
"[Maraming pagkain dito... Bakit bumili pa kayo?]"
"Nagugutom daw po si Julia"
"[Oh, sige na. Mag-iingat kayo]"
"Sige po, bye!" saad ni Ichi at pinatay ang tawag.
Mayamaya lang ay ipinasok ni Ichi ang kaniyang sasakyan sa loob ng garage nila Julia, pinatay niya ang makina ng kotse at nilingon ang kaniyang nobya. Bahagya siyang lumapit kay Julia sabay hinimas ang pisngi nito upang gisingin, "Babe, gising na" malambing nitong wika ngunit hindi natinag ang tulog ni Julia.
Hinalikan niya ito sa noo at muling nagsalita, "Babe, wake up," bumaba ang kaniyang halik sa ilong "Babe, we're here" at muling bumaba ang kaniyang halik patungo sa pisngi, "Babe"
Nang maramdaman ni Julia ang mga dampi nang labi ng kaniyang nobyo ay bahagya siyang gumalaw at dahan-dahan na iminulat ang kaniyang mga mata. Bumungad naman sa kaniya ang mukha ni Ichi na nakatitig sa kaniyang mga mata, "Bakit mo ako ginising?" tanong ni Julia.
Natawa ng bahagya si Ichi, "Narito na tayo sa bahay niyo"
Tinanggal ni Ichi ang kaniyang seatbelt at lumabas ng sasakyan, nang makalabas siya ay tumungo siya sa pinto ng driver seat at binuksan ito. Lumabas naman kaagad si Julia at naunang pumasok sa loob, kinuha naman ni Ichi ang mga pagkain sa backseat at sumunod rin kay Julia papasok sa loob ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top