KABANATA 3

    
Mr. President Help Me

Maagang pumasok si Papa sa trabaho at si Mama naman ay maaga ring umalis. Pumunta nalang ako sa Paaralan at pagdating ko doon, marami ang nagpila sa daan. Hindi ko alam kung bakit.

“Mark Warren, sino ho ba ang bibigyan niyo ng tissue at gamot? Ba’t ba kasi ang aga mo Pres.” Wika ni Joyce.

  “Ah...Mauna nalang kayo sa loob. Hihintayin ko pa siya rito.” Nagsitalikod naman ang mga estudyante at bumaba sa hagdan. Ang iba nama’y nagnakaw pa ng tingin sa kaniya. Napopogian talaga sila sa bully na ’to. Sarap nga hampasin ng bag e. Kung hindi ko lang siya nirerespeto, nah! Dalawa na sana kami sa guidance ngayon.

Papalapit na ako sa gate. Ilang hakbang nalang at madaanan ko na si Mark. Binilisan ko ang paglakad ko at tinakpan ng papel ang aking mukha upang hindi niya ako mahalata. Baka ako nga hinihintay niya tapos abusuhin ulit. Nasa tapat na niya ako at tamang-tama, hinawakan niya ang aking kamay at tumayo mula sa inuupuan niyang upuan.

  “Miah, I-I am s-sorry. ”

“Stop fooling me around, Mark. You don’t deserve to be an SSG President. Nang-aano ka kahit hindi ka naman inaano. Ano ba kasalanan ko sa’yo ha? Sabihin mo lang kung may galit ka sa akin at ako mismo ang aalis sa lugar na ’to.” Galit kong sigaw sa kaniya. Talagang nadala lang ako ng emosyon. Minsan lang kasi ako bubuhos ng galit. Tssk.

“I promise not to hurt you and stop doing what I did yesterday. Just accept this.” At iniabot niya ang tissue na dala niya tapos gamot. Isang pakete pa ito.  Hindi ko naman talaga tatanggapin ito. Ayaw kong magka-utang ng loob sa kaniya.

Dali-dali akong bumaba sa hagdan at pumunta sa room namin. Umupo ako at binuksan ang aking bag. Kinapkap ko ang aking bulsa kung saan nakalagay ang aking aklat na puno ng tula at prosa. Mahilig kasi talaga akong sumulat lalo na pag may inspiration, motivation, and experience.  Minsan, sinusulat ko rin dito ang mga pinagagawa ni Mark sa akin. Gawin ko itong inspiration at ipapakita kong hindi ako mahina tulad ng iniisip nila. Yes, bata pa lamang ako but I want to know more things about how to conquer challenges and trials in my life. Mas mabuti kasing mahasâ natin ang sarili natin habang bata pa tayo.

Nakamasid ako sa labas when someone called me.

“Miah!” A voice came outside in my room. I stand and went over there.  It was Dave.

“Mark is not feeling well. ” Aniya. I don’t know about what I feel. Mahirap na pag ganito. Baka ma-issue tayo sa Campus. Ayaw kong mangyari iyon.

“Ba’t? Napano siya?”  I asked.

  “Come with me.” Dave said.

Sumunod naman ako sa kaniya at pumunta sa room nila. Magkatabi lang naman talaga kami ng room. Tinungo ko siya at hinawakan ang kaniyang leeg.

“A cold fingers touches my neck?”He said smoothly.

“Okay ka lang?” I asked him. My brows furrowed when he stood up and hold my hands. “Accept this. Take care of yourself.” He said and put the medicine in my hands together with the ID he confiscated yesterday. I also forgot to bring my parents here. Guidance na sana ako because I disobey the rules about eating junk foods.

“Siya pala ’yon.” Bulungan ng mga marites niyang kaklase.

“Ayos lang naman. Maganda naman siya. Hi Miah Dela Veda!” His classmates waves their hands. The smile curved into my cheeks.

“Hi!” I said and went outside and the smile molded in my face.

Bumalik ako sa room at tamang-tama, Math Class na namin. Nando’n na si sir Garcia. Striktong guro namin pero mabait pagdating sa grado. Kapag palagay niyang bagsak ka, hihilain niya iyon. Magco-conduct siya ng group activity at hinihiwalay ang matatalino at ipapasama sa mga hindi masyadong magaling sa Math. Isang check lang ng one half crosswise, 50 points na agad. Ang galing diba?

“I want you all class to challenge yourself. Answer these following questions and show your solution. All numbers that is raise to the power of zero is equal to? When 2 raise to the power of 6 , what would be the answer? How can you define polynomials? ”Ayon, ito na ’yon. Ito ’yong pinakahindi ko talaga alam. Wala rin akong cellphone para makahanap sa internet. Ang hirap naman, nakakaiyak na!

Dahil doon, sinubukan ko talagang sagutan iyon. I went outside at pumunta sa garden. Umupo ako doon and mesmerizing the views when someone is talking behind.

“What are you doing here? Bakit nag-iisa ka lang? Nasaan ba si Layla?” Sunod-sunod niyang tanong. I looked behind and it was Mark. It’s him again.

“Kuya, pa favor naman. Paturo sa Math namin.” Aniko. I also used my smile para madala ko siya. He smirked and took my paper.

  “ Okay. First, all numbers that is equal to Zero is one. Second, 2 raise to 6 is? Here is the process,” I moved a little bit because his face is closer to mine.  “Sorry ” I smiled. “Repeat 2 six times and that would be 2x2x2x2x2x2 and the result would be the answer, hmm? Just come up with me if you need something. Let’s snacks!” He said. Namangha ako. Sa ganitong baitang Englishero na? How about nalang kaya kapag nasa tamang edad na siya?

“Mauna ka nalang, ayaw kong gumastos. ”

“Libre kita, tara!” Offer niya. Nakakahiya naman ngunit, tatanggihan ko ba?

“Hoy! Wag ka namang matulala diyan. ”

  “Nakakahiya, ’wag na. Bibili nalang ako mamaya. Mauna ka na lan-- ”

Hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng hilain niya ako.

“Masakit! Hoy! Bitawan mo nga ako. You are just playing with me, Mark. Let me go.” Aniko. Hindi siya nakinig. Imagine, Grade 7 ako tapos Grade 8 siya. Matutuwa kaba kapag ginagano’n?

“Halaaa! Mr. President, baby mo ba iyan?” Mga chismosa ay nakaabang na naman sa daan.

Mark pressed me on the wall which makes the noise around us.

“Hala!” The last words I heard before I ran away.

Sa nangyari noong mga nagdaang araw parang hindi ako makatulog nang maayos, dahil sa ginawa niya sa akin. I was in my room, still thinking about yesterday, when someone is calling me outside.

“Paki-abot nga nito kay Miah,” he said and took the snacks. Si Dave na naman. Nakangisi siya sa akin sabay kindat. Wow, ang ganda naman ng bungad.

  “Huh? I never ask you to buy that for me. Wala nga akong binigay na pera sa’yo.” I shouted. My classmates are looking to me and smiled. I gazed at him tapos he looked away.

“Miah, kunin mo nalang kaya?” Layla said. I smiled and nodded. ’Wag lang nating ipamukha na patay-gutom tayo. Siyempre, si Layla ang nag-push sa akin na kunin ’yon. Sayang naman daw kapag hindi ko kukunin.

“Bigay ito ni Mark, ’wag ka nang umangal. Upakan kita!”  My eyes widen about what he is stated. Kay Mark? Ano ako? Mahirap na talaga? I have my money and I can buy whatever I want.  Pero blessings na ’to e, tanggapin ko nalang. 

I didn’t expect na ganyan si Mark. Bully naman siya e, tapos mapanakit. Noon , kapag nakikita ako, hinihila niya ’yong buhok ko tapos aasarin. Ngayon, wow, parang nagiging mabait na siya. Simula no’ng dumugo ilong ko dahil sa pagkakahampas niya ng diary ko, he turns into a better one. Tinulungan niya pa ako sa aking Math.

Uwian na, naglalakad lang ulit ako dahil hindi makasundo si Papa. Busy talaga siya sa business niya. Nang dumaan na ako sa kalye, I found Mark together with Joyce. They holding hands.

“Babe, kailan mo’ko ipakilala sa magulang mo?”Joyce said. Nakasunod lang ako sa kanila.

“What?”

“I mean, kailan mo ako ipakilala sa Parents mo.” She smiled. I run towards Mark and pulled him closer to me.

“Thank you pala sa snacks kanina ha. Nag-abala ka pa.” I said. His brows furrowed and looked into my eyes.

“Ako? Wala akong binigay sa’yo na kahit ako. Kaano-ano ba kita para alagaan? Hahatidan ng pagkain?It was Dave and not me .  I don’t care about you. I just playing with you. Grabe naman kung gano’n. Bulôk mong tingnan. Akala mo naman ikaw ang gusto, lol!” Mark said which makes me feel sad. My expectations about him was all wrong. Ang pangit pala ng ugali niya. Nagpapasalamat lang naman sana ako e tapos gano’n na agad. They lied. Dave also lied that's why everything end up here.

His words stabbed me many times, when I remember it. The word “Bulok” seems too worst. Hindi nga ako sinasabihan ng parents ko na ganyan tapos ganyanin niya pa ako? I don’t deserve that. Ipapakita ko sa kaniya that I am able to do everything without his help. Lalo na sa Math. Pang habangbuhay ko sigurong tatangayin ang gano’ng mga salita. It buried deeply inside my heart. This scars will serves as my motivation. I will prove him wrong.

Malungkot akong tumalikod sa kanila.

“Wag ka kasing mag assume. Ang bata mo pa, ang landi na. Hindi nga ikaw ang gusto niya. Better leave here.” Pahabol pa ni Joyce na kaibigan niya raw. Isa ring bully. Ang sakit na ng mga salita. Its like a sword which brokes me into pieces.

I went home lonely and tears bursts from my eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top