9: Favor
Favor
Garnet
Na sa bahay ako ngayon. Bahay namin ni ate. Pina-uwi muna ako ni JB dahil tatlong linggo na akong hindi nakaka-uwi. Pero kasama ko si JB. Alam na naman ng lahat na kami na.
"Ay bruha! Alam mo ba yung nangyari kay Snow kaya hindi na pumapasok?" Biglang tanong ni ate
"Hindi ate eh. Balak ko nga siyang puntahan sa bahay nila eh." Sagot ko
"Edi puntahan mo. Kamusta mo na lang ako ah. Aalagaan ko muna yung mga anak ko."
*~~~~*~~~~*
Nandito kami ngayon ni JB sa gate nila Snow. Kanina pa kami paulit-ulit na nag do-doorbell pero walang nagbubukas ng pinto.
Isang buwan na kasi siyang hindi pumapasok at hindi nagpaparamdam. Nag-aalala na ako sa kanya pero masyado akong busy dahil ga-graduate na ako ng high school.
"Ay. Ma'am, Sir!" Nagulat kami ni JB nang biglang may kumausap sa amin na ale
"Bakit po?" Tanong ni JB
"Hinahanap niyo ba sila Snow?" Tanong nung ale
"Opo. Alam niyo po ba kung na saan sila? Isang buwan na po kasi siyang hindi pumapasok, hindi po namin alam yung nangyari sa kanya." Sagot ko
"Ay! Hindi niyo ba alam na may sakit si Snow?" Kinabahan ako sa sinabi nung ale
"P-po? Ano pong k-klaseng sakit?" Kinakabahan kong tanong
"May stage three breast cancer siya, hija, hijo. Tuwing aalis sila, nagpapa-chemo siya. Ngayon siguro na sa ospital yun." Sabi nung ale "Oh siya sige. Mauna na ko."
"Salamat po." JB
Napa yakap ako ng mahigpit kay JB at niyakap niya ako pabalik.
Bakit hindi sinabi sa'kin ni Snow ang tungkol sa sakit niya? Galit ba siya sa'kin? Ayaw niya ba sa'kin?
Paalis na kami ng biglang dumating ang tricycle na sinasakyan ni Snow at ni tita Lyka na mama niya.
"G-garnet? JB?" Gulat na saad ni Snow pagkababa niya sa tricycle
Hindi ko na mapigilang umiyak habang hawak ni JB ang magkabilang braso ko para alalayan.
"Sorry..." Nangingiyak na sabi ni Snow
Niyakap ko si Snow habang pareho kaming umiiyak. Ang mga buhok niya, halos makalbo na. Naka sumbrelo siyang itim at ang kanyang mahaba at magandang buhok at masyado ng manipis. I can't.
Kumalas ako sa yakap habang patuloy na umiiyak.
"Uhm. Sorry kung hindi namin sinabi sa'yo yung sakit ni Snow. She don't want you to be worried." Pagpapaliwanag ni tita "At kapag gusto niyong puntahan si Snow, wag na kayong pumunta ng bahay, sa ospital na lang kayo dumiretso. We're here to get her things at babalik agad kami sa ospital."
"Bakit jo?" Tanong ni JB
"She need to stay in the hospital. Para kapag may nangyaring emergency, hindi na kami mahihirapan na magpa balik-balik." Pagpapaliwanag ulit ni tita
"Sorry." Paghingi ng tawad ni Snow at humagulgol na ng tuluyan
*~~~~*~~~~*
1 month later
On the way ako sa ospital ngayon. Nagpaalam ako kay JB na bibisitahin ko muna si Snow ngayon. Unluckily, may project sila ng group mates niya kaya hindi niya ako masasamahan. Bukas na kasi ang deadline kaya nag hahabol. Tsk.
Kumatok ako sa kwarto ni Snow tsaka pumasok. Nanonood lang siya ng t.v nung naabutan ko siya. Busy din kasi parents niya sa work kaya madalas siyang mag-isa dito.
"Oh. Buti naman nandito ka na." Pagbati niya sa'kin with a smile in her face and she hugged me. Hindi mo iisiping may sakit siya dahil naka-wig siya na kagaya ng totoong buhok niya, at para hindi ito malaglag, pinapatungan niya 'to ng gray beanie.
"Yah! Busy masyado sa school. Di ko nakasama si JB kasi ngayon lang nila ginagawa yung group project." Sabi ko habang inaayos ang mga pagkaing dala ko para sa kanya "Oh eto. Orange. Kainin mo."
Inabutan ko siya ng orange at umupo sa sofa ng kwarto niya habang pinapanood siyang kumain. Hanggang ngayon nakangiti pa rin siya na parang walang nangyari, na parang wala siyang sakit. I salute this girl.
"AAAAAHHHHHHHH!!!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa labas, boses lalaki ito.
"Wag mo nang intindihin yun, si Kurt yun. Araw-araw naririnig ko yun dahil lagi siyang tinuturukan ng gamot. Halos lahat ng nandito eh kinukulit niyan. Ang isip bata nga eh. Eh kasing edad ko lang naman. Tsk." Snow
"Ano naman ang sakit niya?" Tanong ko
"Lung cancer." Tipid niyang sagot at napatango na lang ako
"Sige, pakabusog ka ah."
*~~~~*~~~~*
"Ma-una na ko ah. Balikan na lang kita dito. Bye." Sabi ko at nagyakapan kami ni Snow. Pero paglabas ko, sinalubong ako ni tita Lyka
"Oh. It's good that you're here. I want to talk to you." Tita
"Sige po." We took a sit first "Bakit po? Ano po yun tita?"
"Can I ask you a favor? For Snow." Tanong ni tita at tumango ako
"Pwede bang hiwalayan mo si JB?" Nagulat at na-inis ako sa sinabi ni tita
"H-hindi naman po tama yun!" Pagrereklamo ko
"Hija ganito kasi yan. May gusto si Snow kay JB at gusto ko na bago mamatay si Snow ay maging sila ni JB."
"Tit--"
"Tita nandito po si Snow?!" Nagulat kami ng may lumapit sa'ming binata na lalaki. Mga kasing edad ko lang siya.
"Pwede ba Kurt! Nagpapahinga si Snow!" Galit na sigaw ni tita at napakamot sa batok ang lalaki sabay balik sa kwarto niya. I guess he's Kurt.
"Tita hindi mamamatay si Snow!" Pagtutuloy ko sa dapat eh sasabihin ko kanina
"May taning na ang buhay niya, Garnet. Please, para kay Snow. You love her right?" Saad ni tita
Hindi ko kayang tumagal sa ganong sitwasyon kaya dali-dali akong umalis.
No. Hindi ko yun gagawin dahil mahal ko si JB, mahal ko si Snow. Pareho ko silang mahal at alam kong naiintindihan ni Snow na mahal namin ang isa't-isa. At hindi mamamatay si Snow. Malakas siya, kaya niyang mabuhay. She has a strong faith in God, at walang titibag dun.
Nagulat ako ng may nag text sa'kin.
Tita Lyka: Text me if you already decided
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top