4: Rain


Rain

Garnet

Uwian na namin ngayon, kasabay ko si Snow paalis ng room. Si JB naman, hindi kumikibo kanina pag katabi ko tas pag break time hindi ko makita. Tss.

"Talaga ba makulit si JB? Grabe." Di makapaniwalang reaksyon ni Snow sa mga kwento ko

"Pero sabi niya, hindi siya ganun kahit sa bahay lang siya." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan

"Weird." Snow

"Miss Garnet Symphony Declafera!" May tumawag sa'kin mula sa likuran namin ni Snow

"J-JB?" Snow

"Sumama ka sa'kin." Utos niya

"Teka ihah--"

"Kaya na ni Snow sarili niya." Sabi ni JB at nginitian si Snow at hinatak ako. Bwiset na lalaking 'to oh.

Sumakay kami sa kotse niya at dinala sa isang park na katapat lang ng bahay nila. What the hell?

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang naka-upo sa isang bench. Kanina pa kasi kami naka-upo pero nakatingin lang siya sa mga batang naglalaro.

"I miss being a kid. Yung tuhod lang yung nasusugatan at hindi puso. Yung wala ka pang pakealam sa nakapaligid sa'yo. Yung hindi pa ko marunong magalit. Yung panahong buo pa yung pamilya namin." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa mga bata. Nakaramdam ako ng lungkot.

"Ako din eh. Na-miss ko si papa. Bata pa ako nang mamatay siya, at simula nun, sobrang busy na ni mama sa trabaho at wala na siyang oras para sa'min ni ate." Sabi ko "Tara. Bili tayo dirty ice cream."

Hinatak ko naman siya papunta dun sa ice cream vendor at bumili ng tig-sampung piso.

JB

"Oy, libre mo." Sabi niya sa'kin

Aba ayos din 'tong babaeng 'to ah!

"Ikaw nag-aya ako magbabayad?" Inis kong sabi

"Ganun talaga. Sige na naghahantay si kuya oh." Pang-aasar niya

Ah, akala niya siya lang marunong mang-asar ah. Ako din.

Kinuha ko ang natitira kong singkwenta pesos at binayad yun sa vendor.

"Keep the change." Sabi ko sa vendor at tiningnan ng nakakaloko si Garnet

*~~~~*~~~~*

"Uwi na tayo. Mukhang uulan." Aya ko sa kanya pagkatapos naming kumain ng ice cream

"Uy wala na akong pera. Ang layo ng bahay ko. Hatid mo ko."sabi niya

"First of all wala na rin akong pera. Second, na sa bahay yung kotse ko at wala nang gas. Mag lakad ka mag-isa mo hindi kita ihahatid." Umpisa ng pang-aasar ko. Nakita ko sa mukha niyang asar na asar siya at parang alam niya na kung bakit ako may pa keep the change.

"Kaya pala may keep the change eksena ka kanina. Nice." Sabi niya habang nakapamewang. Pero biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at nabasa kami at ang mga uniform namin. Kung kelan na sa gitna ng park oh!

Pinang talukbong ko sa aming dalawa ang jacket ko at tumakbo kami sa bahay.

"Maligo ka at magbihis. Tutal andiyan naman lagi yung mga damit na dapat mong gamitin kapag nandito ka (yung binili ni JB para kay Garnet) yun yung suotin mo." Paalala ko sa kanya nang ihatid ko siya sa kwarto niya at nagtungo naman ako sa kwarto ko

I'm still confused. Why am I acting so protective and caring to her? This is the only time na naging ganto ako sa babae except kay mom. Kahit sa ex ko hindi ako ganito ka protective at caring. Tss. Never mind.

Garnet

Nandito ako sa higaan ko habang sinusuklay ang buhok ko. Naligo na ako at pinapatuyo ang nabasa kong uniform. Ang suot ko ay white na pajama at long sleeve na binili niya sa'kin kahapon.

Geez! Ang ginaw! Dito ako matutulog so kailangan kong gumising ng maaga bukas para maka-uwi at pumasok. Eh paano na lang kung umuulan pa rin bukas? Hay. Bahala na nga.

Bigla akong napa sigaw nung kumulog at kumidlat. Nag brown out pa ata shemay!

Biglang kumatok si JB sa pintuan at pumasok. May dala siyang flashlight.

"Okay ka lang?" Tanong niya at umupo sa tabi ko

"O-oo. Ka-kaya lang hi-hindi ako ma-makatulog." Utal-utal kong sagot dahil sa takot at sa ginaw

"Dun ka na lang kaya sa kwarto ko matulog. Kita kasi ang liwanag dahil bukas ang poste sa labas. Tabi tayo." Sabi niya

"H-ha? S-sure k-ka?" Utal kong tanong

"Wag ka nang mahiya. Don't worry. Di kita re-rape-in." Sabi niya at hinatak ako papunta sa kwarto niya

Naka-sando siya na black at short na black na hanggang tuhod din. Ang lamig pero naka-sando? Iba trip ni koya ah.

Humiga ako sa higaan at nagkumot. Humiga naman siya sa tabi at inakap ako. Pumapalag ako dahil nahihiya ako pero ayaw niya.

"Kahit nakakumot na malamig pa rin, kaya yayakapin na lang kita para hindi ka ginawin. Ganito kasi ginagawa ni mama nung bata ako." Sabi niya sa'kin "Tulog na." Dahil sa inaantok na rin ako, hindi na ako nakapalag at natulog na lang.

JB

Naramdaman kong tulog na si Garnet. Hay nako. 'Tong babaeng 'to, masyadong matatakutin at ginawin. Nung kumulog at kidlat kanina natakot ako sa sigaw niya. Ang lakas, na sa kusina ako pero dinig na dinig ko. Pag talaga meron akong sakit sa puso kanina pa ko patay.

Pero bakit ko nga ba 'to ginagawa kay Garnet? Hoy JB sumagot ka! Ay wag na, mukha akong baliw.

Maybe dahil concern ako sa kanya? And naging mabait naman siya sa'kin. I should treat her as a friend. Since lagi na naman kaming magkakasama eh.

Sa buong buhay ko, kakaiba si Garnet. Makulit siya sobra. Masungit din pero may malasakit sa kapwa. May mga bagay na ginagawa niya para sa sarili niya, at the same time, para sa ibang tao.

If I were her, hindi ko siguro kakayanin lahat ng responsibilidad niya. It's too hard to do those things, pero matapang siya, malakas siya. Unlike me, I'm weak, very weak. Lahat ng bagay, sinusukuan ko agad. Pero dahil kay Garnet, unti-unti akong lumalakas. Unti-unti akong umo-ok. Ewan ko kung may ginagawa siyang magic pero, ayoko siyang mawala sa'kin. She makes me feel stronger, again.

Nung hindi ko pa siya kilala, parang mamamatay na ako. I don't know the meaning of my life. I don't care about everything. Pero nung dumating siya, nagbago bigla. It's Thursday today and ilang araw ko pa lang siyang nakikilala. I should distrust her, pero I can't. I wish I am like her, strong.

Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinikit ang aking mga mata para matulog.

I don't want to let her go.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top