3: JB
JB
Garnet
"Hoy ikaw gumising ka na may trabaho ka pa!"
Paulit-ulit na sigaw ng lalaki ang naririnig ko sa kwarto ko at hahatakin pa ang kumot at yakap kong unan. Bakit ba kailangan kong gumising? Trabaho? Wa--
"MISS GARNET SYMPHONY DECLAFERA BABANTAYAN MO PA PO AKO! SI JOHN BENEDICT REEZZER!" Pakshet! Oo nga pala!
Napabangon ako bigla sa sigaw niya at nakita ko si JB.
"Hahahahaha!" Napakalakas ng tawa niya dahil sa itsura ko
"Ano pong kailangan niyo alaga ko?" Napatigil siya sa sinabi ko pero nakangiti pa rin siya
"Maligo ka na at ayusin mo yang itsura mo. Tapos pumunta ka sa kwarto ko at hatiran ako ng almusal. Damihan mo ah. Wag kang aalis mamaya hanggang hindi kita pinapa-alis. Alas-otso na, oras na ng pagkain ko." Sabi niya at lumabas ng kwarto ko. Dapat talaga matuto na akong mag-lock lalo na nasa ibang bahay ako. Bwiset na buhay 'to. Matapos ko siyang awayin kagabi, ganito niya ako tratuhin. Wow.
Naligo na ako at nagbihis. Inayos ko ang itsura ko para hindi ako pagtawanan nung galunggong na yun.
Gaya din ng sinabi niya, bumaba ako sa kusina at naghanda ng pagkain niya. May mga pagkain ng nakahain tulad ng ham, hotdog, at kanin. Pero ano daw? Damihan ko pagkain niya? Eh kung ganon siya katakaw paano siya ganon ka fit? And like duh! Napaka-tangkad niya to the point na hanggang dibdib niya lang ako. Tsk.
Nilagyan ko ang plato ng apat na ham at hotdog at tatlong sandok na kanin. Tinimplahan ko din siya ng kape. Nilagay ko ito sa tray at umakyat sa kwarto niya.
Nilapag ko muna ang tray sa lamesa na nasa labas ng kanyang kwarto at kumatok.
"Pasok!" Sigaw niya at pumasok ako dala ng tray
Pagpasok ko naman, wala naman siya. So ano yun? Multo? Baka niloloko lang ako ng galunggong na yun.
"JB na saan ka? Iwan ko na lang sa higaan mo yung pagkain mo!"sigaw ko
"Wag kang aalis! Mag-stay ka muna habang di pa ko tapos." Sigaw niya. Ah so na sa banyo siya. Bakit mag stay ako? Namern oh!
Umupo muna ako sa higaan niya at pinagmasdan ang kwarto niyang napakagulo. Hindi ko tuloy alam kung ano yung malinis o marumi. Tapos yung ibang boxers naka-kalat. Hay nako naman 'tong lalaking 'to.
Lumabas siya ng banyo ng naka topless at may naka taling tuwalya sa bewang niya. Basa pa siya at ang buhok niya, halatang bagong ligo.
Inilayo ko ang tingin sa kanya at napangiwi. Hindi ako sanay na nakakakita ng lalaking fit na topless. Kadalasan kasi ng nakikita ko eh malalaki tiyan dahil sa lumaki ako sa squatters area. Eh si JB, wala siyang abs pero malapit nang magka-abs kasi sobrang fit nung tiyan niya, tapos maputi din siya, maganda pa ang hubog ng katawan.
Nagulat ako ng lumapit siya sa harapan ko at nagka eye-to-eye kami. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ma-magbihis ka nga!" Sigaw ko at iniwas muli ang tingin ko sa kanya. Pumunta siya sa cabinet niya at may kinuha pero bumalik ulit siya sa harapan ko.
"Nakalugay na buhok, black shirt, white short-short at pink slippers?" Bigla niya akong hinagisan ng black na pajama sa mukha
"Pumunta ka sa CR at magpalit ng pajama. Napaka-iksi ng short mo eh alam mo namang wala ka sa bahay niyo at may lalaki kang kasama. Mag-ingat ka sa susunod. Alam kong kaya mong makipag basag-ulo pero kahit na, may lalaki pa din." Sabi niya at hinatak ako papuntang banyo at sinara ang pintuan "Sa kwarto ko ako magbibihis. Kakatok ako kapag tapos na akong mag bihis." Iniwan niya ako sa banyo na nakatulala.
Tiningnan ko ang short ko at na-realize kong may point siya. Hay nako. Pero sa mga lalaking kilala ko, siya lang yung ayaw makakita ng babaeng naka-short. Hindi sa pagmamayabang pero matangkad, maputi at makinis ako lalo na ang legs ko. Nagmukha lang talaga akong maliit sa kanya dahil sobrang tangkad niya.
Nagpalit na ako ng pajama at sakto naman ang pagkatok niya kaya lumabas na ako ng banyo. Nakita ko naman siya sa higaan niya na naka-upo sa gitna at naka sando na blue na medyo maluwag sa kanya at short na hanggang tuhod. Kita pa rin ang muscles niya. Ka-inggit, wala akong muscles :<
"Saan libing?" Biro niya
"Sa kwarto mo." Sagot ko
"Loko."sabi niya "Upo" utos niya at ti-nap (tap) ang left side niya
Umupo ako. Humarap siya sa direksyon ko at umusod ng konti patalikod at inilagay ang tray sa gitna naming dalawa.
"Sa'kin ka humarap." Utos niya ulet -__-
"Sabay tayong kakain." Sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bahagya naman siyang natawa sa reaksyon ko.
"Nagulat ka ba? Nagtataka o natatae?" Biro niya at tumawa ulit "Sabay tayong kakain. Tingin mo ba mauubos ko yan? Hindi ako patay gutom 'no!"
Kinuha niya ang kutsara niya at sumandok ng kanin at hotdog at itinapat sa bibig ko.
"Anong gagawin ko diyan?" Inis kong tanong
"Baby say aahh!" Biro niya at tinaasan ko siya ng kilay, dahilan para ngumiti siya "Kumain ka o isang buong araw kitang hindi pakakainin?"
Sinubo ko na lang ang pagkain dahil wala akong magawa.
"Good girl." Sabi niya at tinapik ang ulo ko
"Pwede ba, hindi ako aso."
*~~~~*~~~~*
"Wow naman Garnet! A-ayaw-ayaw ka pa kanina tas ako naman inubusan mo. Hanep!" Hindi makapaniwalang sabi ni JB at humiga. Hinatak niya ako dahilan para mapahiga ako sa tabi niya.
"Laro tayo." Siya
"Anong laro?" Tanong ko
"Ma-iba. Rock paper scissors at kung sino matalo, siya una."
"Unang ano?" Tanong ko. Gulo naman netong lalaking 'to
"Pag ikaw natalo, may itatanong or ipapagawa ako sayo, kailangan mong sagutin o gawin. Tapos ako next, tapos salit-salit." Sabi niya. Ah, madali naman pala.
Umupo ulit siya at pina-upo ulit ako.
"Bato-bato-pick!"
Bwiset talo ako -__-
"Okay so miss Declafera, tell one secret about yourself." What?! "Yung kaya lang naman." Sige, yung alam na lang ng mga kakilala ko
"Hmm. Since alam naman 'to ng ate ko at ni Snow, sabihin ko na rin sa'yo. Naging tibo na ko dati. Nagka girlfriend din ako pero sandali lang. And virgin pa ako at yung lips ko. At ngayon, babae na po ako pero boyish." Sabi ko. Halata naman ang gulat sa mukha niya at napatawa ako.
"Ikaw naman." Ako "Tell me one secret about yourself."
"I hate love. I hate everything that hurts me. Love, trust, and humans." Huwew.
"So ikaw ulet." Siya "Paano mo nasabing pareho tayo ng nararanasan?"
"Simula nung mamatay si mama at naghirap kami sa buhay ni ate lalo na nung hiwalayan siya ng sunog niyang asawa, akin na lahat ng responsibilidad. Ang magtrabaho, tulad nito. Nung nakipag hiwalay sa'kin yung ex boyfriend ko, wala eh ampanget kasi tapos lolokohin ka, ang lakas ng trip. Pero after one year siguro, dumating ako sa point na nakaramdam ako ng manhid, ng lungkot. Natakot ako na maging masaya dahil pakiramdam ko pagkatapos nun malulungkot nanaman ako. Naapektuhan ang pag-aaral ko, lahat. Pero ngayon, sinusubukan kong labanan. Alam ko kasing may umaasa sa'kin eh. Yes, sinubukan kong magpakamatay dati, always. Pero iniisip ko si ate, yung pangarap ko, yung pinaghirapan ko, at alam kong magagalit si Lord eh. Si Lord nga lang yung andyan, gagalitin ko pa." Sabi ko "Kaya ikaw, tama na pagpapakamatay. Puno man ng problema ang buhay, manalig ka sa Diyos at gagabayan ka niya."
"Ikaw, bakit ka naging depress and suicidal?" Tanong ko dahil turn na niya
"It all starts nung hiwalayan ni dad si mom. I started to distrust humans. Pero nabago yun ng isang babae na akala ko tanggap ang katauhan ko, yun pala, katulad siya ng iba. Manggagagamit, manloloko, at mukhang pera. Wala ang salitang love sa vocabulary ko. Same with trust." Ay. Pak! Ang harsh ni kuya
"Okay. Next question for you is..." Siya "For you, what is love?" Huwew! May ganern si koya ah.
"Love? Ang love parang pana, parang deadly weapon. Kapag tinamaan ka, wala ka ng magagawa. Ang pag-ibig kasi, kapag tinamaan ka, kahit anong iwas mo, matatamaan at matatamaan ka pa din. Love never fails, JB. So when it fails, it's not love." Napatango siya sa sinabi ko
"Eh sa'yo, what is love?" Tanong ko
"Love is a poison that kills every people. You shouldn't trust humans, same with love. Cause humans use love just to play feelings." Sagot niya
"Ang harsh mo sa pegebeg!" Sabi ko at bahagya siyang napatawa "Hindi lahat ng tao manloloko. Yung iba, naloko kaya nanloloko. Yung iba naman trip lang, mema lang. Yung iba naman, mukhang pera. Pero meron pa din namang loyal eh. Para sa'kin mas okay yung maranasan mo munang masaktan, kasi sa susunod, hindi ka na masyadong masasaktan. At tsaka tao lang yan, lahat ng tao may nagmamahal. Lalo na, lahat ng tao may karapatang magmahal at mahalin." Sabi ko at nag dab
"So ano ba seryoso ba yung sinabi mo o mabilis mag function yung utak mo para makapag dab?" Sabi ni JB at natawa
"Seryoso. Pero mas okay yun diba? Hahaluan mo ng konting kalokohan yung seryosong usapan para good vibes." Sabi ko at pabirong kumindat. Napa face palm naman siya sa ginawa ko.
"Eto hindi na 'to kasama sa game. Bakit ang tahimik mo sa school pero ngayon ang kulit mo? Is it because I'm in your house?" Tanong ko
"I also don't know. Kahit naman sa bahay ako tahimik ako. I think there's something wrong since you entered this house. It made me feel better. At ewan ko pero parang sinasabi ng utak ko na you're right, yung sinabi mo sa'kin kagabi, natamaan ako ng sobra. Nahihiya ako sa gagawin kong 'to pero, sorry and thank you, Garnet."
*~~~~*~~~~*
Na sa may swimming pool kami ngayon, dito kami kumakain ng tanghalian dahil ayaw niya daw sa loob, mga tsismosa daw kasi yung ibang maids kaya ayaw niya.
"Bilisan mo kumain Garnet! Swimming tayo." Ani niya
"Teka lang ha gutom ako eh. At tsaka wala akong damit pang swimming." Sabi ko
"Kaya nga bilisan mo eh. Teka may kukunin lang ako sa taas. Pagbalik ko kailangan tapos ka na ah. Iligpit mo na din." Sabi niya at pumanik
Niligpitmko na ang pinagkainan namin at hinugasan ito. Mabilis lang ako maghugas ng pinggan dahil sanay na ako sa gawaing bahay.
Bumalik ako sa may swimming pool pero wala pa rin siya. Umupo muna ako sa inu-upuan ko kanina.
Pagbalik ni JB, hinagisan niya ako ng damit sa mukha. Yellow na maluwag na sando, short na black na hanggang tuhod ko. Anong gagawin ko dito?
"Yan na ipang swimming mo, luma kong damit yan." Sabi niya at pinagpalit ako sa kalapit na banyo. Pagbalik ko, naliligo na siya sa pool at hinatak ang paa ko dahilan para mabasa ako.
"JB!" Sigaw ko sa kanya. Ang sakit kaya sa ilong.
"Five feet lang 'to di ka malulunod." Sabi niya at lumangoy
Lumangoy din ako dahil dati akong swimmer nung mga 9-11 years old ako. I quitted because I need to focus on my studies.
"Paunahan pabalik. Ang matalo maglilinis ng pool." Hamon niya "1, 2, 3."
Lumangoy ako ng mabilis at nang marating ko yung kabilang dulo, panalo siya.
"Ah talo!" Pang-aasar niya at inirapan ko siya
"Pero joke lang, hindi ka maglilinis. Magbihis ka na sa kwarto mo, mukhang uulan. Dalhan mo ko ng meryenda sa kwarto ko. Sabay tayong magmi-meryenda." Sabi niya pag ahon namin at binigyan ako ng tuwalya. Pumanik na agad siya sa kwarto niya pagkatapos mag patuyo.
Is he so lonely na kailangan niya pa akong kasabay? Kung ako yun, I think masasanay akong mag-isa. But for him, I want him to feel na may kasama, kaya sasamahan ko siya.
*~~~~*~~~~*
Sunday na ngayon at alas-otso na. Sabay kaming bumaba ni JB sa dining hall at dun na lang daw kami kakain. As usual, ako nag prepare ng kakainin naming dalawa. Naligo na ako and I guess siya din kasi medyo basa pa yung buhok niya.
I'm wearing white long sleeve na maluwag, white jogging pants and my pink slippers. Kagabi kasi, sinunog lahat ni JB yung mga short kong sobrang iksi at binigyan ng mga luma niyang jogging pants and pajama, binigyan niya din ako ng mga short na hanggang tuhod. He' over protective ah.
"JB, simba tayo." Aya ko
"Simba? Mall na lang." Siya
"Bakit di ka magsisimba? Magsimba ka tsaka ka mag-mall." Saway ko
"Nope. Mamaya pagkatapos mong kumain magbihis ka, pupunta tayo sa mall. Pantalon at t-shirt ang suotin mo ah." Sabi niya at umalis na. What the hell! Bakit ayaw niyang magsimba?
*~~~~*~~~~*
Nandito na kami sa mall at naglakakad lakad pa. Ang laki ng mall at sobrang sakit na ng paa ko pero wala pa kaming napupuntahan. The hell!
"Saan ba tayo pupunta? Ang sakit na ng paa ko oh." Sabi ko. Hinatak niya naman ako sa isang shop kung saan maraming long sleeve, t-shirts, jacket at pajama. I know what he thinks.
Pinaupo niya ako sa isang tabi at namili ng long sleeve, pajama at jacket. Nagdala siya ng white, black at light blue na kulay ng pajama, long sleeve at jacket sa counter at binayaran. So bumili siya ng damit na pambabae at siguradong para sa'kin yun. Without my permission huh? Tss.
Lumapit siya sa'kin at inabot yung isang plastic bag kung saan nakalagay yung pinamili niya.
"Bitbitin mo. Gamit mo yan." Sabi niya at kinuha ko ang plastic bag. Hinatak niya naman ako sa bilihan ng mga sapatos. Bibilhan niya din ba ako ng sapatos?
Pinaupo niya ulit ako sa isang gilid (yung mga upuan sa mga bilihan ng sapatos) at may kinuha. Binigyan niya ako ng white at red na tsinelas at black, gray and white na rubber shoes.
"Sukatin mo yan." Utos niya at nagsukat din siya ng sapatos sa tabi ko. Ayos ang size sa'kin ng sapatos kaya binili niya ito para sa'kin. Binili niya din yung sapatos na sinusukat niya kanina. Buti this time, siya naman nagbitbit.
"Saan na tayo?" Tanong niya at tinuro ko naman yung isang kainan
*~~~~*~~~~*
"Hoy pang ilang extra rice mo na yan?" Tanong niya. Kanina pa kasi siya tapos kumain samantalang ako, extra rice ng extra rice, ang sarap nung manok eh!
"Okay na, ubos na yung manok eh. Wala namang extrang manok." Sabi ko at hinatak niya ako papuntang kotse
Habang bumabyahe, sobrang traffic.
"Sige, matulog ka na muna."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top