10: For Snow
For Snow
Garnet
Nandito ako ngayon sa bahay namin nila ate. Naka-upo sa higaan ko. Thinking about tita Lyka's favor. Should I do it? Or not? Ay nako nababaliw na ko!
Hawak ko ang basket na puno ng prutas na dadalhin ko kay Snow. Balak ko sanang puntahan siya kaya lang nagpapahinga daw siya dahil kaki-chemo niya lang.
Nagulat ako ng mag-ring yung cellphone ko, nakita ko naman na lumitaw ang pangalan ni JB sa screen. Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello?" Sagot ko
[Psst. Na saan ka na? Magkikita tayo ngayon sa McDo diba? Sunduin pa ba kita?]
Ay pakyu! Oo nga pala! Ka-iisip ko sa favor nakalimutan ko na si JB. Ang sama ko!
"Oo nga pala. Sorry. Sige punta na ko." Sagot ko
[Ingat! I love you!]
"I love you too." Sabi ko at in-end call na ang tawag
Tumayo na ako at sumakay ng tricycle papuntang McDo. Pero habang na sa biyahe, tinext ako ni tita Lyka.
Tita Lyka: Garnet, please. For Snow.
*~~~~*~~~~*
Na sa McDo na ako ngayon. Na sa banyo at iniisip pa rin si Snow at yung favor. Nako! Maloloka na ako ah! Nung bata ako prinoproblema ko lang yung nalaman kong pagpapatuli sa babae ng muslim, ngayon si Snow naman! Lord help me please. Pareho ko silang mahal at hindi ko kayang iwan ang isa. Tsk tsk tsk.
Lumabas na ako sa banyo at bumalik sa table namin ni JB.
"Wala ka bang naaalala ngayon?" Tanong niya ulit at nag-pout
"A-ano bang meron?" Tanong ko
"Garnet, it's our fifth monthsarry! Ngayon mo lang nakalimutan ang monthsarry natin ah. Bakit? May problema ba?" Sagot niya. Natameme naman ako nun. Tanga tanga mo Garnet! Wala kang kwentang tao! Napahawak ako sa ulo ko. Pinipigilan ko ang luha na gustong pumatak. Waaahh! Hate ko na yung Earth! Pero syempre joke lang 'no.
"Garnet?" Nag-aalala niyang tanong
"Sorry..."tanging nasambit ko
Sorry JB, but I have to do this.
"Okay lang. Tahan na." Hindi ko napansing umiiyak na pala ako
"No. I'm sorry, JB..." Sabi ko
"Sorry? Bakit ba?" Tanong niya, halatang naguguluhan siya, kasi maski ako, naguguluhan, hindi ko alam ang gagawin ko.
"I-I'm breaking a-up w-with you." Sabi ko at tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha sa aking mga mata
"Wha-what? Joke lang yun diba? Pagod ka lang. Pareho tayong pagod Garnet. Ano gusto mo? Gusto mo ba ng isang drum ng fries? Meron ka ba? Bibilhan kita ng napkin. Ano?" Ani niya na parang naluluha na
"No. JB seryoso ako." Sabi ko habang umiiyak. Hindi niya rin maiwasang maiyak sa mga sinabi ko. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya dahil parang nadudurog ang puso ko kapag tinitingnan siyang umiiyak.
"I don't need anything but you, understand? You wouldn't know this but it's your existence, that keeps me breathing. Because of you the world feels different to me. Please be my sky. Please be my guidance. Please, stay, Garnet." Pagmamakaawa niya habang umiiyak at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko
"JB, I'm not doing this for myself. I'm doing this for us. I'm letting you go. I love you, goodbye." Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa kamay ko at dali-daling umalis. Ayoko siyang makitang nagkakaganun, nadudurog ako. Sorry, hindi ko sinasadya.
Nagpunta ako sa ospital para dalawin si Snow, pero hindi ko pala dala yung mga prutas. Tanga tanga! Engot! Bobo! Gaga!
Nag stay muna ako sa cafeteria ng ospital at nagpahinga. Gusto ko munang ipahinga yung utak ko sa nangyayari sa buhay kong napaka-gulo. Arrggghh!
"Ikaw ba si Garnet?" Nagulat ako ng biglang may kumausap at umupo sa kaharap kong upuan. Tumango ako bilang sagot.
"Malungkot ka ba?" Tanong niya at hindi ako naka sagot "Mukha nga. Hehe."
"By the way, ako nga pala si Kurt." Sabi niya at ngumiti. Kurt? Kaya pala familiar! "Kilala kita kasi na-kwento ka ng best friend mong madaling nakalbo." Natawa naman ako sa pag describe niya kay Snow
"Yon! Napatawa kita!" Sambit niya "Pipe ka ba?"
"Hindi. Wala lang ako sa mood." Sagot ko
"Ah. Pupuntahan mo ba si Snow?" Tanong niya at tumango ako habang pilit na ngumiti "Lika, hatid kita. Madadaanan ko naman yung kwarto ng kalbong yun eh."
Tumayo kami at sinundan ko siya. Cute naman si Kurt eh, matangkad, maputi, kaya lang naka gray beanie siya. Tingin ko, nakalbo na rin siya.
"Kurt." Tawag ko sa kanya "Ilang taon ka na ba sa ospital na 'to?"
"Hmm, mag two years na. Pero yung cancer ko, three years na. Sa sobrang kulit ko lang, nalipat ako dito." Sabi niya at bumunting hininga
Ng makarating kami sa kwarto ni Snow, iniwan ako ni Kurt at bumalik na sa kwarto niya.
"Ba't kasama mo yung monggoloid na yun?" Inis na tanong ni Snow
"Ah, hinatid niya lang ako." Sabi ko at umupo sa sofa niya
"Oh? Umiyak ka ba? Anong meron? Bakit?" Tanong niya pero ngumiti lang ako and I shook my head.
"Nalimutan ko yung mga prutas na dadalhin ko para sa'yo. Masyado akong nagmadali, sorry." Sabi ko sabay ngiti
"Napapansin ko, this past few days, masyado kang napapraning. May problema ka ba Garnet? Wag kang mag-alala andito lang ako." Sabi niya
"Ah. Wala. Masyado lang busy sa school. Tsaka hindi na kita nakakasama sa school." Palusot ko
"Sure?" Paninigurado niya at tumango ako "Wag ka masyado pa stress bes. Take stresstabs!" Sabi niya at ginaya pa ang commercial. Natawa naman ako ng bahagya sa ikinilos niya.
"Close kayo ni Kurt 'no?" Pag-iiba ko sa usapan
"Ah. Yung monggoloid na yun? Oo. Apat na silang kaibigan ko dito, si Kurt lang talaga yung laging nandito para guluhin ang buhay ko." Sagot niya
"An--" naputol ang sasabihin ko ng mag-ring ang phone ko. Si tita Isabelle, tumatawag. Am I already late?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top