1: Offer
Offer
Garnet
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa classroom. Malamang at hinihintay na 'ko ni Snow. Bessy ko. Gara naman kasi ni ate! Late tuloy ako. Pero hayaan mo na. Kesa naman lamukin ako habang flag ceremony. Tsk.
Nakarating na ako sa classroom at binuksan ang back door. Mas pinili ko ang back door para hindi nakakahiya.
"Good morning ma'am!" Sabi ko sabay ngiti dahilan para taasan ako ng striktong matabang gurong 'to
"Why are you late miss Garnet Symphony Declafera? Tanong ni ma'am. Ay talagang binuo yung pangalan ko ah! Pwede naman Declafera na lang, sipag ni ma'am ah!
"Yung ate ko po kasi nagpatulong mag-alaga ng mga junakis niya. That's all thank you." Sabi ko at umupo sa proper seat ko. Nakita ko naman ang pag-irap ng matabang guro namin. Tsk. Kala mo naman ikinapayat niya yun. Hay nako!
At eto nanaman ang panibagong araw ko na kasama ang lalaking akala mo tinahi ang bibig at hindi nagsasalita. Si John Benedict Reezzer or should I call JB.
Kapag kinausap mo siya ang sungit naman. Pogi sana eh, matangkad, maputi , matalino at talented, maganda din sana ang boses kaya lang hindi talaga nagsasalita. Di ko nga alam paano naging top one yan eh.
*~~~~*~~~~*
"Bakit ka nga late kanina Garnet?"tanong ni Snow pagtapos ng klase
"Kulet. Totoo nga na nagpatulong si ate sa'kin. Naghiwalay kasi sila ng asawa niya kagabi, kaya ayun, si Margaret iyak ng iyak eh, hinatid niya pa sa school pareho, tas yung three months old iniwan sa'kin. Bwiset nga eh." Sabi ko
"Ba't di ka na lang kasi mag dorm? Since may dorm naman ang school at wala akong ka-roommate, ikaw na lang." Sabi niya naman
"Eh hindi ko naman pwedeng iwan si ate. Siya na nga lang mag-isa iiwan ko pa." Sagot ko "McDo tayo. Lika."
"Teka, hintayin mo ko sa guard house may kukunin lang ako sa dorm." Sabi niya sabay takbo papuntang dorm niya. Naglakad naman ako papuntang guard house.
Bago ka makapuntang guard house, may locker room, at sa likod nun, bodega. Nag locker muna ako dahil sa quiz bukas. Pero may naririnig akong kaluskos sa bodega. Ano yun? Multo? Pero dahil curious ako, pumunta ako sa bodega at binuksan ang pinto. Pero hindi multo ang nakita ko. Tao na may hawak na maliit na bubog at nakatapat sa kanyang pulso. Maglalaslas siya. Si JB.
Pero huli na ako. Pag bukas ko ay nakita niya ako at naglaslas siya. Lumabas ako at nagpunta ng guard house at humingi ng tulong.
*~~~~*~~~~*
Na sa ospital kami ngayon ni Snow at hinihintay ang magulang ni JB.
Ayos na naman ang lagay ni JB, hindi kalaliman ang sugat pero hindi pa siya nagigising. Hindi na kami pumasok sa kwarto niya at sa labas na lamang.
"Bessy, bili muna ako pagkain sa baba. Gutom na is me eh." Sabi niya at tumango ako at bumaba siya
Bakit kaya naisipan ni JB magpakamatay? Depress kaya siya? Kung ganon ba, pareho kami ng pinagdaraanan? Pero kasi ako, nai-isip kong magpakamatay pero iniisip ko si ate at yung mga pamangkin ko, at yung pangarap ko. Siguro masyado na siyang nahihirapan.
"Excuse me. Are you Garnet?" Nagulat ako ng may babaeng lumapit sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot.
"I'm JB's mother." Sabi niya at nakipag shake hands "Thank you for saving my son."
"Walang anuman jo." Sabi ko at ngumiti. Umupo siya sa tabi ko.
"Alam mo ba hija na pang-apat na attempt niya na 'to?" Nagulat ako sa sinabi niya "Hindi ko na alam ang gagawin sa batang 'yan. Ilang maids na ang ini-hire ko para bantayan siya pero nakaka-pagpakamatay pa rin siya."
"Siguro po, kailangan niyo po siyang ipa psychiatrist, kasi po baka depress siya. Depression is really hard tita." Sabi ko
"I already did that, pero tinatapon niya yung gamot niya at hindi iniinom. Kahit nga yung gamot eh ginawa niyang way para magpakamatay." Sabi naman ni tita, loko talaga yun.
"Garnet, can I ask you a favor?" Tanong niya at napatango ako "Pwede bang bantayan mo ang anak ko sa school and pag weekdays bantayan mo din siya sa bahay. Masyado akong busy at hindi ko siya mababantayan. I promise, babayaran kita every week kahit magkano."
"Pero busy din po ako sa school. At tsaka po hindi ko po kailangan ng pera niyo." Sabi ko
"Pero kailangan ka ng anak ko, Garnet. Please." Sabi niya
"Pag-iisipan ko po muna." Sabi ko at tumayo "Ma-una na po ako." Kinuha niya ang kamay ko at may binigay sa'kin
"Kung sakaling nakapag desisyon ka na, ayan ang number ko." Sabi niya at tuluyan na akong umalis. Sakto naman at nakasalubong ko si Snow sa baba at umuwi na kami
*~~~~*~~~~*
Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ni ate. Naka-upo ako sa sala at nanunuod ng TV. Na sa taas si ate nagbabantay ng mga junakis niya. Bakit kasi maaga kaming iniwan ni mama at papa? Tsk.
Namatay si mama dahil sa heart attack nung malamang buntis si ate. At si papa, bata pa lang ako deds na talaga siya. At ang malas kasi ako pa ang naging kapatid netong Emerald Sunshine Declafera. At bakit nag-asawa ng maaga 'tong ate ko eh wala namang poreber! Ayan! Nag hiwalay!
"Babaeng burda! Kanino 'tong number? Nahulog nung nagliligpit ako ng bag mo eh." Sabi ni ate. Paktay! Yan yung number nung mama ni JB. Eh ayokong ikwento kay ate kasi sure na pipilitin niya ko.
"Kay Snow yan." Palusot ko
"Alam ko number ni Snow. Kanino 'to?"
"Sa adviser ko." Palusot ko ulit
"Alam ko number ng adviser mo."
"Kay tito Myke." Palusot ko
"Dinamay mo pa si tito. Alam ko din number niya. Kanino?"
"Sa isa kong kaklase."
"Sige ah tata--"
Bago pa niya tawagan ay kinuha ko na ang card at tinago.
"Oo na. Hindi na sa kanila 'to!"
"Kanino yan?" Tanong niya
"Sa nanay nung kaklase ko. Ino-offeran ako ng trabaho."
"Anong trabaho?" Tanong niya at umupo sa tabi ko
"Yung kaklase ko kasi, depress. Suicidal. Bantayan ko daw kahit sa school tas kapag weekdays sa bahay nila. Babayaran daw ako every week kahit magkano." Sabi ko
"Um-oo ka?" Tanong niya
"Hindi pa."
"Gaga!" Sabi niya sabay batok sa'kin "Bakit di ka pa um-oo?!"
"Eh bakit ako o-oo?"
"Garnet makinig ka sa'kin. Gipit na tayo masyado sa pera! Kung hindi dahil sa scholarship mo alam mong hindi ka na makakapag-aral. Mauubos na din yung pang-araw-araw natin. Yung pangkain. Garnet ikaw din. Wala akong trabaho. Yung pinapadala ng asawa kong sunog eh kulang para lang sa pang-gatas nila. Paano mga project mo na kakailanganin ng pera? Hindi din naman ako makapag hanap ng trabaho dahil sa mga anak ko. Wala na akong mapagbabantayan sa kanila. Sila tito Myke hindi yun papayag for sure. Yung asawa kong sunog eh may pamilya din at may babae." Sabi niya at tiningnan ko siya ng masama
"Ayan. Anak pa!" Pang-aasar ko
"Basta pag malalaki na yang bata susubukan kong mag-abroad." Sabi niya
"Oh tas iiwan mo ko? Loko ka din ate 'no?" Sabi ko
"Matagal pa naman." Sabi niya "Tanggapin mo na yan Garnet. Trabaho na nga yung kusang lumalapit sa'yo, tatanggihan mo pa."
May point siya ah. Nag-iisip din pala si ate.
"Sige. Mawalang galang na lumayas ka sa gilid ko." Pang-aasar ko
"Tse! Maglalaba na ko. Bantayan mo sila Margaret ah." Sabi ni ate at lumabas
Malaki kasi yung bahay namin. Sa Maynila kasi kami nakatira dati, eh nung namatay si mama at papa dito na kami sa Bulacan. Sarili naman namin 'tong bahay. Eight years na din naman ang nakakaraan simula nung mamatay si mama.
Kinuha ko yung card at tinawagan ko yung mama ni JB.
"Hello?" Sagot sa kabilang linya
"Hello po. Si Garnet po ito. Papayag na jo ako sa offer niyo." Sabi ko
"Talaga hija? Magkita tayo bukas five pm sa McDo. Bye." Sabi niya at pinatayan na ako. I guess she's busy. Like what she said, hindi niya mabantayan si JB dahil sa work niya.
I wish hindi ko pagsisisihan na tinanggap ko yung offer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top