YAMTF Kabanata: 9
Mabilis lumipas ang mga araw, at mas naging matibay ang relasyon nina Raine at Icarus. Para sa iba'y masyadong mabilis ang kanilang naging relasyon, ngunit pinatunayan nila na hindi nababase sa tagal ng panahon ang tunay na pagmamahal.
Nasanay na rin si Raine sa mga usap-usapan tungkol sa relasyon nila ng binata. Hindi na niya ito binibigyan ng pansin, dahil para sa kanya wala nang iba pang mas mahalaga kundi ang mahal niyang si Icarus.
Sabado ngayon wala pasok sa eskwela, Abala si Raine sa paglilinis ng bahay nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha n'ya ito sa kanyang bulsa at saka tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makitang si Icarus pala ito, ay kusang ngumiti ang kanyang mga labi na akala mo'y may sarili itong pag-iisip. Kaya naman bago pa mainip ang kanyang kasintahan ay mabilis niyang sinagot ang tawag.
"Hello mahal." Masiglang sambit ni Raine.
"Mahal good morning, ano po ginagawa ng baby ko?" Bungad ni Icarus sa kabilang linya.
"Naglilinis lang po ako ng bahay mahal."
"Oh! I'm sorry baby, did I disturb you?"
"Okay lang, patapos na rin naman ako." Wika ni Raine.
"Are you sure baby?"
"Oo naman mahal, bakit po?" Pagtatanong pa ng dalaga.
"Uhmmm... Can I invite you later?"
"Saan naman, magpapaalam pa ako kay Mama."
"May pupuntahan lang tayo, please? Don't worry I will fetch you later para maipaalam kita kay Mama Gina." Pursigidong saad nito sa kabilang linya.
"Okay po... Basta ipaalam mo ako kay Mama ha?"
"Thank you, Baby... See you later, I love you!" Masiglang sambit ni Icarus.
"Okay po, Mahal. I love you too." Matapos noon ay agad niyang pinatay ang linya ng telepono.
Ngayon ay prenteng nakasandal si Icarus sa kanyang sasakyan, habang ang kanyang driver naman ay nasa loob ng kotse. Nagulat na lang ang binata nang biglang bumukas ang gate nila Raine at iniluwa roon ang kanyang nobya.
Halos matulala si Icarus sa simpleng ayos nito, nakasuot ang dalaga ng isang white lace blouse, na tinernuhan ng kulay tsokolateng palda na abot hanggang tuhod.
Photo CTTO
"God, thank you for giving me the best gift ever." naisambit niya sa kanyang sarili habang hindi napuputol ang tingin sa kanyang nobya. Halos matunaw ang puso ni Icarus nang ngitian siya ni Raine nang napakatamis.
Nasa ganoong pag-iisip ang binata nang biglang maramdaman niya ang pagtapik ni Raine sa kanyang balikat, "Uy mahal tulala ka, okay ka lang?" nakangiting wika ng dalaga.
"Ha?"
"Ang sabi ko po, ayos ka lang, tulala ka kasi eh." natatawang sambit ni Raine.
"I'm fine, mahal. May iniisip lang ako." pagpapalusot nito bago napahawak sa kanyang batok, dahil sa kahihiyan.
"Okay..." ani Raine saka nginitian ang kanyang nobyo.
"Let's go mahal, baka ma-traffic tayo." saad ni Icarus bago inalalayan ang dalaga papasok sa sasakyan.
*****
Halos dalawa't kalahating oras ang lumipas, bago nakarating sina Raine at Icarus sa kanilang pupuntahan. Inalalayan naman ng binata si Raine pababa ng sasakyan at dinala sa isang kilalang Coffee Shop doon.
Nang makapasok sa loob ay pinaupo ni Icarus ang dalaga, saka ito pumunta sa counter para umorder.
Habang naghihintay si Raine ay sinimulan niyang inilibot ang kanyang paningin sa paligid. Napahanga siya sa ganda ng lugar na kanilang pinuntahan.
"Wow ang ganda naman dito, napaka-relaxing ng ambiance." sambit ng dalaga sa kanyang sarili.
Photo CTTO
Aliw na aliw si Raine sa pagsipat ng buong taal lake at masasabi n'yang napaganda talaga nito. Ito kasi ang unang beses na nakapunta siya sa Tagaytay, naririnig niya ito sa mga kwentuhan dati ngunit hindi pa siya nabibigyan ng pagkakataon na makapunta rito.
"Heto na ang order natin." masiglang bungad ni Icarus saka ipinatong sa lamesa, ang isang tray na punong-puno ng pagkain.
"Salamat mahal, kaya ba nating ubusin yan?" natatawang sambit ni Raine sa kanyang kasintahan.
"Don't worry, kaya yan ng powers natin," ani Icarus saka kinindatan ang dalaga. "Masaya ba ang baby ko?" tanong nito habang hinahanda ang kanilang pagkain.
"Opo mahal, sobra! Salamat at isinama mo ako rito. Dati sa kwento ko lang naririnig ang lugar na ito, pero ngayon nandito na ako. Ako na mismo ang nakasaksi sa ganda ng taal lake. Kaya Salamat mahal." pasasalamat ni Raine sa binata.
"Mahal, basta ipangako mo sa akin na palagi kang magiging masaya ha?" wika ni Icarus bago hinawakan ang malayang kamay ng dalaga sa ibabaw ng mesa.
Nakangiting tumango naman si Raine sa sinabi nito at sinimulan na nilang kumain. Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang kumakain sa nasabing coffee shop. At nang sumapit ang gabi, dinala ni Icarus ang dalagang si Raine sa isang hotel at bago pa man tuluyang makapasok sa loob, ay piniringan ng binata ang mga mata ni Raine bago ito inalalayan papasok sa silid.
"No peeking mahal, just stay here okay." saad ni Icarus bago binitawan ang mga kamay ni Raine.
Kahit hindi naman niya nakikita ang binata, ay tumango na lang si Raine tanda ng kanyang pagsang-ayon.
Ilang minuto pa ang lumipas nang wala nang marinig na kahit ano ang dalaga, "Mahal matagal ka pa, ano po ba ginagawa mo?" sigaw ng dalaga dala ng sobrang kainipan.
Hindi pa rin sumasagot ang binata, kaya naman kusa nang tinanggal ni Raine ang kanyang piring.
Nang maialis niya ito sa kanyang mga mata, ay wala Icarus na bumungad sa nasabing silid, inilibot ni Raine ang kanyang mga mata at napakunot ang kanyang noo, nang mapansin ang isa pang pintuan sa hindi kalayuan.
Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto at nang mapagtagumpayan niya itong buksan, ay dahan-dahan niyang itinulak ito. Ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata, nang bumungad sa kanya ang silid na punong-puno ng dekorasyon.
Photo CTTO
Naglakad si Raine papalapit sa kama, para tingnan ang mga rosas na nakakorteng puso na nakalatag doon. Napangiti siya nang maaninag ang mga litrato nila ni Icarus, simula pa noong una silang naging magkasintahan, na nakasabit sa mga lobo.
Abala s'ya sa pagsipat ng mga ito, nang biglang may pumulupot na bisig sa kanyang baywang. Nagulat siya ng bahagya ngunit agad naman nakabawi nang mapagtantong si Icarus pala ito.
"Did you like it, mahal?" usal ni Icarus habang nakapatong ang baba sa balikat ng dalaga.
"Yes po mahal, ang ganda." ani Raine habang patuloy na nilalaro ang mga litratong nakalutang sa ere.
"I'm glad you liked it, happy first monthsary, baby ko." bulong ni Icarus sa tenga ng dalaga.
Napalingon naman agad si Raine sa sinabi nito, bago humarap sa kanyang nobyo, "Mahal sorry nawala po sa isip ko. Oo nga pala monthsary pala natin ngayon."
"Mahal..." tawag ni Icarus sa kanyang nobya, saka hinawakan ito sa baba para magtama ang kanilang paningin. "It's okay mahal... Alam ko naman na babago ka pa sa mga ganito, kaya naiintindihan kita okay?" pag-aalo ni Icarus sa dalaga.
"Thank you, mahal. Sorry talaga ahh?"
"Okay lang po baby ko." saad ni Icarus bago ginawaran ng isang magaang halik sa labi ang dalaga.
"Mahal, I've got something to for you, for us actually," wika ng binata bago may kinuha sa isang maliit na paperbag na nakapatong sa kama. "Here..." aniya saka inabot sa dalaga ang isang parihabang kahon.
"Mahal, sobra-sobra na po itong mga sorpresa mo sa akin." nahihiyang sambit ni Raine sa kanyang kasintahan.
"Wag mo nang alalahanin yon, baby. Buksan mo na yan, dali." ani Icarus saka ngumiti para pagaanin ang lungkot na nararamdaman ngayon ng dalaga.
Binuksan naman ito ni Raine at natuwa siya sa laman ng kahon. Isang couple necklace na may nakalagay na "Her One" at ang kabiyak naman nito ay may nakalagay na "His Only"
Photo CTTO
"Wow ang ganda naman nito, mahal." masayang sambit ni Raine.
Kinuha ni Icarus ang isang kwintas at inilagay ito sa leeg ni Raine. Ganoon din ang ginawa ng dalaga sa kanyang nobyo.
"Simula sa araw na ito Raine, ikaw na ang nagmamay-ari ng kalahati nang puso ko. Mahal na mahal kita." madamdaming pahayag ni Icarus sa kanyang kasintahan.
"Simula rin sa araw na ito mahal, ikaw na rin ang nagmamay-ari ng kalahati nang puso ko. Sa 'yo lang titibok itong puso ko Icarus wala ng iba pa." naluluhang sambit naman ni Raine sa binata.
Matapos maisambit iyon ni Raine, ay mabilis naglapat ang kanilang mga labi na punong-puno ng pagmamahal.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top