YAMTF Kabanata: 8

Madaling nakarating sa eskwelahan sina Raine at Icarus. Magkahawak kamay silang lumakad sa hallway at ang lahat ng atenson ng mga mag-aaral doon ay nasa kanila nakatuon. Maraming alingaw-ngaw silang naririnig, kaya't napayuko na lang si Raine sa sobrang kahihiyan.

Agad namang pinisil ni Icarus ang kamay ng dalaga, nang mapansin nito na lumuluha ang kanyang kasintahan.

"Ayaw kong nakikita kang umiiyak mahal, parang gusto kong saktan lahat ng taong mananakit sa'yo!" pigil ang galit ni Icarus, habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

"Ayos lang ako mahal, hayaan na natin sila." sagot naman ni Raine rito.

"Bakit ba ang bait-bait mo mahal? Kaya lalo kang napapamahal sa akin eh." malambing na turan nito bago hinagkan ang dalaga.

"Ayoko lang ng gulo, hangga't maaari titiisin ko ang panghuhusga nila sa akin. Kalaunan ay magsasawa rin sila." pambibiro ni Raine bago yumapos pabalik rito.

"Lagi mo tatandaan mahal, wala na akong ibang gusto kundi ikaw lang. Maaaring mga bata pa tayo, pero alam ko sa sarili ko na ikaw ang gusto ko." makahulugang wika nito.

"Salamat mahal, basta h'wag kang magbabago ha?" ani Raine nang humiwalay ito sa kanilang mga yapos.

"Opo mahal." saad ni Icarus bago pinisil ang ilong ni Raine.


*****


Dumaan ang maghapon, at ngayon ay nakadungaw lamang si Raine sa bintana. Abala kasi ang kanilang grupo, para sa pag-e-ensayo sa kanilang nalalapit na kompitisyon sa larangan ng pagkanta.

Hindi nakita ng dalaga si Icarus simula nang maihatid siya nito kanina, "Nasaan na kaya si Icarus, wala pa naman akong telepono para mai-text siya." nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang tawagin siya ng kasamahan niya sa singing club.

"Raine, practice na tayo!" sigaw ni Annie.

"Sige, susunod na ako."

Nang akmang papasok na ang dalaga sa loob ng Music Room, ay biglang nasilayan niya si Josh na papalapit sa kanyang kinatatayuan. Iba na ang ayos nito ngayon, hindi gaya ng dati na kung pumorma ay parang nerd. Ngayon ay lumabas ang natatagong kagwapuhan ng binata, nang tanggalin nito ang malaking salamin sa mata.

Kakausapin na sana ni Raine ito ngunit bigla siyang nilampasan ni Josh, kahit nahihiya'y nilakasan na lamang niya ang kanyang loob para tawagin ito, "Josh!" aniya na siyang dahilan para mapahinto ito sa paglalakad.

Hindi man lang nag-abalang lingunin ng binata si Raine, kaya naman siya na ang kusang humarap dito. Nakaramdam siya ng pagkahiya, dahil sa lamig ng pakikitungo Josh. Tiningnan niya ito sa mga mata, ngunit nabigo siya dahil walang ibang mababakas dito kundi blangkong ekspresyon na sing lamig ng North Pole.

"Josh..." panimula niyang bunga sa binata. Walang ganang nakatingin lang ito sa kanya, na parang naghihintay ng kanyang sasabihin. "Josh pwede ba tayong mag-usap?"

"Spill!" maikli ngunit punong-puno ng hinanakit na sambit ng binata.

"Josh, sorry kung hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol sa amin ni Icarus. Sasabihin ko naman talaga sa'yo lahat, pero naunanan lang ako ng hiya," Hindi naman nagsalita si Josh na mas ikinabahala ng dalaga. "Josh magsalita ka nama..." hindi na naituloy ni Raine ang kanyang sasabihin nang putilin ito ng binata.

"Hindi pa ako handa, masakit sa akin ang mga nangyayari sa atin, pero mas masakit para sa akin ang ginawa mo!" singhal ng binata at walang sabi-sabing tinalikuran nito ang dating kaibigang si Raine.

Naiwang luhaan si Raine, habang hinahatid ng kanyang paningin si Josh na ngayon ay papalayo na sa kanyang kinatatayuan, "Patawarin mo ako Joshhie."


*****


Gabi na nang makauwi si Raine sa kanilang tahanan at bagsak ang mga balikat na tinungo ang kanyang silid. Umupo siya panandalian sa kama nang biglang makarinig ng tunog ng cellphone.

Hinanap niya kung saan nagmumula ang hindi pamilyar na tunog na iyon at laking gulat niya nang makita ito sa ibabaw ng kama. Hindi niya napansin ito kanina dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Nang buksan niya ang kahon nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

"Saan galing to?" nagtataka niyang sambit nang makita ang isang mamahaling telepono. Agad namang tumunog muli ang nasabing bagay, kaya nataranta si Raine. "Paano ba gamitin to? Hindi naman ito gaya ng telepono ko noon, na isang pindot mo lang ayos na." ignorante niyang sambit habang pilit na inaalam kung paano ito sasagutin.

May nakalagay na "SLIDE TO ANSWER" kaya naman walang sabi-sabing pinadausdos ni Raine ang kanyang kanang hinlalaki pakanan para masagot ito.

"Hello..." mabilis namang nabosesan ni Raine si Icarus sa kabilang linya.

"Icarus?"

"Ako nga mahal, it seems that you already have the phone, that I sent to my driver."

"Bakit mo ako pinadalahan nito?" kunot noo niyang tanong sa binata.

"Di ba nasira na 'yung cellphone mo, that's why I sent you one, para may contact tayo."

"Hindi ko 'to matatanggap, mahal."

"Mahal just keep it okay, para sa'yo talaga 'yan."

"Pero..." ani Raine.

"No but's baby. Just keep it." maawtoridad na wika ni Icarus sa kabilang linya.

"Okay, thank you mahal."

"Anything for my girl... Anyway, kumain na ba ang baby ko?"

"Kakauwi ko lang po mahal." sambit ni Raine saka nahiga sa kama.

"Shoot! I forgot, may practice nga pala kayo kanina sa Music Club. Sorry kung hindi kita nasundo baby."

"Ayos lang po, mahal. Uhmmm... Saan ka ba nagpunta, hindi kasi kita nakita simula nang ihatid mo ko sa classroom kanina."

"M-mom called me kanina. May p-pinasundo lang sa Airport." nauutal na sambit ni Icarus sa kabilang linya.

"Ahh... okay..."

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa magkasintahan, nang biglang magsalitang muli si Icarus.

"Raine... I love you." malambing na turan nito.

Naestatwa naman si Raine sa kanyang narinig, ito kasi ang unang beses na sinabihan siya ni Icarus nang katagang iyon. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya hindi agad siya nakasagot sa sinabi nito.

"Mahal..."

"Po?"

"Nasaan na 'yung sagot mo?"

"Sagot saan?" wala sa sarili niyang sambit sa binata.

"Sa I love you ko."

"Ahh iyon ba? Uhmmm... I-I love you, too." nahihiyang turan ni Raine rito.

"Thank you Raine, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko nang ganito." madamdaming saad ni Icarus sa kanyang kasintahan.

"Mahal may problema ba? Bakit parang ang lungkot mo?" nag-aalalang sambit ni Raine, dahil batid niya ang kalungkutan sa boses nito.

"W-wala pong problema, mahal. Napagod lang siguro ako sa biyahe."

"Sigurado ka?"

"Yes po... Sige na mahal, wag mo kalimutan kumain ng dinner at wag kang magpupuyat okay? I love you..."

"Sige po mahal, salamat ulit sa cellphone ha? I love you, too." ani Raine bago tuluyang naputol ang linya.

Habang nagbibihis ay hindi mapakali ang dalaga dahil sa mga sinabi ni Icarus, may kung ano sa tono ng boses nito na hindi niya maipaliwanag. May kutob siya na may problema ito, kaya't ganoong kabalisa ang boses ng binata.

"Haaaayyyy... Masama talaga ang kutob ko, ano kayang problem ni Icarus?" nag-aalalang sambit ni Raine sa hangin.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top