YAMTF Kabanata: 7
Kinabukasan maagang gumising si Raine para maghanda sa pagpasok sa eskwelahan. Hindi siya makapaniwala na boyfriend na niya ngayon ang isang "John Icarus Reyes" na sikat at kinikilala sa buong FTHS, bukod sa kasikatan nito ay kilala rin ang pamilya ng binata dahil nagmamay-ari ang mga ito ng isang sikat na kumpaniya sa buong Pilipinas.
Nakaramdam ng panliliit ang dalaga nang maalala kung gaano kalayo ang estado ng kanilang pamumuhay ng binata. Inisip niya na hindi sila nababagay, madami ang manghuhusga sa kanya dahil ano nga ba ang ibubuga niya kumpara sa mga babaeng kauri nito? Isa lamang siyang estudyanteng scholar na ini-isponsor-an kaya't nakapasok sa prestihiyosong eskwelahan na iyon.
Nasa ganoong pag-iisip s'ya ng biglang bumukas ang kanyang pintuan. Nilingon n'ya ito at nakita si Nene na pumasok sa loob ng kanyang silid.
"Ate Raine may bisita ka... Ang gwapo ni kuya crush—" kinikilig na sambit ng dalagita, kaya't mabilis itong sinuway ni Raine.
"H'wag ka ngang maingay, mamaya lumaki pa ulo ng lalaking 'yon."
"Eh totoo naman na gwapo siya Ate, marami bang kagaya niya sa school niyo?" kinikilig na tanong ni Nene.
"Hay nako Ne, h'wag mo nang balakin dahil puro mga kokak ang nag-aaral doon. Ang mga mayayaman ay para lang sa kapwa nila mayayaman, naiintindihan mo ba?" pangaral ni Raine sa kanyang kapatid.
"Eh bakit ikaw Ate naging boyfrined mo si Kuya Icarus, hindi ka naman mayaman?"
"Hay bata ka pa para maintindihan ang mga bagay na ganyan, sige na aayusin ko lang ang mga gamit ko susunod na 'ko sa baba."
"Grade 6 na kaya ako Ate, kaya ko nang maintindihan 'yan promise!" Pangungulit pa ni Nene.
"Hay Nene 'wag ka nang makulit! Isa!" pagbabanta ni Raine rito.
"Sabi ko nga, quiet na ako." at iminustra nito ang kamay pa parang sini-zipper ang kanyang bibig.
Bumaba na si Nene at tinapos na ni Raine ang pag-aayos ng kanyang mga gamit pang-eskwela. Nang maiayos ang lahat, ay bumaba na siya sa kanilang sala saka hinarap ang binata. Napansin naman agad ni Icarus ang kanyang presensiya, kaya't mabilis siya nitong nilapitan.
"Tara na baka mahuli tayo sa klase." nagmamadaling sambit ni Raine dahil sa naiilang pa rin siya hanggang ngayon sa binata.
"Wala man lang mahal o 'di naman kaya baby?" nakangusong usal ni Icarus.
"Tsssss... Ang daming arte, sige na po mahal alis na tayo kasi po anong oras na." sarkastikong wika ni Raine habang napapailing.
"Much better," ngisi nito saka inakbayan ang dalaga. "let's go?"
Tanging tango na lang ang isinagot ni Raine, kaya't nagsalitang muli ang binata, "Mama Gina alis na po kami ni Raine, hatid ko na lang po siya pauwi." magalang na usal ng binata saka nagmano sa ginang.
"Kaawaan ka ng Diyos." Ani Mama Gina.
"Mama alis na po kami. Baka po hapunin ako dahil may practice po kami sa singing club mamaya." paalam ni Raine saka humalik sa pisngi ng kanyang Ina.
"Sige anak basta mag-iingat ka ha?"
"Opo Mama, kayo rin po sa pagtawid-tawid niyo sa kalsada." paalala ni Raine sa kanyang Ina.
"Salamat sa pag-aalala, sige na umalis na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase."
Kinawayan na lang ito ni Raine saka tinungo ang pinto ng kanilang bahay. Naunang lumabas si Icarus at hinintay na lang ang dalaga sa labas ng gate. Nakita ng mga chismosang kapit-bahay ng dalaga si Icarus kaya naman nag-umpisa na ang mga ito sa kanilang nakagawiang tsismisan.
"Aba nakabingwit nang mayaman na boyfriend si Raine." Tsimosa Red.
"Ganyang-ganyan din ang nanay niyang si Gina, inanakan lang ng kano tapos iniwan lang na parang basura!" Tsismosa Black.
"Kita nyo na! Ke-babata pa pinayagan na agad ni Gina mag-boyfriend." Balik sambit ni Tsimosa Red.
"Pustahan tayo gagaya lang si Raine sa Nanay niya. Magpapabuntis lang din 'yan nang maaga. Hindi makakapagtapos ng pag-aaral 'yan." Tsismosa Brown.
"Ay sinabi mo pa Mare. Kung ano ang puno siya rin ang bunga." Tsismosa Black.
Sabay-sabay nagpakawala nang malakas na halakhak ang mga ito, na may halong hagikgikan pa. Nang marinig iyon ni Icarus, ay balak na niya sanang komprontahin ang mga mapanghusgang paratang ng mga ito sa kanyang kasintahan. Ngunit agad napabaling ang kanyang atensyon nang maramdaman ang nanlalamig na kamay na pumigil sa kanyang kanang braso.
Mabilis niya itong nilingon at kitang-kita niya ang malungkot na mukha ni Raine. Batid ni Icarus ang sakit sa itsura nito ngayon, dahil sa mga sinabi ng mga tsismosa laban sa kanyang kasintahan at Ina nitong si Mama Gina.
Hindi niya gusto ang nakikitang sakit ngayon sa dalaga. Kaya naman mabilis niya itong hinablot bago niyakap nang sobrang higpit, para kahit papaano ay maparamdam niya rito ang kanyang pagpo-protekta at wagas na pagmamahal.
Agad naman kumalas si Raine saka nagsabi nang, "Tara na Icarus baka mahuli pa tayo sa klase natin." Anito habang nakayuko.
Sandali pang tiningnan ni Icarus ang mga tsismosang mga ginang sa hindi kalayuan. Gustuhin man niyang sagutin ang mga ito, ngunit pinigilan na lang niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang maging bastos at sumagot sa mas nakatatanda sa kanya, "Okay fine! Papalampasin ko ito pero sa susunod na may narinig pa akong masama about sa pamilya niyo, hindi mo na ako mapipigilan, Mahal!" Makahulugang pagbabanta ni Icarus.
"T-thank you, M-mahal."
Hinawakan lamang ni Icarus ang magkabilang pisngi nito, bago ginawaran nang isang magaan na halik sa labi ang kanyang kasintahan, "Nandirito lang ako palagi sa tabi mo, Raine. Alam kong mga bata pa tayo, pero pangako hinding-hindi kita papabayaan."
Tumango na lang si Raine bago sila tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan ni Icarus papuntang Fort Trinity High School.
Habang nakaupo sa loob ng sasakyan ay inihilig ni Icarus ang ulo ng kanyang nobya sa kanyang balikat.
Naramdaman naman ni Raine na concern nito para sa kanya, kaya naman hindi niya naiwasang sambitin sa kanyang isipan ang mga katagang, "Maswerte pa rin ako dahil may isang tao ang nagmahal sa 'kin nang hindi ako hinuhusgahan."
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top