YAMTF Kabanata: 43 (Epilogue)

Hello Lovies!
May minimal parts akong binago rito sa Epilogue. About sa relationship status nina Josh at Nicole, feel free to re-read it again.
Thank you mga labs! ❤️



*****



Apat na taon na ang lumipas, simula nang ikinasal sina Raine at Icarus. Maraming nangyari sa mga panahong iyon, gaya nang panganganak ni Raine sa kambal nilang mga anak na sina, Seth Marcus at Cara Lorraine.

Naging masaya ang mag-asawa dahil sa pagdating ng kanilang mga munting anghel. Malaking hirap kasi ang kinaharap ni Raine, no'ng mga panahong pinagbubuntis niya ang kambal.

Nagkaroon ng komplikasyon ito dahil sa mataas na lebel ng kanyang sugar sa katawan. Normal lang naman daw sa isang nagbubuntis ang magkaroon ng komplikasyon, kaya't pinag-igihan na lang nina Raine at Icarus na alagaan hindi lang ang dalaga kundi pati na rin ang kanilang mga supling.

Matapos ikinasal sina Raine at Icarus, lumipad ang mga ito patungong America para dalawin ang Ama ng dalaga na si Daddy Joe. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bago pa man makita't makilala ni Raine sa personal ang kanyang Ama ay sumakabilang-buhay na ito.

Hindi na kinaya ng katawan nito ang gamutan at pag-da-dialysis, kaya tuluyan nang bumigay ang katawan nito dahil sa Kidney Failure. Nagluluksa man ang dalaga sa pagkawala ng kanyang Ama. Nagpatuloy pa rin si Raine sa buhay, kasama ang kanyang asawa na si Icarus at ang kanilang mga munting anghel sa kanyang sinapupunan.



*****


Tumigil sa pag-aaral si Raine dahil sa kanyang pagbubuntis, kaya't matapos n'yang maipanganak ang kanilang kambal ay ipinagpatuloy niyang muli ang kanyang pag-aaral.

Nai-balanse naman ng dalaga ang kanyang oras pagdating sa kanyang pamilya at pag-aaral. Suportado naman siya ni Icarus rito, kaya't laking tuwa ni Raine dahil bukod sa mahal siya ng binata ay gusto rin nitong makatapos siya ng pag-aaral.

At dumating na ang araw ng pagtatapos ni Raine sa Trinus University bilang isang Valedictorian. Habang hinihintay ang dalaga na tawagin ang kanyang pangalan, napabaling ang kanyang mga mata sa harap ng mga tao na nakikinig sa speech ng mga guro.

Napangiti ang dalaga nang makita ang kanyang mag-aama na kumakaway sa gawi niya. Kinawayan din niya ang mga ito pabalik saka binigyan ng isang halik sa hangin ang kambal na sina Seth at Cara.

Nang balingan naman niya ang kanyang asawa, iminustra naman ng mga labi nito ang katagang, I love you. kaya't bahagyang kinilig si Raine sa pagsambit na iyon ni Icarus, iniisip niya na para silang teenager ng kanyang asawa kung magpakilig sa isa't isa.

Nginitian naman niya ito saka iminustra rin ng kanyang mga labi ang katagang, Mas mahal kita, Daddy. sambit niya rito at nakita niyang ngumiti lang ito ng napaka-tamis.

"And now... Please give a round of applause for our Valedictorian, Maria Reynalyn Lopez Reyes." rinig ni Raine na sambit ng guro saka siya tumayo sa harap ng stage.

Bago pa tuluyang magsalita si Raine, narinig pa n'ya ang kanyang kambal na sumisigaw ng Go, Mommy! kaya agad n'yang nginitian ang mga ito.

"Ehem... First, we have much to be thankful for. Here at Trinus University, we have received a great education thanks to our fine administration and professors. We are prepared to move on and to take on whatever challenges come next in our lives." saad ni Raine saka sinulyapan ang kanyang mga guro sa likod ng stage na malalaki ang ngiti sa labi.

"To my fellow graduates, I want you to know what a great gift it is to be as prepared as we are, because not all schools offer such an advantage. Here we have had a high degree of academic excellence and whether you intend to continue your education or not, you will benefit from what you learned here."

Nagtuloy-tuloy lang ang speech ni Raine hanggang umabot na sa dulo.

"Finally, we can be thankful for each other. The friendships that we have made here will last a lifetime. In the same way we have supported each other and helped each other succeed in these years at Trinus, I hope we will continue to provide support and encouragement for each other in future endeavors. When you leave here today, celebrate what you have accomplished, but look forward with an eye toward how you, too, can be the inspiration for others." naka-ngiti n'yang saad sa mga mag-aaral.

"Congratulations, Batch 2017!" magiliw niyang sambit saka ibinaba ang mikropono para makipag-kamay sa kanyang mga guro.

Bumaba na ng stage si Raine, at sinalubong siya ng kanyang pamilya roon.

"Mommy! Mommy!" sigaw ni Seth patakbo sa kanyang Ina.

"Hi anak," bati niya kay Seth saka lumuhod para magpantay sila ng bata. "Kamusta ang baby ko?" paglalambing niya rito habang nakayakap.

"I'm fine po." saad ni Seth na kahit tatatlong taon gulang pa lang ito ay diretso na ito kung magsalita.

"Mommy." mahinang sambit ni Cara sa kanyang Ina kaya mabilis naman itong tiningala ni Raine.

"Hello baby girl." wika niya sa batang babae saka tumayo para mahalikan ang bata na ngayon ay buhat ni Icarus.

"Bakit ako walang kiss?" nakangusong usal ni Icarus kaya napatawa ng todo si Raine.

"Grabe ka mahal, para kang bata." wika niya rito saka hinalikan sa labi ang kanyang asawa.

Nang akmang ihihiwalay na ni Raine ang kanyang labi rito, agad hinablot ni Icarus ang kanyang batok at ginawaran siya nito ng isang mapaglarong halik.

Nagulat si Raine sa ginawang iyon ni Icarus kaya mabilis niya itong kinurot sa tagiliran. Napa-daing naman ang binata kaya mabilis nitong nai-hiwalay ang kanilang mga labi.

"Ang sakit naman no'n mahal." daing ni Icarus saka hinimas ang kanyang tagiliran.

"Eh loko-loko ka pala, nakatingin 'yong mga bata oh." mahina ngunit punong-puno ng pagka-inis na sambit ni Raine habang pinandidilatan pa ng mata ang kanyang asawa.

"Hahaha!" halakhak ni Icarus. "Ibig ba n'yang sabihin mahal kapag wala ang mga bata, pwede nating gawin lahat ng gusto ko." mapang-akit na bulong ni Icarus sa tenga ng kanyang asawa.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Raine si Icarus dahil sa sinabi nito, uminit ang kanyang mga pisngi dahil parang kuryente ang mga dating ng bawat salitang binigkas ni Icarus sa kanyang tenga.

"Mommy, you're blushing." mapang-asar na buska ni Icarus sa dalaga.

Napakurap-kurap pa ang mga mata ni Raine saka ipinilig ang kanyang ulo para waksihan ang kanyang naiisip. "Loko!" iritable niyang saad sa binata saka ito hinampas sa dibdib.

"Hahaha!" halakhak lang ni Icarus kaya't mas lalong nainis si Raine rito.

"Let's go, Seth." iritableng sambit niya saka binuhat ang kanyang anak na lalaki.

Mabilis na naglakad si Raine patungo sa kotse, at nang maibaba niya si Seth sa sasakyan bigla siyang isinandal ni Icarus sa pinto shotgun seat at ginawaran ng isang mapagmahal na halik.

Nang itinulak niya ito, mas hinigpitan ni Icarus ang pagkakayapos sa likuran ng dalaga kaya't wala nang nagawa pa si Raine kundi ang tumugon dito.

Ilang minuto rin ang itinagal ng kanilang mga halik bago tuluyang bitawan ni Icarus ang labi ng kanyang asawa, "I love you, Raine." hinihingal na usal nito habang magkadikit ang kanilang mga noo.

"Mas mahal kita, Icarus." nakapikit na tugon naman dito ni Raine.



*****


Mabilis na nakarating ang sasakyan ni Icarus sa kanilang tahanan. Nagmamadaling lumabas ang kambal at sinalubong ito ng kanilang kasambahay papasok sa loob.

Nagtataka si Raine kung bakit hindi sumasagot ang kanyang Ina at si Riz sa kanyang mga tawag, gayong naipaalam naman niya sa mga ito na ngayong araw ang graduation niya.

"Hey, what's with the frown face?" biglang tanong ni Icarus sa kanya nang makababa ito ng sasakyan.

"W-wala mahal, hindi kasi sumasagot sila Mama sa tawag ko. Alam naman nila na graduation ko ngayon." malungkot na saad ni Raine habang nakatuon ang atensyon sa kanyang telepono.

Nilapitan naman siya ni Icarus saka niyakap ng mahigpit, "Baka busy lang." usal nito saka hinalikan ang kanyang noo. "Let's go baby, I'm starving."

Nagkibit-balikat na lang ang dalaga saka tuluyang pumasok sa kanilang tahanan. Nang buksan ni Icarus ang pintuan, biglang bumungad kay Raine ang kanyang mga kaibigan na sina Nicole, Josh, Chloe, at Margaux kasama si Brent. Nandoon din ang kanyang Mama Gina at kapatid na si Riz.

"Congrats Raine!" sabay-sabay na sigaw ng mga ito saka nagpasabog ng confetti.

Napangiti naman si Raine sa ginawang effort ng mga ito saka binalingan ang kanyang asawa. Nagkibit-balikat lang ito na parang proud na proud sa ginawa niyang pagsorpresa sa dalaga at saka inakbayan ito papalapit sa kanilang mga kaibigan.

"Anak, salamat at nakatapos ka na rin ng pag-aaral, masaya ako para sa'yo Reynalyn." naluluhang bungad sa kanya ni Mama Gina.

"Thank you po Mama, akala ko hindi niyo naalala. Masaya po ako ito na ang pangarap natin." wika ni Raine saka niyakap ang kanyang Ina.

"Ate, congrats!" kinikilig na saad ni Riz saka bumeso sa kanyang Ate Raine.

"Thank you, Nene." nakangiting saad niya rito at nagkayakapan ang mag-iina.

Bumungad naman ang kanyang kaibigan na si Nicole para bumati, "Congrats, beshie." bungad sa kanya ni Nicole saka yumakap ng mahigpit.

"Salamat beshie, oh kamusta na kayo ng mokong na 'yan." mahinang saad ni Raine at inginuso si Josh na kausap ngayon ni Icarus.

"Heto, ine-enjoy ang buhay mag-asawa. Grabe beshie, hindi ko ma-take ang lambingan moment namin ni hubby. Ako na ang sumusuko, dahil gusto nang sundan si baby. Kaloka!" wika ni Nicole sa kanya.

"Dinadala ka ba sa langit." pambibiro ni Raine sa dalaga.

"Tsss... Sinabi mo pa." naka-ngiwing sambit ni Nicole saka napabaling ang kanilang atensyon kay Margaux at Chloe.

"Couz, congrats!" maingay na saad ni Margaux habang karga-karga ang batang si Cara.

"Thank you, couz." saad niya sa dalaga saka bumeso rito at nang balingan niya si Chloe, muka itong matamlay.

"Oh baks! Parang naluging intsik ahh." natatawang saad ni Raine saka humalik sa pisngi nito.

"Baks! H'wag mo nang itanong, cause it's complicated." naka-irap na wika ni Chloe saka humalukipkip ang mga braso.

Nagtawanan naman ang apat na babae bago lumapit si Josh para bumati kay Raine, "Ulan, congrats!" masiglang usal nito saka yumakap sa dalaga.

"Thank you Joshhie... Oy, hinay-hinay lang kay beshie ahh..." makahulugang sambit ni Raine rito at pinanlakihan naman siya ng mata ni Nicole.

"Huh?" kunot noong tanong nito habang nakaakbay kay Nicole.

"Ah... Wala 'yon hubby, sinasaltik na naman 'yan si beshie," nanlalaki ang mga matang saad ni Nicole sa binata saka ito hinila papunta sa sofa. "Tara, do'n muna tayo." anyaya niya rito.

"Sige girls, doon muna kami ahh." pamamaalam ni Josh at tuluyan ng umalis ang dalawa.

Nagulat naman si Margaux sa biglang pagbuhat sa kanya ni Brent, "Ay! Ano ba mine! Ibaba mo nga ako." iritableng saad ni Margaux ngunit natatawa naman.

"Congrats, Raine." nakangiting bati ni Brent at nang akmang hahalik ito sa pisngi ng dalaga, bigla itong piningot ng kanyang nobya.

"Op-op-op! Anong 'yang gagawin mo ha!"

"Ara-aray! Mine, hahalik lang kay Raine." daing nito sa pagpingot ng dalaga.

"Hindi! Wala akong tiwala sa'yo, tara do'n na tayo! Mahirap na playboy ka pa naman." wika ni Margaux saka hinila ang kanyang kasintahan.

Naiwan naman sina Raine at Chloe na nakatayo habang natatawa, ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang mapansin ni Raine na tila balisa ang kanyang kaibigan kaya't mabilis niyang tinanong ito, "Baks, ano nang nangyari ka Charles?"

"Haaaayyyy... Ewan ko do'n baks, hindi kami magka-intindihan. Maraming ganap sa buhay, puro business. Samantalang ako full time pagdating sa kanya." naka-ngusong saad ni Chloe.

"Kaya mo 'yan baks!" tapik balikat na saad niya rito.

"Ano pa nga ba, ang hirap pala nang malaki ang age gap. Kaloka!"

Napabaling naman ang dalawa ng bilang lumapit si Icarus sa kinatatayuan nila, "Chloe, hiramin ko muna, ang asawa ko ha?" pamamaalam nito sa dalaga at tanging tango lamang ang isinagot nito.

"Teka mahal, saan tayo pupunta?" kunot noong saad ni Raine sa kanyang asawa.

"Basta, tara sa taas." usal nito saka hinila ang kamay ni Raine paakyat sa kanilang silid.

Nang buksan ni Icarus ang pintuan, bumungad kay Raine ang kanilang silid na punong-puno ng mga lobo at mga pinaghalo-halong kulay ng rosas.



Photo CTTO




"Ang ganda!" nagniningning ang mga matang sambit ni Raine saka tuluyang pumasok sa loob ng silid bago lumapit sa kama.

Nagulat naman si Raine nang bigla siyang yakapin ni Icarus patalikod at isinubsob ang mukha nito sa kanyang leeg, "Do you like it, baby?" malambing na usal ni Icarus habang nakayakap ang mga braso sa bewang ng kanyang asawa.

"Opo mahal, ang ganda." naka-ngiting saad ni Raine habang nilalaro ang mga lobo na nakalutang sa ere.

Habang abala si Raine sa pagsipat nang kanilang silid, naramdaman niya na ginagawaran siya ni Icarus ng mumunting halik sa leeg na nagbigay ng kakaibang sensasyon sa buo n'yang sistema.

Napapikit si Raine ng mariin, nang magsimulang lumikot ang mga kamay ni Icarus sa buo n'yang katawan. Halos mapaliyad na ang dalaga sa bawat haplos na iginagawad sa kanya ni Icarus.

Nagulat pa siya nang mabilis siya nitong pinangko at saka dahan-dahan ibinaba sa kama.

Mataman siyang pinagmamasdan ni Icarus at ilang segundo lamang ay ginawaran na siya nito ng isang mainit at mapaglarong mga halik.

Wala ng nagawa si Raine kung hindi tumugon sa bawat halik ng kanyang asawa, tinugunan niya ang bawat halik na ginagawad ni Icarus sa parehong intensidad na nais nito.

Nang tuluyan nang mawalan ng hininga biglang binitawan ni Icarus ang mga katagang, "Mahal na mahal kita, Raine."

"Mahal din kita Icarus." at sa puntong iyon ay sinelyohan nang muli ni Icarus ang labi ng kanyang asawa.


And they've shared a long and passionate love making. ❤️




Photo CTTO






*****



Hohohoooyyy! Ito na ang Epilogue niyo mga labs! ❤️ Nagustuhan niyo ba? Alam ko sasabihan niyo na naman ako ng bitin. 😁 Explore niyo na lang ang imagination niyo para masaya. Hahaha! 😂

Paki-support po ng aking mga stories, I'm pretty sure magugustuhan niyo rin ang mga iyon. 😉

Alright! See you next Story mga labs! ❤ Asahan ko po kayo! Thank you, thank you! 😍



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top