YAMTF Kabanata: 42 (The Finale) ❤️
Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na araw nang kasal nina Raine at Icarus. Naging abala ang lahat sa nasabing bulwagan, at masaya rin dahil naging maayos ang lahat ng kanilang pinaghirapan.
Napabalik na lang sa realidad si Raine ng marinig niyang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Mabilis s'yang naglakad papunta sa pinto at pagbukas ay bumungad sa kanya ang kanyang Mama Gina at kapatid na si Riz.
"Wow Ate, ang ganda mo." namamanghang sambit ni Riz sa kanyang Ate Raine.
Sa halip na sumagot ay ngumiti na lang si Raine rito saka niyakap ang kanyang Ina, "Mama." yapos ni Raine sa kanyang Ina.
"A-anak, h'wag ka nang umiyak masisira ang make-up mo." naluluhang sambit ni Mama Gina.
"Don't worry Madir, waterproof po ang make-up ni Miss Raine. Retouch ko na lang po siya mamaya." maarteng sambit ng baklang nag-aayos sa dalaga.
"Anak, lagi kayong magmahalan ni Icarus. Ang away ay hindi maiiwasan, pero dapat pag-usapan ito ng maayos at malumanay para magkaintindihan ang inyong mga puso." mahabang pangaral ni Mama Gina sa dalaga.
"Opo Mama, kayo rin po h'wag kayo masyadong magpapagod. Mahal na mahal ko kayo ni Riz." humihikbing saad ni Raine saka niyakap sina Mama Gina at Nene.
Nasa ganoong sitwasyon ang mag-iina nang biglang may kumatok muli sa pintuan. Mabilis naman itong bumukas at bumungad doon si Margaux, na nakapustura na rin sa suot nitong gown.
"Oh Em... Raine, ang ganda mo 'te," wika nito saka niyakap ang dalaga. "I'm pretty sure that Jic will drop his jaw when he see's you." nakangiting sabi pa nito.
"Salamat, Margaux."
"So paano, tara na at nandyan na sa baba ang Bridal Car na sasakyan mo." anito saka inayos ang gown ng dalaga. Ni-retouch nang make-up artist sandali ang Bride saka umalis papuntang simbahan.
*****
Sa kabilang dako naman:
"Hijo, can you please calm down? Nahihilo na ako sa'yo." sambit ni Mommy Divine dahil sa ginagawa ni Icarus na hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.
"Mom, I'm nervous... Bakit wala pa si Raine?" balisang usal nito saka muling tiningnan ang kanyang relo.
"Son, she's coming, don't worry." pang-aalo ni Mommy Divine sa kanyang anak.
"Haaaaayyyy... Bakit ang tagal ni Raine? Kalahating oras na s'yang late." hindi mapakaling sambit ng binata sa hangin.
Nasa ganoong pag-iisip si Icarus nang biglang tumunog ang kanilang napiling Wedding Song ng dalaga.
(Play the Song "Ikaw" by Yeng Constantino)
Before Reading the next scene.
Nakita ni Icarus na unti-unting bumubukas ang malaking pinto ng simbahan at bumungad doon ang kanyang pinakamamahal na si Raine. Halos isang linggo n'yang hindi nakita ang dalaga dahil sa tradisyonal na pamahiin ng matatanda, na bawal magkita ang dalawang taong nag-iibigan bago ang araw ng kanilang kasal.
Sinipat niya ang kabuuan ni Raine, nakasuot ito ngayon ng isang puting trahe-de-boda na nakapag-palabas lalo sa taglay nitong kagandahan. Bahagya na ring umuumbok ang tiyan nito dahil sa kanilang munting anghel na nasa sinapupunan ni Raine.
Pinagmasdan niya ang bawat hakbang na ginagawa nito, kasama ang kanyang Mama Gina na may hawak na isang Tablet kung saan naka-Live video ang Ama nitong si Daddy Joe.
Halos pigil ang hininga ni Icarus dahil sa kasiyahan na kanyang nararamdaman ngayon. Ang buong paligid niya ay parang bumagal, nang magsalubong ang kanilang mga paningin ng dalaga. Para siyang nahipnotismo sa mga titig ni Raine at hindi na niya namalayan na may luha na palang tumakas sa kanyang mga mata. Isang luha na batid ay kasiyahan, dahil sa wakas makakasama na niya ang babaeng pinakamamahal niya.
Hindi mapigilan ni Icarus na maluha, dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman ngayon. Napansin din niya na naluluha na rin ang dalaga, habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
Ang mga luha ni Raine ay patuloy sa pag-agos, dala ng sobrang kaligayahan, kaligayahan dahil sa wakas ay natupad ang kanyang kahilingan na ikasal sa taong pinaka-mamahal niya.
Ilang hakbang lang at nasa tapat na ni Icarus ang dalagang si Raine. Nagmano siya sa Ina nito na si Mama Gina, saka sinaluduhan ang Ama nito sa videocall.
"Kaawaan ka ng diyos Anak, sana'y gabayan ng poong may kapal ang pag-iibigan niyo ng aking Anak." humihikbing saad ni Mama Gina sa binata.
"Salamat po Mama." magalang na usal ng binata saka binalingan si Raine.
"Hi baby." nakangiting bati niya rito saka inalalayan ang dalaga sa harap ng altar.
"We are gathered here today, to celebrate one of life's greatest moments, and to cherish the words which shall unite John Icarus and Maria Reynalyn in marriage." panimula ng pari.
Marriage is a promise between two people who love each other, and who trust in that love, who honor each other as individuals, and who choose to spend the rest of their lives together, forever.
Nagpatuloy lang ang seremonyas ng pari habang ang mga kamay ni Raine ay pinagsaklob ni Icarus. Napatingin naman ang dalaga rito saka binalingan ang mukha ng binata na ngayon ay naka-ngiti na sa kanya.
"I love you." mahinang sambit ng binata na halos pabulong ang dating nito dahil sa hina ng pagsambit ni Icarus.
Ngumiti lang si Raine rito saka iminustra nang kanyang mga labi ang katagang, "Mas mahal kita."
Nakinig nang muli ang magkasintahan sa seremonyas ng pari at itinuon na ang kanilang atensyon rito. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpalitan na ng vows sina Raine at Icarus.
"Raine, You know me better than anyone else in this world and somehow still you manage to love me. You gave me a second chance to proved my love for you, you're my one true love. There is still a part of me today that cannot believe that I'm the one who gets to marry you."
"In the name of God, I, John Icarus Reyes, take you, Maria Reynalyn Lopez, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow."
"Icarus, On this day, I give you my heart, My promise, that I will walk with you hand in hand, wherever our journey leads us. Living, learning, loving, Together, Forever."
"In the name of God, I, Maria Reynalyn Lopez, take you, John Icarus Reyes, to be my husband, to have and to hold form this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow."
"Raine, will you have this man to be your husband; to live together with him in the covenant of marriage? Will you love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health; and, forsaking all others, be faithful unto him as long as you both shall live?" pagtatanong ng pari sa dalaga.
"I will father." sagot ng dalaga sa pari, habang nakaharap kay Icarus.
"Icarus, will you have this woman to be your wife; to live together with her in the covenant of marriage? Will you love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health; and, forsaking all others, be faithful unto her as long as you both shall live?"
"I will father." sagot ng binata saka kinindatan si Raine.
"Raine, I give you this ring as a symbol of my love, and with all that I am, and all that I have, I honor you, in the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit." saad ni Icarus saka isinuot sa kaliwang palasing-singang daliri ni Raine ang simbolo ng kanilang pag-iisang dibdib.
"Icarus, I give you this ring as a symbol of my love, and with all that I am, and all that I have, I honor you, in the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit." gano'n din ang ginawa ng dalaga saka nginitian si Icarus ng napakatamis.
"Now that Raine and Icarus, have given themselves to each other by solemn vows, with the joining of hands and the giving and receiving of rings, I pronounce that they are husband and wife, in the name of the Father, and the Son, and the Holy Spirit.
"Raine and Icarus, having witnessed your vows of love to one another, it is my joy to present you to all gathered here as husband and wife."
"Here it is Icarus, You may kiss your lovely bride." naka-ngiting sambit ng pari sa mag-asawa.
Dahan-dahang itinaas ni Icarus ang belo na nakatabing sa mukha ni Raine saka ito hinawi nang patalikod.
Nakangiti lang ang dalaga habang ang kanilang mga paningin ay nakandado na para sa isa't isa. Hinawakan ni Icarus ang magkabilang pisngi nang dalaga saka unti-unting inilapit ang kanyang mukha rito.
Ilang segundo lang ang lumipas ay naglapat na ang kanilang mga labi.
Photo CTTO
Halos maghiyawan lahat ng tao na dumalo sa kanilang kasal, ilang minuto ang itinagal ng kanilang mga halik ng biglang tumikhim na ang pari, "Ehem... Ehem... Iho sa bahay niyo na ituloy 'yan." pambibiro nito sa mag-asawa.
Nagtawanan naman lahat sa sinabi nang pari, kaya't mabilis naman na humiwalay si Raine sa mga halik ni Icarus saka namula ang mga pisngi nito sa kahihiyan.
Mabilis naman siyang ikinulong ni Icarus sa mga bisig nito saka binitiwan ang mga katagang, "I love you Mrs. Reyes, lagot ka sa'kin mamaya." mapang-akit na usal ng binata sa tenga ni Raine.
Para namang nakuryente si Raine sa pagbulong na iyon ni Icarus kaya't napapikit na lang ito sa namumuong sensasyon sa kanyang buong sistema.
"I love you, Mommy Raine." malambing na sambit ni Icarus sa kanyang asawa.
"Mas mahal kita, Daddy Icarus." nakangiting sambit nito saka naglapat ang kanilang mga labi.
Photo CTTO
*****
Ang pag-ibig ay hindi nababase sa tagal ng pinagsamahan. Ang pag-ibig ay madarama sa hindi inaasahang pagkakataon.
Mabilis man para sa iba ang naging relasyon nina Raine at Icarus, pinatunayan naman nila na hindi sa tagal o bilis ng relasyon nababase ang tunay na pagmamahal.
"Love never give up, never loses faith is always hopeful and endures through every circumstance."
Dumaan man sa maraming pagsubok sina Raine at Icarus, sa huli ay mas nanaig pa rin sa kanilang mga puso ang pagmamahal.
Sana'y may natutunan kayo sa kwento nina Raine at Icarus, gaya nga ng sabi ko. Hindi sa bilis o tagal ng panahon nababase ang tunay na pagmamahal.
May mga bagay kasi na hindi na kailangan pang ipaliwanag sa ibang tao, kayo at kayo lang dalawa ang makakaintindi nito.
Minsan pinagtatagpo ng tadhana ang dalawang tao sa hindi malamang dahilan. May makikilala tayong tao na mamahalin natin panghabang-buhay, meron din naman tayong mga makikilala na hindi permanente sa ating buhay.
Minsan nakilala lang natin sila, para matuto tayong tumayo sa sarili nating paa o 'di naman kaya, para mas maging matatag tayo na harapin ang buhay mag-isa.
Iba-iba ang konsepto ng pagmamahal, meron pagmamahal para sa pamilya, kaibigan, at higit sa lahat ang pinaka-masarap at pinaka-masakit sa pakiramdam, ang pagmamahal para sa ating minamahal.
Tandaan:
"Ikaw ang may hawak ng sarili mong lapis, para gumawa ng sarili mong kwento sa buhay."
-Everjoy_Condes
*****
I will surely miss Raine and Icarus... 😢
Mamimiss ko rin ang Team ICARAINE na matiyagang nag-aabang ng bawat update ko, at palaging nakasuporta sa bawat Kabanata. 😭
Hello my #ICARAINEsters ❤️
Caaammsss, EdenBaconawa1, Akak03221828, ANJ156, Nicah_24, Express86, GeraldineEstalilla, migomhe, merillefelizardo, RenrenQuez, MikeAbas, Jiezl_ann29, bravylin, mixxerforevs, ryagie, Theamejos, RendelDavao, Lil_chulie04, Cheskasamara18, rolfyam3, Mikesmug, JuvelynCabugas, 123Chemchem, PreciousRobieSiman, ZSCander1992, UricaRamos, Ladyheart051308, Leejongsuk16, Johndylanmonte, maybelesabijonjardio, DarylPadeco, Shemgayle4, user71679173, user61035486, user61457374, user76804986.
And Belated Happy Birthday to:
🎉🎉JovelleGonzales1🎉🎉
Maraming Maraming Salamat sa inyong lahat! ❤️ H'wag kayo magtampo kung hindi ko kayo nalagay dito, kasi windang na si Author eh. 😁✌️
Once again, see you next story mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top