YAMTF Kabanata: 40
Nagising si Raine nang maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang pisngi. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakita ang kanyang nobyo na mataman siyang tinititigan.
"Baby," naluluhang sambit nito saka hinalikan sa labi ang dalaga. "I'm glad you're awake."
"A-anong nangyari?" nanghihinang saad ni Raine saka tiningnan ang kanyang kamay na may suwero.
"You passed out sa party while watching the video." usal nito habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.
"Oo nga pala mahal, p-paano mo nahanap ang Tatay ko?" kunot noong tanong niya sa kanyang nobyo.
"I have my resources baby. Matagal ko nang pinahanap ang daddy mo, good thing at sumakto ito sa engagement party natin. That's why I wanted to suprise you."
"Thank you, mahal." naluluhang sambit ni Raine.
"No worries baby, gusto ko sana i-surprise ka sa wedding day natin. Kaya lang I found out that your dad have a severe illness."
Bigla namang nalungkot ang magandang mukha ng dalaga, nang maalala nito ang mensahe sa kanya ng kanyang Ama.
"Hey baby, don't worry. We will visit him sa U.S after our wedding."
"Thank you mahal." naluluhang sambit ni Raine sa binata.
Sasagot na sana si Icarus nang biglang bumukas ang pintuan, "Hi Lovebirds." bungad sa kanila ng General Doctor na si Tita Betty.
"Hello Tita." bati ni Icarus rito saka bumeso.
"Hello po." magalang na saad ni Raine sa doktora.
"Hija, how are you feeling?"
"O-okay na naman po ako, medyo nahihilo lang po hanggang ngayon."
"Well, that's normal for your situation now."
"What do you mean Tita?" kunot noong tanong ni Icarus sa ginang.
"I have the result, and I found out that Raine is..." pambibitin nito. "Raine is pregnant." ngumiti sa magkasintahan.
"W-what?!" gulat na sigaw ni Icarus.
"Your fianceè is pregnant." walang kimeng saad ng doktora sa binata.
"You're kidding Tita, right?" hindi makapaniwalang usal ni Icarus.
"Nope," nakangiting sambit ni Tita Betty saka binati ang dalaga. "Congratulations,Raine."
"Yes! Yes! Yes!" sigaw ni Icarus.
Nagulat naman sina Raine at Tita Betty sa biglang pagsigaw ng binata, "Magiging Tatay na ako! Yahooooo!" sigaw nito dahilan para bumukas ulit ang pintuan at bumungad doon ang kanilang mga magulang at kaibigan.
"What happened?" sabay na tanong nina Mommy Divine at Daddy Viktor nang makapasok ang mga ito sa pintuan.
"Mom! Dad! My baby is pregnant!" sigaw ni Icarus saka ginawaran ng maraming halik sa buong mukha ang dalaga.
Masayang-masaya naman ang mga ito sa ibinalita ni Icarus. Masayang naluluha naman si Mama Gina, para sa kanyang Anak.
Habang nagkaka-batian ang lahat biglang namang sumabat si Margaux, "Oh my! I'm going to be a Tita Ganda na!" maarteng sambit ni Margaux.
"Tita lang ba gusto mo mine? Ayaw mo ng sarili nating baby?" pambibiro ni Brent sa kanyang kasintahan.
Agad namang nakatanggap ng isang kurot sa tagiliran si Brent saka nagsalita ang dalaga, "Hmpf! Gumawa ka ng sarili mong baby." singhal ni Margaux saka inirapan ang kanyang nobyo.
"I'm just teasing you mine, 'wag ka na magalit." panunuyo nito sa dalaga.
"Letsugas!"
"Hey stop it, baka magkapikunan pa kayo riyan." suway ni Mommy Divine sa mga ito.
Mabilis naman na tumigil ang dalawa, bago nagsalitang muli si Icarus, "Tita Betty, I want to hear it again... Is it true that Raine is really pregnant?" paninigurong tanong ni Icarus sa doctor.
"Yes hijo, I have to check her again and do some lab test, para makasigurado tayong healthy si baby." nakangiting wika ni Dra. Betty sa magkasintahan.
"You heard that mahal? We're pregnant." usal ng binata saka hinalikan ang noo ng dalaga.
Ngumiti naman si Raine rito habang naluluha ang mga mata. Masaya ang lahat para kina Raine at Icarus, bukod sa nalalapit nilang kasal ay may isang munting anghel na ibinigay ang panginoon sa kanila.
*****
Matapos makapahinga si Raine ng ilang araw sa ospital, dumiretso na ito sa kanilang tahanan. Nalaman nila na isa't-kalahating buwan na ang munting supling sa kanyang sinapupunan. Alagang-alaga naman ito ni Icarus dahil ibinilin ng doktor na medyo maselan ang pagbubuntis ni Raine ngayon at hindi dapat mai-stress dahil makakasama ito para sa bata.
Sa tahanan muna ng mga Lopez tumutuloy ang dalagang si Raine, dahil gusto ni Mama Gina na makasama muna ito habang hindi pa sila kinakasal ng binata. Sumang-ayon naman ang pamilya Reyes, dahil nirerespeto nila ang desisyon ng ginang at napag-kasunduan na saka na lang titira si Raine sa mga ito, pagkatapos na ng kasal.
"Mahal, sigurado kang ayos ka lang?" tanong ni Raine habang tinitingnan ang bawat galaw ng binata.
Nilingon naman siya ni Icarus bago nagsalita nang, "Yes mahal." nakangiting saad nito habang inaayos ang mga unan sa sofa nila Raine.
"Ito ang kumot oh... Saka okay lang ba sa'yo na electric fan lang gamit mo?" nag-aalalang sambit ng dalaga sa kanyang kasintahan.
Napagkasunduan kasi nila na doon muna pansamantalang matulog sa sala si Icarus, para respeto na rin sa Ina nito na si Mama Gina. Tiningnan naman ni Icarus ang dalaga saka tinapik ang gilid ng sofa na parang sinasabi nitong maupo si Raine roon.
Lumapit naman kaagad si Raine rito saka umupo sa tabi ng binata. Hinaplos ni Icarus ang kaliwang pisngi ni Raine sabay sabi nang,
"Mahal, ayos lang po talaga ako. Ayoko naman abusuhin ang kabaitan ni Mama Gina, dahil una sa lahat pinayagan niya akong matulog dito sa bahay n'yo. Kahit hindi naman n'ya tayo pinagbabawalan na magtabi sa kwarto mo. Mas gusto ko pa rin na respetuhin si Mama Gina at lalong-lalo na ikaw." malambing na usal ni Icarus habang hinahaplos ang pisngi ni Raine.
"Salamat mahal." naluluhang sambit ng dalaga.
"Oh why are you crying, baby?"
"W-wala po mahal, masyado lang akong natotouch sa pagmamahal mo sa akin. Hindi ako nagkamali na bigyan ng chance ang relasyon natin." saad nito saka inihilig ang kanyang ulo sa balikat ng binata.
"Shhhh... Mahal na mahal kita Raine, kaya if ever na hindi mo ako bingyan ng chance no'n. Susuyuin pa rin kita hanggang makulitan ka na sa akin." bahagyang natawa pa si Icarus nang sabihin niya iyon.
"Mahal din kita, Icarus."
"Its getting late na, akyat ka na sa taas. Gustuhin ko mang ihatid ka sa kwarto mo, hindi ko pwedeng gawin." wika ng binata saka inihiwalay ang dalaga sa kanyang balikat.
"Sige po mahal, goodnight." saad ni Raine saka ginawaran mg halik sa labi ang kanyang nobyo.
"I love you, Mommy." naka-ngiting usal ng binata saka inalalayang tumayo ang dalaga.
"Mas mahal kita, Daddy."
Lumuhod naman si Icarus sa harap ni Raine para magpantay ang kanyang mukha sa tiyan ng dalaga bago ito kinausap, "Hello Anak, ako ang Daddy mo... Behave ka lang d'yan ha? H'wag mo papahirapan si Mommy." bulong na sambit ni Icarus sa tiyan ng dalaga habang nakayakap ang mga kamay nito sa bewang ni Raine.
Hinaplos muna ni Icarus ang tiyan ng dalaga bago ito ginawaran ng isang halik, "I love you Anak." anito saka tumingin sa mga mata ni Raine.
"We love you too, Daddy." nakangiting sambit ni Raine rito dahilan para tumayo nang muli si Icarus at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap na puno ng pagmamahal.
"I love you both," usal nito saka humiwalay sa pagkakayapos sa dalaga. "Sige na po baby, tulog ka na ha?"
Nakangiting tumango naman si Raine rito saka dinampian ng magaan na halik si Icarus sa labi, "I love you mahal." aniya saka lumakad papuntang hagdanan para umakyat sa taas.
Bago tuluyang makaakyat, nilingon niya muna ang binata sabay sabing, "Mahal kita." naka-ngiting sabi ni Raine rito na iminustra lamang ng kanyang mga labi ang katagang iyon.
Ngumiti lang si Icarus saka binigyan ng isang halik sa hangin ang kanyang kasintahan. Tuluyang ng naka-akyat si Raine sa itaas at naiwan si Icarus na nag-iisa sa salas.
Kahit hindi sanay sa makipot na higaan, pinagtiyagaan ng binata na mahiga sa sofa na yari sa kawayan. Nang tuluyan na siyang nakahiga rito, inilagay niya ang kanyang kanang braso sa kanyang noo at tumingin sa kisame habang nag-iisip.
Masaya ako dahil sa itinagal ng panahon na nagkahiwalay kami ni Raine, hindi ko akalain na bibigyan pa niya ako ng pagkakataon na mahalin s'yang muli.
Marami mang pangit na nangyari sa amin, nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinatibay lang kami ng mga pagsubok na 'yon para mas mahalin pa namin ang isa't isa.
Lord, maraming salamat po dahil binigyan n'yo akong muli ng pagkakataon na mabuhay, para maipadama ko pa kay Raine ang pagmamahal ko sa kanya. Lalo na po ngayon na magkaka-anak na po kami.
Ipinapangako ko po sa inyo na aalagaan ko silang mabuti at hindi na ako gagawa ng bagay na ikakasama ng loob ng aking mahal na si Raine.
Lord, kulang po ang pasasalamat para maipa-abot ko sa inyo ang taos-puso kong pasasalamat dahil binigyan niyo ako ng babaeng makakasama ko habang buhay. mahabang litanya ni Icarus sa kanyang isip.
Hindi na namalayan ni Icarus na nakatulog na pala siya na may ngiti sa labi, sa gitna ng kanyang pag-iisip.
*****
Ang sweet-sweet naman nila... Kainis! 😍😍😍
Oh well, see you next chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top