YAMTF Kabanata: 4
Tanghali nang biglang magising ang diwa ni Raine dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng kanyang telepono. Tamad n'yang kinuha ito at nang buksan ay nakita niya ang dalawang mensahe na galing sa kanyang mga kaibigan.
Ngunit hindi lang iyon ang kanyang natanggap, nakatanggap din s'ya ng disi otsong tawag na talaga namang ikinakunot ng kanyang noo. Inignora na lang n'ya iyon at mas itinuon ang atensyon sa kanyang mensahe.
Inuna niyang buksan ang mensaheng galing kay Josh.
From: Joshhie ^_^
Ulan bakit ka umuwi? Textback...Asap!
At saka isinunod ang kay Nicole.
From: besNicNic
Hoy beshie nasaan ka na? 'Wag kang mag-inarte riyan 'te! Gunusto mo 'yan 'di ba?
Nang matapos basahin ang mga ito, ay agad niyang nagpasyang bumangon sa kama at nag-inat inat para mag-ayos ng kanyang sarili. Akmang lalabas na s'ya ng kwarto ay biglang tumunog ulit ang kanyang telepono. Mabilis naman niyang kinuha ito at nakita na may isa s'yang bagong mensahe galing kay Icarus.
From: ICARUS ❤️
I told you baby you can't get rid of me! ;)
Nangunot ang kanyang noo sa nabasa, hindi alam ni Raine kung anong ibig sabihin ng binata sa mensahe nito.
"Raine, Anak... Gising ka na ba?" biglang tawag ng kanyang Ina sa pintuan.
Pinagbuksan naman agad niya ito at mumukat-mukat na humarap kay Mama Gina.
"Bakit po Mama?" bungad ni Raine habang naghihikab pa.
"May sakit ka pala, ayos ka lang ba anak?" nag-aalalang wika ni Mama Gina at sinipat kung ayos lang ba ang kanyang lagay.
"Wala po akong sakit Ma, sino pong nagsabi sa inyo?" kunot noong tanong ni Raine rito.
"Sabi sa akin ng bisita mo."
"Bisita?"
"Oo anak, bumaba ka na lang at asikasuhin mo doon. Magpapahinga muna ako." saad ni Mama Gina bago tinalikuran ang dalaga.
Hindi na nag-abalang ayusin ni Raine ang kanyang sarili. Inisip niya na baka si Nicole o Josh lang ang taong bumisita sa kanya. Kaya naman naghihikab at nangangamot pa ng tiyan ang dalaga nang tuluyan siyang makababa ng hagdanan. Humarap s'ya sa gawi ng sala at nagulat sa taong nabungaran niya roon.
"Anong ginagawa mo rito?!" gulat na usal ni Raine sabay ibinaba ang kanyang damit na bahagyang tumaas.
Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng binata kaya pinamulahan ang dalaga dahil doon. Tinaasan n'ya ito ng kilay na parang naghihintay ng sagot, ngunit wala siyang nakuhang responde rito.
Hindi sumagot si Icarus at umangat lang ang gilid ng labi nito. Naglakad ang binata papalapit kay Raine saka dumukwang para mahalikan ito sa pisngi.
Nagulat si Raine sa ginawa nito kaya't itinulak naman agad n'ya ito sabay sabi nang, "Ano ka ba! Baka makita ka ng Mama ko, mayari pa ako!" singhal ng dalaga habang nanlilisik ang mga mata.
"So you mean if nobody's around, we can do it more often?" nakangising usal ni Icarus na abot hanggang tenga.
"Hoy!" tinulak n'ya ito saka lumayo sa binata "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin... Argh! Ano bang sadya mo?" inis na sambit ni Raine saka lumayo rito.
"I told you baby, you can't rid of me." usal nito habang nakangisi na animo'y nang-aasar.
"Paulit-ulit Kuya? Kaninang umaga mo pa sinasabi 'yang, you can't get rid of me na 'yan! Wag mo nga akong pag-trip-an, saka paano mo nalaman ang bahay namin. Stalker ka noh?!" Nang-gagalaiting singhal pa ng dalaga rito.
"Ako pa ngayon ang stalker, sino ba itong text ng text sa'kin na supportive girlfriend ko raw?" nakangising wika ni Icarus saka hinalukipkip ang mga braso nito.
"Ahhh... Wala lang 'yon ginu-goodtime lang kita. Ikaw talaga, hindi ko alam patola ka pala. Hehe..." kinakabahang sambit ni Raine bago napangiwi ng palihim.
"I'm not kidding Raine, akala mo siguro hindi kita mahahanap. I have my resources just so you know baby." saka kinindatan ang dalaga.
"Argh! Ano bang pinagsasabi mo Icarus, sorry kung itinext kita ng gano'n pero nagjo-joke lang talaga ako, promise!" at itinaas pa nito ang kanyang kanang kamay para kumbinsihin ang binata.
"Well I'm not, gusto mong maging girlfriend ko right? So I'm giving you a favor, you're my girlfriend now, and it's officially!" seryosong usal nito na siyang ikinagulat ng dalaga.
Hindi na alam ni Raine ang kanyang gagawin. Alam niyang wala na siyang lusot dito, kaya naman mabilis siyang lumuhod sa harap nito sabay sabing, "Please naman Icarus, parang awa mo na itigil mo na 'to. Patay ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa'yo! Gusto ko pang mabuhay." inarte ni Raine sa harap nito para pagbigyan siya sa kanyang kahilingan.
"Stop it!" hinawakan niya ang dalaga sa magkabilang balikat nito saka inalalayan patayo. "My decision is final, girlfriend na kita at hindi na mababago 'yon."
Kahit nahihiyang magsalita dahil kaharap niya ngayon ang kanyang ultimate crush, ay pilit itinuwid ni Raine ang kanyang pananalita.
"Ano 'yon girlfriend agad, wala man lang ligaw-ligaw? Anong akala mo sakin cheap-pipay?" bulalas nito habang nakahalukikip ang mga braso sa sobrang kainisan.
"Di ba ikaw na nga nagsabi na supportive girlfriend kita? So, bakit pa kita liligawan kung alam ko naman na patay na patay ka sa'kin?" nakangising usal ni Icarus habang papalapit sa kinatatayuan nito.
Hinampas niya ito sa dibdib ngunit hindi man lang natinag ang binata. Naiinis na si Raine sa pinaggagagawa ni Icarus, hindi niya malaman kung anong trip ng binata at bakit ginugulo nito ang tahimik niyang buhay.
"Nakakainis ka!" Inis na sambit ng dalaga habang patuloy sa paghampas dito.
Hinuli naman ni Icarus ang mga kamay ng dalaga saka hinawakan ito ng sobrang higpit.
Napahinto si Raine sa panlalaban dahil nakita n'yang nakatitig na ang binata sa kanyang mga mata.
Unti-unting inilapit ni Icarus ang kanyang mukha sa dalaga, at parang may nag-uudyok sa kanyang halikan ito sa labi. Nang maglapat ang kanilang mga labi, kusang pumikit ang kanilang mga mata at dinama ang tamis ng bawat isa.
Ipinagpatuloy naman ni Icarus ang kanyang halik ng makitang hindi nagprotesta ang dalaga.
Ito ang unang beses na maranasan ni Raine na mahalikan sa labi. Dati ay napapanood lang n'ya ito sa telebisyon, akala n'ya basta maglapat lamang ang mga labi ng dalawang tao ay doon na natatapos 'yun.
Ngunit ang hindi n'ya alam ay masarap pala sa pakiramdam ang mahalikan lalo na sa taong gustong-gusto pa niya. Pakiramdam n'ya ay parang may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan na 'di n'ya maipaliwanag.
Nang maramdaman ng binata na lumalalim na ang kanilang ginagawa. Unang humiwalay si Icarus sa pagitan ng kanilang mga halik. Itinigil n'ya ito dahil alam n'yang inosente pa si Raine sa ganitong mga bagay, at ayaw n'yang samantalahin ang kahinaan ng dalaga.
"So... Pwede ba tayong kumain sa labas ngayon, mahal?"
"I-icarus..." nahihiyang sagot ni Raine habang hindi makatingin ng diretso sa binata.
"Icarus lang? Anong nangyari sa mahal?" pagbibiro ni Icarus para pagaanin ang tensyon sa pagitan nila ng dalaga.
"Nahihiya ako..." nakayukong wika ni Raine.
"Anong nangyari sa supportive girlfriend ko, parang nagbago ang ihip ng hangin ahh?" pangbubuska ni Icarus na siya namang ikinainis ng dalaga.
Tinitigan naman ni Raine ito ng masama sabay sabi nang, "Eh ikaw ba namang first time mahalikan hindi ka ba mahihiya? Palibasa babaero ka kaya madami na'ng babaeng nakahalik sayo!" singhal nito bago hinalukipkip ang mga braso.
"First kiss mo ko?" namamanghang tanong ni Icarus dito.
"Oo! Kaya nakakainis dahil marami nang babaeng nakahalik sayo mga higad pa!"
"Hey! It's not my fault that girls run after me, okay." protesta ni Icarus laban sa paratang ng dalaga.
"Ewan ko sayo, basta babaero ka! Pasalamat ka gwapo ka, kung hindi never kang hahabulin ng mga babae noh!" pagtataray ni Raine sa binata saka ito napairap sa kawalan.
"Well good thing that my parents have a good genes." nakangising saad nito para asarin pa lalo ang dalaga.
"Letsugas! Ginugulo mo ang tahimik kong buhay! Umuwi ka na nga sa inyo!" Taboy ni Raine rito.
"Okay fine... Basta bukas date tayo, remember girlfriend na kita so hindi ka pwedeng humindi." maawtoridad na wika ni Icarus saka ito kinindatan.
"At sinong may sabing pumapayag na ako, aber?"
"Ako! At ang buong FTHS alam na nilang girlfriend kita, kaya wala ka nang kawala. Ikaw din, baka gerahin ka ng mga fans ko sige ka." nakangising saad nito na ikinalaki ng mga mata ng dalaga.
"Aba! Nang blackmail pa, bahala ka sa buhay mo! Tsupi! Tsupi!" taboy niya rito palabas ng pinto.
Bago pa tuluyang lumabas si Icarus ay humarap muna ito kay Raine, saka ginawaran ng mabilis na halik sa labi ang dalaga.
"Bye, mahal!" masayang turan nito saka tumakbo palabas ng pituan.
Napailing na lang si Raine habang tinatanaw ang binatang papasakay na ngayon ng kotse. Iniisip niya na sa kabila nang pagiging seryoso nito, ay may nagkukubling kakulitan ito sa kanyang pagkatao.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top