YAMTF Kabanata: 38
Napatigil sa pagtakbo ang dalaga at dahan-dahang naglakad patungo sa liwanag, unti-unting nagbagsakan ang kanyang mga luha dahil sa kanyang nakita. Ang mga paa niya ngayo'y parang may mabigat na batong hila-hila, dahilan para ang bawat hakbang na kanyang ginagawa ay sobrang bigat at pasadsad.
Nakita ng dalaga ang imahe ni Icarus na ngayon ay nakatingin lamang sa kanya. Patuloy sa pagluha ang mga mata ni Raine dahil masaya siya't kaharap ngayon ang kanyang kasintahan na maayos ang kalagayan. Pormadong-pormado ito ngayon sa kanyang suot na tuxedo na nakapag-palabas lalo sa angking kagwapuhan ng binata.
Nakangiti lang ito kay Raine habang pinagmamasdan ang bawat hakbang na ginagawa ng dalaga, papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nang magtama ang kanilang mga paningin, parang bumagal ang takbo nang buong paligid ni Raine. Ang bawat segundo na lumilipas ay parang nagiging minuto dahil sa lagkit ng kanilang pagtitinginan.
Ilang hakbang na lang ang ihahakbang ng dalaga nang biglang lumapit sa kanya si Icarus. Mabilis nitong hinablot ang bewang ni Raine saka ginawaran nang mapagmahal na halik sa labi ang dalaga.
Nagulat naman si Raine sa ginawa ng kanyang kasintahan ngunit kalaunan ay nadala na rin siya sa pamamaraan ng halik ng binata, kaya't tinugunan na rin niya ito.
"Hmmm..." ungol ni Icarus sa pagitan ng kanilang mga halik.
Nang marinig ni Raine ang pag-ungol ng binata agad siyang humiwalay rito, na ikinagulat naman ni Icarus, "W-what's the matter baby?" kunot noong usal nito sa dalaga.
"Nahihiya ako mahal, baka may makakita sa atin." saad ni Raine saka yumuko sa sobrang kahihiyan.
"Right, sorry about that baby." wika ng binata habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.
"Mahal, bakit ako tinawagan ni Margaux? Niloloko niyo na naman ba ako?" sambit ni Raine habang matamang tinitigan si Icarus sa mga mata nito.
"W-what?!" gulat na usal ng binata. "Ano na namang sinabi sa'yo ng pinsan kong iyon?"
"Wala naman, umiiyak kasi siya eh. Tapos sabi niya pumunta raw ako dito, pinagmamadali pa nga ako kaya tingnan mo 'yung suot ko nakapambahay lang. Nakakahiya naman sa'yo." anito sa binata na agad naman tiningnan ang itsura ng dalaga pababa.
"Haaayyy... That Menggay, she's gonna pay for this. I just told her to contact you habang nag-aayos kami ni Brent ng dinner date natin." umiiling na usal ni Icarus habang nakayakap pa rin sa bewang ng dalaga.
"Hayaan mo na mahal, ako naman 'yung unang nag-isip agad ng masama. Nadala kasi ako sa pag-iyak ng pinsan mo eh."
"Kahit na, hindi niya dapat ginawa 'yon, hindi ka tuloy nakapag-ayos dahil sa pang-gu-goodtime ni Menggay. Pero maganda ka pa rin naman baby kahit na ano pa ang isuot mo."
"Ayos lang po ako mahal, ang importante ayos ang lagay mo" nakangiting sambit ni Raine sa binata.
"Alright... Let's go?" anito saka inalalayan ang dalaga papunta sa lamesa.
Naglakad ang dalawa papalapit sa lamesang inihanda ni Icarus para sa kanila ng dalaga. Bumungad kay Raine, ang isang magandang set-up ng lamesa na para sa dalawang tao lamang. Napaka-romantiko nitong tingnan sa gitna ng mga halaman at mga bulaklak na nakapalibot sa buong cottage.
Habang naglalakad, inilibot ni Raine ang kanyang paningin sa buong lugar. Natuwa siya sa mga nagniningning na kulay dilaw na bumbilya, na nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Photo CTTO
Inalalayan siya ni Icarus na maupo sa kanang bahagi nang upuan, saka ito umikot sa kabila para maupo na rin. May sinenyasan ang binata sa 'di kalayuan at nagulat si Raine nang may tatlong lalaking nakasuot ng pormal ang pumuwesto sa kanilang gilid saka pumailanglang ang isang pamilyar na kanta.
(Play the song "A Thousand Years" before reading the next scene.)
🎶Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow.🎶
"Raine, naaalala mo ba ang kantang 'yan?"
Kumunot naman ang noo ng dalaga, dahil wala naman siyang maalalang okasyon na gamit ang kantang 'yan. Ang buong alam lang niya ay parati n'yang kinakanta ang kantang iyon noon.
Ngumiti naman si Icarus dahil nakita ang itsura ng kanyang nobya, "Siguro nga hindi mo naaalala ang kantang 'yan, pero para sa akin malaking bagay 'yan."
Makahulugang sambit ng binata na mas nakapag-pakunot ng noo ni Raine.
"Iyang kantang 'yan ang dahilan kung bakit ako napamahal sa'yo."
"P-papaanong..."
"First day ng pasukan, 3rd year high school tayo noon. Nagpunta ako sa field para magpahangin, nakita kong maraming estudyanteng nakatambay doon kaya pumunta ako sa may malaking puno kung saan tahimik at wala masyadong tao."
Nakikinig lang si Raine sa kwento ng binata habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
"Habang papalapit ako sa malaking puno, nakarinig ako ng babaeng kumakanta, ang ganda ng boses niya para akong kinakabahan na hindi ko maipaliwanag. Kaya na-curious ako at mas lumapit pa ako sa kinaroroonan ng boses na iyon, para makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon."
Nanlaki ang mga mata ni Raine nang maalala kung sino ang tinutukoy ng binata. Tumingin siya kay Icarus na parang nagtatanong na, Ako-'yung-tinutukoy-mo-Look?
Ngumiti naman si Icarus saka pinisil ang ilong ng dalaga, "Opo baby, ikaw 'yung babaeng tinutukoy ko. Simula rin no'ng araw na 'yon hindi mo alam na palagi na kitang sinusundan hanggang sa nalaman ko na ikaw pala 'yung text ng text sa akin na supportive girlfriend ko." nakangising sambit nito dahilan para hampasin ni Raine sa kamay ng binata.
"Hala, nahihiya na tuloy ako."
"Hindi ka dapat mahiya, dahil meant to be talaga tayo para sa isa't isa mahal." saad nito saka kinindatan ang dalaga.
"Pero mahal, ano bang meron... Bakit may ganito?" nagtatakang tanong ni Raine rito habang inililibot ang kanyang paningin.
Nginitian lang siya nito saka hinaplos ang kanyang kaliwang kamay. "Happy 4th Anniversary, baby."
Nagulat si Raine sa sinabi ng binata, hindi niya alam kung paano s'ya mag-rereact sa pagkakataong iyon.
Tumayo naman si Icarus saka inilahad ang kanyang kanang kamay sa dalaga na parang isang escort sa prom night, "Can I have this dance, Maria Reynalyn Lopez?"
Tumango lang si Raine rito saka iniabot ang kanyang kamay sa binata. Naglakad ang dalawa patungo sa gitna nang garden para magsayaw.
Humarap si Icarus sa dalaga saka inalalayan ang kamay nito na ilagay sa kanyang magkabilang balikat. Nang makitang komportable na si Raine, agad nitong ipinulupot ang kanyang mga kamay sa maliit na bewang ng kanyang nobya.
Nagsimula ng magsayaw ang dalawa habang ang mga mata ay hindi naghihiwalay sa pagtitig sa isa't isa, "Mahal, sorry po hindi ko alam ang okasyon ngayon."
"Okay lang 'yon baby, ako naman ang may kasalanan kung bakit tayo hindi nakapag-celebrate ng mga Anniversary natin."
"P-pero..."
"Shhhh... Let's just enjoy this moment baby, kahit noong high school prom night natin hindi man lang kita naisayaw, dahil kailangan ko lumipad papuntang Ameri..."
Hindi na pinatuloy ni Raine ang sasabihin ni Icarus dahil mabilis niya itong ginawaran ng halik sa labi. Nagulat ang binata sa ginawang iyon ni Raine, ngunit ngumiti lang ito saka tinugunan ang halik nito pabalik.
Ang bawat galaw ng kanilang mga katawan ay sumasabay sa mga halik na kanilang pinagsasaluhan.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, agad niyakap ni Icarus ang dalaga ng sobrang higpit saka binitawan ang mga katagang, "Mahal na mahal kita Raine, hindi ko na kayang mawala ka pa sa buhay ko." madamdaming usal ng binata sa pagitan ng kanilang pagkakayakap.
"Mahal na mahal din kita Icarus." sambit ni Raine saka isinubsob ang kanyang mukha sa dibdib ng binata.
Humiwalay naman agad si Icarus nang marinig ang mga sinabi ng dalaga, lumuhod sa harapan ni Raine at saka may inilabas na pulang kahon galing sa kanyang bulsa.
Nagulat naman si Raine sa pagluhod ni Icarus at napatakip ng kanyang mga bibig nang buksan ng binata ang maliit na kahon.
"Raine, I love you so much. I just want to be with you. We will laugh together, we will smile together, we will cry together, we will share our sadness and happiness. There is no beautiful place for me in this world, but when you are with me every place and everything looks beautiful. I just want to be with you always. Maria Reynalyn Lopez, will you be my Mrs. Reyes for the rest of our lives?"
Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ni Raine, dahil hindi niya akalain na mangyayari ito sa kanyang buhay, na ayain siya magpakasal ng lalaking pinaka-mamahal niya.
"Baby..." kinakabahang usal ng binata nang hindi agad sumagot ang dalaga.
Tumango naman si Raine habang humihikbi, "O-oo Icarus, oo papakasalan kita." nakangiting sambit ng dalaga sa pagitan ng kanyang mga luha.
Mabilis namang isinuot ni Icarus ang singsing sa palasingsingang daliri ng dalaga at agad itong tumayo para halikan sa labi ang dalaga. Napahiwalay naman ang magkasintahan dahil nakarinig ang mga ito nang palakpakan mula sa paligid.
Nang balingan nila ito, nakita ni Raine ang kanyang Mama Gina, si Riz, Margaux, Brent, Chloe, Josh at Nicole, na malalaki ang ngiti sa mga labi. Masayang-masaya ang mga ito para sa dalawa. Lumapit ang mga ito sa kanila para batiin ang magkasintahan na ngayon ay engaged na.
Masaya nilang ipinagdiwang ang gabing iyon para kina Raine at Icarus. Nai-kwento na rin ni Mama Gina, na plano lahat ni Icarus na ilihim sa kanya ang sorpresang ito. Simula nang magkabalikan sina Raine at Icarus, nasabi na rin ng binata kay Mama Gina ang tungkol sa balak nitong pagpapakasal sa dalaga. Pumayag naman si Mama Gina, ngunit sinabihan ang binata na nasa kanyang anak pa rin ang desisyon pero binibigay na niya ang kanyang blessing para sa dalawa.
Habang nagkakasiyahan biglang niyakap ni Icarus ang kanyang soon-to-be-wife na si Raine sabay sabi nang, "I love you Raine." saka ginawaran ng halik sa noo ang dalaga.
"Mas mahal kita Icarus." sagot niya rito.
And they've shared a long and passionate kiss.
Photo CTTO
*****
So how was it? Nagustuhan niyo ba, Lovies? Few chapters left before the Finalè... Mamimiss ko ang Team ICARAINE huhubells... 😭😭😭
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Votes and Comments are highly appreciated.
Follow me on Facebook
(Simply Search; Everjoy Condes)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top