YAMTF Kabanata: 34

ICARUS's POV:

Sobrang saya ko na ngayon, dahil sa wakas nakasama ko na ulit si Raine. Laking pasasalamat ko rin kay Margaux dahil kung hindi niya gawa, malamang hanggang ngayo'y nababalahibuhan pa rin ako na makausap ang mahal ko.

Naaalala ko pa kung paano pinlano ni Margaux ang lahat ng gagawin namin. Nandyan 'yung pilit niyang pinahiga si Brent sa hospital bed para magpanggap na ako. Tapos sa part ko naman ay 'yung pinagtago ako nito sa banyo para raw maganda ang mga eksena kapag umamin na si Raine.

Sa totoo lang, kinabahan talaga ako sa pagkakataong iyon. Imagine, ginawa pa akong patay ni Margaux para lang mapapunta nito si Raine sa hospital. Pero at the same time, sobrang saya ko rin dahil nalaman kong mahal pa ako ng babaeng gusto ko makasama habang buhay.

Akala ko tuluyan na s'yang mawawala sa akin, sa kabila kasi nang ginawa kong pag-iwan sa kanya tinanggap pa rin ako ni Raine ng buong puso n'ya. Kaya sobrang pasasalamat ko na binigyan pa n'ya ako ng pagkakataon na mahalin s'yang muli.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang napabaling ang aking mga mata sa hagdanan, nakita ko na pababa ang mahal ko roon na nakangiti sa akin. Dahan-dahan akong napatayo sa sofa na aking kinauupuan habang nakatulalang pinagmamasdan ang bawat hakbang pababa ni Raine.

Nakasuot ito ng isang Beige Dress na nakapag-palabas lalo ng maganda nitong itsura. Kahit simple lang manamit ang baby ko napakaganda n'ya talaga. 'yan lamang ang mga salitang pumasok sa aking isip nang makita ko si Raine.


Photo CTTO




Sa sobrang pagkatulala ko sa kanya, hindi agad ako nakapagsalita. Para akong napipi dahil napaka-breath taking ng itsura ng mahal ko ngayon.

"Uy mahal." rinig kong sabi ni Raine saka hinawakan ang pisngi ko.

Pinilig ko na lang ang ulo ko para makabalik sa realidad, "A-anong sabi mo mahal?" wala sa sarili kong sagot sa kanya.

"Ang sabi ko po, kung saan ba tayo pupunta?" naka-kunot noong saad ni Raine sa akin.

"Ah... I'm sorry baby, natulala lang ako sa ganda mo."

"Hahaha!" tawa nito na lalong nagpaganda sa mala-anghel n'yang mukha. "Ikaw talaga mahal, ang bolero mo kahit kailan." ngiti nito sa akin.

"Hindi bola 'yun mahal, maganda ka talaga. Kahit ano pa ang gawin mo sa itsura mo." usal ko sa kanya saka ko ito kinabig papalapit sa akin para mayakap ng mahigpit.

"Hmmm... Ang sweet naman ng mahal ko." malambing na wika nito, at niyakap na rin ako pabalik.

"Hindi lang ako sweet baby, dahil mahal na mahal pa kita." sabi ko saka ko siya ginawaran ng magaang halik sa labi.

Tumugon si Raine sa mga halik ko, para akong nalulunod sa tamis ng halik na pinagsasaluhan namin. Para akong nadadala na hindi ko maipaliwanag. Bago pa man mapunta ito sa kung saan, agad akong humiwalay ng halik sa kanya.

"Wooh! Grabe, biglang uminit mahal." usal ko kay Raine saka pinunasan ang mga butil-butil na pawis sa aking noo.

"Hahaha!" halakhak ni Raine. "Tara na nga, bago mo pa maubos ang lipstick ko." naka-ngiting sambit nito saka ako hinila palabas.

Naunang lumabas si Raine ng pintuan, wala si Mama Gina kaya't ako na ang nagsara ng kanilang bahay. Para masigurado ko na rin na nai-kandado ng maayos ang pintuan nila.


*****


THIRD PERSON's POV:


Napansin ni Raine na huminto ang sasakyan ng binata sa isang malaking gate na may pinaghalong kulay ng pinturang ginto't itim. Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang bumukas ito ng napakaluwang.

"M-mahal, kaninong bahay 'to?" kunot-noong sambit ni Raine sa kanyang nobyo.

"Welcome to Reyes Residence." naka-ngiting usal ng binata saka muling pinatakbo ang sasakyan papasok ng garden.

Biglang kumabog ang puso ni Raine nang marinig ang sinabi ni Icarus. Parang biglang sumikip ang daluyan ng kanyang hangin dahil sa kaisipang nandoon ang mga magulang ng binata ngayon.

"M-mahal... B-bakit hindi mo sinabi sa akin na dito tayo pupunta?" kinakabahang saad ng dalaga habang abala sa pagsipat ng buong paligid.

Naramdaman naman ni Raine na huminto na ang kotse ng binata. Bago siya nito tuluyang balingan, pinatay muna ni Icarus ang makina ng sasakyan saka hinawakan ang kamay ng dalaga.

"I just want to surprise you baby, kaya hindi ko sinabi sa'yo na pupunta tayo rito. Don't worry imemeet lang natin ang parents ko for meryenda, then after that may pupuntahan pa tayo." anito kay Raine saka hinaplos ang kaliwang pisngi ng dalaga.

"Saan naman tayo pupunta?" pagtatanong muli ni Raine sa binata habang hawak ang kamay nito na humahaplos sa kanyang pisngi.

"That's a secret for now mahal, I'm sure magugustuhan mo roon," ngisi nito saka ginawaran ng magaan na halik ang dalaga sa labi.

"O-okay po." pagsang-ayon ni Raine sa kanyang nobyo.

Bumaba na si Icarus ng sasakyan saka mabilis na umikot papuntang shotgun-seat para pagbuksan ng pinto ang dalaga.

Inalalayan pababa ng binata si Raine saka ito nagsalita nang, "Salamat, mahal." ngiting pasasalamat ng dalaga kay Icarus.

Nang makababa, hawak kamay na naglakad ang magkasintahan papasok ng tahanan ng mga Reyes. Halos mabingi na si Raine sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Parang may naghahabulang mga daga roon na hindi niya kayang pahupain. Bago pa tuluyang makapasok sa loob ng bahay, agad napahinto si Raine sa paglalakad kaya't agad s'yang binalingan ng binata.

"Hey baby, what's the matter?" usal nito nang maramdamang huminto ang dalaga sa paglalakad.

"I-icarus, k-kinakabahan ako." tanging sambit ni Raine at mababakas sa magandang mukha nito ang pinaghalong takot at kaba dahil sa sitwasyon nito ngayon.

Hinarap naman agad siya ni Icarus bago hinawakan sa magkabilang pisngi ang dalaga, "Don't be mahal, you don't have to worry about my parents. Nai-kwento na kita kay Mom kaya I'm sure magugustuhan ka nila." pagpapalakas loob ng binata sa kanyang nobya saka nito niyakap si Raine ng mahigpit.

"Haaaayyyy... Okay po, basta 'wag mo akong iiwanan doon ha?" saad ni Raine habang mahigpit na nakayapos kay Icarus.

"I promise." anito at humiwalay na sa dalaga bago dinampian ng magaang halik sa labi. "Let's go."

Tumango lang si Raine tanda nang kanyang sagot sa binata. Hawak kamay na pumasok ang dalawa sa loob ng tahanan ng mga Reyes. Bumungad kay Raine ang isang Mediterranean Style Living Room, na nakapagpamangha sa dalaga.


Photo CTTO




"Wow, ang ganda naman ng bahay n'yo mahal." namamanghang sambit ni Raine habang patuloy sa pagsipat ng bawat sulok ng tahanan nila Icarus.

"Let's go mahal, pakilala kita kay Mom." saad ng binata saka hinila si Raine papuntang kusina.

"O-okay." kinakabahang sambit ng dalaga.

"Mom! Mom!" bungad ni Icarus nang makapasok sila ni Raine sa kusina.

Ilang segundo lang ang lumipas nang makita ni Raine ang isang babae na nasa mid-50's na lumabas ng kusina. Agad naman nitong sinalubong si Icarus ng mahigpit na yakap.

"Oh hijo, nandito na pala kayo." anito saka humalik sa pisngi ng binata.

"Hello Mom." balik bati nito sa kayang Ina. "By the way Mom, this is Raine, my girlfriend." pagpapakilala nito kay Raine.

"Hello dear," masayang sambit ni Mommy Divine sa dalaga saka humalik sa pisngi. "Palagi kang ikinu-kwento sa amin ni Icarus, hindi naman niya sinabing mas maganda ka pala sa personal." puri nito kay Raine.

"Good Afternoon po Madam." nahihiyang saad n'ya sa ginang.

"Drop the Madam, just call me Tita." anito sa dalaga.

"Nakakahiya naman po."

"No dear, I insist... Call me Tita alright?"

"Maraming Salamat po... T-tita." nahihiyang sambit ni Raine rito.

"Oh bueno, tara na sa kitchen. I cooked Lasagna for our meryenda." alo nito sa dalaga saka inalalayan sa kusina.

Habang kumakain panay ang kwentuhan nina Icarus at Mommy Divine. Tahimik lang naman si Raine na nakikinig sa mga ito. Nagulat na lang ang dalaga nang biglang tanungin siya ng ginang,

"So hija, nasabi na ba sa'yo ni Icarus ang dahilan kung bakit siya umalis papuntang America?" diretsong saad nito sa dalaga.

"Opo Tita... Nai-kwento na po sa akin ni Icarus ang lahat."

"Well that's good... Mabuti at binigyan mo pa s'ya ng chance hija, ikaw ang lagi n'yang inaalala bago siya mag-undergo nang surgery."

Sandali naman napalingon si Raine sa binata, nginitian lang naman siya nito saka sumubo ulit ng Lasagna.

"I'm glad dahil nagkabalikan na kayo. Thank you Raine for giving Icarus a second chance. Mahirap ang pinagdaanan n'ya sa America at ang pagmamahal mo lang ang tanging nagpapalakas sa kanya kung bakit siya patuloy na lumalaban." madamdaming sambit ni Mommy Divine habang naluluha ang mga mata.

"Wala po 'yon Tita, ang importante po ngayon ay maayos na ang lagay n'ya. Gagawa na lang po kami ng mas maraming good memories." ngiting saad ni Raine saka hinawakan ang kamay ni Icarus.

"I love you..." iminustra ng labi ng binata ngunit walang boses na lumabas sa bibig nito.

Tanging ngiti lang ang naisagot ni Raine sa kanyang nobyo. Mabilis lumipas ang oras, masayang nagkwentuhan sina Raine, Icarus, at Mommy Divine tungkol sa kanilang mga buhay-buhay. Hindi na nila nakasama ang Daddy ni Icarus dahil naging busy ito sa kanilang kompanya.

Nagpaalam na rin ang magkasintahan sa ginang dahil pupuntahan pa nila ang sorpresang inihanda ni Icarus para sa dalaga. Halos dalawa't kalahating oras ang itinagal ng kanilang biyahe, nakatulog na rin si Raine sa loob ng sasakyan dahil sa pagod.

Nagising na lang ang kanyang diwa, nang maramdamang biglang huminto ang sasakyan ng binata. Mumukat-mukat n'yang iminulat ang kanyang mga mata at napa-ngiti sa kanyang nakita.

"Hello mahal." nakangiting bungad ni Icarus sa dalaga nang mapansin nito na gising na si Raine.

"S-sorry mahal, nakatulog pala ako." wika nito saka inayos ang kanyang sarili. "Gabi na pala." anito nang makitang madilim na sa paligid.

"Okay lang po mahal, tara baba na tayo."

Mabilis na bumaba si Icarus bago umikot sa kinauupuan ng dalaga para alalayan itong makababa.

Nang makababa si Raine, bigla n'yang naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na nakapag-panginig sa buo n'yang sistema.

"Grabe mahal ang lamig naman dito." nanginginig ang mga labing sambit ni Raine bago niyakap ang kanyang sarili.

"Here, wear this baby, para ma-ease ang lamig," ani ng binata saka ipinatong sa balikat ni Raine ang isang makapal na jacket. "Feel better?"

"Yes mahal, salamat... Nasa'n na ba tayo?" saad ni Raine habang nagmamasid sa buong paligid.

"Don't you remember this place mahal?" naka-ngiting usal ni Icarus at ipinakita pa ang isang CoffeeShop doon.

Nanlaki ang mga mata ni Raine nang makita ang pamilyar na CoffeeShop na kanilang pinuntahan ni Icarus noong bago pa lang silang magkasintahan.

"Nasa Tagaytay tayo mahal?" gulat na sambit ni Raine at patuloy lang sa pagmasid ng paligid. "Sayang gabi na, hindi na natin makikita 'yung Taal Lake."

"Yes po," habang nakatingin sa dalaga. "Gusto ko kasing balikan ito dahil dito tayo unang nag-celebrate ng monthsary natin."

Napalingon naman si Raine sa gawi ni Icarus nang marinig ang sinabi nito. Ngumiti siya ng napakatamis sa binata at biglang sabi nang, "Naaalala mo pa pala 'yon." saad nito bago hinarap ang nobyo.

"Oo naman baby, 'yon ang isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko." ngiting usal ni Icarus saka pinisil ng bahagya ang ilong ng dalaga.

"Thank you mahal."

"Wala 'yon baby, ang importante magkasama na tayo ngayon at bubuo tayo ng masasayang ala-ala," anito sa nobya saka inakbayan si Raine. "Tara na mahal, baka lamigin ka pa lalo, kain muna tayo bago tayo tumuloy sa hotel natin."

"Okay po mahal." sambit ni Raine at iniyakap ang kanyang kanang kamay sa bewang ng binata.

Naglakad ang dalawa patungo sa CoffeeShop para kumain ng gabihan. Masayang magkasalo ng hapunan sina Raine at Icarus habang nagku-kwentuhan tungkol sa mga ala-ala nila noon sa Tagaytay.

Nang matapos kumain at uminom ng kape, dumiretso na ang dalawa sa hotel na kanilang tutuluyan. Pumasok ang magkasintahan sa lobby para kunin ang kanilang susi para sa dalawang kwartong kanilang uupahan sa gabing iyon.

"Good Evening Maam, Sir. Welcome to Empire's Hotel." ngiting bati ng receptionist sa magkasintahan.

"Hello Miss," bati ni Icarus dito. "I have an early reservation for two rooms."

"Okay Sir, ano pong pangalan nila."

"John Icarus Reyes."

"Alright Sir, one moment please." saad ng receptionist saka may itinipa sa computer.

Nang balingan ng binata si Raine. Nakangiti lang ito sa kanya ng sobrang tamis, na dahilan para madampian ito ni Icarus ng magaan na halik sa labi.

"Loko ka talaga." nahihiyang sambit ni Raine saka hinampas sa dibdib ang binata.

"Hahaha!" tanging halakhak lang ang isinagot ni Icarus dito saka kinindatan ang dalaga.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila binalikan ng receptionist sabay sabi nang, "Sir, I'm so sorry, nagka-problema po sa reservation n'yo."

"What do you mean?" kunot noong tanong ni Icarus.

"Sir, hindi po nai-book ang reservations for two rooms. One bedroom lang po ang nai-reserved under your name, We're so sorry Sir." hinging pasensya nito sa binata.

"Haaayyy... Its fine, kukuha na lang ako ng isa pang kwarto."

"Sorry po Sir, as of the moment we don't have any vacant suites. Fully booked po kasi ang mga suites namin ngayon."

"Ano ba 'yan, nagpa-reserved ako ng maayos tapos gano'n-gano'n lang 'yon?" iritableng usal ni Icarus na agad namang sinagot ni Raine.

"Okay lang 'yon mahal," sambit ng dalaga saka hinawakan ito sa braso. "Sige Miss, kukunin na namin 'yung kwartong nakareserba sa amin." ngiting bati ni Raine rito.

"Are you sure baby?" pagtatanong ni Icarus sa dalaga.

"Opo mahal, 'wag mo nang alalahanin 'yon." naka-ngiting saad nito sa binata.

"Alright Miss, we'll take it." wika ni Icarus ng balingan nito ang receptionist.

"Okay po Sir, here's your keycard." saka inabot ang susing korteng credit card.


*****

The next scene is not suitable for young readers. Kung mapilit ka, I'm warning you! Read at your own risk. Hindi ako nagkulang sa paalala ha? Kung below 18 ka pa, sa Kabanata 37 ka na lang ulit magbasa.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top