YAMTF Kabanata: 33
"I-icarus?" humihikbing sambit ng dalaga.
Lalong naluha si Raine nang makita ang binata na prenteng nakatayo sa kanyang likuran. Ilang beses pa niyang ikinurap ang kanyang mga mata para masiguradong totoo ang kanyang nakikita. Hindi siya makapaniwala na buhay si Icarus, buhay na buhay at heto't nakangiti pa sa kanya.
"Hi Mahal..." nakangiting sambit nito.
Naguguluhan si Raine sa sitwasyon, hindi niya alam kung bakit kailangan pa s'yang lokohin ni Margaux tungkol sa buhay ng binata, samantalang grabe ang iyak nito kanina no'ng tumawag sa kanya.
"Niloloko ba nila ako?" wika ni Raine sa kanyang sarili.
Kaya naman nilingon n'ya agad ang dalaga at nakita n'yang naka-ngisi na ito ng sobrang laki saka nagsalita nang, "Sorry Raine." saad nito saka nag-peace-sign sa kanya.
"P-paanong... Eh sino naman 'to?!" inis na sambit ni Raine sa mga ito saka binalingan ang katawan na nakahiga sa kama.
Mabilis na hinablot ni Raine ang kumot at bumungad sa kanya ang isang lalaki, "Boo!" gulat nito, saka tumayo ng kama. "Hello Raine, I'm Brent at your service." nakangising usal nito at kinindatan pa ang dalaga.
Napabaling naman ang dalawa nang biglang magsalita si Margaux, "Hoy Brentot! Dukutin ko 'yang mata mo, sige kumindat ka pa!" iritableng wika nito saka humalukipkip ang mga braso.
"Ikaw talaga mine, napaka-brutal mo."
"Anong sabi mo?!" singhal ni Margaux sa binata.
"W-wala mine, sabi ko nga ang ganda talaga ng mine ko, 'di ba Raine?" biro nito sa dalaga habang kumakamot ng ulo.
"Goodboy! Akala ko may sinasabi ka eh. Let's go mine, may pag-uusapan pa 'yang dalawa." anito sa kanyang kasintahan saka lumabas ng pinto. "Babye, lovebirds." naka-ngiting sambit ni Margaux saka lumabas nang tuluyan.
"Sige bro, labas na kami para naman walang istorbo sa inyo." saad ni Brent saka tinapik sa balikat ang kanyang kaibigan. "Raine, you look familiar... Hindi ko lang alam kung saan, pero parang nakita na kita before?" anito sa dalaga.
"Hey Brent! Let's go!" iritableng wika ni Margaux rito na agad namang sinunod ng binata.
"Anyways, bye Raine, nice meeting you."
Naiwan sina Raine at Icarus sa loob ng kwarto, tahimik lang ang dalaga habang pinapakiramdaman kung ano na ang mangyayari ngayon sa kanila ng binata. Napalingon naman si Raine nang biglang magsalita si Icarus,
"Mahal..." nahihiyang usal nito habang nakahawak sa kanyang batok na ani mo'y nahihiya.
Biglang kumabog naman ng husto ang puso ni Raine dahil sa pagtawag ni Icarus sa kanya ng Mahal.
"Ang tanga-tanga mo kasi Raine, bakit hindi mo sinilip kanina 'yung kumot bago ka nag-inarte d'yan." pangaral ng dalaga sa kanyang isip saka yumuko dahil sa kahihiyan.
"Raine, totoo ba?"
Rinig n'yang sabi nito at sa puntong iyon ay napalingon na ng tuluyan ang dalaga rito at nakita n'ya na seryoso nang nakatingin sa kanya si Icarus ngayon, "Raine, totoo ba lahat ng narinig ko kanina?" pag-uulit na usal nito habang palapit ng palapit sa kinatatayuan ng dalaga.
Hindi makasagot si Raine, ramdam n'ya na parang may nakabara sa kanyang lalamunan kaya't walang lumalabas na boses dito. Gustuhin man n'yang magsalita, ngunit bigo s'ya dahil hindi niya kayang magsalita sa puntong iyon. Pigil ang hiningang nakatitig lang ang dalaga kay Icarus, na malapit na sa kanyang kinatatayuan.
Parang bumagal ang takbo ng paligid ng magsalubong ang kanilang mga paningin. Nadadala na si Raine sa mga titig ng binata na ani mo'y nanghihipnotismo. Kung baga sa modus ay baka nabudol-budol gang na s'ya kung nagkataon, dahil sa pamamaraan ni Icarus ng pagtitig sa kanya.
Habang nasa ganoong kaisipan si Raine, hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya ang binata. Nagulat na lang siya ng hawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi sabay sabi nang,
"Raine, totoo bang mahal mo pa ako?" seryosong saad nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.
Hindi makahinga si Raine, dahil bukod sa lagkit ng pagtitig sa kanya ni Icarus ay ilang pulgada na lang ang lapit ng kanilang mga mukha. Mas lalong nabigla si Raine nang mas nilapit pa ng binata ang mukha nito sa kanya.
Ngayon ay gahibla na lang ang layo nila sa isa't isa, bago muling nagsalita ang binata, "Raine, totoo bang mahal mo pa rin ako?"
Halos manlambot na ang mga tuhod ni Raine sa gahiblang lapit ng mga labi nila ni Icarus. Amoy na amoy n'ya ang masculine scent ng binata, isama mo pa ang mabangong hininga nito dahil sa sobrang lapit ng kanilang pagitan.
Dahil sa kaba na kanyang nararamdaman, hindi na namalayan ni Raine ang biglang pagtango ng kanyang ulo tanda ng pagsang-ayon nito sa katanungan ni Icarus na dahilan para tuluyan na s'yang halikan ng binata.
Photo CTTO
Nang maglapat ang kanilang mga labi, kusang pumikit ang mga mata ni Raine dahil sa tamis na kanyang nararamdaman ngayon. Nanumbalik sa kanyang sistema ang kakaibang sensasyon na kay Icarus lang n'ya naranasan noon.
Parang may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan na hindi n'ya mai-paliwanag. Hindi namalayan ni Raine na naikawit na n'ya ang kanyang mga braso sa batok ni Icarus at tumugon na rin sa mga halik nito.
Nang mapansin ni Icarus na hindi nagprotesta ang dalaga, mas pinalalim pa nito ang kanyang mga halik sa dalaga. Halik na may halong pananabik at punong-puno ng pagmamahal.
Ilang minuto rin ang itinagal ng kanilang mga halik bago sila tuluyang kapusin ng hininga.
Habang magkadikit ang kanilang mga noo biglang nagsalita si Icarus, "God, I missed you Mahal." namamaos na usal nito habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"Hmmm..." tanging sagot ni Raine rito bago nagmulat. "N-namiss din kita M-mahal." mahinang sambit ng dalaga.
Nang marinig ni Icarus ang katagang iyon, agad n'yang ikinulong sa pagitan ng kanyang mga bisig ang dalaga. Yakap na sobrang higpit para ipadama kay Raine ang kanyang buong pagmamahal.
Sa una ay nagdadalawang isip pa ang dalaga kung yayakapin din ba n'ya pabalik ang binata, pero kalaunan ay yumapos na rin s'ya rito ng sobrang higpit.
Muling naramdaman ni Raine ang mga yakap ni Icarus na talagang nagpapakalma sa kanya sa tuwing magkadikit ang kanilang mga katawan. Kaya naman dahil sa mga yakap na ipinapadama ngayon ni Icarus, hindi na namalayan ng dalaga na umiiyak na pala siya.
Mabilis naman na narinig ng binata ang mga hikbi ni Raine, kaya dali-dali n'yang sinipat ang mukha nito. Muling nabahala si Icarus dahil sa pag-iyak na 'yon ng dalaga. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan kaya naman para makasigurado agad n'yang tinanong ito,
"Hey baby, why are you crying?" nag-aalalang sambit n'ya saka pinunasan ang mga luhang dumausdos sa pisngi ni Raine.
Tanging iling lang ang naisagot ng dalaga, dahil ang totoong dahilan ng kanyang pagluha ay ang sobrang kaligayahan. Kaligayahan na muling n'yang nahagkan ang dating nobyo, na buong akala ni Raine ay hindi na n'ya makikita itong muli.
"M-masaya lang ako, dahil nandito ka sa tabi ko." humihikbing wika ni Raine habang mahigpit na nakayakap sa binata.
Humiwalay naman si Icarus dito para alalayan ang dalaga na makaupo sa kama ng ospital, "Shhhh... Don't cry baby, I promise hinding-hindi na kita iiwan ulit." anito sa dalaga habang pinupunasan ang mga luha nito.
"T-thank you..." tanging saad ni Raine sa binata.
"No baby, ako dapat ang magpasalamat dahil binigyan mo ulit ako ng chance para balikan ka. Akala ko tuluyan ka nang mawawala sa akin, patawarin mo ako sa mga isinulat ko sa'yo bago ako umalis dati."
Mabilis naman na sinelyohan ni Raine ng halik ang labi ni Icarus bilang kanyang sagot dito, para na rin sabihin sa pamamagitan ng kanyang halik sa binata, na kalimutan na nila ang nakaraan ang importante ay ang kasalukuyan, kung saan sila muling bubuo ng maraming masasayang ala-ala.
Ilang minuto ang lumipas bago humiwalay si Raine sa pagitan ng kanilang mga halik sabay sabi nang, "Kalimutan na natin iyon, ang importante ay kung ano ang meron tayo ngayon... Mahal." naka-ngiting sambit niya rito na agad namang ikinatuwa ni Icarus.
"Ibig sabihin, tayo na ulit?" nanlalaki ang mga matang usal nito.
"Hmmm... Pag-iisipan ko muna."
Bigla namang nalungkot si Icarus sa sinabi nito na ikinatawa naman ni Raine, "Hahaha!" halakhak ng dalaga. "Nagtatampo ba ang mahal ko?" biro nito sa binata.
"H-hindi naman sa gano'n mahal, para kasing ang tagal na panahon ang hinintay ko para mangyari ang sitwasyon na ito." malungkot na saad ni Icarus saka yumuko.
Napangiti lang si Raine sa naging reaksyon ng gwapong mukha nito dahil sa ginawa n'yang pagtanggi na maging sila ulit. Kaya naman bago pa ito tuluyang malungkot agad nagsalita ang dalaga nang, "Oo na mahal."
Lumingon naman si Icarus nang marinig ang kanyang sinabi, "T-talaga? Tayo na ulit?" anito sa dalaga.
"Oo na po, tayo na ulit... Mahal ko."
Mabilis na ginawaran ni Icarus ng maraming halik sa mukha si Raine. Bawat parte ng mukha nito ay pinuno ni Icarus ng kanyang mga halik.
"Hahaha." natatawang sambit ni Raine. "T-tama na mahal, puno na ng laway buong mukha ko." pagpipigil nito sa ginagawang paghalik ng binata.
"Nope, I won't stop... Binibigay ko lang 'yung mga halik ko na naipon simula nang umalis ako." masiglang usal nito habang patuloy sa paghalik sa buong mukha ni Raine.
"Hahaha! Tama na mahal!" tili ni Raine habang iniiwas ang kanyang mukha sa binata.
"Sige ka, kapag tumigil ako ikaw ang sisingilin ko, mahal pa naman ang interest kapag ako ang naningil," makahulugang saad nito habang taas baba ang mga kilay, dahilan para ikapula ng mga pisngi ng dalaga. "You see? Kaya hayaan mong ako na lang ang gumawa para sa ating dalawa." mapang-asar na wika nito saka muling hinalikan ang bawat parte ng mukha ni Raine.
Nasa ganoong eksena ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto. Sabay na napalingon sina Raine at Icarus dito, bumungad sa kanila sina Brent at Margaux na parehong mapang-asar ang mga ngisi,
"Soooooo... Kayo na ulit?" pagtatanong ni Margaux sa kanila.
Tanging mga ngiti lang ang isinagot ng dalawa sa mga ito dahilan para mapatili nang husto si Margaux, "Aayyyyiiiieeee... Ang saya-saya!" masiglang sambit nito sabay palakpak ng mga kamay bago lumapit kina Raine at Icarus.
"Congrats Jic," saka ito bumeso sa pisngi ng binata. "Finally! Welcome to the family Raine." kinikilig na wika nito saka niyakap ng mahigpit ang dalaga.
"Thank you." nahihiyang saad ni Raine rito.
"Bro congrats!" bati nito kay Icarus saka nakipag-fistbump. "Congrats Raine." at nang aktong hahalik ito sa pisngi ng dalaga, biglang s'yang piningot ni Margaux ng napaka-diin.
"Walanghiya ka talaga, pati ba naman ang magiging future cousin-in-law ko papatusin mo pa." inis na sambit ni Margaux sa binata.
"Aray, aray, aray... Hindi naman mine, babati lang naman ako kay Raine." usal nito habang iniinda ang sakit na ginawad ni Margaux sa kanyang tenga.
"Oy tama na 'yan, baka kung saan pa mapunta 'yan." pagsuway ni Icarus sa dalawa.
"Hmpf!" wika ni Margaux saka binitawan ang tenga ni Brent. "Bago pa ako tuluyang mabadtrip, icelebrate na lang natin ang araw na ito bilang official back together n'yo."
"Sounds good, what do you think baby?" pag-aagree ni Icarus sa sinabi ng kanyang pinsan.
"H-ha? sige, saan ba?" utal na sabi ni Raine.
"Don't worry sweetie ako na ang bahala." wika nito saka kinindatan si Raine. "Yeys! Lets'go!" masayang usal ni Margaux.
*****
Nagcelebrate sina Raine, Icarus, Brent, at Margaux sa isang mamahaling restaurant. Naging masaya ang kanilang naging pagsasalo-salo dahil sa wakas ay nagkabalikan na ang dating magkasintahang sina Raine at Icarus.
Matapos nilang kumain sa restaurant, hinatid naman ni Icarus ang dalaga sa tahanan ng mga ito para personal na kausapin ang Ina ni Raine na si Mama Gina.
Hawak kamay nilang hinarap ito para sabihing nagkabalikan na ang dalawa. Mabilis namang natanggap muli ni Mama Gina ang binata. Ipinaliwanag ni Icarus lahat ng dahilan kung bakit ito umalis ng walang paalam.
Kaya naman masayang-masaya na ang magkasintahan dahil sa tinagal-tagal ng panahon na sila'y nagkahiwalay, ngayon ay magkapiling nang muli ang kanilang mga puso na punong-puno ng pagmamahal.
*****
Sa wakas bumalik na ang ICARAINE love team. 😍😍😍
See you next Chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top