YAMTF Kabanata: 32

Dalawang araw na ang lumipas simula nang mag-usap sina Raine at Icarus. Simula rin nang araw na iyon, halos hindi na mapakali sa ospital ang binata.

Gustong-gusto na nitong puntahan si Raine, pero hindi pa ito pinapayagan ng doctor dahil may mga test pa na ginagawa sa binata kung bakit ito nawalan ng malay.

Nagtataka si Icarus kung bakit bigla s'yang nawalan ng malay, successful naman ang naging operation n'ya sa America, fully recovered na rin ang katawan nito pagkatapos mag-undergo sa surgery.

Iniisip ng binata kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, isa pa s'ya sa dinapuan ng sakit na iyon. Pero laking pasasalamat pa rin ni Icarus dahil kahit papaano'y naging maayos ang operasyon niya. Nasa ganoong pag-iisip ang binata nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Come in." walang ganang sambit nito saka itinuon ang atensyon sa librong hawak n'ya.

"Hi Jic!" maingay na bungad ni Margaux at pabagsak na isinara ang pintuan, dahilan para mairita si Icarus.

Napansin naman agad ng dalaga ang pagka-inis sa mukha ni Icarus, kaya naman agad n'yang binalingan ang binata,

"Oh, para ka na namang naluging intsik, nakabusangot na naman 'yang mukha mo." pang-aalaska nito sa binata.

"Because your voice is so annoying," iritable saad ni Icarus rito saka isinara ang librong hawak. "So... What brings you here?" walang emosyon dagdag pa nito na agad namang ikina-nguso ni Margaux.

"Ikaw ang hard mo talaga sa akin," may himig na pagtatampong sambit nito. "Hmpf! FYI lang ho Mr. John Icarus Reyes, ako lang naman ang susundo sa'yo kasi wala si Auntie, may meeting." sabi nito saka umupo sa upuan.

Sandaling tiningnan ni Icarus si Margaux, iniisip niya kung paano natitiis ni Brent ang pagka-childish nito. Siguro nga mahal lang talaga ng mokong na 'yon itong pinsan ko. sambit niya sa kanyang isip.

Nasa ganoong pag-iisip siya nang biglang makaramdam ito nang pagpitik sa kanyang ilong.

"Uy!" pitik ni Margaux sa ilong ng binata.

"Ano ba!" singhal nito saka iniwas ang mukha sa dalaga.

"Alam mo ikaw, kahit kailan ang sungit mo sa akin. May sasabihin pa man din sana ako sa'yo but nevermind." nagtatampong sambit nito na ikina-curious naman ng binata.

"Tell me, about what?"

"Nothing special, I guess. Sasabihin ko lang sana about kay..." pabitin nitong sagot. "About kay... Raine."

Sa puntong iyon ay nanlaki ang mga mata ni Icarus. Alam niyang alam ni Margaux ang tungkol kay Raine, pero hindi niya alam kung anong pakulo ang meron ito ngayon.

"What about her?" naging interesado tanong ni Icarus kaya naman nagkabaligtad na ang mundo. Nagpapa-bebe na ang dalaga sa kanya.

"Pilitin mo muna ako. Dali."

"Haaaayyy... I think I don't have a choice, So please pretty Menggay. Ano po 'yung sasabihin mo?" sarkastiko usal ni Icarus sa dalaga.

"Okay!" nakangiting sabi nito. "So, nakausap ko si Raine. And guess what." sabik na wika nito sa binata.

"What?"

"Mahal ka pa ni Raine!" kinikilig na sabi ni Margaux, saka ito tumili ng napakalakas.

Biglang kinabahan si Icarus nang marinig ang sinabi ng kanyang pinsan, hindi niya alam kung ginu-goodtime lang s'ya nito o ano, dahil mahilig mantrip itong si Margaux lalo na kapag umaatake ang pagka-childish nito.

Ngunit kita niya sa mga mata ng dalaga ang katinuan sa pagkakataong ito, kaya naman mabilis pa sa alas-kwatro na tinanong n'ya si Margaux.

"You're joking, right?"

"Duh?! What do you think of me? Do you think I'm a liar, I'm a liar ha!" seryosong sambit nito na kina-inis lalo ni Icarus.

"Argh! You're driving me crazy Menggay! Damn!" aburidong usal ng binata saka isinuklay ang mga daliri sa kanyang buhok.

"Haha! That's what I like about you Jic, dalang-dala ka sa mga eksena ko." nakakalokong buska nito sa binata.

"You know what? Just go home Margaux, ang ganda mong babae pero ang lakas ng sapak mo sa ulo. Get out! Kaya kong umuwi mag-isa." inis na sabi ni Icarus saka tumayo na ng kanyang kama.

"We-we-wait, Jic," saad nito sa hinablot ang braso ng binata. "Okay fine, i'll be serious na. Ikaw naman hindi ka na mabiro, hindi mo ba kilala si Immalier na nag-viral sa Facegram MRT video before?" ngisi ni Margaux dito.

"Hindi, kaya kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na."

Akmang tatalikod na si Icarus nang biglang hilain s'yang muli ng dalaga paupo sa kama, "Okay, okay... Seryoso na talaga, nagkita kami ni Raine sa BakeShop na pinagta-trabahuhan niya. I told her na hindi mo gustong saktan s'ya, at sinabi ko sa kanya na gusto kong magkabalikan kayo." wika nito saka ipinikit ang mga mata dahil sa pangingielam nito sa relasyon ng dalawa.

"You what?!" hindi makapaniwalang singhal ni Icarus. "Why do you have to do that Margaux?! Mas lalo lang magagalit sa akin si Raine sa ginawa mo, baka isipin pa niya inutusan kita para lang sabihin ang mga bagay na 'yon!" frustrated na usal ni Icarus sa dalaga.

"Believe me Jic, mahal ka pa ni Raine. And i saw it in her eyes, may galit oo pero kitang-kita ko, mahal ka pa niya."

At sa puntong iyon ay nilingon na ni Icarus ang dalaga at tiningnan n'ya ito ng mata sa mata. Nakita n'ya na seryoso na itong naka-tingin sa kanya at saka muling nagsalita,

"I maybe crazy sometimes Jic, but I know that Raine still loves you. Babae rin ako Couz, gusto mo patunayan ko pa sa'yo eh." makahulugang sambit ng dalaga.

Nangunot naman ang noo ng binata sa sinabing iyon ni Margaux. Naisip na lang ni Icarus na mukang kailangan na nga n'ya ang tulong ng dalaga sa pagkakataong ito. Kahit na walang kasiguraduhan, ipapaubaya na lang niya kay Margaux ang lovelife n'ya ngayon, Sana lang hindi ako magsisi sa desisyon kong ito. bulalas ni Icarus sa kanyang sarili.

"Haaaayyy..." buntong hininga ng binata. "So, what's your plan genius?" walang gana nitong tanong sa dalaga.

"Sit back and relax Jic, ako na ang bahala sa lovelife mo."  nakangising sambit ni Margaux saka kinindatan ang binata.

Kahit kinakabahan, mas pinili na lang ni Icarus na magtiwala sa dalaga. Tiwala na sana maging maayos ang naisip nitong solusyon sa pagitan nila ni Raine. Wala nang nagawa ang binata kung hindi ang bumuntong hininga na lamang. Haaaayyyy...


*****


Nasa Hallway ng Trinus University si Raine, papunta ito ngayon sa library para manghiram ng libro na kanyang kakailanganin para sa proyekto na ipinapagawa sa kanilang ng kanilang prof.

Malapit na sana ang dalaga sa library, nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha naman agad niya ito sa kanyang bulsa at nangunot ang noo sa pangalan na romehistro rito.

Margaux
Calling...

"Ano na naman bang kailangan ng babaeng 'to?" inis na sambit ni Raine sa hangin.

Laking pasalamat na lang niya nang biglang tumigil sa pagtawag si Margaux. Nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad at nang akmang bubuksan na niya ang pintuan ng library, biglang tumunog ulit ang kanyang telepono.

Mabilis niyang kinuha ito sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag ng pabalang:


Convo:

"Hello!" inis na sagot niya sa telepono.

"Hello, Raine..." umiiyak na bungad ni Margaux sa kabilang linya.

Nagulat si Raine nang marinig ang boses ng dalaga. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa dating ng tawag ni Margaux, na tila may mabigat itong balita sa kanya.

"H-hello, Margaux... Bakit ka umiiyak?" kabado niyang sagot rito at sa puntong iyon ay malumanay na ang timbre ng boses ni Raine.

"R-Raine... Si Jic!" rinig n'yang hagulgol ng dalaga sa kabilang linya.

"Te-teka Margaux, a-ano bang problema?" kinakabahan n'yang sambit dito.

"Raine, si Jic, pumunta ka rito sa St. Andrews Hospital. Please, he needs you." saad nito habang patuloy sa pag-iyak.

"S-sige, p-papunta na ako." utal-utal na wika ni Raine saka pinutol ang linya.

Mabilis na tinakbo ni Raine ang kahabaan ng Hallway ng Trinus University. Hindi na alintana ng dalaga ang mga taong nakakabangga n'ya. Dahil ang tanging tumatakbo lamang sa kanyang isipan ay ang isipin tungkol kay Icarus.

"Mahal, hintayin mo ako please." umiiyak na sambit ni Raine sa kanyang sarili habang patuloy sa pagtakbo palabas ng eskwelahan.


*****


Mabilis nakarating si Raine sa St. Andrews Hospital, tinungo n'ya agad ang receptionist ng nasabing lugar para tanungin kung saan ang kwarto ng binata.

"Miss, saan po ang kwarto ni John Icarus Reyes?" habol hninga n'yang sambit sa nurse na naka-duty doon.

Ilang minuto pa ang pinaghintay ni Raine, dahil tiningnan pa ng nurse kung saan ang kwarto ng binata. "Third Floor po maam, Room 328."

"Sige po, salamat." hindi na hinintay ni Raine ang sagot ng nurse at mabilis n'yang tinungo ang elevator.

Patuloy sa pagpindot si Raine ng elevator, ngunit nakita n'ya na nasa ika-limang palapag pa lang ang lift nito. Ang bawat segundo ngayon para sa dalaga ay mahalaga, kaya't hindi na n'ya hinintay pa na bumaba ang elevator.

Mabilis na pinasok ni Raine ang hagdan paakyat ng ikatlong palapag. Tinanggal ng dalaga ang kanyang sapatos na may tatlong pulgada ang taas, para mas mabilis s'yang makatakbo paakyat ng hagdanan.

Hindi ramdam ni Raine ang pagod sa bawat takbo na kanyang ginagawa. Ang mahalaga para sa kanya ngayon ay ang makapiling si Icarus. Nang makita nasa ikatlong palapag na s'ya agad n'yang binuksan ang pinto nito at dali-daling hinanap ang kwarto ng binata.

Sa 'di kalayuan, nakita n'ya si Margaux na nakaupo sa labas ng pintuan. Dahan-dahan s'yang naglakad patungo sa kinauupuan nito. Napansin n'ya na tila malungkot ang itsura nito habang tahimik na umiiyak. At nang maramdaman nito ang kanyang presensya, agad siyang niyakap ng dalaga ng napakahigpit.

"Raine... Wala na si Jic." humahagulhol na sambit ni Margaux habang mahigpit na nakayakap sa dalaga.

Natulala si Raine nang marinig ang sinabi nito. Para s'yang naging isang estatwa na walang buhay sa mga oras na iyon, hindi n'ya alam kung anong emosyon ang pumapaloob ngayon sa kanyang buong sistema.

Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang pumasok sa kaisipan ni Raine ang buong pangyayari. Parang may sariling hudyat ang kanyang mga luha na sabay-sabay na umagos sa kanyang magkabilang pisngi.

"I-icarus..." mahinang sambit niya sa pangalan ng binata habang umiiyak.

Nang marinig naman ni Margaux ang paghikbi ng dalaga agad s'yang humiwalay sa pagkakayakap dito. Tiningnan lang siya nito ng masinsinan, naglakad si Margaux patungo sa pinto at ilang segundo lang ang lumipas agad nitong binuksan ang pintuan.

Bumungad kay Raine ang isang taong nakahiga sa kama. Mabigat ang mga paang humakbang s'ya ng dahan-dahan papalapit dito. Hindi n'ya kita ang mukha nito dahil ang buong katawan ng binata ay natatakpan ng kumot.

Patuloy lang sa pagbagsak ang kanyang mga luha, at nang tuluyan ng makalapit si Raine rito agad s'yang naupo sa tabi ng kama paharap kung saan nakaratay ang binata.

Hindi kayang makita ni Raine ang itsura ni Icarus ngayon sa likod ng puting kumot. Nakatitig lang ito ng malungkot sa binata habang humihikbi,

"I-icarus... G-gumising ka na riyan," umiiyak na sambit ni Raine saka niyuyog ng bahagya ang katawan ng binata. "Uy, mahal, gising ka na please." patuloy lang ito sa pagyugyog kay Icarus na ani mo'y naririnig siya ng binata.

Nakatayo lang si Margaux sa bungad ng pintuan, habang pinagmamasdan ang dalaga na patuloy lang sa pag-iyak.

"Icarus... A-akala ko ba m-mahal mo ako? Bakit mo ako iniwan mahal?" at sa puntong iyon ay humagulgol na si Raine saka niyakap ng mahigpit ang katawan ni Icarus na nakatabing ng puting kumot.

"Iniwan mo na naman ako sa pangalawang pagkakataon mahal, sana hindi na lang ako nagpakipot no'ng bumalik ka sa akin, edi sana magkasama na tayo ngayon. Nasaktan kasi ako mahal kaya hindi kita agad napatawad pero ang totoo Icarus, mahal na mahal pa rin kita!" humahagulgol na sambit ni Raine habang nakasubsob ang mukha sa katawan ng binata.

"Mas gugustuhin ko pang kahit hindi tayo alam kong nandyan ka at buhay, kesa ngayon na wala ka na parang dinudurog ang puso ko sa kaisipang hindi na kita makikita kailan man! Mahal bumalik ka na sa akin pakiusap." umiiyak na saad ni Raine na hindi na alintana kung anong maging itsura n'ya sa kabila ng paghagulgol niya sa bangkay ng binata.

Patuloy lang sa paghagugol si Raine, hindi na niya alam kung anong gagawin niya ngayong wala na si Icarus. Nasa ganoong kaisipan si Raine nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan, "Raine..." dahilan para mai-angat niya ang kanyang ulo sa pagkakalugmok.

Ngunit nang tingnan niya ang katawan ni Icarus, nakahiga pa rin naman ito. Kaya naman tumayo na siya sa pagkakahiga at pinalis ang kanyang mga luha.

Nagulat si Raine nang biglang may magsalitang muli, ngunit sa pagkakataong iyon ay sa kanyang likuran na,

"Mahal..."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang boses na iyon, kahit nakapit alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Kaya naman dala ng kanyang pagkabigla agad n'yang nilingon ang binata,

"I-icarus?" humihikbing sambit ng dalaga.



*****


And Cut! 🎬🎬🎬 Next Chapter po ang continuation.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top