YAMTF Kabanata: 30
3 years ago...
Nagising si Icarus dahil nakaramdam ito nang sobrang pananakit ng kanyang ulo. "Ahhhhhhh!" hinaing ng binata habang mahigpit na sinasabunutan ang kanyang buhok.
Pilit nilalabanan ng binata ang sobrang pagtibok ng mga ugat sa kanyang ulo, ramdam ni Icarus na parang binibiyak ang kaliwang bahagi ng kanyang bumbunan, at para itong pinupukpok ng martilyo sa sobrang sakit.
Matapos ang ilang minutong pakikipaglaban ng binata sa sakit bigla naman itong nakaramdam ng pagsusuka, kaya't mabilis nitong tinungo ang banyo para ilabas ang mga suka na kanyang pinipigilan.
Napagpasyahan niyang tawagan ang kanyang Mommy Divine para ipaalam dito na umaatake na naman ang pagsakit ng kanyang ulo.
"Hello Mom, its happening again... Ahhhhh!" daing ni Icarus saka humiga sa kanyang kama.
"Oh dear! Wait, I will call your Tita Betty. Hang on son." natatarantang sambit nito saka pinutol ang linya.
Makalipas ang kalahating oras, dumating na ang doctor na titingin sa binata para suriin ito.
"Okay, let's do some lab test first, para ma-check natin kung anong problem sa system ng katawan at ulo mo." saad ni Tita Betty kapatid ng kanyang Inang si Mommy Divine.
Pumunta ng St.Andrews Hospital sina Icarus, kasama ang kanyang Doctor/Tita, para suriin kung anong sakit meron ang binata.
Dumaan sa maraming pagsusuri ang binata, ilan sa mga ito ay ang pagkuha ng apat na beses na tube ng dugo, urine, CT Scan/X-Ray, at ang pinakahuli ay ang Magnetic Resonance Imaging o mas kilala bilang (MRI).
Ang MRI, ay isang paraan upang makita ang mga abnormal na tissue sa ating utak ng mas malinaw kumpara sa CT Scan. Ito rin ay isang pamamaraan para makita kung may mga bukol o pagdurugo sa ating utak. Dito rin nakikita kung may nerve injury ang utak ng isang tao, dahilan para ito'y ma-stroke.
Nang matapos i-check ng doctor si Icarus, agad siyang hinarap ni Tita Betty.
"So... Hijo, for now hindi pa natin malalaman ang resulta ng mga lab test mo. Tatawagan na lang kita kapag na-examine na namin ang lahat ng lab test mo. Okay?"
"Alright Tita, thank you po." saad ni Icarus saka humalik sa pisngi nito para magpaalam.
Bahagyang nawala ang sakit ng ulo ni Icarus dahil sa gamot na ipinainom sa kanya ng doctor, pinayuhan din s'ya ng kanyang Tita Betty na magpahinga muna at h'wag na munang pumasok sa eskwelahan para hindi bumalik ang sakit na nararamdaman nito kanina.
Ngunit sadyang matigas ang ulo nito dahil may nakaplano na siyang lakad nang araw na iyon. Pupuntahan niya ang babaeng parati niyang minamanmanan sa malayuan.
Gabi na at balak nang matulog ni Icarus, ipipikit na sana ng binata ang kanyang mga mata nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at napakunot ang noo dahil hindi naman nakarehistro sa kanyang telepono ang numerong nagpadala ng mensahe.
Dala ng kanyang kuryusidad agad niyang binasa ito:
From: +639950000123
Goodevening mahal!
Kumunot lalo ang noo ni Icarus nang mabasa ang mensaheng iyon. "Mahal?!" Sarkastikong usal niya.
Binaliwala na lang niya ito saka ilapag ang telepono sa side table. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang sunod-sunod na tumunog ulit ito.
"Argh! Sino ba 'tong istorbong 'to?!" Iritable n'yang bulalas sa hangin saka kinuhang muli ang kanyang telepono. Halos magdikit na ang kanyang makakapal na kilay dahil sa kanyang nabasa,
From: +639950000123
Kumain na ba ang baby ko?
From: +639950000123
Ang gwapo gwapo mo talaga mahal ;)
From: +639950000123
Nood ako ng practice nyo bukas ahh? Supportive girlfriend here!
From: +639950000123
Sige na nga tulog nako mahal, ayaw mo naman magreply eh.. Goodnight baby, I love you!
Dahil sa mga mensaheng iyon, agad napatipa si Icarus para sagutin ito,
To: +639950000123
Who the hell are you? Stop texting me or else!
Ilang minuto ang hinintay ni Icarus bago sumagot ang makulit na katext niya,
From: +639950000123
Eto naman high blood ka nanaman baby, ako nga to ang super supportive girlfriend mo ;)
To: +639950000123
Don't play with me you freak! Magpakilala ka!
From: +639950000123
In time baby in time ;)
To: +639950000123
Don't waste my patience, di mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nalaman ko kung sino ka!
From: +639950000123
Eto naman masyadong hot! sige na baby tulog nako, wag mo ako mamimiss ahh? Magkikita naman tayo bukas eh. Goodnight mahal ko mwah!
Sinubukang tawagan ni Icarus ang numerong iyon ngunit hindi na ito macontact. Kaya naman humiga na lang ulit si Icarus at nag-isip kung paano niya malalaman kung sino ang taong nangugulit sa kanya.
"Alam ko na..." Masiglang usal ni Icarus at biglang tinawagan ang kanyang ka-teammate na si Dennis.
Convo:
"Hello Dude, napatawag ka?" Bungad nito sa kabilang linya.
"Dude, listen... Di ba may gusto sa'yo si Rhina?"
"Huh? Sinong Rhina?" nagtatakang tanong nito.
"The girl with big glasses, 'yung sa faculty?" Tanong niya rito.
"Haha! Okay, what about her?"
"Can you ask her kung kanino itong number na isesend ko sayo. Then text me kapag nalaman mo kung sino 'to."
"Bakit dude, chicks ba 'yan?"
"Gago! Sige na, h'wag mong kalimutan. Alright?"
"Copy dude!"
Iyon lamang at naputol na ang linya. Halos kalahating oras ang lumipas bago nakatanggap ng text si Icarus mula kay Dennis. Nang mabasa niya ang pangalan nito agad napangiti ang binata.
From: Dennis-the-Menace
Hey Dude! Maria Reynalyn Lopez, o Raine raw... Same year natin kaklase ni Rhina. Walanjo dude! Kailangan ko pang bolahin si Miss four eyes bago binigay sa'akin. Dude mahal ang kapalit ng pabor na ito. Haha!
To: Dennis-the-Menace
Haha! Noted dude, ako nang bahala sa'yo. Thanks!
Binasang muli ni Icarus ang mensaheng iyon ni Dennis, "Ikaw lang pala 'yan baby." Nakangiting sambit ni Icarus sa pangalan ng dalaga.
*****
Nang maihatid ni Icarus si Raine sa klase nito, nagmamadaling tumakbo si Icarus papuntang parking lot para pumunta ng Mall.
Gusto kasi ng binata na bilihan si Raine ng bagong telepono dahil nasira na ang dating gamit ng dalaga.
Habang namimili ng cellphone si Icarus na ireregalo niya kay Raine, bigla itong nahilo at napahawak na lang sa lamesa ng Gadget Store na kanyang pinuntahan.
"Sir, ayos lang po kayo?" nag-aalalang sambit ng gwardiya sa binata habang naka-alalay kay Icarus.
"I-I'm fine... Salamat po." usal niya rito, saka tumayo ng maayos para bayaran ang cellphone. "Sige miss, ito na ang bibilin ko." saka inabot ang kanyang credit card sa tindera.
Pabalik na sana si Icarus sa FTHS nang biglang tumunog ang kanyang telepono.
Agad naman itong sinagot ni Icarus dahil nakita niya na si Doktora Betty ang tumatawag sa kanya.
"Hello, Tita, napatawag po kayo." Bungad niya rito.
"Uhmmm... Icarus Hijo, pwede ka bang dumaan dito sa ospital. May kailangan lang akong sabihin sa'yo."
Nang marinig ni Icarus ang sinabi ng kanyang tita Betty agad s'yang nakaramdam ng kaba. Parang masama ang kutob niya, dahil napaka-seryoso ng boses ng kanyang doctor, bago tuluyang sumagot humugot muna ng malalim na hininga si Icarus sabay sabi nang,
"Haaaaayyyy... Okay po Tita." Malungkot na sambit ng binata saka tuluyang pinatay ang linya ng telepono.
Nang makarating ng ospital si Icarus, agad niyang tinungo ang opisina ng kanyang Tita Betty. Pagpasok pa lang niya ng pintuan mabilis siyang sinalubong nito ng mahigpit na yakap.
Muling kinabahan si Icarus dahil kakaiba ang dating ng pagyakap sa kanya ng ginang. Mas lumakas ang kutob niya na seryoso ang sakit na meron siya.
"Please, take a sit hijo," Anyaya nito sa binata saka umupo sa sarili nitong upuan. "Icarus, I-I'm sorry to tell you, but you have a Stage 2, Brain Cancer." diretsong saad nito dahilan para matulala ang binata.
Nang marinig ni Icarus ang mga katagang iyon, agad naestatwa ang kanyang buong sistema. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nagyelo ito sa sobrang kabiglaan.
Patuloy sa pag-papaliwanag ang kanyang Tita Betty, ngunit para siyang nabingi at walang naririnig. Bumagal ang takbo ng buong paligid ni Icarus.
Isa lamang ang tumatakbo sa kanyang isipan. Walang iba kundi si Raine, ang babaeng pinakamamahal niya. Inisip niyang mabuti kung anong mangyayari sa kanila ng dalaga, at kung anong mangyayari sa kanya.
Nasa ganoong pag-iisip si Icarus, nang biglang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi namalayan ng binata na umiiyak na pala siya, sa isiping iiwan niya si Raine dahil lang sa sakit niya.
Nagulat na lang si Icarus nang maramdaman niyang hinawakan siya ng kanyang Tita Betty, "Hijo, alam kong mahirap, pero susubukan nating gamutin 'yan."
Tanging tango lang ang isinagot ni Icarus dito, wala talagang pumapasok sa isip niya ngayon. Tanging ang imahe lang ng dalaga ang rumerehistro sa utak niya at ang pagmamahal n'ya rito.
"Tita, magagamot naman po ako 'di ba?" Malungkot niyang sambit sa ginang.
"Honestly hijo, 50/50 ang chances natin dito, maaring matanggal natin ang tumor pero hindi natin alam kung kakayanin ng katawan mo. May mga cases kasi na matapos ang operasyon hindi na nagigising ang pasyente at ito'y nacocomatose."
"Tita, gawin po natin ang lahat para gumaling ako please." Humahagulgol na usal ni Icarus habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.
Hinawakan nito ang kanyang kamay sabay sabi nang, "We will do everything Icarus, natawagan ko na ang parents mo and naka-schedule na ang operation mo sa america next-next month."
Balisa pa rin si Icarus nang umuwi ito sa kanilang tahanan, bago tuluyang umakyat sa kwarto agad niyang tinawag ang kanyang driver, "Kuya Louie, pakihatid po kila Raine itong cellphone. Pakibilihan na rin po si Mama Gina ng pasalubong, ito po ang pera." Sabay inabot ang pera kay Louie at tuluyan ng umakyat si Icarus ng kanyang silid.
Kinagabihan...
Tinawagan na ni Icarus ang bagong numero ni Raine, ilang ring pa ang dumaan bago tuluyang nasagot nang dalaga ang kanyang tawag.
Convo:
"Hello, mahal." bungad ni Icarus sa dalaga.
"I-icarus?" Patanong na sagot ni Raine sa kabilang linya.
"Ako nga mahal, it seems that you already have the phone, that I sent the driver."
"S-sayo galing 'to? B-bakit?" rinig niyang tanong nito.
"Di ba po nasira na 'yung cellphone mo, that's why I sent you one para po may contact tayo"
"Hindi ko 'to matatanggap mahal, masyadong mahal 'to at isa pa hindi ako marunong gumamit ng ganito." maktol ni Raine sa kabilang linya.
"Mahal just keep it okay? Para sayo talaga 'yan."
"Haaayyy... Ano pa ba magagawa ko eh kahit naman tumanggi ako mukang wala naman akong choice, pero thank you mahal ahh."
Nang marinig ni Icarus ang pagbanggit ni Raine sa salitang "Mahal" bumuhos agad ang mga luha ng binata. Tahimik na umiiyak ito, bago tuluyang saguting muli ang dalaga,
"Anything for my girl— Anyway, mahal have you eaten your dinner?"
"Kakauwi ko lang po mahal."
"Shoot I forgot, oo nga pala may practice kayo kanina sorry mahal kung hindi kita nasundo ahh." may lungkot niyang saad sa dalaga.
"Ayos lang po mahal nakauwi naman po ako ng maayos— Uhmmm... Saan ka nga pala nagpunta? Hindi na kasi kita nakita simula nang ihatid mo ko sa classroom kanina."
Nagulat si Icarus sa biglang pagtatanong ng ganoon ni Raine, ayaw naman niyang sabihin na galing s'yang ospital dahil alam ng binata na mag-aalala si Raine. Kaya naman nakaisip na lang s'ya ng palusot dito,
"Mom called me kanina— Uhmmm... May pinasundo lang sa airport."
"Ahh okay po." rinig niyang sagot ng dalaga, tanda ng pag-sang-ayon nito.
"Mahal... I love you." biglang bulalas ni Icarus, dahilan para hindi agad nakasagot ang dalaga.
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling nagsalita, "Mahal still there." Pagtatanong niya rito dahil hindi na nagsalitang muli ang dalaga.
"Ahh... Oo, nandito pa ako." utal na sambit ng dalaga
"Nasan na 'yung sagot mo mahal?"
"H-ha? Sagot saan?" wala sa sarili sagot ni Raine sa kabilang linya.
"Sa I love you ko." paguulit ni Icarus dito.
"Ahh yun ba— uhmmmm... I love you too?" nahihiyang wika ni Raine.
Nang marinig ni Icarus ang sagot ng dalaga, napapikit ng mariin ang kanyang mga mata, nalulungkot siya dahil kung kailan nagsisimula sila ni Raine sa kanilang relasyon, ngayon pa niya nalaman ang tungkol sa sakit niya.
Kaya naman bago pa magtanong ang dalaga agad niyang binitawan ang mga katagang,
"Thank you Raine, palagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita. Kahit na anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ko." madamdaming usal ni Icarus habang tumutulo ang mga luha.
"Uhmm.. Mahal may problema ka po ba. Bakit parang ang lungkot mo?" Nag-aalalang sambit ni Raine.
"H-ha? w-wala mahal... Wala po akong problema," utal na saad ni Icarus. "Uhmmm... Sige na mahal 'wag mo kalimutan kumain ng dinner okay? I love you." malambing na wika ng binata rito.
"Sige po mahal salamat ulit sa cellphone ha? Iloveyou too." Rinig niyang wika ni Raine saka naputol ang linya.
Isinandal na lang ni Icarus, ang kanyang ulo sa headrest ng kama, umiisip ng gagawin para mapasaya ang dalaga sa natitirang mga buwan na meron sila bago siya lumipad pa-america.
*****
Mabilis na lumipas ang mga araw, ginawa lahat ni Icarus ang paraan para mapasaya si Raine. Hatid sundo niya ito sa bahay kaya mas natuwa ang Ina ni Raine dahil sa ipinapakitang kabutihan ng binata para sa kanyang anak.
Pagtapos ng klase ay laman ang dalawa ng Mall, parke at kung saan-saan pa na pwede nilang puntahan.
At dumating na ang araw na ipinagdiwang nina Raine at Icarus ang kanilang unang buwan bilang magkasintahan.
Naisip ni Icarus na dalhin si Raine sa tagaytay para roon icelebrate ang kanilang first monthsary. Naging masaya ang dalawa sa maghapong pamamasyal doon. Nang mag-gabi, sinorpresa ni Icarus ang dalaga.
Photo CTTO
"Mahal, I've got something to give you," wika ni icarus at may kinuha sa paper bag. "Here." saka inabot sa dalaga ang isang maliit na pahabang kahon.
"Ano ito mahal? Sobra sobra na po itong mga sorpresa mo sa akin." nahihiyang sambit ni Raine sa binata.
"Open it, mahal, binili ko talaga iyan para sa'yo." Nakangiting usal ni Icarus sa dalaga.
Binuksan naman ito ni Raine at natuwa s'ya sa laman ng kahon. Isang couple necklace na may nakalagay na "Her One-His Only"
Photo CTTO
"Wow ang ganda naman nito mahal." masayang sambit ni Raine habang nakatitig sa necklace.
Kinuha ni Icarus ang isang kwintas at inilagay ito sa leeg ni Raine. Ganoon din ang ginawa ng dalaga sa kanyang nobyo.
"Simula sa araw na ito mahal, ikaw na ang nagmamay-ari ng kalahati nang puso ko. Mahal na mahal kita Raine." madamdaming pahayag ni Icarus.
"Simula din sa araw na ito mahal, ikaw narin ang nagmamay-ari ng kalahati nang puso ko. Sa 'yo lang titibok ito icarus wala ng iba.' naluluhang sambit ni Raine.
At naglapat ang kanilang mga labi na punong-puno nang pagmamahal. Mahigpit na niyakap ni Icarus ang dalaga at napaluha ng palihim, dahil hindi niya kayang iwan ang dalaga.
*****
Makalipas ang tatlong linggo matapos ang selebrasyon ng unang buwan nina Raine at Icarus. Naging abala na si Icarus sa pagpunta sa ospital para alamin ang mga dapat at hindi niya dapat gawin. Madalang na itong nakakapasok sa eskwelahan dahil palagi itong inaatake ng sakit sa ulo.
At dumating na ang araw nang pag-alis ng binata.
Naisipan niyang kausapin si Josh, dahil alam niyang ito lang ang makakatulong sa kanya tungkol sa dalaga.
Sinabi niya kay Josh lahat ng dapat nitong malaman tungkol sa sakit niya. Sa una ay nagalit pa ito sa kanya ngunit nang sabihin ni Icarus ang tungkol sa sakit niya at kung anong pwedeng mangyari sa binata matapos ang operasyon, agad naman nitong naunawaan kung bakit gagawin ng binata ang iwan si Raine.
Napag-usapan pa nila ang tungkol sa pagsurpresa nila sa rooftop ng ospital para kahit sa huling sandali man lang ay masilayan niya si Raine kahit sa malayuan lamang.
"Mahal kita Raine, paalam." humahagulgol na bulong ni Icarus sa hangin saka ito umalis para mag-impake ng kanyang mga gamit.
*****
So... How was it? Nagbalik tayo sa past ni Icarus, anong masasabi niyo sa dahilan nang pag-alis niya? Ano na kayang mangyayari, ngayong nasagot na ni Icarus ang lahat nang katanungan ni Raine?
See you next chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top