YAMTF Kabanata: 3
"Good morning Pilipinas!" masiglang sambit ni Raine nang makababa ng hagdanan.
"Aba good mood ata ang Ate ko, siguro sinagot ka na ng crush mo noh?" buska ni Nene habang abala sa kanyang pagkain.
"Hala siya... Lagi naman ako good mood ahh." sabay gulo sa buhok ng kapatid bago umupo sa hapag. "Saka masama bang maging happy kahit walang dahilan?"
"Wooshoo! Kunwari ka pa ate." dagdg pa ni Nene.
"Ay ipagpatuloy n'yo na nga ang pagkain n'yo, baka mahuli pa kayo sa klase." pagsusuway ni Mama Gina sa dalawa.
Habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay biglang nagsalita si Nene, "Mama penge po ng extrang pera, may project po kasi kami sa science."
"Hindi ko pa nakukuha 'yung bayad ni Misis Cruz sa paglalaba ko. Sabihin mo sa teacher mo bukas na lang." malungkot na saad ni Mama Gina.
"Eh mama kailangan na po ngayon." nakabusangot na apila ni Nene.
"Wala na talagang pera si Mama. Sakto lang ang ibinigay kong pambaon niyo sa eskwelahan."
"Ne, magkano bang kailangan mo?" ani Raine nang makitang nalulungkot na ang kanyang Ina.
"Singkwenta pesos po, Ate."
"Sige ako na'ng bahala," mabilis kinuha ni Raine ang kanyang pitaka at inabot sa kanyang kapatid ang singkwenta pesos.
"Ate, baka wala ka nang pera." nag-aalalang sambit ni Nene habang nakahawak sa kamay ng kanyang Ate Raine.
"Ano ka ba ayos lang ako." nakangiti niyang saad dito saka pilit iniabot ang pera kay Nene.
"Thank you po Ate." malambing na turan nito bago yumakap sa kanyang kapatid.
"Wala 'yon," balik yakap niya rito. "Oh tara na't baka mahuli pa tayo sa klase." anyaya ni Raine bago uminom ng tubig.
Bago umalis humalik muna ang magkapatid sa kanilang Ina. Naunang lumabas si Nene at si Raine naman ay kinausap ang kanyang Mama Gina.
"Mama heto po pambili natin ng ulam mamaya." abot ng isang daang piso ni Raine sa kanyang Ina.
"Anak, itago mo na 'yan, mamaya naman ay makukuha ko na 'yung bayad ni Misis Cruz sa labada ko." pagtanggi ni Mama Gina sa alok g dalaga.
"Sigurado po kayo Mama, may extra pa naman po ako rito."
"Anak ayos lang," sabay hawak sa kamay ng dalaga. "Anak salamat ha? Simula nang nawala ang Tatay Ben niyo, ikaw na ang gumabay d'yan sa kapatid mong si Nene. Kaya naman sobra ang pasasalamat ko sa diyos at may anak akong kagaya mo." naluluhang saad ni Mama Gina.
"Si Mama talaga, tigilan niyo na nga po ang panonood ng mga teleserye. 'Yan tuloy nahahawa na kayo, pero Mama 'wag po kayo mag-alala, kapag nakatapos po ako ng pag-aaral at nakakuha ng magandang trabaho. Bibigyan ko po kayo ni Nene ng magandang buhay." nakangiting sambit ni Raine para pagaanin ang loob ng kanyang Ina.
"Salamat naman kung ganoon anak, o sige na pumasok ka na baka mahuli ka pa sa eskwela."
Nakangiting tumango si Raine rito bago humalik sa pisngi ng kanyang Ina.
Habang naglalakad iniisip ni Raine kung paano n'ya matutulungan ang kanyang Mama Gina. Bumuntong hininga na lang ang dalaga saka sumakay ng jeep.
*****
Naglalakad si Raine sa hallway nang mapansin n'yang nagkakagulo sa kanilang classroom. Dali-dali siyang tumakbo papunta rito para makita kung anong kaganapan doon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga sa kanyang nasilayan.
Nakita niya si Icarus na prenteng nakaupo sa kanyang upuan at nakahalumbaba sa bola ng basketball na animo'y inip na inip. Parang napako ang dalaga sa kanyang kinakatayuan nang magtama ang kanilang paningin.
Nakita ni Raine na tumayo ito at papalapit sa kanyang kinatatayuan ngayon, nakaestatwa lang ang dalaga habang nagpipigil ng hininga. Mas lalong kumabog naman ang kanyang puso nang inilapit ni Icarus ang bibig nito sa kanyang tenga.
"Gotcha! Akala mo siguro hindi kita mahahanap noh! Mahal..." bulong ni Icarus na siyang dahilan para magtayuan ang mga balahibo ni Raine sa pagsambit nito ng salitang Mahal.
"Everyone! Listen up," agaw attention ng binata sa mga estudyante. "I would like all of you to meet, my new girlfriend. Maria Reynalyn Lopez." usal ni Icarus at nang sambitin ang huling salitang iyon ay diretsong tiningnan niya ang dalaga sa mga mata nito.
Nanlaki lalo ang mga mata ni Raine sa kanyang narinig, mas lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso habang nanlalamig ang mga kamay dahil sa nakakalokang eksenang iyon.
"Mahal..." kinilabutan naman ang dalaga nang marinig ang pabulong na boses ni Icarus.
Nang aktong lingunin niya ito'y hindi inaasahang naglapat ang kanilang mga labi. Hindi alam ni Raine na nakaharap pala sa kanya ang binata, kaya't nanlalaki ang mga matang lumayo siya kay Icarus, saka nagkatitigan na parang nag-uusap ang kanilang mga mata.
Nang aktong magsasalita na muli ang binata ay biglang tumakbo papalabas ng classroom si Raine.
"Raine!" sigaw ni Icarus habang nakatanaw sa dalagang papalabas ng hallway.
Tumakbo si Raine papalayo, hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Nakarating siya sa field ng eskwelahan at umupo sa isang bench doon.
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Raine ang kanyang naghuhurementadong dibdib sabay sabing, "Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko." inalala n'ya ang mga pangyayari kanina kaya't dahan-dahan siyang napahawak sa kanyang labi.
"Nagkiss kami." tulalang sambit ng dalaga saka napangiti.
"Nagkiss kami!" kinikilig na sigaw niya. "Paano na 'to? Anong mukang ihaharap ko sa lahat?"
"Ano ka ba kasi Raine! Kita mo na yang kagagahan mo, ikaw tuloy namomoblema ngayon." nasa ganoong pag-iisip s'ya nang biglang tumunog ang kanyang telepono.
From: ICARUS ❤️
Where are you, Mahal? Have lunch with me.
Hindi niya ito sinagot at saka napagpasyahan na umuwi na lang sa kanilang tahanan, dahil nahihiya talaga siya sa mga nangyari kanina. Habang nasa jeep biglang tumunog ulit ang kanyang cellphone. Binasa n'ya ito at kumunot ang kanyang noo.
From: ICARUS ❤️
You can't get rid of me that easily baby, you're mine now and that's final!
"Aba, siya pa ang galit. Ano yun instant boyfriend?" napapailing na turan ni Raine bago itinago ang kanyang telepono sa bag at nagpasyang umuwi muna sa kanilang tahanan.
Nang makarating na ang dalaga sa tapat ng kanilang bahay, ay matamlay s'yang pumasok sa pinto at binati ang kanyang Ina.
"Mama..." walang gana n'yang usal dito.
"O, Anak, bakit ka bumalik? May sakit ka ba?" sabay hipo sa kanyang noo.
"Wala po Mama... Bigla lang po sumama ang pakiramdam ko, tutulog lang po muna ako." matamlay na sambit ni Raine.
"Sigurado ka, Anak?"
"Opo Ma, sige po mamaya na lang po. Magpapahinga lang po muna ako para makapagbantay ako sa shop nila Ate Marissa mamaya." Mayamlay niyang saad bago tuluyang umakyat sa ikalawanh palapag ng kanilang tahanan.
Ibinagsak ni Raine ang kanyang katawan sa kama at inisip ang mga nangyaru kanina.
"Ang tanga-tanga mo kasi Raine! 'Yan ang balik sa'yo ng maharot mong puso!" May himig inis niyang wika sa hangin. Wala nang nagawa pa si Raine at napagpasiyahan niyang mamaluktot sa kaniyang kama para tuluyang magpahinga.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top