YAMTF Kabanata: 29
Nang magising ang diwa ni Icarus, dahan-dahan nitong idinilat ang kanyang mga mata. Unti-unting naaninag ng binata ang ilaw at ang puting kulay ng kisame na malamig tingnan sa mata.
Nang subukan nitong igalaw ang kanyang katawan, nakaramdam nang bahagyang kirot ang binata sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay kaya naman mabilis n'ya itong tiningnan.
Napansin niyang may nakatusok pa lang dextrose dito, "Anong nangyari?" aniya sa kanyang sarili
Inilibot ng binata ang kanyang paningin at nangunot ang noo dahil napansin nito na may babaeng nakahiga sa gilid ng kama. Hawak-hawak nito ang kanyang kanang kamay, kaya mas lalong nagtaka si Icarus kung sino ang taong ito.
Nakaharang ang iilang bahagi ng buhok nito sa mukha, kaya hindi niya makilala kung sino ang taong kasama niya ngayon. Dahan-dahan niyang hinawi ang mga hibla ng buhok ng dalaga at napa-ngiti sa kanyang nakita. "Mahal." mahinang sambit niya kay Raine habang inaayos ang buhok ng dalaga.
Pinagmasdang maiigi ni Icarus ang itsura ng dating kasintahan. Mas gumanda ito ngayon, dahil marunong ng mag-ayos ng kanyang sarili ang dalaga. Sinipat ni Icarus ang bawat sulok ng mukha ni Raine, magmula sa mga mata nito, pababa sa matangos na ilong ng dalaga, at sa huli ay ang labi nitong natural na mapupula kahit hindi lagyan ng lipstick.
Nakaramdam ng pinaghalong saya at lungkot si Icarus nang mga sandaling iyon.
Saya, dahil sa tagal nang panahon na hindi niya ito nakasama, ngayon ay heto ang dalaga't kapiling niya. Kalungkutan naman, dahil hindi alam ni Icarus kung hanggang kailan n'ya makakasama ang dalaga at kung mapapatawad pa ba s'ya nito sa kabila nang nagawa niyang pag-iwan dito.
Habang hinahaplos ni Icarus ang mukha ng dalaga, bahagya itong gumalaw at ilang segundo lamang ang lumipas ay unti-unting dumilat ang mga mata ni Raine.
Sandaling ikinurap ni Raine ang kanyang mga mata sa pagbabaka-sakaling namamalikmata lamang siya. Ngunit ilang beses pa niyang ginawa iyon, saka napagtanto na totoo ngang si Icarus ang nakikita n'ya ngayon.
Hindi makagalaw si Raine dahil napaka-awkward ng sitwasyon n'ya ngayon. Sandaling nag-isip ang dalaga habang hindi makatingin kay Icarus. Hindi namalayan ni Raine na namumula na pala ang kanyang magkabilang pisngi.
"You're blushing." maikling saad ni Icarus habang titig na titig sa dalaga.
Nang marinig ni Raine ang sinabi ng binata, mabilis pa sa alas kwatro na bumangon ito saka kinuha ang kanyang bag sa lamesa. Nagmamadaling lumakad si Raine patungo sa pintuan at nang hawak na niya ang seradura ng pinto, ay bigla s'yang naestatwa nang marinig na nagsalita si Icarus,
"Raine, please stay," malungkot na usal nito.
Napapikit ang dalaga nang marinig ang mga katagang iyon, gustong-gusto na n'yang lumabas ngunit may parte sa kanyang buong sistema na pilit pumipigil na lisanin niya ang lugar na iyon. Napahigpit ang kapit ni Raine sa seradura ng pinto nang muling magsalita si Icarus,
"Please, Raine," dagdag pa nito. "Humihingi lang ako ng konting oras mo, sana pagbigyan mo ako."
Nang marinig ni Raine ang mga katagang iyon, agad s'yang napalingon sa binata at mabilis na nagsalubong ang kanilang mga paningin.
Nakita ni Raine sa mga mata ng binata, ang pag-aasam na makausap siya nito. Pinakiramdaman ng dalaga ang kanyang sarili kung dapat ba niyang pagbigyan ang kahilingan ni Icarus.
Ilang minuto rin ang itinagal ng pagtititigan ng dating magkasintahan. Hanggang si Raine na ang unang umiwas ng tingin saka ito tumango bago nagsalita nang, "Sige, pagbibigyan kita, pero 'wag kang umasa na magiging maayos tayo pagkatapos nang usapan na ito." matigas na saad ni Raine saka hinarap ang binata.
"Talaga? Salamat Maha— Raine." masiglang wika ni Icarus habang hindi inaalis ang kanyang paningin sa dalaga.
Umayos nang tayo si Raine habang nakatitig lang sa binata. Hindi alam ng dalaga kung anong gagawin niya dahil sobrang lagkit nang tingin sa kanya ni Icarus. Nagulat si Raine nang biglang magsalita ulit ang binata.
"Raine, pwede ka bang umupo rito?" usal nito saka itinuro ang bakanteng upuan na kinauupuan ng dalaga kanina.
Walang sabi-sabing napatango naman si Raine saka dahan-dahan na naglakad papalapit sa binata. At nang marating niya ang upuan, inurong n'ya ito palayo sa kama ngunit sapat naman ang layo na iyon para makapagusap sila ni Icarus ng harap-harapan.
"A-anong s-sasabihin mo?" nauutal na sambit ni Raine habang hindi makatingin ng diretso sa binata.
Humugot muna ng malalim na hininga si Icarus, bago nito sinimulang magsalita. Haaaayyyy...
"Raine, una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Dahil alam kong nasaktan kita." panimula ni Icarus habang nakatitig sa dalaga.
Sa puntong iyon ay tumingin na si Raine rito saka sinalubong ang tingin ng binata. Sa totoo lang ay ayaw sanang pakinggan ni Raine ang mga sasabihin nito, dahil hanggang ngayon ay hindi pa n'ya tanggap ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya.
Pero nandito na s'ya, kaharap na niya si Icarus. Kaya titiisin na lang n'ya ang nararamdaman niya, para lang malaman ang sagot sa lahat ng katanungan niya sa binata.
"Raine, umalis ako noon 'di dahil hindi kita mahal. Umalis ako dahil kinailangan kong gawin iyon para sa ating dalawa." naluluhang sambit nito sa dalaga.
Parang nagpanting ang tenga ni Raine sa sinabing iyon ni Icarus, kaya naman dali-dali s'yang sumagot nang, "Haha! Para sa'ting dalawa? Nagpapatawa ka ba Icarus?!" sarkastikong usal nito na agad namang sinagot ng binata.
"Raine, pakinggan mo muna ako please." pakiusap nito sa dalaga, at sinimulan nang ikwento ni Icarus ang dahilan kung bakit siya biglang umalis nang walang paalam.
*****
Oops! Cut muna rito. Mahaba-habang kwentuhan ang susunod na kabatana, mga labs! ❤️ Babalik tayo sa past 3 years ng buhay ni Icarus, para malaman natin ang dahilan kung bakit ito umaalis.
Kaya naman see you next chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top