YAMTF Kabanata: 28

ICARUS's POV:

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Prime Bar. Wala sana akong balak na sumama sa kanila dahil masama ang pakiramdam ko. Pero wala pa rin akong nagawa dahil sa pagpilit sa akin ni Margaux.

Nakaupo kami ngayon sa isang VIP Couch. Uminom pa rin ako ng alak sa pagbabaka-sakaling mapawi nito ang masamang pakiramdam ko. Abala ako sa pagsimsim ng aking inumin nang mapatingin ako sa pintuan ng bar dahil sa pagtawag ni Margaux sa isa pa naming kaibigan.

"Trevor! In here!" tawag ni Margaux rito.

Napansin ko na parang may kausap si Trevor na babae, pero hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim at walang ilaw sa parte ng bar doon.

Makalipas ang ilang minuto lumapit na sa amin si Trevor at isa-isa kaming ina-piran, "Hey bro, wazzup!" bati nito sa'kin saka tinapik ang aking balikat.

"I'm good bro." balik tapik ko sa kanya.

"So, we are complete! Cheers boys!" masayang bungad ni Margaux at itinaas ko na rin ang aking baso para makipag-cheers sa kanila.


****


THIRD PERSON's POV:

Malalim na ang gabi at nagkayayaan na ang magkakaibigan na sumayaw. Nagpaiwan na lang si Icarus sa kanyang kinauupuan, dahil hindi rin naman siya interesado na magsayaw.

Abala lamang siya sa pagtingin ng mga larawan nila ni Raine sa kanyang telepono.

Hindi binubura ni Icarus ang mga litrato ng dalaga sa kanyang cellphone, dahil dito lamang siya humuhugot ng lakas na loob para patuloy na lumaban sa buhay. At ang pag-asa na babalik pa sa kanya ang dalaga.

Natigil lamang sa kanyang pag-iisip si Icarus nang may babaeng umupo sa kanyang tabi.

"Hi, need some company?" malanding sambit nito habang nilalaro pa ang kanyang buhok, na ani mo'y nang-aakit.

Sasagot na sana si Icarus nang biglang may narinig s'yang sigaw ng isang babae, "Argh! Ang bastos mo ah!"

Rinig na rinig nila ang singhal nito kahit pa malakas ang tugtugin sa loob ng bar. Nakatawag pansin kay Icarus ang sigaw na iyon dahil parang pamilyar ang boses na iyon sa kanyang pandinig.

Nang lingunin niya ang dancefloor, bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa nakita. Nakatayo roon si Raine at tila may kasagutan itong lalaki, kaya't mabilis na tumayo si Icarus sa kanyang kinauupuan.

"Hey, where are you going honey?" tanong ng babae sa binata at agad naman itong sinagot ni Icarus.

"None of your business sweetie..." sarkastikong usal niya rito saka pumunta sa gitna ng dancefloor.

Kuyom ang mga kamaong lumapit sa sayawan si Icarus, at nang makatungtong siya ng dancefloor nakita n'yang nagmamadaling umalis ang lalaking kaalitan ni Raine kanina.

Nakita ni Icarus na papatalikod na sana si Raine, ngunit bigla itong napahinto sa paglalakad nang makita siya ng dalaga. Ito ang unang pagkakataon ng pagkikita nila ni Raine simula nang iwan niya ito. Kaya naman mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng binata.

Habang nagkakatitigan ang dalawa, napansin ni Icarus na may luhang dumausdos sa pisngi ni Raine dahilan para mas lalo siyang kabahan. Nakita niyang papalapit ito sa kanya ngunit biglang may kamay na kumapit sa kanyang braso.

Nang tingnan ni Icarus kung sino ang taong iyon, nakita n'ya na ang babaeng tumabi sa kanya kanina sa couch ang biglang kumapit sa kanyang braso.

Mabilis na binalingan ni Icarus ang mukha ni Raine, at nginitian lamang siya nito ng alanganin. Akmang lalapitan na ni Icarus ang dalaga, ngunit bigla namang nagmamadaling tumakbo papalabas ng bar si Raine.

Tinawag pa ni Icarus ang pangalan ng dalaga ngunit hindi na ito nag-abalang lingunin siyang muli. Kaya naman binalingan niya ang babaeng nakayapos sa kanya ngayon.

"Damn it!" bulyaw niya rito saka inalis ang kamay ng babae para sundan si Raine.



*****


Mabilis na nilisan ni Raine ang lugar na iyon at pumunta sa kalsada para roon mag-abang ng taxi. Madaling araw na kaya't bibihira ang dumaraan na mga sasakyan doon kapag ganitong oras. Kaya sinimulan na lang lakarin ng dalaga ang mahabang kalsada, para roon mag-abang ng masasakyan.

Ngunit babago pa lang sa paglalakad si Raine, nang biglang marinig n'yang may tumatawag sa kanyang pangalan. "Raine! Raine!" Sigaw nito.

Hindi na nag-abalang lingunin ni Raine ang taong iyon. Dahil kahit ata mabingi ang kanyang tenga o nakapikit ang kanyang mga mata, ay kilalang-kilala ng kanyang puso ang boses ng nagmamay-ari no'n.

Kaya naman bago pa tuluyang makalapit si Icarus, mas binilisan pa ni Raine ang kanyang pagtakbo. Hindi lamang para sa binata, kung hindi para sa kanyang sarili. Para sa sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

Habang patuloy sa pagtakbo si Raine, nagulat na lamang siya nang maramdaman na may mga bisig na yumakap sa kanyang likuran.


Photo CTTO




"Raine, please, mag-usap naman tayo." Umiiyak na usal ni Icarus habang nakayapos sa likuran ng dalaga.

Walang nakuhang sagot si Icarus mula sa dalaga, tanging mga hikbi lamang nito ang kanyang naririnig. Kaya naman mas hinigpitan pa lalo ni Icarus ang pagkakayakap kay Raine, yakap na punong-puno ng pagmamahal.

Nang maramdaman ni Raine na humigpit ang yakap sa kanya ng binata, ipinikit na lang ng dalaga ang kanyang mga mata para damhin ang mga yakap na iyon, kahit sa sandaling oras man lang na kapiling niya ito.

Ilang minuto rin ang itinagal bago tuluyang inalis ni Raine ang kamay ng binata saka matapang na hinarap ito. Tinitigan lang niya sa mga mata si Icarus, tingin na wala man lang halong emosyon.

Nakaramdam naman ng kaba ang binata dahil dito, ngayon lang niya nakita na ganoon ang itsura ni Raine simula nang makilala niya ito. Kaya bago pa tuluyang lumisan ang dalaga agad niya itong kinausap.

"Raine," panimulang saad niya sa dalaga. "Raine, pwede ba tayong mag-usap?" alanganing tanong niya rito, dahil naiilang siya sa pinapakitang itsura ng dalaga ngayon.

Hindi sumagot si Raine, tanging tingin lang ang tanging ginagawa nito, tingin sa binata na parang nasusuklam.

Kaya naman sinubukan muling magsalita ni Icarus, "Raine, pwede—" hindi na naituloy ni Icarus ang kanyang sasabihin dahil sa pagkakataong iyon ay sinagot na siya ng dalaga,

"Ano pa bang kailangan nating pag-usapan Icarus?" mataray na sambit ni Raine sa binata, dahilan para hindi makaimik si Icarus. "Hindi ba tapos na sa atin ang lahat?" dagdag pa ng dalaga.

"Raine, let me explain..."

"Explain what Icarus?!" at sa puntong iyon ay tumaas na ang boses ng dalaga at sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha nito. "Ano pa bang pananakit ang kailangan mong sabihin sa akin ha?!" singhal nito sa binata.

"Raine, please, pakinggan mo muna ako." nagsusumamong usal ni Icarus dito at sinubukan pang kunin ang kamay ng dalaga.

"H'wag mo akong hawakan!" sigaw nito saka tinapunan na matatalim na tingin ang binata. "Anong gusto mong mangyari ngayon ha?! Anong gusto mong mangyari, bakit ka bumabalik sa buhay ko!" humahagulgol na wika ni Raine saka itinakip ang mga kamay nito sa kabuuan ng kanyang mukha.

"Raine, pakinggan mo ako please," nagmamaka-awang saad nito saka lumuhod sa harap ng dalaga at pilit na niyayakap ang baywang nito. "Pakinggan mo ako mahal please." umiiyak na wika ni Icarus.

Nang marinig ni Raine ang salitang "Mahal" agad nitong tinanggal ang mga brasong nakayapos sa kanya ng binata, dahilan para matumba si Icarus sa kalsada.

"H'wag na h'wag mong sasabihin sa'kin ang salitang 'yan! Dahil hindi mo alam ang salitang MAHAL Icarus!" bulyaw niya rito, saka tinalikuran ang binata.

Tatakbo na sana si Raine nang biglang marinig niyang tinawag ni Icarus ang kanyang pangalan. Sa puntong iyon ay napalingon na ang dalaga dahil sa paraan nito nang pagtawag sa kanya.

"Rainnneee..."

Nang lingunin niya si Icarus, nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa katawan nitong nakahandusay na sa kalsada. Sa kabila ng galit  niya rito, ay mas nananaig pa rin ang pag-aalala niya sa binata.

Kaya naman dali-dali n'yang nilapitan ito at mabilis na lumuhod para ipinatong ang ulo ng binata sa kanyang kandungan. "Icarus... Icarus, gumising ka." nag-aalalang sambit ni Raine, habang tinatapik pa ang pisngi ng binata.

Ilang minuto pa ang lumipas, ngunit hindi pa rin gumigising si Icarus. Kaya naman nagmamadaling kinuha ni Raine ang kanyang telepono sa bag para tawagan si Chloe.

Naka-ilang ring muna ang linya ng dalaga bago nito sinagot ang kanyang tawag, "H-hello baks, nasa'n ka na ba. Kanina pa kita hinahanap—" bungad ni Chloe sa kabilang linya.

"Baks, puntahan mo ako rito sa labas ng bar. May nangyari kasi, pakiusap." umiiyak na sambit ni Raine sa kanyang kaibigan.

"Okay, 'Wag ka nang umiyak baks, papunta na ako riyan." histerikal na saad ni Chloe saka pinatay ang linya ng telepono.

Itinago na ni Raine ang kanyang cellphone sa bag, at muling binalingan ang binata na walang malay.

"Icarus, gumising ka please." pagmamaka-awa ni Raine habang hawak ng mahigpit ang kamay ng binata.

Ilang minuto ang lumipas nang dumating si Chloe kasama ang driver na si Mang Ted. "Baks, anong nangyari? Wait sino 'yang lalaking 'yan?" mausisang wika ni Chloe sa kanya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag baks, dalhin muna natin siya sa ospital." humihikbing sambit ni Raine dahilan para mataranta na rin si Chloe.

"Hala baks, kinakabahan ako. Mang Ted pakitulungan po kami, dalhin natin siya sa ospital."

"Opo maam." sagot nito saka inalalayan si Icarus para makapasok sa sasakyan.





*****

Sa mga nagtatanong kung si Charles na love of my life ni Chloe, ay ang Charles din sa "Crush at First Sight" ay iisa lamang?

The answer is YES... Siya rin po ang Charles na nakilala ni Amara sa elevator. 😁

May Story rin sila entitled "The Age Between Us" na part din ng ating (NAIVE SERIES) Try to read it too, lovies! 😍


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top