YAMTF Kabanata: 27

Nang dumating sa Prime Bar sina Raine at Chloe, ay agad silang huminto sa tapat ng nasabing bar. Bago tuluyang bumaba ng sasakyan, ay kinausap muna ni Chloe ang kanyang driver.

"Mang Ted, sige po pwede na kayong umuwi. Magtataxi na lang po kami mamaya ni Raine." pagbibilin ni Chloe sa driver.

"Ay maam Chloe, hindi po pu-pwede. Baka po mapagalitan ako ng mga magulang niyo kapag pinabayaan ko kayong bumiyahe pauwi." mahabang paliwanag nito habang kumakamot pa ng ulo.

"Haaayyy... Hanggang sa pag-gimmick ko wala talagang patawad sila Mommy," may inis sa timbre ng boses ng dalaga. "Sige po, ite-text ko na lang po kayo kapag magpapasundo na ako." saad ni Chloe saka bumaba ng sasakyan.

Bago tuluyang bumaba si Raine, kinausap muna n'ya si Mang Ted, "Hmmm... Sige po, h'wag po kayo mag-alala babantayan ko po si Chloe." wika ni Raine sa matanda.

"Salamat po Maam Raine, h'wag niyo na lang pong sabihin na sa parking lot ako maghihintay. Ayaw po kasi ni Maam Chloe na binabantayan eh." saad ni Mang Ted sa dalaga.

"Makaka-asa po kayo." nakangiting sambit ng dalaga rito saka tuluyang lumabas ng sasakyan.

Pagbaba ni Raine, bumungad sa dalaga ang magarang establisyamento na talagang makatawag pansin dahil sa angkin nitong ganda.

"Wow! Ang ganda." nagniningning ang mga matang sambit ng dalaga habang sinisipat ang kabuuan ng Prime Bar.

Napalingon lang si Raine nang tawagin ni Chloe ang kanyang pangalan, "Raine!" sigaw nito at sinenyasan pa siya ng dalaga na lumapit sa harap ng bar.

Ngiti lang ang iginanti niya rito saka naglakad papalapit sa kanyang kaibigan. Nang tuluyang makalapit ang dalaga sa bukana ng bar, agad siyang hinila ni Chloe para pumasok sa loob.

Nagulat si Raine nang makapasok sa loob ng Prime Bar, bumungad sa dalaga ang malakas na tugtugin na nagpapakabog sa kanyang dibdib. Sandaling huminto si Raine sa bukana ng pinto dahil hindi niya maaninag ang mga tao sa loob. Ilang segundo lang ang lumipas ay unti-unti ng lumiwanag ang loob ng bar. Dahil naka-adjust na ang mga mata ni Raine sa mumunting ilaw na nagsisilbing liwanag sa nasabing lugar.

Nagulat na lang ang dalaga nang biglang may bumangga sa kanyang likuran dahilan para mawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at mabilis siyang nahablot ng binata sa braso kaya't hindi natuluyang matumba si Raine sa sahig.

"Miss sorry, are you alright?" nag-aalalang usal nito habang nakahawak pa rin sa kanyang kanang braso.

"Ayos lang ako." malumanay na sambit ni Raine saka binawi ang kanyang braso sa binata.

Hindi na nakasagot pang muli ang binata dahil tinawag na ito ng kanyang kasamahan. "Trevor! In here!" rinig ni Raine na sigaw ng babae sa hindi kalayuan.

"Sige miss, sorry talaga." sinserong saad nito saka iniwanan ang dalagang nakatayo sa pintuan.

Lilingunin na sana ni Raine kung saan papunta ang binata nang biglang lapitan siya ni Chloe. "Baks, anong nangyari?" nag-aalalang sambit nito.

"W-wala, nakaharang kasi ako rito sa pintuan, kaya nabangga ako no'ng lalaki."

"Okay, tara na." anyaya ni Chloe saka ikinawit ang kamay sa braso ni Raine.

Hindi mahulugang karayom ang dami ng tao sa loob ng nasabing bar, kaya naman sobrang siksikan at punuan na ang mga table ngayon. Tuwing biyernes ay marami talagang nagpupuntahan sa Prime Bar kaya't sasalubingin ka talaga ng bumabahang amoy ng alak, pawis pati na ang makakapal na usok ng sigarilyo.

"Dito ka baks." saad ni Chloe saka tinapik ang upuan sa bar counter.

"Salamat baks..." nakangiting sambit ng dalaga rito saka ipinatong ang kanyang bag sa bar counter.

Napalingon na lang ang dalawa nang may magsalita sa kanilang harapan, walang iba kundi ang waiter/bartender, "Hi Chloe." nakangiting usal nito sa dalaga.

"Hello Xtian," masiglang bati naman ng dalaga. "So, nasaan na 'yung asawa ko?" abot taingang sambit ni Chloe rito dahilan para matawa ang binata.

"Hahaha!" halakhak ni Xtian "Nandoon sa taas, may kausap sa opisina niya eh."

"Yan talagang asawa ko napaka-work-a-holic, grabe!" ngisi ni Chloe saka tiningnan ang menu ng bar.

Nakikinig lang si Raine sa usapan ng dalawa, wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito. Kaya naman tahimik lang siyang nakatingin sa menu na nakalapag sa bar counter.

"Ohh! By the way... Xtian, kaibigan ko nga pala si Raine, baks si Xtian." pagpapakilala ni Chloe sa dalawa.

"Hello Raine," nakangiting usal nito saka inilahad ang kanyang kamay. "I'm Xtian at your service."

Napansin ni Raine ang pantay-pantay na ngipin ng binata at bahagya pang lumabas ang dimple nito sa kanang pisngi nang ipakilala nito ang kanyang sarili.

"Ako naman si Raine." naka-ngiting bati niya rito saka iniabot ang kanyang kamay sa binata.

"Great! So magkakilala na kayo," wika ni Chloe saka ipinalakpak pa ang kanyang kamay na ani mo'y nagdidiwang sa pagpapakilala ng dalawa. "Xtian, dating gawi... One Dark Horse and a Cosmo for Raine."

"Appetizer niyo for tonight, ladies?"

"We'll have, hmmm... Onion Rings and Mini Salmon Quiches," saad ni Chloe saka isinara ang menu. "Ikaw baks, may gusto ka pa?" biglang baling nito sa dalaga.

Tanging iling lang ang isinagot ni Raine, dahil nahihiya siya kay Chloe. "Baks, okay na 'yung in-order mo." sagot niya rito saka ngumiti sa dalaga.

"Okay... Xtian, pa-add ng French Fries with melted cheese." dagdag pa nito saka humalumbaba sa bar counter.

"Alright." iyon lamang ang naisambit ng binata saka umalis sa harap ng magkaibigan.

Habang naghihintay ng kanilang order, biglang may bumati kay Chloe, "Hi pretty Klang." rinig nilang boses ng lalaki, dahilan para sabay nilang lingunin ito.

Nang lingunin ni Raine kung sino ang tumawag sa pangalan ng kanyang kaibigan agad natulala ang dalaga sa kanyang nakita.


Photo CTTO




"Grabe, ang gwapo." kinikilig na sambit ni Raine sa kanyang isip.

Napabalik na lang ang dalaga sa kanyang sarili nang marinig n'yang nagsalita si Chloe, "Hello Kuya Charles,"  wika ng dalaga saka humalik sa pisngi nito. "Kainis ka ha! Ayan na naman 'yang Klang mo, ang chaka! Hmpf!" irap nito sa binata na ikinatawa naman nito.

"Sorry, but I can't help myself calling you that name." nakangiting usal nito.

"Si Kuya Tommy naman kasi napakabwisit!" inis na sambit ni Chloe saka binalingan ang dalaga. "Ohh, by the way Kuya Charles, let me introduce my friend Raine. Baks siya si Kuya Charles, ang may-ari ng bar na ito." nakangising wika nito.

"Hello Raine... I'm Charles." masiglang bati nito saka inilahad ang kanyang palad sa dalaga.

"H-hello po." nauutal na saad ni Raine dahil nahihiya siya sa binata.

"Paano girls, may client pa kasi ako. I really have to go." nagmamadaling usal nito saka humalik sa pisngi ni Chloe. "Bye Raine, nice meeting you." nakangiting wika nito saka umalis sa harap ng dalawang dalaga.

Sandaling nagkatitigan ang dalawa, at unti-unting ngumiti ang parehong labi ng mga ito dahil sa kakiligan.

"Grabe baks ang gwapo." panimula ni Raine.

"Hoy baks, sa akin na si Charles noh. Ayoko nang kahati." pagtataray nito saka kunwaring umirap.

"Hoy bakla, hindi ko aagawin no. Masama na bang maka-appreciate ng pogi ngayon?" natatawang sambit ng dalaga.

"Good! Ano baks, ayos ba 'yung love of my life ko?" kinikilig na wika ni Chloe.

"Seryoso ka baks? Si Charles ang love of my life mo?" kunot noong tanong ni Raine rito.

"Oo naman, bakit may mali ba sa kanya baks?" biglang nalungkot ang mukha ng dalaga na agad namang sinagot ni Raine.

"Hindi, hindi naman sa gano'n baks. Kaya lang parang may edad na si Charles para sa'yo?"

"Haaayyy... Nako baks, wala akong paki-alam. Basta akin lang si Charles, at may kasabihan tayo na age doesn't matter naman. So Keri na 'yon." nakangising sambit ni Chloe.

"Okay... Okay, hindi na po ako kokontra. Infairness baks, ang gwapo ni Charles. Hihihi." kinikilig na saad ni Raine.

"Naman!" iyon lamang naisambit ni Chloe saka nag-apir ang dalawang dalaga.


*****

Mabilis lumipas ang mga oras. May mga tama na ng alak sina Raine at Chloe, kaya naman wala ng hiya sa katawan ang dalawa kung magsayaw sa dancefloor. May mga lalaking sumusubok na lapitan at makipag-sayaw sa dalawang dalaga, ngunit agad nila itong tinatanggihan.

Sa una ay nagdadalawang isip si Raine na uminom dahil hindi naman siya sanay na tumikim ng alak. Ngunit kalaunan ay nagustuhan na rin niya ito dahil hindi naman gaanong katapang ang alak na inihain sa kanya ni Chloe, pero ang hindi alam ng dalaga ay unti-unting umeepekto ito sa kanyang buong sistema ng hindi niya namamalayan. Kaya naman ang simpleng mahiyain na si Raine, ay naging wild sa dancefloor. At ang mga kalalakihan naman ay talagang nahuhumaling sa dalaga dahil sa taglay nitong kagandahan.

"Woooooh!" sigaw nina Raine at Chloe habang sumasayaw sa gitna ng dancefloor.

Habang nagsasayaw ang dalawa, biglang may dumikit na lalaki sa likuran ni Raine dahilan para harapin niya ito. Nang humarap, biglang hinablot ng binata si Raine sa baywang nito.

Nagulat ang dalaga dahil sa pagyapos nito sa kanyang likuran, kahit may tama ng alak pinilit pa rin ni Raine na labanan ang lalaki, kaya buong lakas n'yang itinulak ito, "Argh! Ang bastos mo ah!" singhal niya rito.

Kahit malakas ang tugtugin nakatawag pa rin ng pansin ang malakas na boses ni Raine sa iba pang nagsasayaw doon. Kaya naman napatingin ang mga ito sa kanilang kinatatayuan. Nagulat ang binata sa ginawang pagsinghal ng dalaga, kaya dali-dali nitong binitawan ang baywang ni Raine at nagmamadaling umalis sa gitna ng dancefloor.

"Baks, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Chloe nang makalapit ito sa dalaga.

Tanging tango lang ang isinagot ni Raine rito at sinundan lang ng tingin ang lalaking bastos. Sinundan kung saan ito patungo, at nang makitang lumabas ito ng bar nakahinga ng maluwag sina Raine at Chloe.

"Tara baks, upo muna tayo." sambit ni Chloe saka tumalikod na kay Raine para pumunta sa kanilang upuan.

Akmang tatalikod na si Raine para sundan ang kanyang kaibigan nang biglang nahagip ng kanyang mata ang isang lalaki. Sabay na nagkatitigan ang dalawa, titig na may halong pagkamiss.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkita sila ng harapan, personal, mata sa mata at kung ano-ano pang maaaring itawag sa pagkikita nilang iyon. Hindi namalayan ni Raine, na may tumakas na isang luha sa kanyang kanang mata dahil sa pagkakataong iyon. Nandoon ang sakit, ngunit hindi rin maiaalis ang pagkasabik na mahagkan muli ang binata.

Akmang lalapitan na ni Raine ang binata, nang biglang may kumapit sa braso nito. Napahinto sa paglalakad ang dalaga at tiningnan lang ang kamay ng babaeng nakakapit sa braso ni Icarus. Nang ibinalik niya ang kanyang tingin sa mga mata ng binata, nginitian niya lang ito ng pilit saka mabilis na nilisan ang dancefloor ng nasabing bar.

"Raine!" narinig pa ng dalaga na tawag sa kanya nito, ngunit hindi binigyang pansin ni Raine ang tawag nito at nagpatuloy lang sa pagtakbo papalabas ng Prime Bar.




*****


Nagkita na sila, mata sa mata! 😍


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top