YAMTF Kabanata: 23

Makalipas ang bente minutos, nakarating na sina Raine at Josh sa gymnasium ng Fort Trinity High School. Ilang beses din silang nagpaikot-ikot upang humagilap ng parking space, ngunit sadyang maraming sasakyan ang nakaparada na roon. Sinubukan muling umikot ng sasakyan ni Josh at sa pagkakataong iyo'y, sinuwerte silang makakita ng puwang kaya naman dali-dali s'yang gumarahe roon.

Sandaling nilingon ni Raine ang mga tao sa labas, nakaramdam siya nang matinding kaba dahil sa rami ng taong dumalo sa nasabing bulwagan.

Habang abala sa pagmamasid ng kapaligiran si Raine, bigla niyang narinig na nagsalita si Josh.

"Are you ready?" usal ng binata saka pinatay ang makina ng kanyang sasakyan.

Sa puntong iyon ay nilingon na ng dalaga si Josh at nakangiting tumango rito tanda ng kanyang pagsang-ayon.

Bago tuluyang makababa, pinagbuksan ni Josh ng pintuan ang dalaga saka ito inalalayan pababa ng sasakyan.

"Salamat Joshhie." nakangiting sambit ni Raine at iniabot ang kanyang kanang kamay sa binata na ngayon ay nakalahad na.

"You're welcome," masiglang usal ni Josh saka siya inalalayan pababa. "Let's go." saad nito at iniumang ang kanyang braso para maikawit ng dalaga ang kanyang kamay rito.

Sabay na naglakad sina Josh at Raine sa loob ng gymnasium, bumungad sa kanila ang hindi magkandamayaw na dami ng tao. Mas nadagdagan pa ang kabog ng dibdib ni Raine dahil sa lakas ng tugtugin na umuukupa sa kabuuan ng nasabing lugar.

"Beeeessshhhhiieeee..."

Sabay na napatingin ang dalawa nang marinig ang isang malakas na tili. Kahit malakas ang tugtugin sa loob, ay narinig pa rin nila ang sigaw nito dahil sa sobrang tining ng boses ng taong iyon. Paglingon nila, napangiti ang dalawa nang makita si Nicole na mukang sabik na sabik sa kanyang mga kaibigan.

"Beshiiiiiieee! Namiss kita!" sigaw nito habang mabilis na yumapos kay Raine.

"Palagi naman tayong magkatext kahit hindi tayo nagkikita." natatawang sambit ni Raine habang kayakap ang kanyang kaibigan.

"H'wag ka ng ano riyan, basta namiss kita." pabirong pagtataray nito sa dalaga.

"Bakit siya lang 'yung namiss mo, Paano naman ako Nicnic?" mapagbirong usal ng binata saka iniumang palabas ang kanyang mga braso na parang naghihintay ng yakap mula kay Nicole.

"Joshhhhhhiiiieeee..," nakakabinging tili nito at mabilis na yumakap na rin sa binata. "Siyempre naman namiss din kita noh!" matinis na boses ang iginawad nito sa binata na siyang nakapagpalayo kay Josh dito.

"Grabe naman 'yang bunganga mo Nicnic, ang sakit sa tenga." iritableng saad ng binata habang hinihimas ang kanyang kaliwang tenga.

"Letsugas ka, aarte pa ba kuyang? Buti nga niyakap pa kita diyan eh!" masungit na bulalas nito saka inismiran si Josh.

"Ang sungit mo pa rin talaga hanggang ngayon." pang-aalaska ni Josh dito.

"Tse!" singhal ni Nicole saka humalukipkip ang mga braso ng dalaga.

Natatawa na lang si Raine sa bangayan ng dalawa, "Uuuyyyy... Diyan nagsimula ang lolo at lola ko!"

"Hindi ahh!" sabay na bulalas ng dalawa na animo'y nagduet sa pagkanta.

Mas lalong lumawak ang mga ngiti ngiti ni Raine, nang makita ang mukha ni Nicole na ngayo'y namumula na sa galit.

"Sus! Tama na nga, tara na saan ba ang table natin." pag-iiba ni Raine sa usapan para pawiin ang tensyon na namamagitan sa kanyang mga kaibigan.

Ilang mga kaklase ni Raine ang kanyang nadaanan, nakipagbatian siya sa mga ito bago nakarating sa mesang nakareserba sa kanila.

Nakaupo na ngayon ang magkakaibigan sa pabilog na mesa nang biglang magsalita si Nicole, "Beshie, girls room lang ako." hindi na nakuhang sumagot pa ni Raine dahil nagmamadaling umalis ito sa kanyang kinauupuan.

Nagulat din siya nang biglang magsalita si Josh, "Raine, may kakausapin lang ako." nagmamadaling usal ng binata bago nilisan ang kanilang mesa.

Ilang minuto ang pinaghintay ng dalaga ngunit hindi pa rin bumabalik sina Josh at Nicole. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa mga ito, bakit tila nag-iba ang ihip ng hangin para sa dalawa.

Nagulantang naman siya nang biglang may magsalita sa kanyang likuran, "Raine, tara, sayaw tayo." anyaya sa kanya ni Annie, ang kasamahan niya sa Music Room noong high school pa sila.

"S-sige.. Sige, hintayin ko lang sina Nicole... Susunod na lang kame." nakangiting sambit n'ya rito habang hawak ang kopita ng kanyang inumin.

"Okay, sige una na kame." pamamaalam nito sa kanya saka tumungo sa sayawan.

Tinanaw na lang ni Raine ang dancefloor, maraming tao ang nagsasayawan sa gitna ng gym kaya't kahit papaano ay naaaliw siya tingnan ang mga ito. Nang tingnan ni Raine ang kanyang relos, napansin niya na halos bente minutos nang wala ang kanyang mga kaibigan.

"Nasaan na kaya sila?" nagtatakang saad ng dalaga sa kanyang sarili.

Nagpalinga-linga si Raine sa buong paligid, nagbabaka-sakaling mahagilap ng kanyang mga mata sina Josh at Nicole. Nasa akto siyang lilingon sa gawi ng pintuan ng gym ng biglang mapansin niya ang isang babaeng umentra roon.

Natulala si Raine sa kagandahan nito na talagang pumukaw sa kanyang pansin. Naka-suot ito ng isang gold tulle short-mini dress na bumagay sa mala-anghel nitong mukha.


Photo CTTO




Napakasupistikada nitong tingnan sa kanyang suot at halatang mayaman din dahil sa tindig nitong angat kaysa sa iba. Abala si Raine sa pagsipat ng kabuuang itsura ng babae, nang biglang mapansin niyang may mga brasong pumulupot sa maliit na baywang ng dalagang kanyang tinitingnan.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso noong makita ang lalaking kasama ngayon ng magandang babae. Humalik pa ito sa pisngi ng dalaga na talagang nakapagpasakit ng kalooban ni Raine.

"I-icarus..." nauutal n'yang sambit sa hangin habang hawak ang kanyang naninikip na dibdib.

Pigil hininga siyang nakatitig sa mga ito, halos mawalan na ng hangin ang daluyan ng kanyang hininga dahil sa kanyang nakikita. Naestatwa si Raine sa kanyang kinauupuan, ang buong katawan niya'y parang namanhid at gusto nang bumigay dahil hindi niya kinakaya ang kanyang nararamdaman ngayon.

Mabilis niyang pinalis ang mga luha, saka tumayo't nagmamadaling kinuha ang kanyang bag sa upuan. Gulong-gulo ang isip ng dalaga, hindi niya alam kung saan siya pupunta at tanging mga paa lamang niya ang nagbibigay daan sa kanya kung saan man siya nito dalhin.

Nagulat na lang siya nang biglang may makabangga siyang lalaki, "Raine... Bakit ka umiiyak?" punong-puno ng pag-aalala nito sa dalaga.

Nang inangat ni Raine ang kanyang paningin lalo siyang naluha nang makita niya si Josh, kaya naman agad niya itong niyakap ng sobrang higpit.

"Joshhie..." humihikbing sambit ng dalaga rito.

Hinaplos naman ni Josh ang ulo nito sabay sabing, "Nakita mo siya." usal ng binata na dahilan para humiwalay si Raine sa pagkakayakap dito.

"Paano mo nalaman?"

"Hindi na importante 'yon, ayos ka lang ba?"

Tanging iling lang ang sinagot ni Raine rito saka muling yumuko. Hinawakan naman agad ni Josh ang magkabilang balikat ng dalaga. "Gusto mo na bang umuwi?"

Tumango naman si Raine tanda ng kanyang pagsang-ayon.

Humugot muna ng malalim na hininga si Josh saka ito ngumiti ng alanganin. "Let's go." anito sa dalaga saka hinawakan ang kamay ni Raine.


*****


"Hey there pretty." nakangiting bati ni Icarus dito.

"Hey yourself handsome," bati nito sa kanya saka humalik sa pisngi ng binata. "So, where's Brent?"

"Got stuck in the parking lot."

"Argh! I hate him, palagi na lang ako ang nauuna sa kanya!" inis na saad nito saka humalukipkip ang mga braso.

"Chill Margaux nandyan na 'yung tao, hindi naman niya ginustong magtagal sa parking lot." pagpapaliwanag ni Icarus para malinawan ang dalaga.

"Whatever Jic."

"Hintayin mo na lang 'yung prince charming mo." usal niya rito saka umalis sa tabi ng dalaga. Narinig pa ni Icarus na tinawag ni Margaux ang kanyang pangalan, ngunit nagkunwari siyang walang naririnig.

Napahinto sa paglalakad si Icarus nang makita niya si Raine na hawak-hawak ni Josh sa magkabilang balikat nito. Akmang lalapitan niya ang mga ito, ngunit biglang hinila ni Josh ang dalaga papalabas ng gymnasium. Hahabulin niya sana si Raine ngunit agad na dumagsa ang mga tao dahil mag-uumpisa na ang programa.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top