YAMTF Kabanata: 2
Masayang nakarating si Raine sa FTHS. Habang hawak-hawak ng dalaga ang magkabilang strap ng kanyang backpack, ay may biglang tumakip sa kanyang mga mata.
"Josh alam kong ikaw 'yan!" buko niya rito.
"Mukang kailangan ko nang magpalit ng style para ma-surprise ka." nakangusong usal ng binata nang tanggalin nito ang kamay na nakatakip sa mata ng dalaga.
"Luma na 'yang mga style mo Josh—" hindi na natuloy ni Raine ang sasabihin nang putulin ito ng binata.
"Iyan na naman 'yung Joshhie mo eh, parang pambabae ang sagwa."
"Bakit... Iba naman 'yung Joshhie sa Josie ahh." walang malay na sambit ni Raine.
"Basta iba na lang 'wag lang 'yon, pwede namang baby, hon, mine o 'di naman kaya mahal mas sweet kesa sa Joshhie." nakangusong saad ng binata.
"Ang cute mo talaga!" sabay pisil sa pisngi nito. "Wala kang magagawa dahil Joshhie lang ang gusto kong itawag sa'yo period." saka niya binigyan ng isang kindat ito.
"Iyan na naman 'yung kindat mo, kung sinasagot mo na 'ko edi sana iba na tawag mo sa'kin." makahulugang sambit ni Josh saka inakbayan ang dalaga.
"Joshhie alam mo naman na ayaw kong mawala ka? Paano kung naging tayo nga tapos hindi nagwork 'yung relasyon natin, syempre magkakagalit tayo no'n, edi nasayang lang 'yung friendship natin simula pa no'ng grade 6." paliwanag ni Raine sa kanyang kaibigan.
"Ano pa nga ba magagawa ko." sabay pisil sa ilong ni Raine. "Basta 'wag ka muna magboboyfriend Ulan ha?" anito sa dalaga.
"Ulan ka riyan!" Hampas sa dibdib ni Josh "Nako Joshhie, wala pa sa bukabularyo ko 'yan noh! Gusto ko pang makatapos ng pag-aaral para matulungan ko si Mama at Nene... Kaya mag-aaral muna ako bago lumandi." natatawang sambit ni Raine saka ikinawit ang kamay sa braso ni Josh.
"Ikaw talaga! Ang dami mong sinasabi, isa lang naman 'yung pinupunto ko, 'wag ka muna magboyfriend." giit ni Josh dito.
"Eh ikaw kasi sinimulan mo eh tara na nga!" at hinila na ni Raine ang kamay ng binata papasok sa kani-kanilang Classroom.
*****
"Beshie!" biglang sigaw ni Nicole.
"OA 'te... Makasigaw ang lapit ko lang ohh." pambabara ni Raine sa kanyang bestfriend na si Nicole.
"Sorry naman 'te na-carried away lang..." natatawang sambit ni Nicole at nag-peace sign pa rito.
"Oh Zsa Zsa Padilla, tara na't maupo baka dumating na si Maam Noble." aya ni Raine sa kanyang kaibigan.
"Ay beshie may ispluk pala ako sa'yo. Kanina pal..." hindi naituloy ni Raine ang kanyang sasabihin nang biglang dumating ang kanilang Guro na si Miss Noble.
Canteen:
"Oh beshie ano 'yung sasabihin mo kanina." mausisang bungad ni Nicole sa kanya.
"Ayun na nga 'te, kanina bago ako pumasok, hindi ka maniniwala kung sino ang kumausap sa'kin." magiliw na sambit ni Raine.
"Sino beshie?" sabay hila sa uniporme ni Raine na animo'y sabik na sabik ito na makakuha ng impormasyon sa dalaga.
"Mukang mas excited ka pa sa'kin 'te ahh, ikaw 'yung nakaranas ganern?" pambabara ni Raine kay Nicole.
"Wag ka kasing pabitin baka sabunutan kita riyan makita mo." pagbabanta nito sa kanya.
"Hala s'ya brutal 'te brutal?"
"Dali na kasi kwento na." atat na atat na saad ni Nicole.
"Eto na nga kanina beshie no'ng naglalakad ako papunta dito sa school. Eh 'di ko alam na masasagasaan na pala ako, may yumakap sa'kin 'te, as in yakap na mahigpit talaga." kinikilig na sambit ni Raine habang ikinukwento ang mga nangyari kanina.
"Sino?"
"Sino pa, edi si Icarus my love so sweet." namimilog ang mga matang sambit ni Raine habang kinikilig pa.
"Waaaaaa..." sisigaw na sana si Nicole nang maagap naman itong natuptop ni Raine sa bibig.
"Ang ingay mo talaga beshie, manahimik ka nga." bulong ni Raine dito dahil nakatingin na ang iba pang estudyante sa kanila.
"Eh sa kinikilig ako eh, so anong sinabi n'ya sayo?" usisa ni Nicole habang nakahalumbaba sa canteen table.
At ikinuwento ni Raine lahat ng nangyari kanina, at lahat-lahat nang sinabi ni Icarus sa kanya.
Nakatanggap naman ng isang malutong na kutos si Raine mula sa kanyang kaibigan dahil sa pang-iinsultong ginawa sa kanyang ni Icarus.
"Bakit ka ba nangkukutos?" iritableng usal ni Raine habang hinihimas ang kanyang ulo.
"Eh gaga ka pala eh, tuwang tuwa ka pa talaga sa mga sinabi sa'yo ni Icarus. Eh kulang na lang murahin ka na no'ng lalaking 'yon!" inis na wika ni Nicole sa dalaga.
"Atleast kinausap na n'ya ako and take note 'te ang haba ng sinabi n'ya sa'kin with matching yakap factor pa." kinikilig na sambit ng dalaga.
"Bahala ka sa kahibangan mo, sabi naman kasi sa'yo 'wag na 'yon ang gustuhin mo napakasuplado! Kung ako sayo si Josh na lang para atleast kilalang-kilala mo na hindi ka pa sasaktan 'di ba?" pangaral ni Nicole sa kanya.
"Iiihhhhh! Wag nang ipilit beshie, kaibigan ko lang si Joshhie ayoko bigyan ng kulay." nakangusong saad ni Raine bago sumubo ulit ng kanyang pagkain.
Nagkibit-balikat na lang ang dalawa at nagpatuloy sa kanilang kinakain.
*****
Kinagabihan nasa kwarto ngayon si Raine at gumagawa ng kanyang takdang aralin, habang nakahiga sa kanyang kama ay biglang nakaisip ng kalokohan ang dalaga.
To: ICARUS ❤️
Goodevening mahal!
"Aba ayaw magreply... Isa pa nga!" pursigidong saad ni Raine bago muling tumipa sa kanyang de pindot na telepono.
To: ICARUS ❤️
Kumain na ba ang baby ko?
To: ICARUS ❤️
Ang gwapo gwapo mo talaga mahal...
To: ICARUS ❤️
Nood ako ng practice n'yo bukas ahh? Supportive girlfriend here!
To: ICARUS ❤️
Sige na nga tulog na 'ko mahal, ayaw mo naman magreply eh.. Goodnight baby iloveyou!
Inilapag na ni Raine ang kanyang cellphone sa maliit na lamesa saka ito nahiga sa kama. Ikinundisyon na n'ya ang kanyang sarili para matulog, at habang nagmumuni-muni ay bigla namang tumunog ang kanyang telepono.
Tinignan n'ya ito at napabalikwas sa kanyang pagkakahiga nang makita kung sino nagtext sa kanya.
From: ICARUS ❤️
Who the hell are you? Stop texting me or else!
"Nagreply siya!" sigaw ni Raine at nagtatatalon pa sa kanyang kama. Dali-dali naman s'yang humiga't nagmamadaling tumipa sa kanyang telepono para itext si Icarus.
To: ICARUS ❤️
Ito naman high blood ka nanaman baby, ako nga 'to ang super supportive girlfriend mo!
From: ICARUS ❤️
Don't play with me you freak! Magpakilala ka!
To: ICARUS ❤️
In time baby, in time! ;)
From: ICARUS ❤️
Don't waste my patience, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nalaman ko kung sino ka!
To: ICARUS ❤️
Ito naman masyadong hot! Sige na baby tulog na ako, 'wag mo ako mamimiss ahh? Magkikita naman tayo bukas eh. Goodnight mahal ko. Mwah!
Kinikilig na ibinaba ni Raine ang telepono sa kanyang lamesitang kahoy. Nakatulala s'ya sa kisame habang inaalala ang unang pagkakataon na sinagot ng binata ang kanyang mensahe.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top