YAMTF Kabanata: 18

Natigilan naman si Raine sa sinabi ni Josh, "Yan tayo, Joshhie eh..." biro n'ya rito para pagaanin ang sitwasyon, agad na umiwas ng tingin si Raine at nagmamadaling sumubo ng pagkain.

"Raine, I'm serious." anito saka hinawakan ang kanang kamay ng dalaga.

Mabilis na ininom ng dalaga ang tubig at nang mahimasmasan, tiningnan ni Raine ang kanyang kaibigan, saka napabuntong-hininga.

"Ano nga ba ang dapat kong sabihin kay Josh?" kinakabahang sambit ni Raine sa kanyang sarili. Pumikit siya ng mariin, para ikalma ang kanyang buong sistema. Ilang segundo rin ang lumipas bago nawala ang kanyang tensyon sa katawan.

"Joshhie," mahinang wika n'ya rito, sapat na para marinig ng binata. "Pwede bigyan mo muna ako ng panahon para makapag-isip?" nauutal na sambit ng dalaga rito.

"Haaaaayyy..." Tanging sambit ng binata.

Napansin ni Raine na may kinuha si Josh sa bulsa nito at inilabas ang isang kahon. Pula ang kulay nito na yari sa gamusa, may nakapalibot ding puting laso rito na nagpamukang elegante sa nasabing bagay.

"Raine, I want you to have this." at inabot ni Josh ang pulang kahon sa dalaga.

Nang mapansin ni Josh na alangan si Raine sa pagtanggap nito, maagap niyang hinablot ang kanang pulsuhan ng dalaga saka ibinigay ang pulang kahon, "Just take it, Raine."

Wala nang nagawa pa ang dalaga kundi ang tanggapin iyon, nanlaki ang mga mata ni Raine nang buksan niya ang kahon. Bumungad sa kanya ang isang silver necklace na may pendant na korteng puso.


Photo CTTO




Alam niyang mamahalin ang nasabing bagay kaya't napagpasyahan niyang isara ang kahon sabay sabing, "Joshhie, hindi ko matatanggap ito." saad ni Raine habang pilit na inaabot sa binata ang kahon kasama na rin ang kwintas sa loob nito.

"No Raine, binili ko talaga iyan para sa'yo..." biglang sagot ni Josh sa dalaga.

"Ulan," anito't sa puntong iyon ay mataman na niyang tinitigan si Raine sa mga mata nito. "Alam mo ba kung bakit buo ang puso ng ibinigay kong kwintas sa'yo?" tanong nito sa dalaga habang hawak ang kanyang kamay.

Itinuon na ni Raine ang kanyang atensyon sa mukha ni Josh, na ngayon ay nangingilid na ang mga luha.

"Kasi gusto kong maging buo muna ang puso mo bago ka magmahal muli," ngumiti si Josh ng pilit na hindi inihihiwalay ang kanyang paningin sa dalaga.

"At 'yang maliit na pulang bato sa gitna?" anito saka inginuso ang kwintas. "Iyan ang tanging pag-asa ko na magkaroon ng puwang sa puso mo, at mamahalin mo rin ako kahit papaano." madamdaming pahayag ni Josh sa dalaga.

Nakaramdam naman ng awa si Raine sa kanyang kaibigan, hindi niya lubos maisip na sa itinagal-tagal ng panahon, hanggang ngayon pala'y may nararamdaman pa rin ito sa kanya.

"Raine, gusto kong isuot mo 'yang kwintas kapag handa ka nang magmahal muli, at kapag dumating ang araw na iyon, ako ang unang-unang pipila para mag-apply bilang boyfriend mo." at humalakhak na lamang si Josh para pagaanin ang namumuong tensyon sa kanilang dalawa ni Raine.

"Loko!" nakangiting sambit ni Raine at bahagya pang hinampas sa balikat ang binata.

"Pero seryoso ako Ulan, hihintayin ko ang araw na 'yon, hihintayin ko ang pagbubukas muli ng puso mo para magmahal sa pangalawang pagkakataon." seryosong usal ni Josh at dinampian ng halik ang kamay ng dalaga.

Hinawakan na rin pabalik ni Raine ang kamay ni Josh saka ngumiti ng matamis, "Salamat Joshhie," saad n'ya rito habang matamang nakatingin sa mga mata ng binata. "Salamat dahil binigyan mo ako ng oras para makapag-isip."

"Handa akong maghintay Ulan," nakangiting wika ni Josh. "Kahit gaano pa katagal." dagdag pa nito saka pinunasan ang kanyang mga luha.

"Sus! Tama na nga ang drama, tara na baka hinihintay ka na ni Tita." anito kay Raine para pagaanin ang kanilang loob.

"Sige, Tara na may pasok pa ako bukas." balik sagot naman ng dalaga rito saka tinulungan ang binata magligpit ng kanilang mga gamit.


*****


Alas onse ng gabi nang makarating sina Josh at Raine sa tahanan ng mga lopez. Nang maiparada ni Josh ang kanyang sasakyan sa labas ng gate, agad n'yang hinawakan ang kamay ng dalaga na ikinagulat naman nito.

"Ulan, seryoso ako sa mga sinabi ko sa'yo kanina, handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. Hindi kita pini-pressure, ang gusto ko lang ay maging okay ka."

Tanging tango na lamang ang naisagot ni Raine rito, dahil ano nga ba ang isasagot n'ya sa binata. Ayaw naman n'yang paasahin ito sa wala, kaya mas pinili na lang n'yang manahimik para hindi makabitaw ng mga salitang sa huli ay baka pagsisihan niya.

"Sige Joshhie, Salamat ha, mag-iingat ka." at bumaba na ng sasakyan si Raine. Kinawayan niyang muli si Josh at tumango naman ito tanda ng kanyang pamamaalam.

Tinanaw na lang ni Raine ang sasakyan ng binata na ngayon ay nakaalis na. Bago pa man tuluyang makapasok sa kanilang gate, napansin ni Raine ang itim na sasakyang nakaparada sa tapat ng kanilang tahanan.

Ito rin ang sasakyan na nakita niya, noong nakaraang gabi na palaging nakamanman sa kanila. Kahit kinakabahan ay lakas loob niyang tinungo ito para kausapin. Nang tuluyang makalapit sa nasabing sasakyan, agad kinatok ni Raine ang bintana ng kotse, ngunit hindi man lang nag-abalang buksan ng may-ari ang sasakyan nito.

Kaya naman pilit inaninag ni Raine ang loob ng sasakyan, ngunit nabigo siya dahil sa salamin nitong yari sa tinted. Sinubukang muli ni Raine katukin ang nasabing sasakyan, ngunit biglang humarurot itong takbo papalayo sa gawi ng dalaga.

Nagulat naman si Raine sa pangyayaring iyon, kaya naman napaatras siya at biglang bumagsak sa gutter ng kalsada. "Aray!" hinaing ng dalaga habang nakaupo sa semento.

Huminto naman ang sasakyan dahil sa nangyari sa dalaga. Napansin ni Raine na bumukas ang pintuan ng kotseng itim, at hinihintay niya ang pagbaba ng taong nagmamaneho nito. Ngunit ilang segundo pa ang lumipas, hindi pa rin ito nagpakita sa kanya. Sa halip, ay isinarang muli ng driver ang pinto ng sasakyan nito at nagmaneho na papalayo sa dalaga.

"Ang bastos naman no'n!" iritableng sambit ni Raine rito habang tinatanaw papalayo ang itim na kotse. Pilit itinayo ng dalaga ang kanyang sarili sa pagkakaupo, at wala na siyang nagawa pa, kaya't nagpatuloy na lamang ito sa paglalakad papasok sa kanilang tahanan.



*****

Sino nga ba ang taong iyon? At ano ang gagawing hakbang ni Raine sa pagpapahayag muli ni Josh ng nararamdaman nito para sa kanya? Muli kayang buksan ng dalaga ang kanyang puso, sa pangalawang pagkakataon?

Abangan...


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top