YAMTF Kabanata: 17
"Wala naman tayong tugtog..." natatawang wika ni Raine habang inaayos ang kanyang sarili.
"I'm prepared Raine, don't worry." wika ni Josh saka kinindatan ang dalaga na siyang ikinangiti naman nito.
Kinuha ni Josh ang isang maliit na speaker pati na rin ang kanyang telepono, may kinalikot ito panandalian at nang matapos ay biglang tumunog ang isang kanta na pamilyar sa dalaga.
Nang magsimula ang kanta, ay agad inaya ni Josh ang dalaga na magsayaw, "Can I have this dance Ms. Reynalyn Lopez?" nakangiting sambit ni Josh, saka muling inilahad ang kanyang kanang palad.
Tumango naman si Raine at iniabot na rin ang kanyang kanang kamay rito.
Inilagay ni Josh ang mga kamay ng dalaga sa kanyang balikat, at nang makitang komportable na ito ay agad naman n'yang pinadausdos ang kanyang mga kamay sa maliit na baywang ni Raine. Magaan lang ang pagkakahawak niya dito, sapat na para maalalayan si Raine na puno ng paggalang.
"Ulan, naalala mo ba ang tugtog na 'yan?" saad ng binata habang matamang nakatingin sa mata ni Raine.
Napangiti ng matamis si Raine ng maalala ang kantang tumutugtog ngayon.
Six years ago...
Araw ng biyernes, ito ang araw kung saan makakasalamuha ng mga mag-aaral ng Urduñez Elementary School, ang mga mag-aaral ng St. Lewis Academy.
Ipinagdiriwang ng SLA kada taon ang kanilang out reach program, kung saan layunin nito na magbigay saya sa mga batang mag-aaral ng mga pampublikong paaralan.
Ang SLA ay isa sa mga kinikilalang pribadong eskwelahan na nagbibigay tulong sa mga mahihirap, nagbibigay ang mga ito ng libreng school supplies, tulad ng lapis, papel, at mga notebook na talagang magagamit ng mga bata.
At bilang ganti sa kabaitan ng nasabing eskwelahan ay naghahanda naman ang paaralan ng UES kada taon ng simpleng programa na magbibigay aliw sa mga namumuno at mag-aaral ng SLA.
"Oh mga bata maghanda na kayo, nakaayos na ang ating mga panauhin." saad ni Maam Valdez, ang guro na nag-aasikaso sa mga magtatanghal sa programang iyon.
"Opo..." sabay-sabay na wika ng mga mag-aaral ng UES.
Nasa gilid naman si Raine at naghahanda na rin ng kanyang sarili, ito ang unang pagkakataon na magtatanghal s'ya sa isang programa.
Aaminin n'ya na kinakabahan s'ya, dahil hindi sanay si Raine na humarap sa maraming tao.
Narinig kasi ng kanyang mga kaklase ang magandang tinig ng batang si Raine, kaya't agad sinabi ito sa kanilang guro, na sakto't naghahanap ng mga magtatanghal sa entablado.
Napabalik na lang sa kanyang sarili ang batang si Raine nang muling magsalita si Maam Valdez, "Reynalyn maghanda ka na rin, ikaw na ang susunod kapag natapos ang mga nagsasayaw" anito sa bata habang abala sa pag-aayos ng gagamitin ng iba pang perpormer.
Lalong kinabahan si Raine ng marinig ang sinabi ng kanyang guro, halos mabingi na s'ya sa kaba ng kanyang dibdib.
Isama mo pa ang mga pawis n'yang butil-butil na patuloy sa pagtulo sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.
"Raine kaya mo 'yan!" pagpapalakas loob n'yang sambit sa kanyang sarili habang nilalaro ang kanyang mga kamay.
"And now to present our sincere appreciation, let's give a round of applause to Maria Reynalyn Lopez!" masiglang saad ng emcee sa mikropono.
Narinig na lang ni Raine na tinawag ang kanyang pangalan, hudyat na siya na ang susunod na magtatanghal sa entablado.
Kinakabahan s'yang tumayo at lumapit sa bungad ng stage, sinilip ni Raine sa pulang kurtina kung gaano karami ang tao.
At nanlaki naman ang kanyang mga mata ng makitang puno lahat ng upuan sa harap ng stage, higit kumulang isang daang katao ang kasya sa nasabing field, kaya naman lalong kumabog ng malakas ang dibdib ng batang si Raine.
Nasa ganoong posisyon siya nang biglang magsalita ang kanyang guro, "Reynalyn ikaw na ang susunod, pumunta ka na sa harap ng stage" anito sa kanya saka iniabot ang mikropono.
Wala sa sariling kinuha naman ito ni Raine at pasadsad ang mga paang lumakad sa harap ng entablado.
Nang makarating sa gitna, lalo itong nalula sa dami ng taong nandoon, sobra ang kaba na kanyang nararamdaman.
Mahigpit n'yang hinawakan ang mikropono at nang marinig ang tugtog hudyat na nang kanyang pagkanta.
Ilang segundo nang tumatakbo ang tugtog ngunit hindi pa rin kumakanta si Raine.
Para s'yang naestatwa na hindi n'ya malaman, ang buong akala n'ya ay kakayanin n'yang kumanta sa harap ng maraming tao, ngunit nagkamali s'ya.
Oo marunong s'yang kumanta ngunit hindi n'ya alam na kaakibat pala nito ay ang pagharap n'ya sa maraming tao.
Napalingon si Raine sa gilid ng stage kung nasaan ang kanyang guro na si Maam Valdez, sinisenyasan s'ya nito na kumanta na ngunit parang nablangko ang isip ng batang si Raine.
Gustuhin man n'yang ituloy ang pagkanta ngunit ni isang liriko ay walang pumapasok sa kanyang isip, isama mo pa ang bibig n'ya na parang nabusalan na kahit anong pilit ay wala talagang boses na lumalabas.
Biglang napalingon na lang si Raine sa harap ng entablado nang magsimula nang magbulong-bulungan ang mga panauhin.
Namutla naman si Raine at nagsimula nanamang mamuo ang mga butil-butil n'yang pawis, at ang kanyang mga luha na dahan-dahang nagbagsakan sa kanyang magkabilang pisngi.
Nang hindi na kinaya ni Raine ang kahihiyan, agad s'yang tumakbo sa gilid ng entablado at nilampasan na lamang ang kanyang guro na pilit pa s'yang hinabol.
Tumakbo si Raine papalayo sa field, habang ang kanyang mga luha ay patuloy lamang sa pagbabagsakan, hanggang napadpad s'ya sa dulo ng eskwelahan at napaupo sa hagdan, isinubsob ang mukha sa kanyang tuhod habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Hiyang-hiya s'ya sa kanyang ginawa, aaminin n'ya na takot s'ya sa entablado, hindi n'ya kayang humarap sa maraming tao, pinilit lang s'ya ng kanyang guro dahil sinabi nito na may potens'yal s'ya sa pagkanta.
Nasa ganoong posisyon ang batang si Raine nang biglang makarinig s'ya ng boses ng batang lalaki, "Huwag ka nang umiyak." saad nito at ramdam ni Raine na nakatingin ito sa kanya.
Dahan-dahang namang iniangat ni Raine ang kanyang mukha para makita ang mukha ng lalaking nagsalita.
Nang tuluyan na n'yang maiangat ang kanyang ulo, agad naman s'yang nginitian ng batang lalaki ng alanganin saka ito muling nagsalita,
"Hayaan mo na 'yun, kinabahan ka lang kaya hindi ka nakakanta..." nakangiting saad nito saka umupo sa kanyang tabi.
Napayuko naman si Raine ng marinig ang sinabi nito, lalo tuloy siyang nahiya dahil sa ginawa n'ya kanina, habang nakayuko nilalaro na lang ni Raine ang kanyang mga daliri para hindi matingnan ang lalaki.
"Here, take this..." sambit nito saka inabot ang panyo sa kanya.
Kahit nahihiya hindi naman nag-atubili na tanggapin ni Raine ang panyo, kesa nga naman magkalat s'ya ng sipon sa harap ng lalaking hindi n'ya kilala, mas nanaisin na lang n'yang kapalan ang kanyang mukha na tanggapin ito.
"S-salamat ha?" nauutal n'yang sambit dito at pasimpleng inilabas ang kanyang mga sipon sa panyo.
Napahalakhak naman ang lalaki sa ginawang pag-singa n'ya na ikinakunot naman ng noo ni Raine.
"B-bakit ka tumatawa, baliw ka ba?" walang muwang na tanong n'ya dito habang pinupunasan pa rin ang kanyang ilong.
"Nothing," nakangiting saad nito "By the way I'm Josh Malcolm..." sabay litanya nito at inilahad pa ang kanyang palad sa batang si Raine.
Saglit n'yang tinitigan ito na parang inaalam ang karakas ng lalaki at nang makitang maayos naman ang awra nito agad nagsalita si Raine "Reynalyn nga pala, pwede ding Raine na lang." at malugod naman n'yang tinanggap ang kamay ng batang si Joshua.
Nagkwentuhan ang dalawa na akala mo ay matagal ng magkakilala, naikwento na rin ni Raine ang nangyari kanina sa kanya sa harap ng stage.
At simula ng araw na iyon ay naging matalik na magkaibigan na sina Raine at Joshua, nang makag-graduate si Raine ng Elementarya, si Josh ang tumulong sa kanya para makakuha ng 4 years Scholarship sa Fort Trinity High School.
Napabalik na lang si Raine sa kanyang sarili nang magsalita si Josh, "Hoy Ulan, ang lalim ng iniisip natin ah?" natatawang saad nito sa dalaga.
"Sira, may naisip lang ako."
"Happy 6th Year Anniversary, Raine." biglang sambit ni Josh.
Napabaling naman ang paningin ni Raine rito at nangunot ang noo, na parang nagtatanong kung para saan ang pagbati nito.
Nakuha naman agad ni Josh ang ibig sabihin ng mga tingin ng dalaga, kaya't muli s'yang nagsalita, "Ito ang ika-anim na taon natin Raine bilang magkaibigan."
Ngumiti lang naman si Raine ng alanganin, dahil hindi niya maatim ang dating ng pagtitig ni Josh sa kanya, kinakabahan s'ya dahil napakaseryoso nito ngayon.
"Raine, pwede mo na ba akong bigyan ng chance ngayon?"
Napatinging muli si Raine sa binata at nakita n'ya na mataman s'yang tinititigan nito.
"Raine, will you be my girlfriend?" diretsong saad nito na wala nang paligoy-ligoy pa.
Sandaling natigilan si Raine sa naibulalas nito sabay sabing, "Y..."
*****
Wohoy! Bibitinin ko muna kayo! 😂
'Yan may alam na kayo sa history ng Friendship nila Ulan at Joshhie ahh... Anyways, See you next chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top