YAMTF Kabanata: 16

Kinabukasan, maagang gumising si Raine at ginawa ang kanyang daily routine bago pumasok ng eskwelahan.

"Anak maaga pasok mo ngayon?" tanong ni Mama Gina.

Lumapit naman si Raine sa gawi ng kanyang Ina saka ito bumati nang, "Gandang umaga Mama." aniya saka tinulungang maghanda ang kanyang kapatid. "Opo Mama, whole day po ang sched ko sa school ngayon."

Hindi na muling umimik si Mama Gina at nagpatuloy na lang sa paghahanda ng kanilang almusal. Nang matapos mag-agahan agad namang nagpaalam si Raine sa kanyang Ina at naunang lumabas ng kanilang tahanan.

Habang naglalakad, napansin ni Raine na parang may sumusunod na naman sa kanya. Ngunit nabigo siyang mahuli ang taong ito, hindi niya alam kung bakit patuloy pa rin ito sa pagsubaybay sa bawat kilos at galaw niya. Alam n'yang wala na s'yang magagawa kung ayaw talagang magpakita ng taong ito, kaya't nagpasiya na siyang sumakay ng jeep patungong Trinus University.


*****


Alas singko ng hapon nang natapos ang klase ng dalagang si Raine, bago makalabas ng hallway ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad naman n'yang kinuha ito sa kanyang bulsa at napangiti nang makita ang mensahe ng kanyang kaibigang si Josh.


From: Joshhie ^_^

Ulan! Nandito na ako sa labas ng Trinus.


Aktong re-reply-an na niya ito nang biglang tumunog muli ang kanyang telepono. Sa puntong iyon ay isang tawag na ang kanyang natanggap, kaya't sinagot naman agad ito ng dalaga.

"Hello..." wika ni Raine habang naglalakad palabas ng Eskwelahan.

"Ulan, nasaan ka na?" bungad ni Josh nang marinig ang boses ng dalaga.

"Palabas na 'ko Joshhie, hintayin mo na lang ako riyan." saad ng dalaga dito bago binaba ang linya ng telepono.

Paglingon ni Raine malapit sa bukana ng parking lot, ay nakita niya ang binata na prenteng nakasandal sa kanyang itim na sasakyan. Mataman niyang tinitigan ito sa malayuan, na ngayon ay abala sa pagtipa ng kanyang telepono.

Hindi alam ni Raine na may taglay pala itong kagwapuhan, na hindi niya napansin noong mga panahong sila'y bata pa. Nasa ganoong pag-iisip si Raine, nang biglang magtama ang kanilang mga paningin ni Josh. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at nakita niya na agad namang tumuwid ang binata sa kanyang pagkakasandal nang mapansin nito ang kanyang presensya.

"Bihis na bihis tayo ah, saan ang lakad?" biro niya rito at bahagya pang tinapik sa balikat ang kanyang kaibigan.

Ngumiti naman si Josh sa mga sinabi ni Raine sabay sabing, "Secret... Basta matutuwa ka sa pupuntahan natin." anito habang inaalalayang makapasok sa sasakyan.


*****


Makalipas ang isang oras na biyahe, ay nakarating sina Josh at Raine sa isang parke. Napansin ni Raine na tahimik sa nasabing lugar, hindi niya namalayan na kanina pa pala nakababa ng sasakyan ang binata saka siya nito inalalayan pababa.

"Just stay there Ulan, may gagawin lang ako." masiglang saad ni Josh saka ito naglakad palayo sa dalaga.

Tanging tango na lang ang naisagot ni Raine, at tinanaw ang kanyang kaibigan na papunta sa madilim na parte ng nasabing lugar.

Halos labing-limang minuto ang itinagal ni Josh bago ito nakabalik sa gawi ng dalaga, "Suot mo 'to, Ulan." anito at inilabas ang isang panyo, bago itinupi para maging isang piring.

"Kailangan talaga may ganito, Joshhie?" natatawang sambit ni Raine habang nakahawak sa panyo na nakatakip sa kanyang mga mata.

"Just trust me Raine, you will love this." anito, saka hinawakan ang mga kamay ni Raine para alalayan papunta sa gitna ng parke.

Walang ideya ang dalaga kung ano ba ang sorpresa na inihanda sa kanya ng binata. Naramdaman na lang ni Raine na huminto sila at kahit walang nakikita, ramdam niya na pumunta si Josh sa kanyang likuran para tanggalin ang piring sa kanyang mga mata.

Nang maialis ang kanyang piring, ay dahan-dahang idinilat ni Raine ang kanyang mga mata at namangha sa kanyang nakita. Bumungad sa dalaga ang isang picnic set, at nakaagaw pansin pa ang mga malilit na ilaw na nakasabit sa puno. Bukod sa buwan at mga bituin sa langit, isa rin ito sa nagbibigay liwanag sa madilim na parte ng parke.

Napabalik lang si Raine sa kanyang sarili nang marinig n'yang nagsalita si Josh, "Ulan, tara dito..." anyaya sa kanya nito at hindi rin nagtagal ay inalalayan na siya ni Josh paupo sa puting kumot na nakalatag sa damuhan.

Tinitigan lang ni Raine ang binata na ngayon ay abala sa paghahanda ng kanilang kakainin.

Nang maiayos ni Josh lahat ng pagkain agad n'yang ipinaghanda si Raine sabay sabing, "Ayan Ulan, kainin mo lahat 'yan okay?" anito sa dalaga habang inaabot kay Raine ang mga pagkain.

"Salamat, Joshhie."

Kumain ang dalawa na puno ng kwentuhan, natuwa naman si Raine dahil sa itinagal-tagal ng panahon nila bilang magkaibigan, ngayon lang n'yang nakita na sobrang sweet pala si Josh. Dati kasi palaging pang-aasar lang ang ginagawa nito sa kanya dahil nga mga bata pa sila noon. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Raine na may gusto sa kanya si Josh noon, maalaga rin naman ito dati pero hindi sa ganitong pamamaraan.

Natigil sa kanyang pag-iisip si Raine nang magsalita si Josh, "Tara Ulan sayaw tayo." biglang saad ng binata at inilahad pa nito ang kanyang palad na ani mo'y isang escort sa prom night.

"H-ha? Sayaw talaga?" nakakunot na tanong ng dalaga rito.

"Opo— So, Ms. Reynalyn Lopez, can I have this dance?" nakangiting sambit ni Josh at bahagya pang yumukod habang nakalahad ang kanyang kanang palad.

Ngumiti na lang si Raine at malugod naman n'yang tinanggap ang kamay ng binata, nang makatayo ang dalaga bigla naman itong nagsalita, "Wala naman tayong tugtog..." natatawang wika ni Raine habang inaayos ang kanyang sarili.

"I'm prepared Raine, don't worry." wika ni Josh saka kinindatan ang dalaga na siyang ikinangiti naman nito.

Kinuha ni Josh ang isang maliit na speaker pati na rin ang kanyang telepono, may kinalikot ito panandalian at nang matapos ay biglang tumunog ang isang kanta na pamilyar sa dalaga.




*****


And...Cut !  🎬🎬🎬


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top