YAMTF Kabanata: 14
Dalawang araw matapos sabihin ni Aling Vicky ang tungkol sa lalaking palaging nakamasid sa labas ng bahay nila Raine. Simula nang araw na iyon, halos hindi na mapakali ang dalaga dahil ultimo sa kanya'y ramdam niya na palaging may nagmamasid sa bawat kilos at galaw na kanyang ginagawa.
Flashback:
Alas onse nang gabi, mumukat-mukat na naglakad si Raine palabas ng kanyang silid. Bumaba ito ng hagdan at dumiretso sa kanilang kusina para makainom ng tubig.
Nang mahimasmasan ang dalaga'y agad s'yang pumanik sa kanyang kwarto para bumalik muli sa kanyang pagtulog. Nang ikinundis'yon ang sarili sa pagtulog, ay biglang napansin niya na bukas ang bintana ng kanyang silid.
"Naiwan ko pa lang bukas 'to." sa isip ng dalaga.
Kahit tinatamad nang tumayo, ay wala namang nagawa pa si Raine. Nang aktong isasara nang dalaga ang bintana'y, napansin n'ya na may nakahintong itim na kotse sa labas ng kanilang tahanan. Nakatawag pansin lalo sa kanya ang lalaking nakatayo sa gilid ng sasakyan nito.
Pilit inaaninag ni Raine ang mukha nito, ngunit nabigo siya dahil bukod sa madilim na ang paligid, nakasuot pa ito ng sumbrero at makapal na jacket. Ramdam ng dalaga na lumingon ito sa kanyang gawi, kaya naman sa gulat niya'y bigla na lang niyang naisara ng pabalang ang kanyang bintana.
Nagmadaling humiga si Raine sa kanyang kama at ibinalot ng kumot ang kanyang buong katawan.
"Sino kaya 'yon? Ano bang kailangan n'ya sa pamilya namin?" Kunot noong sambit niya sa kanyang sarili.
Nag-isip pa ng malalim si Raine para analisahin kung sino nga ba ang taong iyon. Ngunit wala talaga s'yang ideya kung anong pakay nito sa kanila, ang tanging kumukutiltil lamang sa kanyang utak ay ang takot na baka may masamang dulot ito para sa kanyang pamilya.
End of Flashback
Naikwento na niya ito sa kanyang Ina, ngunit hindi na sinabi pa ni Raine ang tungkol sa taong palaging nakasubaybay sa kanya. Ayaw niyang mag-alala pa si Mama Gina, dahil masyado na itong madaming inaalala para dumagdag pa sa isipin nito ang mga bagay na iyon.
*****
Alas syete ng gabi nang matapos sa kanyang klase si Raine. Naglalakad ito sa Hallway ng Trinus University nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Nakita niyang tumatawag ang kanyang bestfriend na si Nicole, kaya naman agad n'yang sinagot ito.
"Oh bes nabuhay ka?" bungad niya rito habang naglalakad palabas ng Unibersidad.
"Beshie! Imissyou!" tili ni Nicole sa kabilang linya.
Inilayo naman ni Raine sa kanyang tenga ang telepono dahil sa tining ng boses ng kanyang kaibigan, "Grabe 'te ang lakas ng boses mo, parang katabi lang kita promise." natatawang saad niya rito.
"Eh sa miss kita eh, three weeks na tayong hindi nagkikita." may himig nang lungkot na sambit ni Nicole sa kabilang linya.
"Sus nagdrama pa... Oh siya Ateng, bakit ka po napatawag?"
"Beshhhiiieee! Guess who's back!" kinikilig na saad ni Nicole.
"Sino?"
"Edi si..." hindi na naituloy ni Nicole ang kanyang sasabihin, dahil biglang may nakabangga kay Raine, dahilan para tumilapon ang kanyang mga gamit sa sahig.
Maagap naman na pinulot ng dalaga ang kanyang mga gamit. Nilingon niya ang lalaking nakabangga sa kanya, ngunit mabilis itong nakalayo sa gawi niya na parang nagmamadali.
"Hindi man lang nag-sorry." bubulong-bulong niyang saad, habang patuloy sa pagpulot ng kanyang mga gamit. At nang kunin niya ang kanyang telepono ay sinubukan niya itong buksan, ngunit anumang pilit ay hindi na sumindi pa ang nasabing bagay. Wala nang nagawa pa si Raine kundi ang magpasensya't nagpatuloy na lang sa kanyang paglalakad patungo sa sakayan ng jeep.
*****
Dumating ang dalaga sa kanilang tahanan, agad naman niyang isinara ang gate para na rin sa kanilang kaligtasan. Bago pa man tuluyang makapasok ay bumungad sa kanya ang kapatid na si Riz.
"Ate bilis!" Nagmamadaling sambit nito, saka hinablot ang kanyang kaliwang kamay para hilain papasok sa loob ng bahay.
Hindi agad nakapagsalita si Raine sa biglang pagsulpot ng kanyang kapatid. Dala ng pagod sa maghapong klase'y hindi na nagawang magprotesta pa ng dalaga at nagpadala na lang sa paghila nito.
Mabilis namang napakunot ang noo ni Raine, nang mapadako ang kanyang paningin sa sala, gulat na gulat siya sa kanyang nasilayan. Matagal niyang hindi nakita ang imahe ng taong ito, kaya naman nangilid agad ang kanyang mga luha dahil sa loob ng isa't-kalahating taon, ay hindi akalain ni Raine na makikita pa n'yang itong muli.
*****
Sino nga ba ang nakita ni Raine? 🤔
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top