YAMTF Kabanata: 12

Gabi na nang umuwi si Raine, walang gana siyang pumasok sa loob ng bahay at agad sinalubong ng kanyang kapatid na si Nene.

"Ate, sakto ang dating mo. Kakain na tayo." masiglang turan nito sa dalaga.

Tanging tango lamang ang isinagot ni Raine rito, bago lumapit sa kanyang Ina para magmano.

"Kaawaan ka ng diyos, anak. Tara na't sabay na tayong kumain." anyaya ni Mama Gina, habang abala sa pag-aayos ng hapagkainan.

"Mama, busog pa po ako." matamlay na sagot ng dalaga.

"Anak, may problema ba? Bakit mugto 'yang mga mata mo?"

"Ayos lang po ako Mama, sige po magpapahinga na ako." ani Raine bago tuluyang umakyat patungo sa kanyang silid.

Nang makapasok sa loob ng kwarto'y agad niyang isinubsob ang mukha sa kama at ibinuhos lahat ng luha na kanina pa niyang pinipigilan. Hindi niya lubusang maintindihan kung bakit siya iniwan ni Icarus ng walang paalam. Samantalang maayos naman sila nitong mga nagdaang araw.

Patuloy lang sa pag-iyak si Raine nang biglang kumatok ang kanyang Ina, "Anak, pwede ba tayong mag-usap?" sambit ni Mama Gina sa bukana ng pintuan.

Hindi naman sumagot si Raine at nagpatuloy lang ito sa pagluha. Dahan-dahang binuksan ni Mama Gina ang pinto, saka naglakad papalapit sa dalaga. Umupo ito sa gilid ng kama saka hinaplos ang buhok ng kanyang anak.

"Anak anong problema? Pwede mo sabihin kay Mama." malambing na saad nito, para damayan ang dalaga sa sakit na nararamdaman nito ngayon.

Nang marinig ni Raine ang mga katagang iyo'y agad siyang bumangon para yakapin ng sobrang higpit ang kanyang Ina, "M-mama si Icarus po, iniwan niya ako." ang kaninang tahimik na mga hikbi, ay napalitan ng punong-puno ng hinagpis.

Nakaramdam naman ng awa si Mama Gina sa kanyang anak, alam niyang nasaktan talaga ito dahil ito ang unang beses na umiyak si Raine ng dahil sa lalaki.

"Ano bang nangyari, anak? Anong sinasabi mong iniwan ka na ni Icarus?"

Humiwalay si Raine sa pagkakayapos sa kanyang Ina saka pinawi ang kanyang mga luha. Kinuha niya ang kapirasong papel nabahagyang nalukot sa kanyang bulsa, bago ito iniabot sa kanyang Ina .

Kunot noong binasa ito ni Mama Gina, at nakaramdam siya ng sakit sa mga salitang nakalathala roon. Daha-dahan niya itong itiniklop, bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Hindi ba kayo nagkausap bago nangyari ito?" seryosong pagtatanong nito sa dalaga.

Tanging iling lamang ang naisagot ni Raine, dahil hindi naman talaga siya nabigyan ng pagkakataon na makausap si Icarus.

"Alam ko anak nasasaktan ka, pero naniniwala ako na kalaunan ay mawawala rin 'yan," wika nito habang hinahaplos ang buhok ng dalaga. "Hihilumin ng panahon ang sugat na nararamdaman mo ngayon, Reynalyn."

"Pero Mama, bakit po ganoon? Bakit niya po ako iniwan?" umiiyak na saad ni Raine sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Siguro anak may dahilan si Icarus, hindi sa sinasabi kong tama ang ginawa niyang pag-iwan sayo, pero nakikita ko anak na mahal ka niya." malumanay na pagpapaliwanag ni Mama Gina.

"Dahilan?! Anong dahilan, Ma?!" sa puntong iyon ay tumaas ang tono ng boses ni Raine. "Wala akong makitang dahilan para iwan niya ako na parang basura! Dahil minahal ko siya ng totoo kahit sa maikling panahon lamang."

"Shhhh... Raine alam mo ba kung bakit ako pumayag na magkanobyo ka?" ani Mama Gina.

"Bakit po, Mama?"

Ngumiti lang ito habang hinahaplos ang buhok ni Raine sabay sabing, "Kasi gusto kong maranasan mong muli ang maging masaya anak. Simula kasi nang mawala ang tatay Ben mo palagi ka nang tahimik. Oo, pilit mong pinapakita na masaya ka, pero sa likod ng kasiyahan na iyon alam kong may lungkot d'yan sa puso mo." mahabang litanya ni Mama Gina.

"At kay Icarus ko muling nakita ang kasiyahan na matagal mo nang itinatago. Siya ang dahilan kaya nanumbalik muli ang sigla mo, Reynalyn."

"Pero siya rin po ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon, Mama."

"Nasaktan din ako sa ginawa niya sa'yo anak, pero kailangan mong maging matatag. Bata ka pa't marami ka pang makakasalamuhang ibang tao. Patawarin mo si Mama ha?"

"Wala po kayong kasalanan, ako naman po ang pumasok sa relasyon na ito. Kaya ako rin po ang dapat mag-ahon sa sarili ko sa kalungkutan kong ito." matigas na anas ni Raine, nang sambitin niya ang mga katagang iyon.

"Anak 'wag kang magtanim ng galit sa puso mo. Ikaw din ang kakainin niyang, kapag nagpalamon ka sa galit."

"Okay na po ako Mama," ani Raine saka pinalis ang kanyang mga luha. "Kahit masakit pipilitin ko po na kalimutan si Icarus! Kahit masakit kakayanin ko." pagmamatigas nito, kapalit ng sakit na kanyang nararamdaman.

"Sige anak magpahinga ka na. Kung sakaling gutumin ka'y nakahain doon ang pagkain mo." saad ni Mama Gina, bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Raine.

Kinuha ni Raine ang sulat ni Icarus saka ito binasa. Muling nangilid ang kanyang mga luha, ngunit agad naman niya itong pinigilan. Kinuha niya ang litrato ni Icarus sa gilid ng kama saka ito kinausap.

"Mahal, bakit mo ako iniwan? Ano bang nagawa kong kasalanan bakit mo ginawa sa akin 'to? Akala ko ba mahal mo ako, minahal mo nga ba talaga ako Icarus?" naluluhang sambit ni Raine, habang hinahaplos ang litrato ng dating kasintahang si Icarus.

"Maraming katanungan ang gusto kong itanong sa'yo, pero hindi ko magawa dahil iniwan mo ko sa ere. Di ba nangako ka na hindi mo ako iiwan, pero anong nangyari sa mga pangako mo?"

"Pinaasa mo lang ba ako sa mga pangako mo na sa huli ay mapapako lang din? Gusto mong kalimutan kita? Paano ko naman makakalimutan ang taong dahilan kung bakit ako sumayang muli?" sarkastiko niyang usal dito at bahagya pang natawa, dahil hindi niya talaga lubos maisip kung ano ang dahilan ni Icarus.

"Pero siguro nga hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal mo para sa akin. Masakit aaminin ko, sobrang sakit! Mahal kita pero siguro nga mga bata pa tayo para masabi natin ang mga katagang 'yan." sa puntong iyon ay kinuha ni Raine lahat ng bagay na magpapaalala kay Icarus.

Inilagay niya lahat ng ito sa isang kahon. Kasama na rito ang kwintas, ang kwintas na patunay ng kanilang pagmamahalan. Tinanggal niya ito sa kanyang leeg saka inilagay sa kahon, bago pa niya itong tuluyang isara'y binitawan ni Raine ang mga katagang,

"Paalam mahal..." malungkot na sambit ng dalaga at tuluyan nang itinabi ang kahon, kasabay ng pagtago niyang iyon ay ang pagbaon din sa mga ala-ala ni Icarus.



*****

Awww! Wala na ba talagang Team ICARAINE?
See you next chapter mga labs! ❤️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top