YAMTF Kabanata: 11

Hindi naman agad nakasagot si Raine, dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga sandaling iyon.

Nang hindi sumagot si Raine muli namang nagsalita ang ito, "Ulan, mabuti at nakarating ka."

Sa puntong iyon ay napabuntong-hininga ang dalaga, saka hinarap ang dating kaibigang si Josh. Tinitigan niya ito ng walang emosyon, dahil aaminin niya na naiinis talaga siya sa ginawa nitong pagdadahilan ng aksidente ni Icarus. Mataman n'ya itong sinilayan at masasabi niyang, ang laki na talaga nang ipinagbago ni Josh, ang dating nerd-looking, ngayon ay maihahalintulad na  sa hilera ng mga gwapo sa FTHS.

Napabalik lang sa kanyang katinuan si Raine hang muling magsalita ang binata, "Ulan ayos ka lang?" sabay wagayway ng kamay nito sa mukha ng dalaga.

"Ano ngang sinasabi mo?" biglang sambit niya rito.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang si Josh, saka hinila ang kamay ni Raine papunta sa isang dinner set-up na naroon sa taas ng rooftop.

Nangunot naman ang noo ni Raine nang makita ang set-up na iyon, kaya naman ura-urada siyang nagtanong sa binata, "Josh, anong ginagawa natin dito? Kailangan kasi ako ni Icarus ngayon."

"Raine wala si Icarus dito, hindi totoo ang aksidente. Nagawa ko lang sabihin sa'yo 'yun dahil alam kong hindi ka makakatanggi pagdating kay Icarus." tiim bagang usal ni Josh, habang nakakuyumos ang kamao.

Bigla namang nag-iba ang awra ni Raine, nang marinig ang mga sinabi ng binata, "Hindi magandang biro 'yon, Josh! Ano bang gusto mong mangyari ha?! Pwede mo naman akong kausapin, hindi sa ganitong kasinungalingan na paraan!" singhal ng dalaga, dala ng sobrang kainisan.

"Raine, listen to me first," pagpipigil ni Josh dito. "Si Icarus ang may pakana nang lahat ng ito!"

Sa puntong iyon ay natigilan si Raine sa kanyang mga narinig mula sa binata, "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Kinausap ako kanina ni Icarus, at may ipinabibigay siya sa'yo." anito bago iniabot ang isang papel na nakatiklop, galing sa bulsa ng binata.


Raine,

Pasensya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Alam kong magagalit ka sa desisyon kong ito, pero Raine hindi ko na matutupad ang pangako ko sa'yo, na mamahalin kita hanggang sa huli. Masyado pa siguro tayong mga bata at hindi ko alam kung tama ba na naging tayo, nang hindi natin pinag-iisipang maigi. Patawarin mo ako Raine at kalimutan mo na ako.

-Icarus


Nang matapos basahin ni Raine ang sulat, ay agad nagbagsakan ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan.

Agad naman siyang niyakap ni Josh ng sobrang higpit, dahil alam niya ang tungkol sa pag-iwan ni Icarus sa dalaga.


Flashback


Abala sa pag-aayos ng locker si Josh, nang biglang may pumukaw sa kanyang atensyon, "Pare..." malumanay na usal nito, kaya't walang sabi-sabing nilingon ito ng binata. Nang makitang si Icarus ang tumawag sa kanya, ay mabilis ibinalik ni Josh ang atensyon sa kanyang ginagawa.

"Pare pwede ba kitang makausap?" muling sambit ni Icarus, nang hindi niya sagutin ang sinabi nito.

Huminga muna ng malalim si Josh bago muling binalingan ang binata, "Wala tayong dapat pag-usapan at hindi tayo magpare Icarus." matigas niyang anas dito.

"Meron pare, meron tayong dapat pag-usapan, tungkol sa pag-iwan ko kay Raine."

Nang marinig ni Josh ang mga katagang iyon, ay agad niyang binigyan ng isang malakas na suntok ang binatang si Icarus, sabay bulyaw nang, "Gago ka! Anong ginawa sa'yong mali ni Raine, bakit mo siya iiwan na parang basura!"

Hinawakan lamang ni Icarus ang kanyang kaliwang pisngi saka ito nagsalitang muli, "Mahal ko siya Josh, kaya ko nga gagawin ito eh. Ayokong matali siya sa isang relasyon na walang kasiguraduhan." malungkot na sambit ni Icarus.

"What do you mean?" bigla namang naging interesado si Josh sa mga sinabi nito.

Ikinuwento ni Icarus, ang kanyang dahilan kung bakit niya gagawin ang bagay na iyon. Masakit para sa kanya na hiwalayan si Raine dahil sa loob ng maikling panahon, ay napamahal na nang husto sa kanya ang dalaga. Ngunit ayaw naman niyang malagay sa alanganin na sitwasyon ito, dahil hindi niya kakayanin na masaktan ito.

"Bakit ayaw mo na lang sabihin sa kanya ang totoo? Alam ko maiintindihan ka ni Raine, kilala ko si Ulan, masasaktan siya sa gagawin mo." sa puntong iyon ay lumambot ang puso ni Josh, dahil sa awa ng magiging relasyon nina Raine at Icarus.

"Mas maigi na ito Josh, atleast kapag nawala ako isang sakitan na lang ang mararanasan niya at kalaunan ay makaka-move on din siya." malungkot na wika ni Icarus, dahil sa bigat na kanyang nararamdaman.

"Basta pinayuhan kita Icarus, hindi ako sang-ayon sa desisyon mo. Masasaktan si Raine sa gagawin mo." pangaral nito sa binata.

"Kaya nga kita kinausap Josh, gusto ko na ikaw ang mag-alaga kay Raine sa pag-alis ko, dahil alam ko na mahal mo siya." biglang nagbagsakan ang mga luha ni Icarus, nang sambitin niya ang katagang iyon.

Sa puntong iyon ay napatingin si Josh sa mga mata ni Icarus na ngayon ay lumuluha na. Nakaramdam siya ng awa rito, dahil nakikita niyang mahal na mahal nito si Raine, kaya naman tumango na lang siya tanda ng pag sang-ayon sa kagustuhan ni Icarus.

"Maraming salamat, pare." lahad-palad na wika ni Icarus.

Agad namang inabot ni Josh ang kamay ng binata saka nakipag-shake hands dito. Napag-usapan pa nila ang tungkol sa plano nilang pag-surpresa kay Raine. Alam nila na hindi basta-basta naniniwala ang dalaga sa ano mang alibi, kaya naman nagawa nilang magsinungaling dito. Idinahilan na lang nila na nadisgrasya si Icarus, para mas maging makatotohanan ang kanilang plano.

"Bago ako umalis, pakiabot naman ito kay Raine. Josh inaasahan ko na walang malalaman si Raine tungkol sa napag-usapan nating dahilan nang pag-alis ko." umiiyak na sambit ni Icarus.

"Makakaasa ka Icarus." balik tugon naman ni Josh sa binata.

"Salamat pare." lumuluhang sambit ni Icarus saka tumalikod tanda ng kanyang pag-alis.

Tinanaw na lang ni Josh ang binata na papalabas at papalayo na sa kanyang kinatatayuan.


End of Flashback


"Josh, sabihin mong hindi totoo ito, niloloko mo lang ako 'di ba?" humahagulgol na sambit ni Raine habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng kanyang kaibigan.

"Shhhh... Tama na Raine." pagpapatahan ni Josh sa dalaga. Masakit para sa kanya ang makitang nasasaktan ito, ngunit nangako siya kay Icarus at bukod sa nakapangako ay lalaki siyang kausap. Kaya't mananatili siyang tahimik, sa lahat ng kanyang nalalaman.

Humiwalay naman sa pag-kakayakap si Raine sa binata, saka ito tinignan sa mga mata na ani mo'y sinusuri kung nagsasabi ba ng katotohanan si Josh.

Nag-iwas naman nang tingin ang binata kay Raine dahil hindi n'ya kayang tignan ito na nasasaktan.

Humagulgol ng husto si Raine dahil hindi n'ya matanggap na magagawa sa kanya ni Icarus ang saktan s'ya nang ganito.

Nagpasya na lang na umuwi si Raine at inihatid naman ito ni Josh sa kanilang bahay.



*****

Ano nga ba ang dahilan ni Icarus bakit n'ya iniwan si Raine?

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top