YAMTF Kabanata: 1

YOU AND ME, TOGETHER FOREVER
(NAIVE Series: Book 1)
(COMPLETED)

Started: June 28, 2017
Ended: November 3, 2017


*****


RAINE's POV:

Ako si Maria Reynalyn Lopez o mas kilalang Raine ng aking mga kakilala. Isang 3rd year high school student ng Fort Trinity High School. Isang simpleng babae, maharot at kalog lalo na kapag hindi ako nakakainom ng gamot ko. De joke lang.

Sabi ng Nanay ko maganda raw ako... Oops! 'Wag kayong kumontra sabi ni Mama 'yan hindi ako. Nagmana raw kasi ako sa Tatay kong kano, pero 'di ko naman nakita 'yon simula pagkabata ko. Iniwan daw kami ng aking Amang kano noong nalaman nito na buntis si Mama.

Nang tumuntong ako sa edad na limang taong gulang. Nag-asawang muli si Mama, kaya lumaki ako na si Tatay Ben ang kinagisnan kong Ama. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ito ng malubhang karamdaman, na siyang dahilan nang pagkaulila namin ng aking bunsong kapatid na si Nene.

"Raine! Nakahain na ang almusal!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba.

Oh... Sige na mga bes, kain muna ako. Ciao'Romano!


*****


"Magandang umaga, aking Inang reyna." bati ng dalaga kay Mama Gina.

"Sus, maupo ka na para makalayas ka na." wika ng kanyang Ina habang naghahain ng almusal.

"Hala si Mama talaga... H'wag ka mag-alala Mama, kapag nahanap ko na 'yung forever ko. 'Di na ako uuwi dito sa bahay." nakangising sambit ni Raine rito habang sumusubo ng pagkain.

Agad naman nakatanggap ng isang batok si Raine sa kanyang Ina, dahil sa kapilyahan nito.

"Arouch Mama." hinaing nito habang hinihimas ang kanyang ulo.

"Eh kung anu-anong pinagsasabi mo riyan. Ke-bata-bata mo pa." pasinghal na saad ni Mama Gina.

"Si Mama talaga, akala ko po ba pinapalayas n'yo na ako, tapos no'ng sinabi kong 'di na po ako uuwi nagalit naman kayo sa'kin... Saan po ba ako lulugar?" maktol nito habang sumusubo ng pagkain.

"Aba't talagang iniinis mo akong bata ka ano?! Kumain ka na nga baka masabon pa kita d'yan!"

"Ma, ano pong sabon? Kasi Dove lang po 'yung ginagamit ko eh. You know sensitive skin." biro ni Raine habang hinahaplos pa kunwari ang kanyang balat.

"Aba talagang nananadya ka Reynalyn." iritableng saad nito.

Akmang hahablutin s'ya ng kanyang Ina, ay biglang tumakbo si Raine palabas ng kanilang bahay at sumigaw nang...

"Babye Inang reyna!" humahalakhak na sigaw ng dalaga habang bitbit ang kanyang bag.

"Ikaw talagang bata, tapos ka na ba kumain?" balik sigaw naman nito sa dalaga.

"Opo Mama, gora na po ako!" at tuluyan ng lumabas ng pintuan si Raine.

Napailing na lang si Mama Gina sa kakulitan ni Raine, ngunit natawa ng bahagya dahil sa mga kalokohan ng kanyang anak.


*****


Nag-aabang ng jeep si Raine ngunit punuan ang mga nagdadaan na sasakyan kapag ganitong oras. Tinignan n'ya ang kanyang relos at nang makitang maaga pa naman, minabuti na lang n'yang lakarin papunta sa eskwelahan.

Habang naglalakad kinuha ni Raine ang kanyang cellphone at isinaksak ang earphone roon. Aliw na aliw ang dalaga sa kanyang pinapakinggan with matching kanta pa. Dahil sa lakas ng kanyang tugtog, hindi namalayan ni Raine na may mabilis na sasakyan ang paparating na sa kanya'y makakahagip.

Nagulat na lang siya nang may kamay na humablot sa kanyang kaliwang braso at hinila siya payakap sa dibdib ng taong iyon.

Sa puntong iyon ay napayakap na rin si Raine rito, dala ng sobrang kaba.

Nang makulong si Raine sa mga bisig ng binata, nadama n'ya ang mabilis na pagtibok nang puso nito. Pinakinggan n'yang maigi ang bawat pintig nito at para itong isang musika na humahalina sa kanyang tenga.

Mas lalo namang humigpit ang yakap ng dalagang si Raine, na siyang ikinabigla naman nito, kaya agad na humiwalay ang binata sa kanilang pagkakayapos at tinapunan ng matatalim na tingin ang dalaga. Mga titig na kung ito'y nakakamatay, malamang kanina pa s'ya nakahandusay sa kanyang kinakatayuan ngayon.

Nang mapadako ang paningin ni Raine sa mukha nito, laking gulat n'ya nang makita kung sino ang taong kayakap n'ya kanina.

Si John Icarus Reyes ang ultimate crush niya na sobrang suplado at MVP Player ng Fort Trinity High School (FTHS).

"Oh my gulay! Ang gwapo talaga ni Icarus my loves so sweet." kinikilig na sambit ni Raine sa kanyang sarili.

May sinasabi ang binata sa kanya, ngunit hindi n'ya ito maintindihan dahil sa nakapasak pa rin ang earphone sa kanyang tainga. Nakita n'yang tumaas ang gilid ng bibig nito, saka s'ya nilapitan at ito na mismo ang nagtanggal ng earphone sa kanyang tenga. Nahiya s'ya ng bahagya sa binata dahil nagmuka s'yang malaking eng-eng sa harap ng kanyang ultimate crush.

"And now you're blushing," sarkastikong usal ng binata habang nakahalukipkip ang mga braso. "You see 'yan ang napapala ng mga taong may nakapasak na earphone sa tenga nila while they're in public places, nagiging tang... Nevermind. Next time 'wag kang maglalakad ng may nakapasak d'yan sa tenga mo!" inis na singhal ng binata saka tumalikod palayo sa kanya.

Naiwang tulala si Raine sa 'di malamang dahilan, hindi n'ya mawari kung saan ba s'ya natulala. Sa singhal ba nito o sa unang pagkakataon kinausap s'ya ng binata ng ganoon kahaba o 'di naman kaya sa... "Yakap ni ICARUS!" kinikilig na sigaw ng dalaga habang napapasayaw pa.

"Waaaahh... Kinikilig ako," sabay hawak sa kanyang magkabilang pisngi. "Nag-iinit ang mga pisngi ko, inlove na talaga ako." kinikilig na sambit ni Raine habang napapapadyak pa.

Masayang nagpatuloy na lang sa paglalakad ang dalaga na may malaking ngiti sa labi at nagnining-ning ang mga mata.



*****

This is the revised version of You and Me, Together Forever.

Let me know your thoughts about the story!

See you next chapter mga labs ! ❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top