CHAPTER 8

CHAPTER 8

TODAY was super tiring for me. Lunch break pa lang pero gusto ko nang umuwi at matulog ng matagal. Ilang oras lang ang tulog ko kagabi at sobrang dami kong inasikaso kanina. Naghabol kami nina Diancia at Kiara ng mga quizes namin at nagsulat ng ni-lesson sa dalawang subjects na hindi namin naabutan. Hindi ko alam na nag-quiz pala kanina ang mga kaklase namin habang pinaparusahan kami.

Kailangan kumpleto ang requiremets ko dahil malapit nang matapos ang first quarter namin, it means, malapit na rin ang card day. Next week will be our periodic exam and I need to do my very best dahil isang mali ko lang, marami na silang sasabihin sa akin.

Kagaya na lamang ngayon. Nakarating na pala sa kanila ang nangyari kanina.

"Ano bang pinag-gagawa mong bata ka?!" Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa sigaw ni Daddy. "Umalis lang kami para sa isang business trip kagabi tapos ngayon malalaman ko nang na-late ka at naparusahan na naman!"

"D-Dad…s-sorry. N-Napuyat po kasi ako kagabi and I…overslept." I bit my lower lip.

Narito ako ngayon sa harap ng canteen. Balak na sana namin kumain nang biglang tumawag si Daddy sa akin and I have no choice but to answer it dahil kung hindi, paniguradong mas iinit ang ulo niya.

"Puyat?! Didn't I told you to sleep early?! Paano na lang ang grades mo kapag bumaba? E'di bumagsak ka? Sinasabi ko sa'yo, Selenn kapag bumagsak ka, mayayari ka sa akin. Tandaan mo, wala akong anak na palpak." Nangingilid na ang luha ko sa mga salitang binibitawan niya. Tumingala ako para hindi tuluyang malaglag ang nagbabadya kong luha.

"M-Minsan lang naman po, D-Daddy." Nanginginig ang labi na turan ko. Sinilip ko ang mga kaibigan ko. I saw them looking at me, their eyes are full of worry.  I gave them a grin, trying to lessen their worry.

"Aba, sumasagot ka na ngayon! Wala ka nang galang bata ka!" I heard my father ranting and firing hurtful words but I chose to ignore it.

"Are you okay?" I saw Kiara mouthed.

Tumango ako at nag-thumbs up gamit ang kaliwang kamay. Sinenyasan ko sila na aalis ako saglit dahil ayokong makaagaw ng pansin. Hindi man naka-loud speaker ang cellphone ko, naririnig pa rin ang malakas na sigaw ni Daddy kaya may mangilan-ngilan ding estudyante ang tumitingin sa akin. Hindi ko na hinintay na sumagot ang kaibigan ko, naglakad na ako palayo.

Hindi ko namalayang napunta na pala ako sa English Park. Naupo ako sa isang bakanteng bench, medyo tago itong pwesto ko kaya walang makakapansin sa akin dito.

"Nagiging bastos ka na, Iccen! Kinakausap kita pero hindi ka sumasagot! Ganyan ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mo? They are bad influence to you! Layuan mo sila, Iccen. Kung hindi, unti-unti ko silang pabaabgsakin hanggang sa wala nang matitira sa kanila." Pagbabanta niya.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Dad, mababait po sila. If you could just meet them. I swear, they're good," malumanay na saad ko.

"Tignan mo! Dahil sa natutunan mong masamang  impluwensya sa kanila nawawalan ka na ng respeto! Natututo ka nang makipagbasag ulo at mag-palate tapos ngayon sumasagot ka na. Sabi ko sa'yo noon, kaibiganin mo ang mga anak ng business partners ko dahil-"

I cut him off. "Dad, please just this once. Hayan niyo naman po akong pumili para sa sarili ko. Palagi na lang ang gusto iyo ang nasusunod. Gusto niyo magsuot ako nang mga mamahaling damit para pumantay sa anak ng mga business partners niyo, I did. You want to homeschooled me when I was in grade school, I obliged. You want me to study at a prestigious school, I agreed. You want me to ace at everything, and I did! Ni minsan ba naisip niyong tanungin kung anong gusto ko? Kung saan ako masaya? Kung saan ako komportable? Kaya sana…sa unang pagkakataon, pagbigyan niyo ako!" Hindi ko sinasadya na magmukhang sinusumbatan siya pero hindi ko maiwasan na ilabas ang lahat ng saloobin ko.

"Ngayon sinusumbatan mo ako?! I'm just doing what I think is best for you!" Sigaw niya mula sa kabilang linya. Hindi ko na maiwasang mapaiyak.

"You think this is the best for me?! This isn't the best for me! Dahil ni isa sa mga pinapagawa mo sa akin ang ginusto ko! Dad, aren't you aware that you're controlling me? I'm like a puppet with a string and you are my master." I paused. "You know what, Dad, let's just talk when you got home. Magpalamig ka muna ng ulo, Daddy. I'm sorry for everything…I love you." Pinunasan ko ang nagkalat na luha sa pisngi ko gamit ang panyo na kinuha ko sa bulsa ng aking palda.

I was expecting na boses niya ang maririnig ko pero ibang bsoes ang sumagot. "Sweetie, pagpasensyahan mo na ang Daddy mo, hmm?" I heard my Mom's sweet voice. "Pagod lang 'yon kaya ikaw ang napagbuntungan niya ng galit." 

"Mommy…" nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya. "T-Tell D-Daddy that Iccen said sorry. Please, tell him that his princess loves him and will do everything for him," umiiyak na sabi ko.

"Hush now, sweetie. I'll tell him that, hmm? Tahan na, mag-usap na lang kayo nang masinsinan pagka-uwi namin. Im sorry, anak, Mommy's not there to make you feel better." Malambing niyang saad.

Napangiti ako ng kaunti. "It's fine, Mommy. Hearing your voice makes me feel better." I sighed. "Just be there eith Daddy, mas kailangan ka niya nagyon."

"Yes, sweetie. I love you and I miss you, take care of yourself, okay? Mommy will buy a lot f gifts for you! Mag-bo-bonding tayo pagka-uwi namin."

I also bid my goodbye before ending the call. Nagtungo ak sa malapit na comfort room at nag-ayos ng mukha. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa salamin kakaisip sa pagtatalo namin ni Daddy.

This is the first time na sumagot ako sa kanya. Noon, kapag tuwing nagagalit siya, tatahimik lang ako at uupo sa isang gilid o kaya'y magkukulong sa kwarto pero ngayon, nasabi ko ang mga bagay na gusto kong gawin, Hindi ko ikakaila na medyo lumuwag ang pakiramdam ko, parang nabawasan ng tinik na nakatusok sa puso ko.

Naiintindihan ko naman si Daddy  dahil ayaw niya akong magaya sa kanya noon. Daddy's family was wealthy enough to buy everything he wants but not enough to make other people praise and be proud of him. Kwento sa akin ni Mommy, Daddy wasn't able to reach his parents expectations for him. Nagbulakbol siya kaya ilang beses siyang bumagsak but after twice of failing, he finally succeed. And now, he's a famous businessman. Daddy became my role model kaya nangako ako sa sarili ko na kahit anong mangyari, susunod ako sa gusto niya dahil 'yon ang magiging guide konpara maging successful.

THIRD period na namin ngayong hapon pero walang guro kaya may sari-sariling mundo ang mga kaklase ko ngayon. Hindi naman kami pwedeng pauwiin dahil may last subject pa kami. Ang teacher lang namin sa T.L.E. ang wala ngayon dahil mayroon daw siyang webinar.

Buong akala ko ay wala akong pinagkakaabalahan ngayon. Balak ko pa naman sanang magbasa ng libro nang biglang lumapit sa akin si Tessia, ang classroom auditor namin.

"Selenn! Busy ka ba? Free ka ba ngayon? Naaantala ba kita?" Sunod-sunod na tanong niya.

I flashed her small smile before saying, "Ah, hindi naman. Bakit? Do you need help with something?" 

Mabilis naman siyang tumango at pinagdaop ang dalawang palad. "I really need your help! Kailangan na kasing bilangin ang perang nakolekta kanina para sa classroom project at student fee. Ang kaso, wala akong katulong dahil kailangang i-seperate ang pera para sa nasabing fee and project." Mahabangsaad niya.

"Oh my gosh, this is freakin stressing me out!" Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang stress. "Bwisit naman kasi 'yong iba! Naturingang officers pero hindi ginagawa ang mga responsibilidad nila! Lalo na 'yang si Kit! Treasurer pero gastador! Tapos 'yong walang kwentang secretary at vice president mga nagpapaalipin sa President!" 

Nakaramdam ako nang awa dahil bakas sa mukha nito ang pagod at stress. Totoo naman ang sinabi niya, imbes na tulungan siya ng ibang officers, ayon sila, nasa mga sariling mundo nila.

"Sige, tutulungan kita." Nakangiting saad ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga?! OMG! Isa ka talagang anghel! Salamat!" Ang kaninang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi nang bigla niyang hawakan ang balikat ko't niyugyog. "Waaah! Ang ganda mo talaga! Lalo na 'yang ngiti mo!"

Tinangal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Sus, nambola ka pa," nakangising saad ko.

"Hoy, 'di ah! Eurt kaya 'yung sinabi ko!" depensa niya. 

Kumunot ang  noo ko. "Ha? Eurt? Ano 'yun?" Takhang tanong ko.

Tessia giggled. "Ang ganda at ang bait mo nga pero inosente ka pala. Isa ka talagang anghel," tuiran niya. "And, by the way, eurt means true. Uso ngayon sa social media 'yon." Nagkibit balikat siya bago ako hinila patayo sa upuan ko.

Dinala niya ako sa pinakalikod na parte nang classroom namin kung saan wala gaanong tao. Paupo na sana ako sa isangupuan na may nakalagay na bag nang bigla akong pigilan ni Tessia. Takha ko naman siyang tinignan.

"Oh my God!" Suminghap ako nang bigla niyang kinuha at walang pasabi na ibato ang bag, bumagsak 'yon sa sahig.

"Hoy, bakla! 'Yung bag mo hinagis ni Romeo sa sahig!" Sigaw niya kay Tober.

Tober looked at the bag with horror. "Romeotiktik! Pakyu ka!" Matinis ba sigaw niya saka sinugod ang isa naming lalaking kaklase na tahimik sa isang gilid na parang may sariling mundo.

Poor him, nadamay pa siya.

Napasinghap ako nang sapukin ni Tober si Romeo dahilan para malaglag ang binata. Ngumiwi ako nang magbangayan ang dalawa.

"Ayan, wala nang istorbo," nakangiting saad ni Tessia.

SUMAPIT ang alas-kwatro ng hapon, masayang nagsisigawan at nagtatakbuhan ang mga estudyante palabas ng kani-kanilang classroom. Naiiling na lamang ako habang nag-aayos ng aking mga gamit. Kasama ko pa rin sila Diancia, mukhang hinihintay ako.

Nang matapos ako, kaagad din kaming umalis. Papunta na sana ako sa Parking Lot nang bigla akong hilahin ni Kiara papunta sa ibang direksyon. Sa Oval.

Ano na naman kaya ang gagawin namin doon?

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko.

Saglit niya akong nilingon at kinindatan ngunit hindi niya ako sinagot. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at hinayaang hilahin ako ni Kiara.

“Hoy, gagi! Ano na namang trip mo?” Kunot noong  tanong ni Diancia. 

Pansin ko na kanina pa siya mukhang aburido.Siguro nag-away na naman sila ni Tarius.

Wala namang bago doon.

“Basta…” maikling sagot naman ni Kiara.

After few more walks, nakararting kami sa Oval, hindi sa dati naming tambayan dahil medyo malapit kami sa Gymnasium.

Mayroon akong natanaw na tatlong pamilyar na pigura ng lalaki.

It’s them.

"Boys, nandito na kami!" Masayang sigaw ni Kiara habang kumakaway. "Oh, Luther, bebe mo." Nagulat ako nang bigla niya akong itulak.

Bago pa man ako bumagsak sa sahig, mayroong isang pares ng braso ang sumalo sa akin.

Dahan-dahan kong nilingon ang taong nakahawak sa aking beywang. I caught Luther's gorgeous pair of eyes staring directly at mine. 

Bago pa man ako malunod sa mga titig niya, ako na mismo ang nag-iwas ng aking tingin. Pakiramdam ko ay nanunuyot ang aking lalamunan. Pinasadahan ko ng dila ang aking pang-ibabang labi.

Parang napapaso akong humiwalay sa kanya. Just like before, I could feel my heart beating faster than normal as my face heated up.

"Bakit ba tayo nandito? Nagsama pa kayo mg aswang," iritang sambit ni Diancia sabay irap kay Tarius na walang pakielam sa paligid niya.

Diancia grabbed her umbrella in the side pocket of her bag then threw it to Tarius. Malakas namang napadaing ang binata.

"Demonyita!" Busanggot ang mukhang singhal niya kay Diancia. Nameywang naman ang kaibigan ko at inignora si Tarius.

"Bakit ba kasi may aswang kayong dala-dala?" Muli niyang tanong, mas madiin kesa kanina.

Halatang iniinis lang din nila ang isa't isa. Mga abnormal talaga.

"Bakit ako na naman?" Pinukol ni Tarius ng masamang tingin si Diancia. 

"May sinabi ba ako?" Humalukipkip si Diancia.

"'Yon ang pinaparating mo, eh!" Singhal ni Tarius.

"Matamaan, sapul," mataray na sagot naman no'ng isa.

"Tama na nga 'yan," mahinang suway ko.

Baka mamaya lumala pa. Mahirap na. Away ng dalawa, damay ang lahat.

Umirap si Diancia sabay sabing, "Whatever."

"Bakit pala tayo nandito?" Napangiwi ako nang napagtanto ang paraan ng pagtatanong ko. Parang lumalabas na ayaw ko silang makasama. 

Tumikhim ako. "I mean…ano…kasi baka nasa Parking Lot na si Tatay Lando," I said, pertaining to our family driver.

Kiara tapped my shoulder before saying, "No worries, sis. Tinext ko na si Tatay Lando na balikan ka na lang niya after one hour dahil sinabi kong may activity tayong gagawin sa Library. Beside, alas-kwatro pa lang naman. Makakauwi ka sakto bago ang curfew mo." Nakangising saad niya.

I looked at her with disbelief. "Why did you lied to Tatay Lando? Baka mamaya mapagod siya," I said, pouting my lips but eventually smiled at her.

"Pero…maganda din ito. Kahit minsan makapag-enjoy din ako." I giggled as she winked at me.

Lumapit siya kay Luther at pilit na ipinatong ang braso niya sa balikat ng binata kahit na medyo hirap siya dahil mas matangkad si Luther kesa sa kanya. "Luther here, a.k.a Xyrex, wanted to say something."

Takha ko namang tinignan si Luther. Handa na sana akong tanungin siya nang makita ko ang pamumula ng kanyang tenga kaya itinikom ko ang aking bibig.

May sakit ba siya? Pulang-pula ang tenga at mukha niya.

"I…uh…" Kinamot niya ang likod ng kanyang ulo bago huminga ng malalim.

I waited for him to talk but he didn't. He's eyes are staring at the sky, he completely forgot that we're waiting for him to talk. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil paminsan-minsa'y kumukurap siya na parang isang inosenteng bata habang nakatulala pa rin sa kalangitan. 

Hindi kaya sumakit ang batok niya mamaya?

Rinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ng dalawa, sila Wence at Tarius. I shifted my gaze at them. Wence was biting his lower lip, trying to suppress his laugh while Tarius burst out laughing dahilan kaya nabalik sa katinuan si Luther.

"Gago, teka hahaha! Shit, 'di ko mapigilan. Sorry, sorry! Take two!" Umakto pa ito ng may hawak na clapper board. "Ayusin mo kasi, Luther! Naiinip na ang prinsesa mo, oh! Okay, take two. Lights, camera, action!"

Mas lalo akong naguluhan sa mga pinagsasabi niya. 

'Yung seryoso…ano ba talaga ang ginagawa namin dito?

Pumunta si Tarius sa likod ni Luther at minasahe ang balikat nito na animo'y sinusuportahan. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makitang may ibinulong si Tarius kay Luther ngunit nakatanggap siya ng malakas na sapok.

"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?" Rinig sa tono ng boses ni Diancia ang pagkabagot at pagkairita. "Nangangalay na ako!" Reklamo pa niya.

"A-Ah ano, s-sis, halika!" Biglang hinila ni Kiara si Diancia, kinaladkad niya papuntang comfort room.

 "H-Hoy, teka!" Akmang hahabol ako sa kanila nang biglang harangan ni Wence ang daanan ko.

Nakangisi niya akong inilingan sabay hila sa kwelyo ni Tarius. Todo palag naman 'yung isa, marahil ay nasasakal. Gaya ni Kiara, kinaladkad din ni Wence papuntang comfort room ng boys.

Napangiwi ako nang mapagtantong iniwan nila ako kasama ang taong dahilan ng pagihing abnormal ng puso ko.

I sighed.

Dahan-dahan kong ibinalik kay Luther ang tingin ko. I licked my lower lip and cleared my throat, trying to find my voice because I felt like my voice left just like how my friends left me.

"I like you, Selenn," he suddenly confessed.

Three words that made my heart explode with overwhelm. I felt like the time stopped just like what I read in some cliché romance stories.

"H-Ha?" Lutang kong tanong.

He inhaled deeply. "I said…I like you and I want to court you," he said seriously yet blushing which sent shivers spreading all over my body.

Sa sobrang gulat at pagkalutang ko, hindi ko nagawalang iproseso ang lahat.

Did he just ask me to be his girlfriend?

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang naisip ko.

What?! No! Masyado akong advance! But…doon din naman ang punta no'n kapag sinagot ko.

I mentally slapped myself.

No! Stop! Stop! Erase!

I can feel my heart beating so fast and loudly, almost coming out of my chest.

"So…can I?" He asked, feeling hopeful.

Tulala lamang akong nakatingin sa kanya. Ni hindi ko namalayang tumango na pala ako. Huli na nang mapagtanto ko ang ginawa ko. 

I saw Luther's eyes widened and his mouth was slightly parted, probably surprised. Seconds passed, I saw him shouting and running around the oval in glee.

Is he that happy? Oh my, paano pa kaya kung sinagot ko siya? Baka himatayin na 'yan.

My eyes widened.

"Stop it, self!" I groaned.

Fudge, kailangan ko na talagang ihanda ang sarili ko. Nagiging abnormal na naman ang puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top