CHAPTER 7

CHAPTER 7

IT'S been a month since the catfight incident happened. Nalaman nila Daddy at Mommy ang nangyari and they got angry so they decided to punish me by confiscating all my gadgets for a week. 

It was fine for me since I'm not that techy kind of person. I prefer books over phones but in the past weeks, I was too addicted to my phone because Wence said that they made a Group Chat so we can still talk to each other kahit walang pasok so I got excited!

But to be honest, wala ako gaanong alam sa mga social media, but I'm still learning.

I can say that every day passed by, unti-unti ko nang nakaka-close sila Tarius at Wence pwera na lamang kila Diancia at Kiara. They keep on fighting over petty things. Minsan napapairap o kaya'y napapailing na lamang ako dahil madalas naaabutan ko na lamang silang nagbabatuhan, nagmumurahan, o 'di kaya'y naghahabulan.

Hindi ko alam kung bakit hindi magkasundo ang apat pero hinahayaan ko na lang. It's not my business anyway. Pero minsan hindi ko maiwasan na i-ship sila, especially Kiara and Wence. 

They both look good together!

As for Luther, we are kinda close. 

I think? 

Minsan kasi ay makulit siya at pilyo, minsan nama'y seryoso. Hindi ko siya maintindihan at mabasa. And as days passed by, I was slowly liking him. I admire him, especially his gorgeous and tantalizing eyes and I think, I have a crush on him!

No! I shouldn't have but I can't stop myself from admiring him!

Minsan hindi ko na lang napapansin ang sarili ko na napapatulala ako sa mukha niya, especially during our break time. Kung hindi lang ako sinisiko at palihim na inaasar ng mga kaibigan ko paniguradong tulala pa rin ako sa kanya. It would be embarrassing kung siya pa mismo ang makahuli sa akin na parang baliw kung makatitig sa kanya.

Hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa akin kung bakit 'campus bully' ang bansag sa kanya. Mukha naman siyang mabait. Pilyo siya pero in a good way naman. Minsan ay nakikisabay siya sa kalokohan ng mga kaibigan niya, lalo na kapag naglalaro ang tatlo. Para silang mga bata kung umasal dahil mas gusto pa nilang maghabulan at magtagu-taguan kesa maglaro ng sports.

But sometimes, I agree that he's indeed a bully. Madalas ako nitong asarin. Mahaba ang pasensya ko pero minsan hindi ko natitiis ang kakulitan niya kaya nasasabunutan ko siya pero imbes na masaktan, tatawa lamang siya na parang baliw. 

Nasasaktan na nga, tumatawa pa.

I was curious kung bakit isang bully ang turing sa kanya sa loob at labas ng Campus at sa tingin ko, ngayon alam ko na.

"Luther! What the chocolate fudge are you doing?!" I almost shrieked when I saw him, holding a boy's collar and he's raising his fist, aiming a punch. Kadarating ko lamang sa school tapos ganito ang madadatnan ko.

The poor boy looks younger than us! For Pete's sake, he looks like a grade-seven student!

Mukha naman siyang nagulat dahil sa pagsulpot ko. Nabitin ang kamao nito sa ere at nalaglag ang panga niya nang makita ako. Kita ko rin ang pagkurap-kurap niya at ang bahagya niyang pagputla.

"I-Iccen…"

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinampas ang balikat nito. "What are you doing? Release him! Oh my gosh." I covered my mouth using my palm.

"W-What are y-you doing?" he asked me absent-mindedly.

"No, I should be the one asking what are you doing! Are you dumb?" I exclaimed. "Put him down!"

Tinulungan ko siyang ibaba ang lalaking hawak niya. Ngumiwi ako nang makitang nanginginig ito.

Oh, poor him.

"Uh, On behalf of this asshole…" I glanced at Luther. 

"Hey!" Reklamo naman niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatikom ang bibig niya. Umismis ako nang marinig ko siyang bumubulong-bulong pa ngunit hindi ko na lang pinansin.

Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking nanginginig sa takot. "I'm sorry for his behavior, I hope you can–" napahinto ako sa pagsasalita many bigla itong tumakbo palayo.

I blinked three times, shocked at what just happened.

Did I scare him? 

"Anong nangyari? Bakit siya tumakbo?" Lumingon ako sa lalaking kasama ko ang only to find out that he's throwing dagger looks at the poor boy who ran away. 

Now, I know why the boy ran away.

Napailing na lamang ako. I grabbed his sleeve and pulled him. Mabuti na lamang at sumunod siya. I took a peak on my wrist watch, my eyes almost popped out when I saw that I'm already late!

Binilisan ko ang paglalakad at halos ma-stress na ako nang makitang wala nang mga tao sa hallway. Samantalang ang lalaking kasama ko ay chill lang na naglalakad. Napasimangot ako sa kanya at binitawan ang sleeve ng uniporme niya.

Napangiti ako nang malapad nang nasisilip ko na ang classroom ko. I almost shrieked in happiness nang makita kong wala pang guro. Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita ang mga kaibigan ko. 

Where could they be?

Ang ibang classmates ko ay nakatingin sa akin habang ang iba ay nagpipigil ng tawa. Mayroon ding nagtataas ng hintuturo nila while mouthing, "Lagot ka."

They look weird. May problema ba?

I was about to greet my classmates a good morning when someone behind me faked a cough. I froze at my spot.

Oh my…please, God save me.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. To my horror, I saw our adviser, Mrs. Jacinto, raising a brow on me. And I can say that she's pissed. Really pissed.

"You're 15 minutes late, Ms. Coftia," she said.

"Good morning…Ma'am." Napangiwi ako nang pumiyok ako dala ng kaba. Napalunok ako nang makitang seryoso pa rin ang tingin nito sa akin, halata sa itsura niya na hindi siya natuwa sa pagbati ko.

Sa puntong ito, alam ko na kung saan ang bagsak ko.

PUNISHMENT. Isang salita, sampung letra. At sampung minuto na rin kaming nakatayo sa harap ng watawat sa quadrangle.

Kasama ko ang mga kaibigan ko, sina Diancia, Kiara, Wence, Tarius, and even Luther.

Nalaman ko na kaya din pala naparusahan si Diancia at Kiara dahil gumagamit sila ng makeup sa oras ng klase while Wence and Tarius, they were caught sneaking out of the campus. In short, mag-cu-cutting classes sila. And Luther, on the other hand, was punished for being late too.

Sa tutuusin hindi nga daw sana siya paparusahan ng guro nila pero nagpumilit lang siya. 

Malay ko ba sa lalaking 'to, may sapak 'ata sa utak. Pag-chi-chill na lang sana ang gagawin niya sa classroom nila pero nagpumilit pa siya.

"Hoy, lukaret ka!" Lumingon ako kay Kiara nang pabiro ako nitong hinampas sa balikat.

"Bakit?" Tanong ko. Bahagya akong napanguso dahil medyo may kasakitan ang pagkakahampas niya. 

Ang bigat talaga ng kamay niya.

"Bakit late ka, huh? First time 'to, ah!" Sabi niya. "'Yan puyat pa more!"

Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya. She's right. Anong oras na din ako nakatulog kagabi. I was entertained! I was amazed sa group chat na ginawa nila Wence. 

Nag-movie marathon kami thru video call kagabi, natapos kami mga pasado ala-una na din kaya medyo inaantok pa ako ngayon. Hindi kasi ako sanay matulog ng late. Madalas mga alas-otso ay tulog na ako. Ang pinaka-late kong tulog noon ay alas-nueve.

"Parang ikaw hindi din nagpuyat, ah!" Turan ko.

"Paniguradong on the way na si sumbungera sa bahay niyo. Yari ka na naman." Naiiling na sabi ni Diancia.

"Nood ulit tayo mamayang gabi sa group chat!" Wence suggested.

"Ang ganda kaya ng palabas kagabi! Hanep 'yung sapakan!" Tarius said. Umakto pa ito na parang may sinasapak sa ere.

Yeah, panigurado nga.

"Wait, group chat? Bakit wala sa akin?" Kunot-noong tanong ni Luther. He fished his phone inside his pocket.

Kumunot din ang noo ko nang mapagtanto ko na hindi nga siya kasali sa group chat namin.

"Si Tarius!" Kaagad na sabi ni Wence sabay turo sa lalaki. "Siya ang group admin! Hindi ka niya sinali!"

Hindi siya pinansin ni Luther bagkus, sa akin siya tumingin. Napakurap naman ako nang ilang beses dahil muli ko na namang nararamdaman ang matinding kaba at mabilis na pagtibok ng puso ko. 

Ito na naman po tayo. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

Napalunok ako at nagsimulang mamawis ng malamig nang ilapit niya sa akin ang mukha niya. Napaatras naman ako.

"B-Bakit?" Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang mautal ako. I mentally scolded myself.

Why did you stutter, self?! Oh my gosh, it's just Luther! 

"Add me on that group chat," he said, staring at me intently.

Kaagad naman akong tumalima. Nanginginig ang kamay ko na dinukot ang cellphone sa bulsa. I almost stop breathing because his eyes are still stuck on me.

"Iccen," he called me.

"H-Hmm?" I hummed without looking at me.

"Breath," he said as he chuckled. Parang isang mabuting tagasunod, I obliged. 

Oh my gosh, he noticed?! I'm so embarrassed right now!

Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. I chewed my lower lip, trying to distract myself.

"I-I can't a-add you." I looked at him. Nagtama ang paningin naming dalawa, I saw how his eyes glow while looking at mine.

"Hmm? Why is that?" He asked, still staring at me. Hindi naman ako nakasagot dahil pakiramdam ko nalulunod ako sa mga titig niya.

"Mga naglalandian pero wala namang label."

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig kong nagsalita si Tarius. Nanlalaki ang mata na tumingin ako sa kanila. My face heated up when I saw them smirking at us.

Oh my, lupa lamunin mo na ako!

"Ang epal mo talaga kahit kailan! Hindi mo ba nakikita? They looked cute!" Naaasar na sabi ni Diancia saka pinaghahampas si Tarius.

"Cute? Ano sila tuta?" Nakabusanggot naman na singit ni Wence.

"Isa ka pa, ang epalogs mo din, eh!" Kiara grabbed his hair and pulled it, making Wence groan in pain. 

Hindi ko na sila pinansin dahil muli na naman silang naghabulan na parang mga bata habang nagsisigawan.

Lumunok ako bago nagsalitang muli. "A-Ano…h-hindi ako admin sa group chat saka…h-hindi kita friend sa facebook," mahinang saad ko.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil pakiramdam ko lalamunin ako ng mga titig niya.

Hindi ko siya narinig na nagsalita. Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone. Sinilip ko iyon at laking gulat ko nang makitang may nag-friend request sa akin sa facebook and it's no other than him. Luther Xyrex Alexei Magnus. 

Wala sa sariling itinaas ko ang aking ulo para sana salubungin ang mga mata niya ngunit sa ibang direksyon siya nakatingin.

"Tarius, make her the admin." I heard him say.

"Sige, teka." Sinimulan nang kalikutin ni Tarius ng cellphone niya habang tumatakbo.

With less than a minute, my phone beeped again. Nang makita kong ginawa na akong admin ni Tarius, kaagad kong in-add si Luther.

Nang matapos, tumikhim ako't nagsalita. "O-Okay na, Luther."

Nakita ko ang pagbusanggot ng mukha niya. Parang may hindi siya nagustuhan na ginawa ko kaya nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Don't call me that," masungit niyang sabi.

"H-Ha?"

"Don't call me Luther." Nakanguso niyang sabi. Napanganga ako sa itsura niya.

Oh my gosh, he looks so cute!

"W-What do you want me to c-call you?" Mahinang sabi ko.

"Xyrex. I want you to call me Xyrex. Mas magandang pakinggan lalo na kung ikaw ang tatawag sa akin." Muli akong namula sa sinabi niya.

What are you doing to me? Bakit ang lakas ng epekto mo sa akin?

"Xyrex…" mahinang sambit ko.

Nakita ko ang pagsupil ng ngiti niya. Nabaling kami sa mga kaibigan namin nang may marinig kaming tawanan.

"Gago, ang lampa mo naman, hahaha!"

"Deserve!"

"Ilan nahuli mong palaka, p're?" 

Napatawa rin ako nang makita ko ang pinagtatawanan nila. It was Tarius. Nakasubsob ang mukha nito sa stage. Paniguradong nadapa kakatakbo nila.

Kahit naparusahan kami naging masaya naman dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Hindi ko ikakailang ang saya kasama nila Luther, naging parte na sa akin ang mga kalokohan nila.

Sana…sana ganito lang kami. Masaya. Sana walang titibag sa pagkakaibigan namin. Sana hanggang sa tumanda, nand'yan sila. Sama-sama kami. Sana walang mawawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top