CHAPTER 5
CHAPTER 5
BUONG akala ko ay kaming lima lamang ang mag-ha-hang-out ngunit sumulpot si Xyrex na may dalang dalawang palamig.
“What the heck?” Bulalas niya. “I thought you’re all okay now? Maayos ko kayong iniwan kanina, ah.”
“Ito kasing luya na’to!” Paninisi ni Diancia kay Tarius.
“Anong ako?! Ikaw kaya!” Nanlalaking matang aniya.
“Ikaw!”
“Si Wence kasi, masyadong epal!” Pakikisabay ni Kiara.
“Anong ako?! Ikaw nga d’yan ‘yong unang nanghabol, eh!” Singhal naman ni Wence.
Oh God, please give me more patience.
“Pakshit ka! Ano ako aso para habulin ka?!” Halos lumaki na ang butas ng ilong ni Kiara sa inis.
“Bakit hindi ba?!” Ganting singhal ni Wence.
“You little piece of shit!” Parehong nanlaki ang mata namin ni Wence nang makitang dumampot si Kiara ng malaking bato at inambang ibaba ito kaya dali-dali namang tumakbo palayo ang lalaki.
“Hey…” Napalingon ako kay Xyrex, hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin.
Iniabot niya sa akin ang isang palamig na nakabasong hawak niya habang umiinom. Matagal ko munang tinignan ‘yon bago tanggapin.
“May bayad ba ito? Baka mamaya meron, ah, magkakautang ulit ako sa’yo.” I said, jokinly.
Baka nga lason meron, joke.
Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin. “Seriously? FYI, Ma’am, I have a lot of money. I’m rich—not just rich but also handsome!” Mayabang na saad nito dahilan kaya napalabi ako.
Edi wow, ikaw na rich at handsome. Hambog.
“Yeah, right. Rich pero nagpapalibre.” Gwapo pero lampa.
“Hey!” Reklamo niya habang nakanguso. Mahina akong napahagigik dahil sa itsura niya.
I was expecting that before we went home, maayos kami at nagkasundo ngunit kasalungat ng inaakala ko ang nangyari. Naging aso’t-pusa ang apat. Away dito, sigawan doon. Samantalang kami naman ni Xyrex ay medyo nagkakasundo na. I felt comfortable talking with him nw unlike before.
I can say that he’s not that bad…I think.
“Bye!” I bid the three boys my goodbyes while Kiara and Diancia didn’t. They both just walked out, leaving me. Again.
“Bye, Selenn!” Tarius waved his hand at me.
"See you tomorrow, Ms. Selenn!" Wence also bid his goodbye.
"Bye, Iccen. See you tomorrow, take care!" Napanguso ako nang guluhin ni Xyrex ang buhok ko.
"Stop it!" Saway ko sa kanya. "Umuwi na nga kayo! Uuwi na rin ako, paniguradong nasa labas na si Daddy." Tinulak ko si Xyrex palapit sa dalawang kaibigan niya.
Inakbayan naman siya ng dalawa at sa tingin ko’y pinaulanan ng asar habang naglalakad palayo. Naiiling naman akong tumalikod at naglakad paalis ng Oval ngunit bago pa man ako makalayo, narinig ko ang sigaw ni Tarius.
“Selenn, crush ka daw ni—”
Hindi ko gaano naintindihan ang sinabi niya kaya nilingon ko sila. Napakunot ang noo ko nang makita kong tinatakpan ni Xyrex ang bungabunga nito gamit ang malaki nitong palad.
“Ha?” Sigaw ko pabalik ngunit si Xyrex ang sumagot sa akin.
“Wala! ‘Wag mo—”
Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya ng sumingit naman si Wence na patawa-tawa lang kanina sa tabi nila. “Crush ka daw—Shit ka, Luther!”
Mahina akong napatawa nang makita kong inipit ni Luther ang ulo ng dalawa sa magkabila nitong braso.
“Fuck! Punyeta ‘yong Canton ko!”
“Gago, Luther, tama na! Masakit! Aray!”
“‘Yong Canton ko nahihila!”
“Punyemas, Tarius, mas inaalala mo pa ‘yang kulot mong buhok kesa sa leeg mo!”
Naiiling ko silang pinagmasdan. “Mga abnormal talaga,” I whispered to myself. “Should I reserve them a room?”
“Princess!”
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Daddy. Nakangiting kumakaway itosa akin kaya binalikan ko siya ng malawak na ngiti.
“Daddy!” Masayang sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya ngunit saglit na napahinto nang makita kong natanggal ang strap ng sapatos ko.
Parang palagi na lang natatanggal ang strap ng sapatos ko, ah. Should I buy a new one? Hmm…nah, maayos pa naman.
Matapos kong ayusin ito, muli akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Daddy at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.
"How are you, princess?" Daddy asked while we're making on our way to our car.
I felt hair caressed my hair, making me grin.
"It's fine po, Daddy!" I chirped like a kid.
"Hmm? That’s great,” he said. “By the way, napapansin ko na mag-iisang linggo mo na hindi dala ang mga libro mo. Baka naman pinababayaan mo na ang pag-aaral mo, Iccen.” May pagka-istriktong aniya.
Tiningala ko siya sabay umiling. “No, Daddy. Nakakapagod po kasi magdala ng books araw-araw. I mean, madalas po sumasakit ang braso ko dahil sa mga book so I decideed na iwan muna ito sa locker.” I explained.
Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa harap ng sasakyan. Pinagbuksan ako ni Daddy ng pinto sa backseat, napakurap ako nang sumulpot doon si Mommy. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi. Hindi nagtagal ay naramdaman kong umaandar na ang kotse.
“Hay, ano ba naman kayong mag-ama, oo. Malayo pa lang kayo naririnig ko na kayo.” Sabi niya bago bumaling kay Daddy. “At ikaw lalaki, ‘wag mo ngang i-pressure ang prinsesa natin!” Singhal niya kay Daddy.
“Look at her! Lumalaki na ang eyebags niya! And her skin, oh gosh! It’s oily! The horror!” Mommy exaggeratedly cupped my cheeks. “Look what have you done, Icce! Papangit ang unica hija ko dahil sa’yo! Look, she looks stressed! You bastard!”
Umangal naman si Daddy. “What?! I’m not pressuring her—” Mommy glared at him. “—okay, maybe just a little bit.”
“Iccen!”
“Fine, I’ll stop!”
Napatawa na lamang ako sa kanila, lalo na kay Daddy. He looks like a kid na pinagalitan ng Ina. He’s pouting his lips and starts acting like a baby. I was laughing hard while he was sulking.
“Such a big baby,” Mommy muttered while caressing my hair as I hugged her waist.
THE next was unexpected. A rumor about me was spreading like a wild fire. Nagulat na lamang ako nang malaman ko sa isa kong kaklase na mayroon daw akong issue na kumakalat sa page ng school namin.
“Selenn! Tignan mo ‘yong SJIan page, may kumakalat na chismis tungkol sa’yo!” Secret, my classmate, said.
“Ang sama ng may gawa no’n! Siguro naiinggit lang sa’yo ‘yong taong ‘yon kaya sinisiraan ka.” Nakasimangot na sabi ni Tober.
Ako ‘yong tipo ng tao na hindi mahilig gumamit ng mga social medias kaya kinailangan ko pang humingi ng tulong kila Tober dahil wala pa sila Kiara at Diania paniguradong na-late.
‘Selennia Iccen Coftia, naturingang role model ng campus pero mayroon palang tinatagong kalandian. Look at this picture! Talagang tatlo-tatlo pa ang nilalandi niya! Hindi man lang nahiya!’
Sa ibaba no'n ay ang litrato ko kasama sila Tarius, Wence at Xyrex. The post earned thousands of angry reacts and thousands of hateful comments.
Paano nila nakuha ito? Sa pagkakaalala ko naman ay kasama ko sila Kiara at Diancia d'yan pero bakit...
Pakiramdam ko huminto ang mundo kon sa nabasa ko, kasabay no’n ay ang panlalamig ng aking katawan at nagbabadya ang aking luha.
Who…who would have done this?
Nagulat ako nang tumilapon ang cellphone ko. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansin na may kumuha pala sa cellphone ko at itinapon ito.
“Arjelyn…” I whispered.
“Alam mo, ang tanga mo din, eh. Nasasaktan ka na nga, pinipilit mo pa rin.” Nakakunot ang noong sabi niya.
Sasagot sana ako nang biglang may magsalita sa gilid namin.
“Oh look, the bitch is here.” I looked up and saw our Classroom President with her gang raising an eyebrow at me.
“Aw, she’s about to cry! Such a cry baby!” She said, mocking at me.
“You’re such a meanie, Sxiandra!” Nakangusong saad ni Secret.
“Pwede ba? Tigilan niyo nga si Selenn! Alam niyo namang hindi amlanding babae si Selenn! Hindi siya tulad niyo!” Tober tried to defend me.
“Ew, bakit ba may bakla dito sa classroom?” Maarteng saad ni Qinn.
“Nagsama-sama pa nga ang mga losers. Isang isip-bata na mahina, isang bakla, at…isang malandi.” Pinasadahan ako ng tingin ni Ash bago maarteng tumawa.
Hindi ko gusto na palalain ang issue at magkaroon ng away kaya pinigilan ko na lamang sila Tober.
Hinarap ko sila Sxiandra, Ash, at Qinn. “P-Pasensya na…” Bahagya akong yumuko bago tumalikod sa kanila.
Nagulat ako’t napaliyad nang may humila sa buhok ko.
Ouch!
“Sinong nagsabi na pwede mo akong talikuran ng gano’n-gano’n lang, ha?!” Napangiwi ako nang higpitan niya ang pagkakahawak nito sa buhok ko.
“Sx-Sxiandra…tama na, m-masakit!” Daing ko.
Mula sa gilid ng aking mata, nakita kong pinagtutulungan ng limang babae sila Secret, Arjelyn, at Tober. Kabilang sila Ash at Qinn sa limang ‘yon.
Ramdam ko ang mahabang kuko ni Sxiandra na bumabaon o ‘di kaya’y kumakalmot sa balat ko. Nanghihina man at nahihilo ay nagawa ko pa ring makita ang paligid namin.
Nagiging malabo man ang paningin ko, nakikita ko kung paano pagtulungan ng ibang kababaihan sial Secret habang ‘yong iba naman ay walang pakielam sa nangyayari.
Gusto kong maiyak dahil wala akong magawa para tulungan sila. I feel…useless. Mahina ako. Please someone…help us. I’m begging you.
Napaiyak na laamng ako hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko kundi dahil sa kaibigan ko. Umiiyak ako dahil pakiramdam ko pabigat lang ako sa kanila dahil mahina lang ako.
“Ganyan nga, umiyak ka lang! Mahina ka kasi!” Tumatawang sabi ni Sxiandra saka ako sinampal ng malakas dahilan kaya namanhid ang mukha ko.
Mahina…Mahina. Isa lang akong mahinang babae.
Napadaing ako nang pabalibag na binitawan ni Sxiandra ang buhok ko kaya natumba ako sa sahig. Nakaramdam ako ng panghihina.
“Mahina ka nga talaga! Look everyone, this whore is fucking weak! Hindi niya kayang lumaban pero kaya niyang lumandi!” Malakas ma sabi niya dahilan kaya nagtawanan ang aming mga kaklase.
Dahil pinapakita ko sa kanila ang kahinaan ko, mas lalo nila akong inaapi kaya kailangan kong maging malakas! Ayoko na maging mahina. Pagod na akong maging mahina!
“What the hell?! Ano ba! Padaanin niyo nga kami! Nandoon si Selenn—kingina sino nagbigay karapatan sa’yo na itulak ako, ha?! Lumayas nga kayo d’yan! Dadaan ang Reynang nagngangalang Kiara!”
“Fuck you! Mas maganda ako kesa sa’yo gurang na mangkukulam! Baka nakakalimutan mo, si Diancia ang binabangga mo!”
Nandito sila. Ang mga kaibigan ko, nandito sila pero hindi nila ako magawang tulungan dahil hinaharangan ng ibang kasabwat ni Sxiandra ang pintuan.
I need to be strong!
Kahit pagod at pumipintig ang aking ulo dahil sa kirot at sakit nakaya ko pa ring tumayo.
Simula ngayon, susubukan kong lumaban para hindi na ako maapi pang muli! Pagod na akong maging mahina.
“Sxiandra…akala mo ba panalo ka na?” I smirked. “You just made me realize something…and the real game is just starting.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top