CHAPTER 1
CHAPTER 1
Sometimes, you read a book and it fills you with this weird evangelical zeal, and you become convinced that the shattered world will never be put back together unless and until all living humans read the book.
"Indeed," I commented.
Books so special and rare and yours that advertising your affection feels like a betrayal.
"Wow...such a beautiful phrase," I said. Hinaplos ko ang pahina nang librong iyon wala sa sarili napangiti.
Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot sa aking harapan si Kiara na nakabusanggot ang mukha at parang gusto akong bugahan ng apoy.
"Selennia! kailan ka ba matatapos d'yan sa binabasa mo?! OMG, girl! Kaninang umaga mo pa binabasa 'yan. Hindi ka pa ba tapos?!" Napangiwi ako sa reklamo ng aking kaibigan.
"Ano ka ba naman, Kiara, kakaumpisa ko lang kaya na basahin ito," saad ko sabay angat ng librong aking binabasa.
"Pagka-alis mo kasi kanina papuntang washroom sakto namang natapos ko 'yung libro na hiniram ko sa Library kahapon." Nginitian ko siya ng kaunti. "Ibinalik ko 'yung libro at kumuha ulit ng bago," I nervously let out a small laugh.
Mas lalo itong napasimangot dahil sa sinabi ko. Nagulat ako nang biglaan nitong hablutin ang librong binabasa ko at itinapon sa kung saan.
Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang namutla dahil sa aking nasaksihan.
"O-Oh my gosh, Kiara! what have you done?!" I hissed, panicking.
Hiniram ko lang sa Library 'yon! Oh gosh! I'm doomed! ang sungit pa naman no'ng Librarian.
Dali-dali akong tumayo sa aking kinauupuan at akmang hahakbang nang hindi sinasadyang mapatid ako sa paa ni Kiara at madapa sa semento.
Hindi naman masakit...slight lang.
"Oh my gosh! Sis, I'm sorry! Dapat kasi tinitignan mo yung dinadaanan mo eh!" Pagalit na sabi nito bago ako tinulungang tumayo.
Siya na mismo ang nagpagpag sa palda ko. Pinanood ko lamang siya habang nakaismid.
Nag-sorry pa kung maninisi naman. Ang galing.
"Okay na, okay na," pagpigil ko ngunit patuloy pa rin nitong pinapagpag ang palda ko kahit wala naman nang dumi at patuloy na nagdadaldal.
"Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan baka nasabunutan na kita. Lahat ba naman kasi nang galaw mo nadidisgrasya ka. Tignan mo may gasgas ka na naman oh! Tanga mo kasi, eh!" Sinilip ko ang sinasabi niyang gasgas at nakita ko ngang mayroon.
Pasensya naman, clumsy lang.
Napangiwi ako nang paluin pa nito ang gasgas ko.
Shocks! Kiara, sana aware ka na sinasaktan mo ang kaibigan mo. Hindi lang emotionally pati na rin physically.
"Na'ko, hindi na ako magugulat kung sa susunod na madisgrasya hindi na sugat ang makukuha mo, kun'di bata na." Literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon kaya wala sa sarilin hinampas ko ang braso nito.
"Kiara nga!" I grimaced at her.
Tumawa siya at sinapo ang hinampas ko na braso niya. Nakita kong namula 'yon kaya agad akong dinapuan ng konsensya. Hinawakan ko 'yong braso niya at hinaplos ang namumulang bahagi nito.
Mukhang napalakas ang palo ko. I'm such a meanie!
"What? I'm just stating some possibilities! Knowing you...madalas uto-uto ka," she exclaimed.
I gasped and let go of her arms. "What?" I asked, shocked at her statement.
This is unbelievable!
"Kidding!" She laughed, making me pursed my lips.
"Ewan ko sa'yo."
I gathered all my things but then, I remembered the book!
Oh gosh! Mrs. Zaknier will kill me!
Mabilis akong tumakbo para hanapin ang libro na ibinato ng magaling kong kaibigan. I even heard her calling me but I ignored.
I can even imagine right now how Mrs. Zaknier will gut me alive if I didn't return that book!
The horror!
She really treaures her books. Alam na alam niya kapag may nawawala kahit na higit isang libo ang bilang nito.
She's indeed a bibliophile.
And by the way, she's my aunt.
IT'S been an hour and I still coudn't find the book. I was getting nervous. I had to skip my third subject this morning just to find that book.
"Oh my, where could that book be?" I whispered to myself.
The Fault In Our Stars by John Green. That's the title of the book that I'm reading awhile ago. It was one of my favorite novel and I can't lose that!
Ang nobelang 'yon ay tungkol sa isang dalaga. Hazel is just like me, a 16 years old girl. Hazel has a lung cancer, she attends a cancer support group. At first, she was reluctant and unwilling to join but soon she realises that it was a good idea. Then, she met Augustus. At the beginning, it was fun and all but the end was kinda emotional. But overall, the story was beautiful and at the same time sorrowful.
Napakagat ako ng aking ibabang labi at mangiyak-ngiyak na umupo sa isang bench na nakita ko sa gilid.
"I'm dead...I'm dead! I'm sure that I will be execute!" I exclaimed.
Sinapo ko ang aking mukha. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay dahil sa nerbyos.
Oh God! What if...she'll tell it to Dad that I lost a book? Oh no, I'm really, really, really dead!
My parents are perfectionist, especially my father. Gusto nila, lahat ng gagawin ko ay perperkto at elegante. I need to act elegantly, talk elegantly. My achievements, it should be always on top, and when I say top, it means first.
I should be first in everything; acads, sports, contest, and others. Kailangan wala akong kahit na anong masamang record sa school na ito, or else they'll be dissapointed and I don't want that to happen kaya I need to find that book!
I'm overthinking!
Aunt Zak, well, she's...sumbungera? Konting kamali ko lang, ready na niyang i-report kay Mom at Dad so I can't help not to overthink!
I can still remember the time na sinumbong niya akong may kinausap na lalaki.
It was my classmate and he's asking something regarding in our subject for Pete's sake! And before that day ends, I was satiated with Dad's anger.
Nabusog ako sa kalderetang sigaw, adobong sermon and I also had a dessert! A sweet insult from my Mom.
But despite all of that, I remained silent. Their my parents and I should respect them. Hindi ko rin kayang magalit sa kanila dahil kung wala sila, hindi ako mabubuhay sa mundong ito.
Napanguso ako at tumingala, sinusubukan kong hindi patuluin ang nagbabadya kong luha.
"I'm such a cry baby," naiiyak na bulong ko sa sarili.
I hate myself for being weak. Nang dahil sa kahinaan ko maraming tao ang nang-aapi sa akin.
Malungkot akong tumayo at nagsimula nang maglakad patungo sa Library upang ipaalam kay Aunt Zak ang nangyari.
Panigurado akong may nakakita na no'n.
"Miss!"
I'm sure Dad will be dissapointed again.
"Miss! Aray, putcha!"
I'm such a failure. I always do my best but ended up failing them. there is someon who can appreciate me, si Stitch. I so love that cutie! Siya na lang ang nakakaintindi sa akin.
"Naka-white...teka, naka-white din pala ako. Putek, ang bobo ko."
Hay, simulan ko na lang mag-impake mamaya, makikipagtanan na ako kay Stitch-eh?
Napahinto ako nang may humawak sa balikat ko. Dala sa gulat, malakas kong nasiko ang t'yan ng estranghero.
"Tangina!" Pagmumura niya sabay napaluhod at namilipit sa sahig.
I gasped. "Oh my gosh..." Natulala ako dahil sa ginawa ko. My mouth parted out of shock. I couldn't move nor process everything.
Oh God! I-I didn't mean it!
"F-Fuck!" He looked breathless.
Tumingala siya ng kaunti. Nagtama ang aming mata. I was amused by his green amazing eyes. Despite of the pain I saw in his eyes, it was still shining. Sa kabila nang iniinda nitong sakit ay makikita sa mata niya ang kapilyuhan.
I noticed how handsome he is with his perfct sculpted jawline, pointed nose, small and thin lips and his brown hair, it looks soft and shiny.
He is such a...
"M-Miss, alam kong gwapo ako pero baka pwede namang tulungan mo muna ako," bahagya pa itong gumalaw.
...hambog! He is such a hambog! Ang yabang! yes, he's handsome and all but he's a hambog!
But I must admit that I was staring at him for too long. I'm at fault too.
Nginiwian ko siya bago tinulungan. Nang maitayo ko siya, pinaupo ko muna siya sa bench na nasa gilid.
I heard him heaved a deep sigh. "Woah! Putcha, may gusto lang naman akong iabot pero napagod na nga kakatakbo, ang malala nasikmuraan pa. gago, ang galing!" He muttered.
"S-Sorry...bigla-igla ka kasi sumusulpot kaya nasiko tuloy kita," I apologized.
Hindi makapaniwalang liningon niya ako. "Wow, ako pa? I've been calling you many times but you're ignoring me," bahagya pa siyang ngumuso habang nagsasalita.
Naramdaman ko an pamumula ng aking pisngi kaya iniwas ko ang aking mata. "S-Sorry again."
"Apology not accepted."
Kunot-noo akong napalingon sa kanya. kagaya kanina, nakanguso pa rin ito at halatang nagpipigil ng ngiti.
Tumikhim ako, "U-Uhm...so...ano pala 'yong iaabot mo?" I asked.
"A-Ah, oo." may inabot siya sa kanyang gilid at nanlaki ang mata ko nang makita kong isang libro iyon.
And it was not just a book! It was the book that Kiara threw! The Fault In Our Stars!
Iniabot niya sa akin iyon at dali-dali ko namang kinuha at mahigpit na niyakap.
"Thank you!" I exclaimed happily.
"Pahamak 'yang libro mo, Miss-"
"-Selenn. Call me Selenn." Kita ko naman ang bahagya niyang pagngiti at pagtango.
"Okay, So, ayun nga, Selenn. Pahamak 'yang libro mo, biro mo, ag layo ng pwesto ko sa inyo pero inabot pa rin ako ng librong lumilipad na 'yan kaya ayun parang na-flyingkick 'yung ulo ko. Feeling ko nga matatanggal na ang ulo ko anytime." Daldal niya.
Napatawa ako sa paraan ng pagkwento niya. May actions. Kulang na lang every word y action na.
Hindi ko namalayang napahaba ang kwento namin. Tawa lamang ako ng tawa dahil sa ka-kengkoyan niya. Narinig na lamang namin ang tunog ng school bell, hudyat na lunch break na.
Tumayo ako habang buhat-buhat ang libro saka nagpaalam.
"U-Uh...a-ano, mauuna ako. Pasensya na pala sa pagbato ng kaibigan ko sa libro at ang pagsiko ko sa'yo. " Bahagya akong tumango. Akmang tatalikod na ako nang magsalita ito.
"Xyrex! Call me Xyrex!" Inilahad pa nito ang kanyang kamay. Napatulala ako doon at kalauna'y tinanggap ngunit kaagad din akong napabitaw anng makarammdam ako ng hindi pamilyar na kuryente na dumaloy sa kamay ko.
"Okay, Xyrex, Bye!" Nagmamadaling ani ko. hahakbang na sana ako pero napatigil nang hawakan nito ang braso ko.
"Apology not accepted."
Nilingon ko siya, "H-Huh? W-Why?" Takhang tanong ko ngunit nagkibit balikat lamang siya.
Napanguso ako sabay nagtanong, "Ano bang kailangan mo pa?"
He looked at me, and once again and I felt like his green eyes are hypnotizing me.
"Date muna tayo pero libre mo. Sunduin kita mamaya," he said, then left me dumbfounded.
What the chocolate fudge happened? And what?! Date?! What is he thinking?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top