Yellow Umbrella

LIFE IS FUCKED UP. Nakakairitang hindi kami kasali sa suspension. Elementary at nursery level lang daw.

     Ang malas pa na ang waiting shed na nasilungan ko, butas-butas ang yero. So, ano pang point ng pagsilong ko rito?

     "Ano ba kasing akala nila sa mga taong nagtatrabaho, waterproof?" sabi ng katabi ko.

     Mukhang kahit ang tag ulan, sinusumpa na ng mga tao dito sa Pilipinas.

     "Syempre, ang iniisip ng mga 'yan, kaya na natin ang mga sarili natin. Kasi kung walang magtatrabaho sa buong Pilipinas, paano ang business? Paano na ang pagpasok ng pera sa bansa?"

     Napaisip naman ako. Tunog frustrated pero may punto.

     Natawa yung katabi ko. "E hindi nga ganun kalaki ang sweldo natin, corporate na 'yan, ha? At yung pera ng bansa? Nasaan? Nasa bulsa ng mga taong nasa pwesto. Habang tayo, nagpapakahirap sumakay ng jeep o taxi."

     May point.

     Lumalaki na ang patak ng ulan. Nararamdaman ko sa balat ko dahil sa butas na yero. Masakit sa tainga ang bawat pagpatak non sa yero.

     Ilang sandali pa, may tumigil na jeep sa harapan namin. Halos magkaroon ng stampede kasi may mga bumababang mga estudyante at may mga pumapasok din.

     Muntik na akong napamura dahil natalsikan ng tubig ang suot kong stockings. Shit lang! Wala akong payong!

     Ayos lang sana kung sapatos ko lang, itim naman 'yon. Pero tangina, yung stockings, men!

     Noong ako na yung sasakay, biglang nagsalita yung tsupér—gusto ko siyang hambalusin!

     "Wala ng pwesto. Doon ka na sa susunod na jeep sumakay.”

     Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bukod sa basang sisiw na 'ko, nandoon ang awa sa mga mata ng mga nakasakay. Hindi ko kailangan 'yon. Ang kailangan ko, pwesto!

     Tapos tatalikod pa lang ako. Hindi makapag hintay, umandar! Puchang ama!

     Basa.

     Pero wait—

     Tumigil ang ulan.

     Hindi ko naman pinagdasal, ah?

     Dininig ako ni Lord?

     Tapos, nag-angat ako ng ulo.

     May payong. Kulay dilaw.

     Pagtingin ko sa may hawak—lalaki.

     One word to describe? Ang pinakabenta sa buong cliché romance plot: gwapo.

     "Bakit nakatayo ka diyan sa gitna?" malalim ang boses niya.

     Kumurap ako nang dalawang beses.

     "A, eh . . ."

     Bigla niya akong tinalikuran at lumakad papunta sa waiting shed.

     Ganoon na lang 'yon?

     Napalingon ako sa paligid bago ako tuluyang sumunod sa kanya.

     "Basang-basa ka, anong nangyari sayo?"

    Napatingin naman ako sa gilid ko, ako yata kausap.

     "Nasa school pamalit ko," sabi ko.

     Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang mag-text si Van.

     Van: Suspended daw klase. Kaka-announce lang ng pag-asa na baka bagyo na raw talaga 'to. Huwag ka na pumasok.

     Kumunot ang noo ko. Just what the fuck.

     On the contrary, hindi naman the fuck itong katabi ko.

     "Problema mo?"

     Umiling ako.

     "Wala kang pasok?" dugtong niya.

     Tumango ako. "Kaka-announce lang."

      "College ka na?"

     Tumaas ang kilay ko. Mukhang tataas altapresyon ko sa tanong na 'yan ah.

     "Stereotype," sabi ko.

     "Sorry, kala ko—"

     "High School?"

     "Bakit boses nananapak ka bigla?" natawa siya.

     Baliw ba 'to? Kakausap ko talaga 'to sa mga strangers.

    "Gusto mong ikaw sapakin ko?"

     Tumawa lang siya. "Biro lang. Bawal na bang magbiro ngayon?"

     "Uuwi na 'ko," sabi ko bigla.

     "Oh? Um, dalhin mo na lang 'to," tukoy sa payong.

     "Hindi na—"

    "Sige na. Basang-basa ka na, e," pag-i-insist nya, sabay lapit ng payong sa akin.

     Wow, concerned.

    "Paano ka? Wala kang payong?" tanong ko.

    "Di na. May susundo naman sa akin. May sasakyan ako," sabi niya.

    Mukhang mayaman to.

    "Kunin mo na." Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa handle Ingat ka. Sana magkita pa tayo."

    "Ayoko nga."

   "Paano payong ko?"

    "E 'di—"

    "Alab!"

    Nilingon namin ang tumawag sa kanya. Maingay sa tainga ang tunog, pati na rin ang tambucho. Tricycle ang tumigil sa harapan naming dalawa.

    "O, nandito na pala sundo ko. Paano ba 'yan, ingat ka sa pag-uwi!" paalam niya sa akin.

    Nalaglag naman ang panga ko. Shit! Kaya mahalaga talaga ang tudlik, e.

    Hindi kotse. Tricyle pala.

    Dinig na dinig pa rin ang maingay na patak ng ulan sa butas na yero habang gamit ang dilaw na payong na iniwan sa akin ng lalaking nagngangalang Alab.

    Ngayon . . . paano ko ibabalik sa kanya 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top