WAKAS
Nandito ako sa tapat ng bintana namin. Nakapatong ang aking braso sa bintana habang pinapanood ko ang mga bata na dumadaan sa tapat ng bahay namin. Naka uniporme… at sigurado akong papasok na sila sa kani-kanilang eskwelahan.
“Dean!” tawag sa akin ni Mama mula sa kusina.
Dali-dali naman akong pumunta sa kanya. Nasisiguro kong may iuutos na naman ito sa akin kaya niya ako tinawag.
“Po?” sabi ko pagpasok palang ng kusina.
“Halu-haluin mo nga itong niluto kong kaldereta. Kasi hinahanda ko pa 'tong mga sahog para sa kare-kare at sinigang. Tikman mo na rin kung may kulang pa ba sa lasa niyan,” utos niya sa akin.
“Sige po!” sabi ko habang sinisimulan na ang paghahalo.
Habang hinahalo ko itong ulam ay hindi ko pa rin maiiwasan isipin 'yong nakita ko kanina. Ayokong isipin ni Mama na hindi ko inisip kung gaano kami nahihirapan ngayon. Kaya nga hindi ako nanghihingi ng kahit na anong bagay sa kanya, kahit na may pagkakataon inggit na inggit na ako sa ibang bata.
Lagi akong tinutukso ng mga kalaro ko, kung bakit hindi pa ako pumapasok sa eskwela. E, ang tanda-tanda ko na! 'Yung mga kasing edad ko kasi ay nasa grade two o grade three na, habang ako ay mag-g-grade one palang.
Hindi pa ako pinapapasok ni Mama sa eskwela dahil kulang ang gastusin namin sa pang-araw-araw. Hindi naging sapat sa amin ang pera sa paglalako o pagluluto ng ulam upang ibayad sa kuryente at tubig dito sa bahay. Kaya kinailangan namin mag-ipon muna ng pera para sa matrikula ko, lalo na't kami na lang dalawa at wala na akong inaasahan ama.
Iniwan niya kami nung kapapanganak palang ni Mama sa akin. Iniwan niya kami upang magtrabaho sa ibang bansa. Nung una ay nagbibigay pa siya ng pera kay Mama. Ngunit kalauna'y natigil na sa hindi malaman na dahilan ni Mama, at dahil doon nawalan na sila ng kumunikasyon.
Nagalit si Mama dahil sa ginawa niya. Kaya galit na rin ako sa kanya nung kinuwento ng kaibigan ni Mama sa akin ang nangyari sa kanila ng ama ko noon. Kaya pala ayaw sagutin ni Mama ang mga tanong ko noon, dahil ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa aking ama.
“Nak!” tawag niya ulit sa akin.
“Po!” sagot ko naman agad.
Kalalagay ko lang sa malaking lalagyan nitong hinalo kong kaldereta upang palamigin bago ilagay sa mga maliliit na plastic container. Pagkatapos ay pinuntahan ko agad si Mama dahil baka may iuutos na naman ito.
Pagkalabas ko sa kusina ay naabutan ko s'yang nagbibilang ng pera sa lamesa. Siguro ilalagay niya 'yan sa alkansya namin, dahil nakita kong nasa baba ng lamesa 'yong malaking container na nilalagyan ng tubig. May mga tig-iisang daan, singkwenta, at bente pesos ang laman ng container. Araw-araw namin iyon nilalagyan ng pera para sa aking pag-aaral. Lalo na't pag may sobra sa badyet ng bahay.
“Dean, anak, makakapasok ka na sa eskwela!” masayang balita sa akin ni Mama.
“Talaga ba, ma? Ngayon na ba bukas ng klase?” tanong ko agad sa kanya.
“Oo, anak. Makakapag enroll ka na bukas!”
Sa sobrang saya ko napayakap agad ako kay Mama at saka hinalikan siya sa kanyang noo.
“Salamat po, ma,” pagpapasalamat ko sa kanya.
“Naku! Ang lambing mo talaga na bata.” Sabay yakap din sa akin.
Kaya kinabukasan ay maaga kaming umalis ng bahay ni Mama para mag-enroll sa publikong eskwelahan. Nagdala pa si Mama ng mga paninda namin ulam para ibenta sa mga guro, magulang at estudyante doon. Kaya paglabas namin sa eskwelahan ay kaunti na lang ang dala naming tinda.
Naglakad lang kami ni Mama pauwi para maibenta pa namin ang mga natira. Hindi naman masyadong mainit ngayon kaya ayos lang maglakad pauwi. Habang naglalakad ay nadaanan naman namin ang isang pribadong eskwelahan.
Napansin ko ang isang batang babae lumabas sa gate ng eskwelahan. Tumakbo nang mabilis ang batang babae habang kalalabas lang din sa gate ang isang babae na kasing edad lang ni Mama. Sinundan niya ang batang babae na tumatakbo.
“Bibili po kayo? Sige po, papunta na ako riyan! Dean! Tara na! May bibili daw doon!” tawag sa akin ni Mama.
“Sige, ma!” Sabay tango ko. Ngunit hindi ako sumunod kay Mama dahil nakatingin lang ako roon sa batang babae.
Nakita kong hindi na nahabol nung ale 'yung batang babae kaya naman pinuntahan ko ito. Hindi ko alam kung sino ang tumulak sa akin upang sundan ang batang babae. E, kasi naman! Habang tumatakbo 'yong batang babae, nakita ko itong umiiyak. Kaya gusto ko siyang puntahan para patahanin.
Nakita ko naman siya nakaupo sa tabi ng daan habang nakasubsob ang kanyang mukha sa mga tuhod niya. Lumapit ako sa kanya. Habang naglakad papunta sa kanya ay naalala ko pala na may binigay sa akin si Mama na lollipop kaya kinuha ko agad ito sa aking bulsa.
Nasa harapan niya na ako.
“Bata, okay ka lang ba? Gusto mo ba ng lollipop?” pagtatanong ko sa kanya.
Dahan-dahan niya inangat ang tingin sa akin habang patuloy pa rin siya sa paghikbi. Namamaga ang mata at pulang-pula naman ang kanyang ilong sa kaiiyak. Napangiti ako nang kaunti. Kahit puno ng luha ang mga mata niya ay nakita kong maganda itong titigan.
“Anong flavor?” kagarkar naman ang boses niyang nagtatanong.
“Chocolate, strawberry at orange. Gusto mo sa 'yo na lang lahat?” At inabot ko naman sa kanya lahat ang lollipop.
Medyo nalungkot pa ako dahil umiling siya. Akala ko ayaw niya pero pipili pala siya ng isa. At chocolate flavor ang kinuha niya. Napangiti naman ako dahil doon.
“T-thank you,” sabi niya.
Bakit kaya siya umiyak? At patakbong palabas ng eskwelahan niya? Magtatanong na sana ako sa kanya nang bigla naman akong tinawag ni Mama, kaya napatingin naman ako sa aking likod.
“Hali ka na rito. Uuwi na tayo! Ubos na ang mga paninda natin!” masayang balita nito sa akin, kaya agad naman akong nagpaalam sa batang babae.
Hindi ko na nilingon pa ang batang babae dahil sa sobrang tuwa sa binalita sa akin ni Mama. Ubos na nga ang paninda namin. Kaya imbes na maglakad pauwi ng bahay ay sumakay na lang kami ng jeep. Hindi na kami umabot ng hapon sa paglalako dahil ubos na agad ang paninda namin ngayong araw. Madalas kasi hapon o gabi ang uwi namin ni Mama, hindi kasi mauubos agad ang paninda namin. Minsan, may natira pa sa aming paninda, at 'yon na lang naging ulam namin pag-uwi sa bahay.
Araw-araw nagluluto kami ni Mama ng ulam para ibenta. Ngayon, na may pasok na ako ay gano'n pa rin naman. Tinutulongan ko siya sa pagluluto sa umaga pero sa pagbebenta ay hindi na dahil may klase na ako. Tuwing Sabado at Linggo lang ako nakakatulong kay Mama sa pagbenta ng ulam. Minsan, pag may klase ako ay hindi na 'ko pinapatulong ni Mama sa pagluluto dahil gusto n'ya maghahanda na lamang ako sa pagpasok sa eskwela.
Naglalakad lang ako papuntang eskwelahan. Malapit lang naman ito. Hindi naman ako nahihirapan dahil sanay naman na ako. Pagkatapos nang klase ay gano'n pa rin. Naglalakad lang ako pag maganda ang araw at hindi umuulan.
Habang naglalakad ay madadaanan ko naman eskwelahan nung batang babae. Malapit lang kasi ito sa eskwelahan na pinapasukan ko, at dito rin ang daan pauwi sa bahay namin. Kaya palagi kong madadaanan ang eskwelahan na ito.
Lumapit ako sa gate ng eskwelahan at sumilip sa loob. Hindi ako makakapasok dahil nakakandado ang gate nila. Nilibot ko lang ang aking mata sa loob, at nakita ko ang mga naglalarong bata sa playground nila. May mga naghahabulan, sumasayaw, at nag jack-n-poy, tapos sa gilid naman ay may nag-iiyakan.
Tumabi ako at nagtago sa gilid nang biglang lumabas 'yung guard sa maliit na bahay tapos lumapit siya sa gate. Binuksan niya ito. Pagkatapos bumalik naman agad siya sa kanyang bahay kaya nagkaroon ako nang pagkakataon na pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad ang batang babae sa tabi. Mukang binu-bully s'ya nung dalawang bata nasa harap niya.
Lumapit agad ako sa kanila.
“Marga, sabi ng mommy ko ampon ka raw!?”
“Oo nga! Ampon ka! Kaya pala ang bobo mo!”
“No! Hindi ako ampon!” sigaw naman nung batang babae sa dalawang bata na nambully sa kanya.
“Ampon ka! Anak ka lang ng yaya mo!”
Tinakpan ng batang babae ang kanyang tainga upang hindi niya marinig ang mga sinasabi ng dalawang bata. Habang ang dalawang bata ay patuloy pa rin sa pagsasabing ‘ampon siya’ at ‘bobo’. Nagdilim ang paningin ko kaya pumagitna na ako sa kanila.
“Tumigil na nga kayo! Isusumbong ko kayo sa teacher n'yo!” sigaw ko sa dalawang bata.
Tumigil naman sila at tumakbo palayo. Kaya tiningnan ko naman ang batang babae na nakaupo lang, habang tinatakpan pa rin ang kanyang tainga. Napabuntong hininga ako.
“Okay ka lang ba?” tanong ko.
Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin. Nakayuko lang siya habang umiiling sa akin.
“Marga!” May tumawag naman sa kanya kaya dali-dali siyang tumayo at agad na lumapit sa isang babae na may dala na dalawang bag.
“Yaya, I want to go home now!” malungkot na sabi nung bata saka niyakap ang yaya niya.
“Sige, tara na. Tapos ko na rin naman kunin 'yung mga modules mo,” sabi naman ng yaya niya.
Sinundan ko sila palabas sa gate. Nang nasa labas na kami ay may huminto namang sasakyan sa harap nila. Bumaba ang driver at pinagbuksan sila pintuan. Nauna nang pumasok ang batang babae sa loob bago ang yaya niya.
Nang isara na ang pinto ay nabigla ako dahil tumingin pa sa akin ang batang babae. Blangko ang kanyang mukha na nakatingin sa akin. Wala akong mabasa kahit anong reaksyon. Sinubukan kong ngumiti sa kanya ngunit naisara na ng driver ang pinto kaya hindi ko na siya nakita pa.
Umalis na sila habang ako ay naglalakad palang pauwi.
Araw-araw ay ganoon na nga ginawa ko. Sa tuwing pauwi na ako ay titigil muna ako sa tapat ng gate nila. Titingin sa loob tapos hihintayin sila lumabas at umuwi.
Inaabangan ko lagi ang batang babae na lumabas sa gate. Dahil sa tuwing naalala ko ang mukha niya na malungkot at umiiyak ay hindi ko maiwasan maawa sa kanya.
Kaya nung makita ko siya ulit, ay sinubukan ko siyang lapitan. She looked at me. Pareho lang ang reaksyon niya nung nakasakay siya sa kanilang sasakyan. Still no expression, I wonder what she thinks of me. Baka iniisip niya stalker ako. I tried to smile at her, and to my horror, she rolled her eyes at me and then walked away.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa pag-irap niya sa akin. Pero pag-uwi ko sa bahay ay napag-alaman ko na...
“Napansin ko kanina ka pa ngiti-ngiti d'yan. Ano'ng meron?” tanong niya.
“Wala po, ma. Naka-perfect lang po ako sa quiz kanina,” sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ako natutuwa sa sandaling interaction namin dalawa. Inirapan niya lang naman ako, dapat nga mainis ako, e.
Pero sa tuwing naalala ko ang mukha niya, ay napapangiti ako. Ang kanyang makurba at mapupulang labi, ilong niya ay maliit at manipis, mata niya naman ay kulay tsokolate, na kapag tumama sa sinag ng araw ay nag-iiba ito. Buhok niya na walang kasing itim, bagay na bagay sa mala-gatas niyang kutis.
Ayaw kong ikwento kay Mama tungkol sa ginagawa ko tuwing uuwi ako, dahil baka magalit siya sa akin o sabihin niya na tigilan ko 'yon. E, naaawa lang naman ako sa batang babae, at gusto ko lang siya bantayan.
“Hi,” bati ko, nung nilapitan ko ulit siya.
Umigting siya sa gulat nang bigla akong magsalita sa kanyang likod. Nilingon niya ako, at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumiwi siya nang makita ang suot kong tsinelas. Sa paglalakad ko araw-araw ay naging manipis na ito. Sinubukan kong ngumiti nang inangat niya ulit ang tingin sa akin.
But then, she rolled her eyes, again. “Hmpt.” and then snobbed me.
Tinalikuran niya ako at naglakad palayo sa akin. Lumapit siya sa kanyang yaya at nagsumbong.
“Yaya! He's so annoying!” Sabay turo niya sa akin.
Ha? Ano naman ang ginawa ko? Nag-hi lang naman ako sa kanya. I'm just being friendly here, and then what! She ignores me, again. Hindi niya ba ako naalala?
Kindergarten pa lang siya, pero napaka suplada na.
Lumipas ang mga araw ay gano'n lagi ang nangyari. Hindi niya ako pinapansin, kaya tinigil ko na lang ang paglapit sa kanya dahil baka mas lalo lang ito mainis sa akin. Nasa malayo lang ako tuwing makita ko siya at hindi na lumapit pa… hanggang tanaw lang ako sa kanya.
Lumipas ang mga araw ay hindi ko na siya nakita. Akala ko umabsent lang siya, ngunit nabalitaan ko na lang na lumipat daw ito ng eskwelahan. Nalungkot ako dahil sa nangyari. Hindi ko na nga siya nakakausap, hindi ko rin siya makikita na.
“Hoy! Tristan! Sino bang sinisilip mo diyan? May kapatid ka ba diyan?” tanong ng kaklase ko sa akin.
Nandito na naman kasi ako sa tapat ng gate ng Kindergarten School. Mag-isang buwan na hindi ko na nakita ang batang babae. Pero heto pa rin ako, sumisilip sa tuwing napapadaan dito.
Lumipas ang maraming taon. Nawala na sa isip ko ang batang babae. Gum-ra-duate na rin ako sa elementarya. Sobrang saya ni Mama dahil second honor ako nung gum-ra-duate. Naghanda agad siya at inimbita ang mga kapitbahay namin sa araw na 'yon.
Ngayon, na highschool na ako, ay mas lalo ko pang pagbubutihin ang aking pag-aaral upang makakuha ng scholarship para sa college. At para hindi na rin mahihirapan si Mama sa pagluluto at pagtitinda ng ulam kahit may karinderya na kami ngayon.
“Ano 'yun?” May tinuro si Sion sa kung saan kaya napatingin naman ako doon. “May binu-bully yata!” sabi niya pa.
Hapon na nung umuwi kami ng mga kasamahan ko sa basketball. Pababa na 'yung sikat ng araw habang naglalakad kami sa daan. Humiwalay na sa amin ng daan ang ibang kasamahan namin dahil iba ang daan nila pauwi, at habang kami ni Sion, ay pauwi kami sa bahay upang doon na kumain.
Tama nga siya, may binu-bully nga doon, at tingin ko ay mga elementarya pa ang mga ito dahil nakasuot pa ng uniporme na pang-grade school. Nakita namin ni Sion kung paano binuhusan ng tubig na may iba't-ibang kulay ang isang babae. Kaya lumapit agad kami para sawayin ang mga ito.
“Hoy! Itigil n'yo 'yan! Kung hindi isusumbong ko kayo sa mga magulang ninyo!” sigaw ni Sion sa kanila kaya natigil sila at napatingin sa amin.
Dali-dali naman nila pinulot ang mga gamit nila sa lupa, saka kumaripas nang takbo palayo sa amin. Naiwan naman nakaupo sa lupa ang isang babae habang isa-isa niyang pinupulot ang kanyang mga gamit. Siya 'yong pinagtutulongan ng mga ibang bata. Hindi na maitsura ang suot niyang uniporme dahil puno ito ng mantsa, at basang-basa na rin siya dahil sa ibinuhos sa kanya kanina, tapos may mga itlog pa sa kanyang ulo.
“Hay! 'Yung mga bata na 'yon. Walang ibang ginawa kundi ang mang-bully. Miss, tutulongan ka na namin sa pagpulot ng gamit mo,” sabi ni Sion.
Lumapit naman ako sa babae. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Sion. Nagpatuloy lang siya sa pagpulot ng mga gamit niya. Kinuha ko muna 'yung towel ko sa bag bago yumuko at lumibel sa kanya.
“Oh, punasan mo muna ang sarili mo. May itlog kasi sa ulo mo—” Natigilan ako nang tumingin siya sa akin.
Hindi ako makapaniwala. Ang mala-tsokolate niyang mata ay tumingkad nang tumama ang sinag na araw. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, at halos hindi na rin ako makapag salita dahil sa mata niyang kumikislap habang nakatitig sa akin. Shit! S'ya nga ito! Ang batang babae na lagi kong inaabangan sa gate noon, ay ang babaeng nasa harapan ko mismo ngayon. Tumagal ng tatlong minuto ang titig niya sa akin, bago siya tumingin sa towel na hawak ko.
Natandaan niya kaya ako?
“Sa-Salamat po…” she shyly said, sabay kuha sa towel na binigay ko para sa kanya.
Her reactions to me had changed. Nginitian niya na ako, at kinausap na. Iba sa batang babae noon na lagi akong sinusungitan pag nilapitan ko.
“Bakit ka ba binu-bully ng mga 'yon?” tanong bigla ni Sion sa kanya.
Tumingin siya kay Sion. “Ah, eh, kasi… trip lang ako ng mga 'yon…” nauutal niyang sabi.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Trip? Trip lang ba 'yun para sa kanya?
“Hindi basta-basta trip 'yon. Sinasaktan ka na nila. Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Lagi ka na lang—” Hindi ko napansin na tumaas na pala ang boses, kaya nung nakita ko ang reaksyon niya ay natigilan na ako.
Namilog naman ang mata niya dahil sa gulat. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Nakita kong umatras siya palayo sa akin, habang isinabit niya ang kanyang sling bag sa balikat niya. Umiwas siya nang tingin.
‘Gago ka, Dean. Natakot yata siya sa pagtaas ng boses mo!’ bulyaw ko sa aking isipan.
Binigay naman ni Sion ang gamit ng babae kaya kinuha niya naman ito.
“Salamat, Kuya—”
“I'm Sion. Siya naman si Tristan,” pagpapakilala ni Sion.
“Ah, maraming salamat, Kuya Sion,” banayad na sabi niya kay Sion. “At sa 'yo rin…” Tinignan niya lang ako.
What the! Kumunot ang noo ko, habang tinignan siya nang mabuti. 'Yon lang ang sinabi niya sa akin, ‘At-sa-yo-rin’. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Sinabi naman ni Sion ang pangalan ko, a! Bakit 'yon lang?
“Best!”
Napatingin naman kami sa sumigaw. Isang babae na kasing edad din niya at naka uniporme rin ng katulad sa kanya.
“A-Ahh. Sige, Kuya. Salamat. Hmm… uwi na po ako. At kaibigan ko po siya,” pagpapaalam niya sa amin bago tumakbo palapit sa kaibigan niya.
“Sige, ingat kayo!” sigaw naman ni Sion sa kanila. “Teka, nakalimutan natin tanungin ang pangalan niya,” sabi naman ni Sion habang tinatanaw ang dalawa.
“Bakit?” tanong ko naman sa kanya habang nakakunot ang noo.
“Ano'ng bakit? Ang ganda niya, bro! Alam kong madumi siya pero kung tumitig ka sa mata niya, alam mo na maganda siya, kasing ganda ng mata niya.” sabi niya na nagbibigay ng ibang pakiramdam sa akin.
“Tumigil ka nga! Elementary pa 'yon,” sabi ko sa kanya.
“Ano'ng elementary? E, ang tangkad na non. Baka graduating na 'yon, o 'di kaya'y grade seven na?”
Umiling ako. “Hindi pa. Grade four pa ang mga 'yon,” sabi ko pagkatapos bilangin ang mga taon na hindi ko siya nakita.
Pagkatapos ang araw na iyon. Hindi na siya mawala sa isip ko, at hindi ko alam kung bakit. Lagi ko siyang naiisip sa gabi. Kung saan ba siya nakatira? O saan ba ang eskwelahan niya? Gusto ko siyang bantayan ulit, para wala nang mang-aaway sa kanya. Gusto ko siyang protektahan sa mga taong manakit sa kanya.
Isang araw, pauwi na ako, sakay sa aking bike. Nakita ko siya sa tapat na mismong pribadong eskwelahan, na medyo malapit lang din sa eskwelahan na pinapasukan ko. Napahinto ako nang makitang inaaway na naman siya. Bumaba agad ako sa aking bike. Nilapitan ko sila dahil tinulak tulak na siya ng mga ito.
“Itigil n'yo na 'yan!” sigaw ko habang papalapit sa kanila.
Napatingin silang lahat sa akin. Nakita ko naman namilog ang mga ng babae nang makita ako. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa akin, at nagtago sa likod ko. Nilingon ko naman siya.
“Sinaktan ka ba nila?” tanong ko sa kanya.
“Muntikan na, buti na lang dumating ka,” sagot niya naman.
Tiningnan ko ang mga nambully sa kanya. Sinamaan ko sila ng tingin.
“Hoy, kayo! Tatandaan ko 'yang mga mukha ninyo. Pag inaway n'yo pa siya, ire-report ko na kayo sa mga teachers ninyo!” Sabay turo ko sa kanila isa-isa.
Dahan-dahan naman sila umatras palayo sa amin, at sabay takbo dahil sa takot. Nang nawala na ang mga nambully, ay tiningnan ko naman ang babae sa aking likod. Nakita ko kung paano niya kinagat ang kanyang pang-ibabang labi, saka yumuko. Lihim naman akong napangiti habang tinititigan siya. Nakita ko kasi sa mga mata niya na nahihiya siya sa akin.
“Maraming salamat…” sabi niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya. “Pauwi ka na ba?” tanong ko.
Base sa pagkakaalala ko dati ay may susundo sa kanya na sasakyan.
Tinignan niya naman ako. “Oo, hinihintay ko lang ang driver namin,” sagot niya naman sa tanong ko.
“Okay, sasamahan na muna kita rito,” sabi ko naman.
Umupo kami sa may waiting shed, sa tapat ng eskwelahan niya. Ang dami kong pwedeng itanong sa kanya. Ngunit, hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan ito. Napapatikhim na lamang ako sa katahimikan namin dalawa, kahit hindi naman makati ang lalamunan ko. At habang ginagawa ko iyon, napapatingin naman siya sa akin.
“May sakit ka ba? Gusto mo bilhan kita ng gamot?” tanong niya na ikinalaki naman ng mata ko.
“Huh?” Shit! Ramdam ko namumula na ang kaliwang tainga ko dahil sa hiya. “Hindi. Wala naman. Medyo makati lang ang lalamunan ko,” pagrarason ko.
‘Elementary lang siya, pero natatanga na ako.’ Hindi naman ako ganito sa iba. Lalo na sa mga kaklase kong babae. Kahit kinakausap pa nila ako, o kahit umamin pa silang may gusto sila sa akin. Wala talaga akong ibang nararamdaman para sa kanila kahit tinititigan ko pa sila nang mabuti.
Hindi tulad ngayon na kasama ko ang babaeng ito. May kakaiba na nangyari sa aking tiyan, parang may nagsasayawan sa loob ng tiyan ko ngayon, kapag alam kong nasa malapit lang siya.
Mag-iisang oras na dumating ang kanilang sasakyan. Tumayo agad siya sa kinauupuan niya, at gano'n din ako.
“Nand'yan na ang sasakyan namin. Uuwi na… ako,” sabi niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya pagkatapos ay tumalikod na siya sa akin. Sinirado na niya ang pintuan ng sasakyan nang ma-realize kong hindi ko pa natanong ang pangalan niya. Shit! Ano ba'ng nangyari sa akin? At natameme ako ngayon… sa isang elementarya pa!
Napatingin ulit ako sa sasakyan nang bumukas ulit ang pintuan nito.
She waved her hand at me. “Salamat ulit kanina. Marga nga pala ang pangalan ko. Marga Roja…” she said as she flashed a sweet smile at me.
‘Marga Roja’. What a tough name.
Hindi ko naman maiiwasan ngumiti nang umalis na siya. Pakiramdam ko binuo niya ang araw ko no'n. Kaya sa susunod na araw ay doon na ako dumaan sa eskwelahan nila kahit may malapit naman na daan pauwi ng bahay.
Nakita ko siya palabas na ng gate nila, kasama ang kaibigan niya. Mukang may bibilhin sila dahil papunta siya rito sa tindahan na tinatambayan ko pag hinihintay ko sila lumabas ng eskwelahan nila. Tumalikod ako at nagkunwaring may katext sa aking cellphone para hindi niya makita.
“Andaya mo naman, best. Hindi mo naman ako pinakopya sa quiz kanina. Wala tuloy akong sagot sa one to ten sa science,” rinig kong sabi niya habang kausap ang kanyang kaibigan.
“Ano ba! Hindi mo pa rin ba na-gets ang tinuro kong sign language sa 'yo?” rinig ko ring sabi ng kaibigan niya.
“Hindi ko kasi makita ng maayos ang kamay mo, e.”
“Nakabantay kasi si Ma'am Dela Paz, best. Alam mo naman mainit ang dugo sa atin 'yon.”
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila habang nagkukunwari may katext dito sa tabi. Hindi niya ako makakita dahil nakatalikod kaming dalawa sa isa't isa habang pareho nasa likod ang mga bag namin.
“May favoritism kasi ang matanda na 'yan. Lagi na lang si Yura ang nakikitang tama, at ako 'yung laging nagkakamali.”
“Sinabi mo pa.”
“Porket ba si Yura ang matalino, at ako ang bobo. Kung makapag taas siya ng kilay sa akin ay akala mo kung sinong maganda. Hindi niya ikagaganda ang pagtaas ng kilay sa akin, ano!”
I pursed my lips when I heard that. Hindi ko tuloy maiwasan silipin siya sa likod. Nakita ko siyang nakapamewang habang nagkukwento sa kaibigan niya. Bumalik lang 'yung tingin ko sa aking cellphone nang tumingin sa aking banda ang kaibigan niya.
“Ay, hindi na siya dumaan dito…”
“Sino?”
“'Yung crush ko!” sagot naman ni Marga.
“Sino'ng crush mo? Taga saan naman 'yan?”
“High school na siya, best! At ang sabi-sabi ng iba, napaka talino raw!” sabi naman ni Marga.
“Naku, Marga! Ayan ka na naman! Tipo mo 'yung lalaking matalino tapos ikaw hindi mahilig mag-aral. Pa'no ka naman papansinin n'yan, ha?!”
Crush? Sinong crush niya? May crush siya? E, zero na nga siya sa quiz niya kanina, tapos may crush pa siya! Hays! Kung sino man 'yang lalaking iyan? Hindi siya papansinin nito dahil mahina ang utak niya. Sino naman kayang matalinong lalaki ang papansin sa bobong babaeng katulad niya?
Tumikhim ako saka humarap sa kanila. Napatingin silang dalawa sa akin. Nakita ko kung paano namilog ang mga mata niya nang makita ako rito.
“He-Hello! Nandito ka pala!” She stuttered as she looked scared. “Kanina ka pa riyan?”
Ngumisi ako saka marahan na tumango bilang sagot sa kanyang tanong.
“Best, sino siya?” tanong ng kaibigan niya.
Nakita ko ang lihim na pagpalo niya sa kanyang kaibigan. May ibinulong siya rito kaya napakunot naman ang aking noo dahil doon.
“Ahh… so, siya—aray!” rinig ko namang sabi ng kaibigan niya. Tumikhim ang kaibigan niya, saka nagpakilala sa akin. “Hello po, Kuya. I'm Sheena, best friend po ni Marga.”
Tumango ako. “Ako naman si Tristan,” sabi ko naman.
“High school ka na po ba?” tanong ulit nito.
“Oo, grade eight na,” sagot ko naman habang nakatingin kay Marga na kumikislap ang mga mata habang nakatitig sa akin.
“Single ka pa po ba, Kuya?” tanong ulit ng kaibigan na ikina gulat ko. “Aray ko, best!” daing nito nang binatukan siya ni Marga.
Nakita ko namumula na ang pisngi niya habang sinamaan niya ng tingin ang kanyang kaibigan. Tiningnan niya ako, tapos inalis din agad tingin sa akin na parang nahihiya siya. Hindi ko tuloy maiwasan ngumiti dahil sa naging reaksyon niya.
“Oo, single pa. Wala pa kasi akong panahon diyan, 'tsaka ang bata ko pa. Kailangan ko munang magpukos sa pag-aaral kaysa sa mga walang kwentang bagay,” sabi ko na may diin sa huling pangungusap.
“Ouch!” kunwaring daing ng kaibigan niya, sabay hawak sa bandang puso nito.
Nagtuloy tuloy pa ang kwentuhan namin dahil ang sabi nila ay matatagalan ang kanilang mga driver sa pagsundo sa kanila. Madaldal naman kasi itong kaibigan niya, hindi tulad niya na minsan ay tahimik. Malayo tuloy ang narating namin. Kaya nang dumating na ang sasakyan nila ay saka ko lang napansin madilim na pala ang langit.
Nagpaalam muna sila sa akin, bago sumakay sa kanilang sasakyan. Pero bago pa man naisara ang pinto ng sasakyan nila ay tinanong muna ako ng kaibigan ni Marga.
“Kuya! Dadaan ka ba ulit dito bukas?”
Kumunot muna ang aking noo, bago sinagot ang kanyang tanong. Pagkatapos kong sagutin ang tanong na 'yon, ay nagkatinginan naman ang magkaibigan bago tuloyan magpaalam sa akin.
Pagka-alis ng kanilang sasakyan ay lihim akong sumunod sa kanila. Lumiko sa kabilang daan ang sasakyan ni Sheena, kaya si Marga na lang ang sinundan ko. Pumasok ang kanilang sasakyan sa magarang gate. Huminto naman ako at sumilip sa loob ng gate nila. Nakita ko siyang bumaba na sa sasakyan nila, bago pumasok sa kanilang bahay.
Umalis na ako at habang nagdadrive ay hindi ko maiwasan isipin na magkaiba pala ang mundo naming dalawa. Ang layo ng agwat namin pagdating sa pamumuhay. Siya, ipinanganak ng may marangyang buhay, habang ako ay salat sa pera.
Pero ang palaging sabi sa akin ni Mama, “mag-aral ka nang mabuti para madali mo lang makuha ang gusto mo, dahil 'yan na lang ang natatanging pag-asa natin.” At nangako naman ako kay Mama na tutuparin ko iyon. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral para mabigyan ko rin siyang masaganang pamumuhay, na hindi naibigay sa amin ng aking ama.
Araw-araw na ako tumatambay sa tindahan, sa tapat ng eskwelahan ni Marga. Inaabangan ko siya lagi lumabas sa gate ng eskwelahan nila. Minsan kasama niya ang kanyang kaibigan, pero madalas namang hindi. Kaya madalas din kami lang dalawa ang nag-uusap, habang hinihintay ang kanilang sasakyan.
Sa madalas naming pag-uusap ay naging komportable na kami sa isa't isa. Lalo na't dinala ko siya sa bahay at ipinakilala kay Mama. Natutuwa naman si Mama nang makilala siya. Aniya, parang nagkaroon na raw siyang anak na babae dahil sa palaging pagpunta ni Marga sa bahay.
Lumipas ang panahon, napansin ko na iba na ang nararamdaman ko pag kasama ko si Marga. Nung una binalewala ko lang ito. Akala ko kasi maliit na bagay lang 'yon, nagandahan lang ako sa kanya, 'yun lang. Ngunit, habang tumatagal mas lalo lang ito lumala. Sa tuwing magkasama kaming dalawa, nagwawala lagi ang aking puso, at nabablanko naman ang isip ko.
At kailangan ko itong pigilan dahil… hindi pa puwede… mga bata pa kami.
Gusto ko siyang protektahan lagi sa mga bumu-bully sa kanya. Kaya no'ng sinabi niyang sa eskwelahan namin siya mag-e-enroll ay sobrang natuwa ako dahil mababantayan ko na siya lagi.
Ngunit, pagpasok pa lang niya sa gate ay marami nang nakatingin sa kanya, mapa lalaki man o babae. Pinagtitinginan siya ng lahat hindi sa maganda lang siya, kundi bumaba siya sa magagarang sasakyan. Halos mabali ang leeg ng mga estudyante nang makita siyang bumaba sa kanilang sasakyan. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin? E, s'ya at 'yung kaibigan niya lang ang hinatid ng magagarang sasakyan dito.
“Kuya Dean!” She called me and then smiled at me.
Ngiti niya palang kompleto na ang araw ko.
“Ate Marga! Welcome to our school!” bati naman ni Sion sa kanya.
Simula nung naging malapit kaming dalawa ay naging malapit na rin sila ni Sion. Nalaman din namin na pinsan pala niya 'yung kalaro namin sa basketball, at dahil malapit din iyon sa amin. Inutusan pa kaming ng pinsan ni Marga na bantayan siya. Kaya sa tuwing magbe-break time ay palagi kami magkasamang tatlo.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya na kumakain. Nababaliw na naman ako nito! Hindi ko na maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko na parang gusto nang lumabas sa aking dibdib. Habang tumatagal na kasama ko siya, palala nang palala naman ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa iba. Nang sa gayon, ay mawala na ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit, hindi ko babaguhin ang pakikitungo ko sa kanya. Babantayan at po-protektahan ko pa rin siya sa mga taong bumully sa kanya. At ihahatid naman siya pauwi palagi.
Nasa gate na ako. Hinihintay si Marga. Pinauwi ko na si Carla, ang unang girlfriend ko. Top one ito sa batch nila kaya ko niligawan. Gusto sana nito magpahatid sa bahay nila ngunit, tinanggihan ko siya agad dahil ihahatid ko pa si Marga sa kanila.
Natanaw ko agad nagsilabasan na ang mga grade seven sa kanilang mga classrooms, kaya ni-ready ko na ang isa kong helmet para kay Marga. Nakita ko s'yang naglalakad papunta rito. Sinalubong ko naman siya agad. Namilog saglit ang mata niya nang makita ako papunta sa kanya. Napansin ko naman ang pagsilip niya sa akin likod.
“Bakit ka pa nandito?” tanong niya agad sa akin.
Kumunot agad ang noo ko sa tanong niya. “Hinintay kita.”
“Huh? Bakit? Saan ba ang girlfriend mo?” tanong niya ulit habang nakatingin sa likod ko.
“Pinauwi ko na siya. Hali ka na, uwi na rin tayo!” Aya ko na sa kanya.
Umiling siya na ikina kunot naman lalo ng noo ko. “Huwag na, susunduin naman ako ng driver ko, e.”
Sumimangot ako. Simula nung nagka-girlfriend ako ay napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Parang iniiwasan niya ako at nilalayuan. Hindi na nga sumasabay sa amin sa lunch break, at hindi rin siya pumupunta ng bahay sa tuwing walang pasok.
“May problema ba tayo, Marga?” tanong ko agad sa kanya.
“Wala. Ayoko lang ng gulo, Dean.” Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa kanyang naging sagot.
“Tungkol ba 'to kay Carla? Ano'ng sinabi niya sa 'yo?” tanong ko naman.
“Ang sabi niya layuan daw kita dahil ayaw niya raw sa akin. P*ta! Akala niya naman gusto ko rin siya!” inis na sabi niya.
“Huwag kang mag-alala, kakausapin ko 'yon. Halika na, uwi na tayo.” banayad kong sabi.
Kinausap ko agad si Carla tungkol sa sinabi ni Marga. Ngunit, tinanggi niya naman na sinabi niya iyon. Wala raw siyang sinabi kay Marga. At dahil hindi ako naniwala sa kanya, nag-away kaming dalawa dahil mas pinapanigan ko raw si Marga kaysa sa kanya. Hiniwalayan niya ako. Hinayaan ko naman siya sa gusto niya, dahil okay lang naman sa 'kin 'yon.
Pagkatapos ng isang buwan, may naging girlfriend ulit ako. Hindi rin kami nagtagal dahil gusto nito na iwasan ko si Marga. E, ayaw ko naman gawin kaya hiniwalayan niya rin ako. 'Yung sumunod naman naging girlfriend ko ay nakaaway na si Marga. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila kay Marga. E, wala naman itong ginagawa na masama sa kanila.
“Ang kapal ng mukha mo! Gusto mo 'kong siraan kina Dean at Sion? Porket ba girlfriend ka ni Dean, tingin mo paniniwalaan ka niya?”
“Bakit naman hindi? E, girlfriend niya ako!” sabi ni Charice.
“Asa ka! Naka-record na ang sinabi mo kanina! Ipaparinig ko sa kanila ito!”
Nasa labas ako ng classroom nang marinig ang sigawan nila sa loob. Marami ng estudyanteng nanonood sa kanila sa labas. Kaya pumasok naman kaming dalawa ni Sion para pigilan ang gulo. Pagkapasok ko palang ay hinigit ko na agad si Marga palabas ng classroom. Si Sion naman ang bahala sa girlfriend ko.
“Ano ba, Dean! Dahan-dahan naman!” reklamo nito nang tuloy-tuloy ang pagkaladkad ko sa kanya.
“Lagi ka na lang nakikipag-away! Ano ba'ng problema mo?” inis na sagot ko sa kanya.
I always told her to stay away from trouble. Kung may umaway man sa kanya ay umiwas na lamang, o 'di kaya isumbong niya lang sa akin para hindi na siya mapahamak pa. Ngunit, hindi niya ginawa. Katatapos lang ng gulo niya no'ng nakaraang Linggo, ay ito na naman.
“Wala akong problema, Dean. 'Yang mga naging girlfriend mo ay laging may problema!” sigaw niya pabalik sa akin. “Ewan ko kung bakit gusto nila akong siraan sa 'yo? E, wala naman akong ginagawang masama sa kanila, a!” iritable niyang sabi.
“Pwede ba umiwas ka na lang,” pakiusap ko.
“At pwede rin ba ayusin mo naman pumili ng girlfriend!” bulyaw niya naman sa akin. “Wala ka man lang ka-taste-taste!” dagdag pa niya sabay irap sa akin.
Hindi ko na alam kung sino ba ang may problema sa amin dalawa. Siya ba talaga? O ako? Dahil kahit anong gawin ko hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit anong baling ko sa iba, s'ya pa rin ang nasa isip at puso ko.
“Hindi mo ikagaganda ang pagtaas ng kilay mo sa akin, Lily.”
“Marga, do you know that Dean is courting me?”
Tumigil ako sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Marga at Lily.
“E, ano naman paki ko, Lily? 'Di ba gusto mo s'ya? Edi sagutin mo na!” Si Marga.
“Gano'n ba? 'Di ba gusto mo rin siya?” tanong naman ni Lily.
“Pa'no nga kung gusto ko s'ya! Ano naman ang paki mo?” inis na sabi ni Marga kay Lily.
“See! Umamin ka na rin!”
“E, ano'ng balak mo? Ang sabihin kay Dean na may gusto ako sa kanya?”
Alam kong sinasabi lang 'yon ni Marga para inisin si Lily, pero bakit ang sarap naman pakinggan 'yon.
“Bakit? Umasa ka bang may gusto rin si Dean sa 'yo? Tsk, asa ka! Lagpasan mo muna 'yong grades ko bago ka ligawan ni Dean! 'Yun ay kung kaya mo!” sabi naman ni Lily kay Marga.
“Bakit pa kita kailangan lagpasan? E, hundred percent naman na ako sa puso ni Dean!” pagbabara naman ni Marga na ikina ngiti ko naman.
Hindi ka lang hundred percent sa puso ko, mahal. Million percent pa!
Oo, hindi gaano nag-e-excel sa academics si Marga. Nahihirapan siyang intindihin ang mga subjects niya, kaya nag-offer na ako i-tutors siya pag wala kaming pasok sa eskwela. Palagi kasing busy naman sa trabaho ang mga magulang ni Marga. 'Yung daddy niya ay nagtatrabaho sa abroad, habang ang kanyang mommy ay isang doktor sa pribadong ospital dito sa lugar namin. Kaya ang Yaya Mina niya lang ang laging pumupunta sa eskwelahan pag pinapatawag ang mga parents.
Minsan, sinabi niya sa akin, na sinasadya niya patulan ang mga umaaway sa kanya upang makuha ang atensyon ng magulang niya.
Pakiramdam niya kasi parang wala nang pakialam ang magulang niya sa kanya. Nawalan na ito ng oras sa kanya dahil sa trabaho. Kahit ang pangungumusta lang sa kanya ay hindi na nagawa. Kakausapin lang siya pag nalaman nito ang mga maling pinaggagawa niya sa eskwelahan.
“Marga, anak… intindihin mo na lang ang mommy mo. Baka kasi sinabi niya lang 'yon para galingan mo pa ulit.” Pagpapatahan ni Mama kay Marga nung umiyak ito dahil sa sinabi ng mommy niya.
“Huwag mo nga isipin 'yan. Basta kami ni Mama, proud na proud sa 'yo, 'di ba, ma?” sabi ko rin sa kanya.
“Oo naman. Proud na proud kami sa 'yo.” Sabay yakap naman ni Mama sa kanya.
Buti na lang nandito kami ni Mama palagi para sa kanya. Gumagabay at tinuturuan siya na maging maunawain. At bilang pangalawang pamilya niya na lagi siyang sinuportahan sa lahat. Na kapag may problema s'ya, asahan niyang nandito lang kami, tutulongan siya.
Graduating na ako ng senior high school habang siya ay grade nine palang. Masyado akong busy sa academics ko, at hindi ko na namamalayan na lumalayo na pala siya sa akin. Lagi kong kasama si Erin dahil kami magka-partner sa thesis sa isang subject. At dahil lagi kami magkasama ay lahat ng estudyante inakala na nililigawan ko na siya.
“Bakit hindi na natin kasama si Marga? Ano na nangyari doon? May problema ba 'yon?” magkasunod sunod na tanong ni Sion sa akin.
Nandito kami sa bahay, nag-iinuman. Sini-celebrate kasi namin ang maayos na defense event na naganap kanina.
“Hindi nga sumasagot sa text at tawag ko, e!” sagot ko naman.
“Pa'no 'yan? Hindi niya pa alam na pupunta ka ng abroad pagkatapos ng graduation natin.”
Simula nung naging busy ako sa thesis namin. Hindi na siya nagte-text sa akin gabi-gabi. Hindi niya rin ako hinihintay sa gate para ihatid siya sa kanila. Ni hindi na rin siya pumupunta ng bahay sa Sabado at Linggo. Kaya hindi ko masabi-sabi sa kanya na nakakuha ako ng scholarship sa abroad para doon mag-aaral ng kolehiyo.
Nakita ko siya kanina, kabababa lang niya sa kanilang sasakyan. Tinext ko siya. Ngunit, binalewala niya lang ito at hindi na nagreply. Kaya nung sumunod na araw ay maaga akong pumasok sa eskwelahan. Hindi muna ako tumuloy sa building namin dahil hihintayin ko pa siya dumating, pero ibang sasakyan naman ang huminto sa tapat ng gate namin.
Habang nakasandal sa aking motor ay napatingin naman ako sa taong bumaba sa magagarang sasakyan. Kumunot naman ang noo ko nang tumingin ito sa akin, at lumapit. Napaayos ako sa kinatatayuan habang nakatitig sa kanya. Nagtiim bagang ako nang maalala ko na kung sino siya. Nakita ko na siya sa picture noon kaya nakilala ko siya agad.
“'Nak, Tristan, kumusta ka na?” tanong niya na ikina kulo ng dugo ko.
Dalawang dekada ang lumipas tapos ngayon pa siya nagpakita. Ngayon lang ba niya naalala na may anak siya?
“Ano'ng ginagawa mo rito?” mariin kong tanong sa kanya.
Pinasadahan niya ako nang tingin, bago hawakan ang mga balikat ko. Napatingin naman ako sa mga kamay niya nasa balikat, tila ba'y gustong-gusto ko itong tanggalin. Ngunit, ayaw ko lang maging bastos.
“Tristan, ang laki mo na, a!” Natutuwang sabi niya.
Tumawa naman ako ng pagak, bago inalis nang dahan-dahan ang mga kamay niya sa balikat ko. Natigilan naman siya sa ginawa ko.
“Oo nga, e. Ang laki ko na. Nakakalakad na 'ko, nakakapag aral, at nakakapag hanap na ng trabaho. Tapos ngayon ka lang bumalik… at nagpakita. Ano'ng klaseng tatay ka?” Ayaw ko sana siyang sumbatan dahil hindi iyon ang itinuro ni Mama sa 'kin. Ngunit, hindi ko lang napigilan ang aking sarili.
“Anak—”
“Iniwan mo agad kami ni Mama kahit kapapanganak pa lang niya, dahil mas pinili mo ang trabaho kaysa alagaan kami sa ospital.”
“Tristan, anak, nung ipinanganak ka, wala kaming pera ng mama mo pambayad sa ospital. Kaya humingi ako ng tulong sa mga magulang ko pero hindi nila ako pinagbigyan na walang kapalit na kondisyon. Ayaw kasi nila sa mama mo, hindi nila matanggap na pinakasalan ko ang mama mo kaya itinakwil nila ako sa pamilya. Kaya nung humingi ng pera pambayad sa ospital. Bibigyan lang nila ako pag iniwan ko kayong dalawa at sumama sa kanila sa abroad,” mahabang paliwanag niya sa akin.
Natigilan ako saglit sa kanyang paliwanag. Hindi ako makapaniwala na ayaw pala ng lola at lolo ko kay Mama. Kaya ba ayaw sagutin ni Mama ang mga tanong ko noon? Dahil may alam na siya kung bakit kami iniwan ng lalaki 'to.
Umiling ako habang umaatras palayo sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko ngayon. Gusto kong umuwi ng bahay upang komprontahin si Mama tungkol sa nangyari noon. Ngunit kailangan ko munang kalmahin ang aking sarili dahil baka madala lang ako sa bugso ng damdamin pag kinausap ko si Mama tungkol doon.
Ngunit, mas lalo lang bumigat ang loob ko nung nagtalo kami ni Marga tungkol sa sulat galing sa aking ama. Umiwas na siya sa akin. Hindi na sumasama sa amin tuwing breaktime. Nakikita ko na lang siya na kasabay palagi ang kaibigan niya, saka 'yung mga ka-partner nila sa sayaw.
Hinayaan ko muna siya, kahit gusto ko nang lapitan at kausapin siya. Kahit gusto ko na siya kamustahin at ihatid na pauwi sa bahay nila.
Natutulog ako sa aking upuan nang may biglang gumising sa akin.
“VP. Dean! Si Marga! Binu-bully sa labas!” sabi nung gumising sa akin.
Agad naman akong tumayo at tumakbo palabas ng classroom. Tumingin ako sa baba. Nakita kong paghawak ng dalawang babae sa braso ni Marga, para hindi sumugod sa nagsasalita na si Lily.
“Makinig ang lahat! Name: Maria Gandrelle Roja. Nickname: Marga. Birthday: Feb 20. Age: 16 years old. Crush… Crush: Tristan Deanelle Vercher.”
Hindi pa tapos sa pagsasalita si Lily, ay dali-dali naman akong bumaba para puntahan si Marga.
“Ano na naman ito, Ms. Monteverde? Nanggugulo ka na naman!” Sigaw ni Sion nang siyang nakasunod sa akin. “Ano bang pinagsasabi mo sa lahat? O nagpapapansin ka lang kay Dean dahil hindi na tinuloy ang panliligaw niya sa 'yo!”
“No! Totoo ang mga sinasabi ko.” sabi ni Lily. “Ito pa nga ang kanyang scrapbook, o! Basahin niyo pa!” Habang pinapakita ni Lily ang scrapbook na hawak niya.
“Sa dami ng ginawa mo may naniniwala pa ba sa 'yo!”
Hinablot ko agad ang scrapbook na dala niya pagkatapos ay hinila ko si Marga palayo sa mga estudyante na nandoon. Nang huminto kami sa isang bakanteng building. Hindi siya makatingin sa akin. Hinuhuli ko ang kanyang tingin pero umiiwas naman siya agad.
“Ihahatid kita ngayon.” sabi ko sa kanya.
“Hindi na kailangan. May sasakyan—” Tatanggihan niya ba ako ulit?
“Galit ka pa ba sa 'kin?” tanong ko agad sa kanya habang hindi ko pa rin binibitawan ang kanyang kamay.
Napaangat naman siya ng tingin sa akin. Hinila ko agad siya papalapit sa akin. Nakita ko nagulat siya dahil sa ginawa ko. Yumuko ulit siya. The scent of her hair attacking my nose. I couldn't help but sniff it. I withdrew my hug from her. Para iangat ang kanyang tingin sa akin, ay hinawakan ko naman ang kanyang baba.
“Hindi ako galit,” she mumbled.
“Noo… alam kong galit ka pa rin sa 'kin.” sabi ko. “I-I'm sorry…” I almost begged.
“Wala kang kasalanan sa 'kin. Ako lang… ang may kasalanan sa 'yo. Tama ka naman, e…” Tumingin na siya sa mga mata ko.
Napatitig naman ako napakaganda niyang mata.
“Sana hindi na ako nangialam sa inyong dalawa ng papa mo. Sana hindi na ako pumayag sa pabor niya at sana hinayaan na lang din kita.” dagdag niya pa.
Habang nagsasalita siya ay bumaba naman ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. Napalunok agad ako ng sarili kong laway. Tumingin siya sa kabila kaya nadedepina ko ang pamumula ng pisngi niya. Lihim naman akong napangiti.
She looked so cute when she blushed.
“Huwag kang mag-alala nag-usap na kami ni Papa,” sabi ko naman habang nakatitig pa rin sa kanyang labi.
Oo, nag-usap na kami nang maayos ng aking ama. Wala na akong magagawa pa, kundi ang tanggapin ulit ang aking ama. Pumayag naman kasi si Mama na bumawi ito sa amin, kaya pumayag na rin ako.
Bumalik agad ang tingin niya sa akin, tila ba'y hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nakita kong umawang nang kaunti ang kanyang labi kaya nagtagal ang titig ko roon. Ipinikit ko ng mariin ang aking mata, upang pigilan ang sarili ko.
Tumingin ulit ako sa mga mata niya. Habang tinitingnan ko ito, ay parang lumala lang ang naramdaman ko para sa kanya.
“So, please… Marga, will you... stop avoiding me...” I pleaded.
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko nang bumaba ulit ang tingin ko sa kanyang labi. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya, saka ko inilapat ang mga labi namin dalawa.
Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko para sa kanya, ay mas lalo lang ito lumala. Lalo na't nung nalaman kong may nararamdaman din siya sa akin. At pilit niya rin ito pinigilan.
Tinago namin sa lahat ang tungkol sa aming relasyon. Ngunit, dahil walang sikreto ang hindi nabubunyag.
Nalaman ni Mama ang relasyon namin ni Marga nang makita niya kami sa kwarto nung araw na pumipili kami ng damit para acquaintance party namin. Pinagsabihan niya ako ng mabuti na hangga't maaari magpukos muna kami sa pag-aaral.
Lumipas ang mga araw naging maayos naman ang lahat. Kahit pareho kaming busy sa mga events sa eskwelahan. Hindi pa rin namin nakaligtaan mag-usap araw-araw.
On Marga's birthday, may balak akong surpresahin siya. Sa tulong ni Mama at ng mga kaibigan namin kaya ko nagawa iyon. We made a perfect birthday surprise for her. Naging maayos naman kinalabasan ng party namin para kay Marga. Masaya kami lahat. Ngunit, pag-uwi ko sa bahay ay may malaking problemang dumating.
Pumunta sa bahay ang magulang ni Marga. Nagsisigaw ang kanyang ama at pilit na pumapasok sa bahay namin.
“Nasaan ang anak mo, ha? Saan niya dinala ang anak ko?!” sigaw nito kay Mama. “Alam mo ba tinanan ng anak mo 'yung anak ko, ha! Kaya Misis kung alam ka kung saan ang mga anak natin sabihin mo na!”
“Imposible! Hindi 'yan magagawa ng anak ko!” Hindi makapaniwalang sabi ni Mama.
Bago pa lumala ang gulo ay lumapit na ako sa kanila.
“Sir—” Nagpapaliwanag na sana ako nang bigla niyang hinila ang aking kwelyo palapit sa kanya.
“Ikaw! Saan mo dinala ang anak ko? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil sa ginawa mo!” galit na galit na sabi niya.
“Wala po akong ginawang masama kay Marga, Sir!” sabi ko habang pilit tinatanggal ang kamay niya sa aking kwelyo.
“Sinungaling! Bakit wala siya sa JS prom nila ngayon? Saan mo ba talaga dinala ang anak ko, ha?!”
“Sir, m-magpapaliwanag po a-ako…” nauutal kong sabi.
“Bitawan mo ang anak ko kung hindi, tatawag ako ng pulis!” pananakot ni Mama.
Binitiwan niya ako. Yumakap naman agad sa akin si Mama sa likod. Puno ng pagkamuhi at galit ang nakikita ko sa mga mata ng ama ni Marga. Nagulat na lang kami nang bumunot siya ng baril sa tagiliran niya.
“Ang lakas ng loob n'yong tumawag ng pulis. E, kayo itong nagtago sa anak ko!” Sabay tutok niya sa amin ng baril.
Napaatras kami ni Mama dahil sa takot. Takot ako, oo, pero hindi para sa akin sarili kundi para kay Mama. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Mama nasa aking baywang.
“Hindi ko tinanan ang anak n'yo, Sir! Hindi ko po 'yon magagawa!” Ngunit habang nagpapaliwanag ako sa kanya ay may huminto namang sasakyan at lumabas doon ang aking ama. Tumigil ako sa pagsasalita.
“Sino ka? Ano'ng ginagawa mo sa pamilya ko?!” sigaw ng aking ama at saka nagpunta sa harap namin.
“Vercher.” malamig na sabi ng ama ni Marga.
“Engineer. Roja?”
Nagtaka kami ni Mama kung bakit magkakilala ang dalawa.
“Kaya pala… anak mo pala 'yan, Vercher!” Mariin na sabi ni Mr. Roja kay Papa sabay turo sa akin.
“Mr. Roja. Ibaba mo muna ang hawak mong baril,” marahan na sabi ni Papa.
“Nagmana sa 'yo anak mo, Vercher. Magaling mag-impluwensiya ng tao. Pagkatapos ng ginawa mo sa mga proyekto ko sa Italya noon, tapos itong anak mo naman gustong sirain ang kinabukasan ng anak ko!” Galit na sabi ni Mr. Roja habang dinuduro kami ni Papa.
Napatingin sa akin si Papa. Halatang naguguluhan siya sa sinabi ni Mr. Roja. Umiling ako sa kanya.
“Nung nalaman ko na may relasyon 'yung mga anak natin. Sinabihan ko agad 'yong anak ko na hiwalayan niya 'yong anak mo. Ngunit, hindi ko alam kung ano pinakain ng anak mo sa anak ko para suwayin kami ng mga magulang niya.” sabi ni Mr. Roja. “Ang bata-bata pa ng anak ko para sumama diyan sa anak mo, Vercher!” Sigaw niya habang nakaturo sa akin ang kanyang baril.
Walang sinabi sa akin si Marga tungkod sa ama niya. Siguro, dahil alam niyang susunod ako sa gusto ng kanyang ama. Oo, susundin ko ito, kahit mahirap. Lalo na't para sa ikabubuti niya iyon.
“Sir, hindi ko magagawa sa anak n'yo iyon. Wala akong planong itanan si Marga,” giit ko.
“Walang plano? May ebidensya ako. Pinakita sa akin ng anak ni Mr. Santos. Pinuntahan mo 'yung anak ko sa hotel kanina lang!”
Napaisip ako sa sinabi niya. Isa lang naman ang kilala kong Santos ang apelyido. At lagi itong kaaway ni Marga sa eskwelahan. Kung hindi ako nagkakamali, si Abby Santos ang nagsabi sa ama ni Marga. Hindi siya pinapayagan na sumali sa JS prom dahil sa ginawa nito kay Marga nung may event kami sa eskwelahan. Ginagantihan niya si Marga ngayon. Gumawa siya ng kwento at sinabi sa ama ni Marga para masira kaming dalawa.
“Hindi ko hahayaang na masira ang kinabukasan ng anak ko ng dahil sa 'yo—” sabi pa niya. Ngunit, pareho kami nagulat ni Mama nang biglang lumapit si Papa kay Mr. Roja para agawin ang hawak nitong baril.
Napasigaw si Mama at tinawag si Papa. Inaagaw ni Papa ang baril na hawak ng ama ni Marga. Pumutok ito ng isang beses sa itaas habang nag-aagawan sila. Napasigaw naman si Mama kaya agad ko siyang niyakap. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa takot.
Mabilis ang mga pangyayari. Yakap-yakap ko si Mama nang bigla niya akong tinulak ng malakas, kasabay ang pagputok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko nakahandusay na sa lupa si Mama. Agad ko naman siya nilapitan. Tinulak niya ako para saluin ang bala na sana… ay para sa akin. Dali-dali namang umalis si Mr. Roja kasama ang asawa nito. Hinayaan na namin sila makaalis, dahil ang mas importante ngayon ay si Mama. Dinala agad namin si Mama sa ospital.
Malala ang tama sa braso ni Mama kaya kinailangan siyang operahan. At habang naghihintay sa labas ng operating room ay pinagsabihan naman ako ni Papa.
“Lumayo ka muna sa Marga na 'yon, Dean.” sabi niya.
“Pero, Pa—”
“Tingnan mo ang nangyari sa mama mo ngayon, hindi ka ba natatakot? Na baka mauulit pa 'yon?” galit na tanong niya.
Natigilan ako at napatitig sa dugo na nasa aking kamay. Simula nung nakita ko si Mama nakahandusay sa lupa, duguan. Sobra-sobra ang pagsisisi ko sa aking sarili dahil sa nangyari. Kasalanan ko kung bakit nasa operating room si Mama ngayon, kasalanan ko kung bakit galit na galit ang ama ni Marga, at kasalanan ko rin kung bakit nangyari sa amin 'to.
Tama ang mga ama namin. Kailangan na namin 'to itigil para sa ikabubuti ng lahat. Kahit ayaw ko kailangan ko nang lumayo sa kanya. Kailangan ko siyang saktan para lumayo rin siya sa akin.
Sinadya kong halikan si Erin, sa lilim ng punong mangga kung saan niya kami nakita na nag-uusap. Ginawa ko 'yon para hindi na siya mahirapan na lumayo sa akin.
“Umalis na siya, Dean,” sabi ni Erin pagkatapos ng halik.
Tiningnan ko kung saan siya nakatayo kanina, kung saan niya kami nakita ni Erin naghahalikan.
‘I'm sorry, my love. Kailangan muna natin lumayo sa isa't isa.'
Gusto ni Papa sampahan ng kaso ang ama ni Marga. Ngunit, nakiusap naman kami ni Mama sa kanya. Huwag niya na itong kasuhan para hindi na lumaki pa ang gulo. Sapat na ang pag-iwas ko sa kanya para hindi magalit ang kanyang ama. At para hindi na rin masaktan si Marga.
Madalas ang pag-absent ko sa eskwela simula nung nangyari ang gabing iyon. Binantayan ko si Mama sa ospital, sabay ng pag-iwas ko kay Marga. Ngunit, may mga araw pa rin gusto ko siyang makita kaya pumupunta pa rin ako sa eskwelahan, pero hindi pumapasok. Nasa gate lang ako, sinisilip siya ulit. Palagi ko siyang nakikitang kasama ang mga kaibigan namin, na sigurado akong wala pang alam sa nangyari sa pamilya namin.
Maliban kay Erin, wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari, kahit si Sion. Kaya nung nagkita kami, galit na galit ito sa 'kin.
“Dean!” Tawag ni Sion sa akin at saka sinuntok ako ng malakas. Pumutok naman ang labi ko sa suntok niya. “Tangina mo, bro, akala ko mahal mo si Marga! Gago ka rin pala!” galit na sigaw niya sa akin.
Lalapit pa sana si Sion sa 'kin ngunit, pinigilan na siya ni Tala. Nakahawak naman sa akin si Erin, para siguro hindi rin ako makalapit kay Sion. Pero kahit hindi niya ako pigilan, hindi naman ako lalaban, e. Hahayaan ko ang aking sarili na bugbugin niya.
“Kung gusto mong makipaghiwalay kay Marga, sana sinabi mo sa kanya ng diretso. Hindi 'yung niloko mo pa siya, bro!” galit na sigaw niya sa akin.
“Tama na, Sion! Wala kayong alam sa nangyari!” sigaw naman ni Erin.
“Pa'no namin malalaman kung hindi n'yo naman sinasabi sa amin?” bulyaw na sabi ni Sion. “Hindi namin malalaman nasa ospital pala si Tita Karen kung walang nakakakita sa inyo! Ang unfair n'yo! Kaibigan n'yo ako pero wala kayong sinasabi sa akin. Lalo ka na, Dean. Hindi mo man lang naisip si Marga, na simula nung umabsent ka, tanong siya nang tanong sa akin, pero wala naman akong maisagot dahil wala rin akong alam sa nangyari sa 'yo! Tapos ngayon… malalaman ko na lang aalis na si Marga papuntang France dahil sa away ng pamilya n'yo!?”
Napakunot ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi.
“Pupunta si Marga sa France?” tanong ko kahit alam ko na kung bakit.
“Oo, at hindi ko alam kung kailan. Sinabi lang sa akin ni Lily ito. Baka ngayon na nga alis non, e. Tatlong araw na rin hindi pumapasok si Marga.”
Parang pinipiga sa sakit ang aking puso nang narinig ko iyon. Aalis ba siya dahil gusto niya? O pinilit lang siya ng mga magulang niya? Oo, gusto kong lumayo siya sa akin. Ngunit hindi ko naman matanggap na hindi ko na siya makita pa. Kaya dali-dali akong pumunta sa kanila pagkatapos sabihin akin ni Sion iyon.
I wanna talk to her… explain to her… hindi ko sinasadyang saktan siya. I wanna see her… and say sorry to her. And I wanna hug and kiss her... even just for the last time.
“Marga!” tawag ko sa kanya nang nasa tapat na ako ng gate nila.
Gabi na, at mas lalong dumilim pa ang langit nang bumuhos ang malakas na ulan. My voice drowned in the rain as I shouted her name.
“Marga! Nandito ako sa labas ng gate n'yo! Mag-usap tayo, please!” sigaw ko sa kalagitnaan ng malakas na ulan.
Alam kong nariyan pa siya loob. May ilaw pa, e, nakabukas pa ang ilaw nila. Nakita ko rin nasa garahe pa ang kanilang sasakyan, kaya alam kong nar'yan pa siya sa loob ng bahay nila. Tinuloy ko ang pagsigaw hanggang sa lumabas na 'yong driver nila na may dalang payong.
Lumapit ito sa akin ngunit hindi ako pinagbuksan ng gate.
“Sir, ano'ng ginagawa n'yo rito?” tanong niya sa akin.
“Manong, si Marga po?” tanong ko agad sa kanya.
“Sir, umalis na lang kayo, pinapahirapan n'yo lang ang sarili n'yo rito. Hindi pinapalabas ni Sir Darell at Mam Georgia si Mam Marga kaya umalis na kayo!” pagtataboy niya sa akin.
“Manong, kahit saglit lang. Gusto ko lang siya kausapin.” pagmamakaawa ko naman.
“Sir, pasensya na talaga. Mapapagalitan ako ni Sir Darell pag hindi ko kayo napaalis dito.” pagmamakaawa din niya sa akin.
Umiling lang ako sa kanya. Umangat ang tingin ko sa bahay nila at tiningnan ang binata sa kwarto ni Marga. Bukas ang ilaw ang nito. Binalewala ko ang sinabi ng driver nila, nagpatuloy ako sa pagtawag kay Marga.
“Marga! Alam kong nandyan ka pa! Kausapin mo naman ako, o!” sigaw ko habang pilit nilalabanan ang lamig at patak ng ulan. “Mag-usap naman tayo, p-please, love… k-kahit lumabas ka lang sa b-bintana ng kwarto mo. Masilayan lang k-kita sapat n-na sa 'kin 'yon...” sabi ko pa habang nanginginig na ang boses ko sa lamig.
‘Love, I'm here. I won't leave without seeing you! Please — talk to me… at least one last time. I'm waiting for you here, even though the rain was pouring hard.’
Umiling-iling lang ang driver bago bumalik sa loob ng bahay. Siguro sumuko na ito sa kakukumbinsi sa akin na umalis dito, o di kaya'y magsusumbong na ito sa kanyang amo. I made up my mind, hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita si Marga. Kung aalis man siya kasama ang mga magulang niya. Kailangan ko siyang kausapin at sabihin na maghihintay lang ako sa pagbabalik niya rito… na hihintayin ko siya kahit gaano katagal pa 'yon.
Pagkalipas ng limang minuto ay bumalik 'yong driver. Pero ngayon ay may kasama na siya. Nakasunod sa kanya ang ama ni Marga at si Yaya Mina.
“Ayaw mo ba talagang umalis diyan?” mariin tanong ni Mr. Roja sa akin.
“Sir, gusto ko lang makausap si Marga.” sabi ko.
“Bakit gusto mo pang kausapin ang anak ko? Hindi pa ba sapat na tinanggalan kita ng scholarship at binaril ko pa ang mama mo para iwasan mo na si Marga?! Ano'ng gusto mo pilayan pa kita diyan?” pagbabanta niya sa akin.
Nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi niya, ngunit binalewala ko lang ito. Matapang ako lumapit sa ama ni Marga kahit nakaharang pa ang gate nila. Hinawakan ko ito nang mahigpit habang nakatitig sa ama ni Marga.
“Alam mo ba ng dahil sa inyo ng nanay mo hindi na nakikinig sa akin ang anak ko!” singhal niya sa 'kin. “Sinusuway na niya kami bilang magulang niya ng dahil sa inyo! Nilalason n'yo ang utak ng anak ko, sinisira n'yo kami sa kanya!” galit na galit na sabi niya.
“Sir, kung may nagawa man kaming mali. Ako na lang po ang parusahan n'yo, huwag na ang nanay ko… at si Marga. Tatanggapin ko ang kahit anong parusa na ibigay n'yo sa akin, basta gawin n'yo lahat para maging masaya lang si Marga,” hiling ko naman sa kanya.
He laughed sarcastically at what I said. Then he walked towards me and grabbed my chin tight, and pinched it. He stared badly at me as if he wanted to kill me.
“Brat, ang lakas ng loob mo para utusan ako. At ano ba sa tingin mo? Na hindi ko kayang pasayahin ang aking anak?!” At marahas na binitiwan ang aking panga kaya napabaling ako sa kabila.
“Sir, alam n'yo bang palaging binu-bully si Marga sa eskwelahan? At lagi rin siyang sinasabihan na ampon? Anak ng isang Yaya?” maririin kong tanong sabay baling kay Yaya Mina na napakagat sa kanyang labi dahil sa sinabi ko. “Hindi n'yo alam 'yon, 'di ba? Palagi kasi kayong wala…”
Kumunot ang kanyang noo at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Na para bang gusto niya na akong suntukin. Hindi ako nagpatinag, tinuloy ko ang aking sinasabi.
“Sir, alam kong nagsisikap ka sa pagtatrabaho dahil gusto mong mabigyan siya ng magandang buhay ngunit hindi iyon ang gusto ni Marga. Hindi niya gusto ang materyal na bagay, hindi niya rin gusto ang marangyang pamumuhay. Ang gusto niya lang ay simpleng pamumuhay na kumpleto kayo at palaging magkasama...” dagdag ko pa.
Sinabi ko 'yun habang nakatingin sa kanya. He swallowed hard. I don't think his expression has changed, or maybe not. Namalik-mata lang yata ako. Dahil mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin.
“At sino ka naman para turuan ako sa dapat kong gawin para sa aking anak. Parepareho talaga kayo mag ama, mga pakialamero!” sigaw niya sa akin. “Mina, tumawag ka nang pulis, may ipapahuli tayo na gago dito!” utos niya kay Yaya Mina bago tumalikod sa amin.
Nagdadalawang isip naman si Yaya Mina kung susundin ba niya ang utos ng kanyang amo o hindi. Tumingin si Yaya Mina sa akin, tila ba'y humihingi ito ng paumanhin sa 'kin. Yumuko lang ako at hinintay na lang ang mga pulis na dadampot sa akin.
“Dean, anak…” dinig kong tawag sa akin ni Mama. Kagigising ko lang mula sa matinding lagnat. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
Tiningnan ko ang aking ina na nasa tabi ng kama ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na kung gaano siya nag-alala sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan makonsensya. Lagi ko na lang siya pinag-alala at binibigyan ng problema. Dapat ako itong nag-aalaga sa kanya ngayon, dahil hindi pa magaling ang sugat niya.
Pinuntahan agad ako ni Papa sa police station nung nalaman niyang nakulong ako at nahimatay pa sa loob ng selda. Basang basa ang damit ko no'n dahil sa ulan, wala akong pangpalit. Kaya nung kinulong ako sa selda na kasing lamig din ng panahon. Walang kama na mahihigaan, at dahil bago ako ay wala rin akong karton na pang-banig. Isiniksik ko na lang ang sarili ko sa isang sulok habang nakaupo sa semento, yakap-yakap ang sarili dahil sa sobrang lamig. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaupo sa loob. Kaya siguro hindi ko namalayan na nahimatay na pala ako dahil sa taas ng lagnat.
Sinugod agad ako sa ospital, at nacomma ng dalawang araw. Nalaman ito ng buong eskwelahan. Sinabi ni Erin sa mga professors namin na hindi ako makakapasok ng isang Linggo dahil nagpapagaling pa ako. At habang nakahiga sa kama, naghihintay sa paggaling ko ay nalaman ko naman naka alis na si Marga kasama ang magulang niya.
“Kalimutan mo na siya, Dean,” sabi ni Erin nung binalita niya sa akin ang pag-alis ni Marga.
Umiling ako. “Alam mo kung hindi ako na-ospital ngayon ay hinabol ko na siya.” galit kong sabi.
Umiling-iling naman siya sa sinabi ko. “Iniwan ka na niya, Dean. Ni hindi ka man lang niya kinausap para magpaalam o binigyan man lang ng sulat. Hindi ka talaga niya mahal, and for sure hindi na 'yon babalik dito.”
“Kahit na… maghihintay pa rin ako. Hihintayin ko pa rin siya, Erin.” sabi ko kahit alam kong walang kasiguraduhan ang pagbabalik niya.
Lumipas ang apat na taon, wala akong narinig tungkol sa kanya. Whether she'll come back or not. She didn't even talk to one of her friends here about their leaving. At pagkatapos niyang umalis, wala rin siyang kinontak dito, kahit ang kanyang best friend.
Minsan nakakapagod din maghintay ng walang kasiguraduhan. Kaya tinuon ko na lang ang aking sarili sa ibang bagay. Pagkatapos gum-ra-duate ng college ay nag trabaho agad ako sa kumpanya ni Papa sa Maynila. Sa trabaho ginugol ko ang aking oras para naman kung bumalik siya ay may mapatunayan na ako sa magulang niya.
“Ikakasal ka na pala. Congratulations!” sabi ko kay Lucas nung inimbita niya kami ni Sion sa isang bar.
“Wow! Pre, congrats!” sabi naman ni Klein, ang bestfriend ni Lucas.
“Naku! Malabo akong makakapunta sa araw na 'yan. Babantayan ko pa kasi ang asawa ko,” sabi naman ni Sion. “Si Dean… sigurado akong pupunta ito.” Sabay akbay nito sa akin. Alam kong may kahulugan ang kanyang huling sinabi.
Tumango naman ako kay Lucas. “Oo, pupunta ako.”
“Mabuti naman kung gano'n,” sabi niya at nagpasalamat sa akin. “Nga pala… umalis kasi 'yong engineer ni-hire ko sa bahay namin ni Dollie. Gusto ko sana ikaw ang magpatuloy non, bro. Wala pa kasi sa kalahati 'yong ayos ng bahay, e. Saka nag-request na rin ako kay Marga na siya naman sa furniture ng bahay.”
Natigilan ako sa pag-inom ng alak dahil sa huling sinabi niya. “Uuwi na si Marga?” gulat na gulat na tanong naman ni Sion.
“Hm-hmm, uuwi 'yon. Kasal ko, e!”
Kaya walang pagdadalawang isip na tinanggap ko ang request ni Lucas. Sinimulan ko na ang pagtatrabaho sa bahay ni Lucas. Kalahati na lang kasi ng bahay ang kailangan tapusin, kaya mabilis lang ito.
Mag-iisang Linggo na ako nagtatrabaho sa bahay ni Lucas. Aniya, sa sunod na Linggo pa ang dating ni Marga. Kaya naghanda talaga ako sa muling pagkikita namin.
She's changed a lot.
She was beautiful back then, but she is even more beautiful now.
Hindi ko tuloy mai-alis ang tingin ko sa kanya nung araw na iyon. She looked so shocked and stiff when she saw me. Habang ako ay seryoso lang nakatingin sa kanya.
Gusto ko agad siya kausapin at tanungin tungkol sa nangyari noon. Ngunit, parang iniiwasan niya naman ako, kaya dumistansya na muna ako sa kanya. Ramdam ko kasi ang pagkailang niya sa akin sa tuwing kami lang dalawa ang magkasama. Lalo na sa tuwing tinatanong ko siya sa mga nangyari noon. Palagi niya iniiwasan ang mga tanong, kaya lagi na lang din mauuwi sa sumbatan ang aming pag-uusap.
Hindi ko siya kayang sumbatan, dahil alam kong hindi niya rin ginusto ang mga nangyari noon. Sa aming dalawa, siya ang mas walang kaalam alam sa mga nangyari. Kaya labis akong nasasaktan nung nalaman kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyari noon.
Hindi niya ako kayang tanggapin ulit dahil baka masaktan na naman niya ako. Dahil baka maulit na naman 'yong dati. Ngunit, hindi ako sumuko.
At habang ginagawa ko ang lahat, tinataboy niya naman ako palagi. Mula nung nalaman niyang hindi ko tinanggap ang trabaho sa Macau. Binasted niya agad ako, dahil ayaw niyang mas uunahin ko siya kaysa sa trabaho. Nalaman din niya ang buong nangyari noon, kaya mas lalo niya akong hindi matanggap.
“Dean!” tawag sa akin ni Mama nang naabutan niya akong nakaupo lang dito sa sala. “Kumusta?” Tumabi siya sa akin sa pag-upo.
“Aalis s'ya, Ma. Iiwan niya na naman ulit ako,” pagsumbong ko.
Nung nalaman kong babalik ulit siya sa France, ay ramdam ko ang pagkawala ng pag-asa. Parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ko nang malaman kong aalis ulit siya. Iiwan na naman niya ako.
At wala na akong magagawa ko iyon ang gusto niya.
“Congrats, bro! Sa wakas kasal ka na rin,” sabi ni Sion sabay hawak sa balikat ko.
“Oo nga, e. Akala ko wala ka ng balak mag-asawa, 'yon pala 'yung pinsan ko ang hinihintay mo.” Lucas added.
Katatapos lang ng kasal namin sa simbahan, at nandito na kami sa reception area. Tinatanaw ko si Marga habang pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya. Tinitingnan ng mga kaibigan niya ang kanyang daliri na may suot na wedding ring. Bakas na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha habang pinapakita ang kanyang daliri.
Kadadating lang namin ay hinihila na kami ng mga kaibigan namin, kaya napahiwalay kami sa isa't isa.
Nakita kong paakyat na ang emcee sa stage para simulan na ang pagdiriwang, kaya naglakad ako papunta kay Marga. Tumikhim naman ako nang makalapit sa kanila.
“Pwede ko na bang bawiin ang asawa ko?” tanong ko.
Humiyaw naman ang nakarinig sa sinabi ko habang si Marga nahihiyang napatawa dahil sa pang-aasar nina Sheena at Lily.
“Bilisan n'yong makabuo, ha! Para naman may kasabay na 'tong anak ko,” sigaw ni Sheena.
I couldn't help but chuckle because of Marga's reactions. Her cheeks were red right now. Lumapit siya sa akin at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko. Ngunit, nang mahuli ko ang tingin niya ay tinaasan ko agad siya ng kilay. Lumapit ako lalo sa kanya at dahan-dahan kong ibinaba ang aking labi sa tapat ng tainga niya.
“ We're having a honeymoon later, so please… be ready,” I whispered.
Tumawa ako nang makita kong pumula pa lalo ang pisngi niya. Sinamaan niya agad ako tingin at sinampal ng mahina ang aking braso.
“Tara na nga!” sabi niya na ikina ngisi ko pa lalo.
“Oh? Bagong kasal palang kayo. Ano? Hiwalayan na agad?” sabi ni Lily, na may pangungutya.
Mauuna na sana maglakad si Marga nang hawakan ko ang kanyang kamay. Hinila ko siya pabalik sa akin. Pagkatapos dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya. Kitang-kita ko naman ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Bago pa siya makapagsalita ay inilapat ko na aking labi sa kanyang labi, habang naghihiyawan ang mga bisita namin.
I wrapped my arms around her waist when she responded to my kiss. Nahiyawan ulit ang mga bisita namin.
Finally, after the years of waiting for her, I can finally build our happy family together.
© HOPEDEEPLY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top