CHAPTER 9
HOPEDEEPLY
Nag-taxi ako pauwi ng bahay. Nang sumakay na ako sinabihan ko agad ang driver na paandarin na ang taxi para makaalis na sa lugar na 'yon. Nanatili pa rin nakatayo roon si Dean, hindi na ako sinundan pa. Mabuti na rin siguro 'yun.
Habang nasa loob ako ng taxi ay pinipigilan ko naman ang aking mga luha sa pag-agos. Buti na lang nagpukos sa pagda-drive ang driver at hindi na ako nilingon pa na sumisinghot-singhot dito sa kanyang likod.
Pagkarating sa bahay ay dumeretso agad ako sa aking kwarto at doon na ibinuhos ang lahat-lahat habang nakatalukbong ng kumot. I wanted to pour all the tears on my body to reduce the pain, but it still didn’t subside. I have to cope with it, para maging okay na ako bukas.
Ganito ba talaga kapag na-inlove? Masasaktan talaga? Akala ko madali lang 'to. Akala ko kapag nagmahal ay para ka lang nakasakay sa ulap, hindi pala. Hirap pala nito… hirap umiwas sa taong mahal mo… kahit alam mo pareho kayong nasasaktan.
“Oh my god! Is that true?!” sigaw ni Sheena, pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Dean.
Napatayo siya habang nakatukod ang kanyang mga kamay sa lamesa at nakayuko rin siya para matitigan akong mabuti. Napatingin tuloy sa amin ang ibang kustomer na kumakain dito sa restaurant, na malapit lang sa eskwelahan namin. Kasama rin namin si Sheera, ang kapatid ni Sheena.
Nanlaki ang mga mata nito habang tiningnan ang kanyang ate na biglang tumayo sa tabi niya, dahil sa napaka-oa nitong reaksyon.
Nasapo ko agad ang aking noo habang nakatukod ang aking siko sa lamesa. Umiling ako sa kahihiyan na ginawa ng kaibigan ko.
Alam niya na kausap ko si Dean no'ng nakaraang araw kaya nangangamusta siya sa nangyari. Kaya kinuwento kona sa kanya.
Narinig ko siyang tumikhim at umupo muli. Kaya inangat ko ang aking mata at agad sinamaan siya ng tingin.
“Sorry,” she mouthed, tsaka nag-peace sign sa akin.
“Hay grabi, kung maka-react ka naman diyan Ate parang wala ng bukas.” panunuyang sabi ni Sheera sa kanyang ate, “at ano ba yang pinag-uusapan n'yo? Pwede bang sumali?” tanong nito, ngumiti pa sa akin.
“Tse! Mag-headset kana nga lang diyan! Ang chismosa mo!” singhal ni Sheena sa kanyang kapatid.
Ngumuso ito at nagpatuloy na lang sa pagkikinig ng music sa kanyang iPod.
“So…” panimula muli ni Sheena, “nag-away kayo… hindi na ba kayo magbabati na, huh? Ano, iiwasan mo na ba talaga s'ya?” pabulong niyang tanong sa 'kin.
I shook my head, responding to her question.
“Hindi ko alam…” I trailed off. “pero nahihirapan ako… mabigat pa rin kasi sa dibdib…” I continued.
I thought when I avoided him, everything would be okay. The pain will be reduced, but not. I thought when I cried all over that night. Hindi na ako masasaktan pa kapag nakikita ko siya. That I'm okay… everything is okay, but not.
It's like there's a dagger stuck in my chest every time I see him with the other girl he's always with.
Nakita ko pa sila nagtatawanan tuwing mapatingin ako sa kanila. Parang hindi na niya inaalala ang nangyari sa amin.
Kung sabagay, estudyante lang naman ang turing niya sa 'kin, schoolmate at tutor ko lang siya, o kapatid at siya naman ang kuya ko. O baka naman wala lang ako sa kanya… kasi nahahabag lang siya sa akin.
It's february, magsisimula na kami ng practice ng sayaw para sa JS promenade. Kung kaya't nandito kami lahat ng grade nine at grade ten sa ground area, naghahanap ng magiging partner sa event na iyon. Hinalo na lahat ng sections ng grade nine at ten kaya magulo ang ground area. Dito rin kami magpa-practice ng sasayawin namin dahil ang auditorium ay dini dekorasyon naman para sa Acquaintance party ng mga senior high.
Alas kwatro na ng hapon ngayon. Sinigurado talaga ng guro namin na hindi kami maiinitan sa oras ng practice. Two hours ang practice namin kaya alas sais na kami makakauwi nito. Nagpaalam na rin ako kay yaya Mina na matatagalan ako ng uwi simula ngayon, para hindi na siya mag-alala pa sa akin.
Alam na rin ito ng parents ko. Si yaya Mina na ang nag-inform sa kanila. Ang sabi pa ni yaya Mina, tuwang-tuwa raw si mommy na mag-js prom na kami, at si mommy pa raw pipili ng susuotin ko. Muntik na akong maniwala, nang maalala ko, kahit sa birthday ko noon at sa mga ibang okasyon, hindi naman sila naghanda at hindi rin sila nag-atubili na batiin o kahit kamustahin man lang ako, baka sakaling may kulang sa ginagawa namin ni Yaya o tingnan ako kung maayos ba ang itsura ko. Ang tanging sinabi lang ni mommy lagi kay Yaya, ‘tawagan mo ko pag may emergency’.
Hindi na sana ako sasali sa event na 'to. Kaso sayang naman ang points, dagdag din iyon sa grades ko. At isa pa 'tong si Sheena, pinagbantaan pa ako. Kapag hindi raw ako sasali sa event na 'to, ay sasabihin niya sa lahat na may gusto ako kay Dean. Oh, diba? Babaliktarin din naman pala ako ng matalik kong kaibigan. Dapat pala iniwasan ko na siya noon.
“Hay naku!” sigaw ni Sheena habang nag-iinat ng kanyang kamay. “Sa ganda natin wala man lang lumapit na maging partner tayo!” bored nitong sabi na may kasamang paparinig na rin sa iba.
“Tumigil ka nga diyan! Nagmukha kang desperada!” sita ko sa kanya.
“E kasi naman Mare… nauubusan na yata tayo ng partners, e!” naiiyak niyang sabi.
I rolled my eyes because of her mannerism.
“Kung takot ka pala maubusan! Ba't hindi na lang ikaw ang maghanap ng partner mo?!” bulyaw ko sa kanya.
“Uy! No way! Hindi ko iyon ikagaganda, no!” she fired back at me as she flipped her hair.
I rolled my eyes on her, again. Bahala ka nga diyan! Basta ako, okay lang sa 'kin na wala akong partner. Ang mahalaga lang naman ay makasali sa event na 'to. Kakain na lang ako sa araw na 'yon, habang sila nagsasayawan kasama ang kapareha nila. Tsaka sa dami ba naman namin imposible na magkasya kami lahat sa dancefloor.
Naiinip na kaming dalawa ni Sheena rito sa may upuan. Wala pa rin lumalapit na gusto makipag-partner sa amin. Kung sabagay, maraming estudyante naman ang ayaw sa amin. Kaya hindi na ako magtataka kung kami lang dalawa ang walang kapareha.
“Pwede naman tayong dalawa, a!” sabi ko.
Her eyes widened because of what I said. Lumapit siya sa akin ng konti, at nakita ko kung paano umukit ang ngisi sa kanyang labi, showing her white teeth. Tila may iniisip na kalokohan.
I rose an eyebrow as her eyes dropped to my chest, while licking her lips. Pagkatapos ay tiningnan niya ulit ako na may mapanuyang tingin.
“Bakit? Tomboy kana ba, Mare?” tanong niya.
Kumunot ang aking noo bago siya sinamaan ng tingin.
Umiling siya. “Broken hearted ka lang, diba— aray!”
Napahawak siya sa kanyang batok nang bigla ko siyang binatukan dahil sa inis ko. Kung ano-ano na kasi pinagsasabi. Kinikilabutan tuloy ako. Ngumuso siya habang kinakamot ang kanyang batok.
“Hindi ako tomboy, no! Hindi ko ikagaganda yun, bruha ka, kilabutan ka nga!” I hissed out of frustration.
Bakit? Masama bang kami muna mag-partner ngayon, habang wala pang may gustong makipag-partner sa amin? Kung gusto niya talagang lalaki ang partner niya. Bahala siya! Bakit ba kasi kami pa ang pinapapili ng guro namin? E pwede namang sila na mag-assign sa amin. Edi sana, nagsimula na kaming sumayaw ngayon!
I crossed my arms on my chest and looked at the sea of students in front of us. Chatting and laughing with their partners. Mukang kami na lang talaga ang walang kapareha ngayon. Damn!
“Sorry naman, pero… pwede rin naman yun kung wala na talaga tayong choice. But argh! Sino naman sa atin ang magpapanggap na lalaki, huh?” she said. “At sure ako, kapag tayo na lang dalawa ang maiiwan dito ay pagtatawanan na naman tayo ng buong campus.” umiiling n'yang sabi.
I heaved a sigh.
“Hindi naman siguro tayo babagsak nito kung—”
“Oh, no no! I won't let that happen. Hindi ako makakapayag na hindi tayo makakasali sa JS prom na 'to. This is our first time!” she said.
I rolled my eyes. Kahit first time ko 'to, hindi naman ako excited rito, e!
Suddenly, I stood up. Nahimigan ko kasi na naiihi ako kaya kailangan kong pumunta ngayon sa restroom. Nagtataka naman si Sheena habang nakatingin sa akin kaya bumaling ako sa kanya ng buo.
“Saan ka pupunta?” pagtatanong niya sa'kin habang lumalim ang gitla sa kanyang noo.
“Sa restroom lang, naiihi ako, e.” pabulong kong sagot sa kanya.
Tumango naman siya sa'kin. “Sige, bilisan mo, huh!” sabi niya.
Nagmamadali agad ako maglakad papuntang restroom. Para na kasing puputok na ang pantog ko at gustong-gusto na umihi.
“Ako na bahala maghanap ng partner natin!” pahabol na sigaw ni Sheena sa'kin habang lumalayo na ako sa kanya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad rito sa hallway. Pumasok agad ako sa female restroom at naghanap agad ng bakanteng cubicle. Tiningnan ko ang mga sign ng bawat pintuan pero halos lahat may tao sa loob, kaya lumabas na lang ako at agad pumunta sa kabilang building ngunit ganoon pa rin. May tao rin sa lahat ng cubicles. Oh my god! Puputok na yung pantog ko! Ano ba! Bakit puno lahat? Naka-red tide ba lahat ng estudyante ngayon!
Lumabas ulit ako sa restroom na yun at lumipat muli ng building upang maghanap ng bakante. Napatigil ako saglit nang matanto kong papasok pala ako ngayon sa senior high building. Umirap ako sa kawalan.
Ano, Marga! Aarte ka pa ba?! Hindi naman kayo magkikita ngayon, dahil nasa Auditorium silang lahat at nagde-dekorasyon ngayon roon. At kung magkita man kayo, hindi ka naman papansin non. Ano! Malapit na pumutok ang pantog mo tapos aarte ka pa!
Umiling na lamang ako, at nagpatuloy na sa pagpasok sa restroom. Ihing-ihi na talaga ako. Hindi ko na kayang pigilan pa 'to. Nang may bakanteng cubicle ay pumasok agad ako sa loob at umihi na. Gumaan agad ang pakiramdam ko pagkatapos kong umihi.
Naghugas muna ako ng kamay bago lumabas ng restroom para makabalik nasa ground area kung saan nandoon pa ang mga kaklase ko at schoolmates, at saka si Sheena na nakasisiguro kong nababagot na yun sa kahihintay sa akin.
Nandito ako malapit sa hagdanan. Lalabas na sana ako nang may naririnig akong nag-uusap sa itaas nito.
“Gusto kita, Dean.” narinig kong sabi ni Erin.
Namilog ang mga mata ko sa gulat at agad na nagtago nang matanto kong sila pala ni Dean ang nasa taas ngayon.
“Dean, do you hear me? I like you! I really really like you!” paulit-ulit na sabi ni Erin, ngunit hindi pa rin sumasagot si Dean. Nanatili lang itong tahimik at walang kibo.
Naninikip ang dibdib ko sa kaba at pagkadismaya dahil sa narinig ko ngayon. Hindi ko alam kung lalabas ba ako rito para hindi marinig ang sagot ni Dean sa kanya, o manatili muna rito para hindi ako mahuli, tatakpan kona lang ang aking tainga para wala akong marinig sa pinag-uusapan nila. Ngunit huli na ang lahat nang marinig kong nagsalita na si Dean.
“Erin… uhh… yes…” he trailed off, “I like you, too…” he said breathily.
“T-talaga? Y-you like me too?” nauutal na tanong ni Erin, gulat na gulat.
“Yes, I like you…” Dean answered again, with annoyance in his voice.
Napahawak ako sa aking bandang puso. My breath was steady, and a hot bullet of tears streaming down to my cheeks from my eyes. Parang sinaksak ng punyal ang aking puso nang marinig ko mismo kay Dean na may gusto rin siya sa babae.
God! Bakit pa kasi ako nanatili rito? At bakit pa sila nandito? 'Di ba, may gagawin sila sa Auditorium ngayon. Anong ginagawa pa nila rito? Nagmo-moment?!
I harshly wiped my tears on my cheeks. Pumikit ako ng mariin bago huminga ng malalim. Dahan-dahan akong lumabas sa aking tinataguan at sumilip ng konti sa kanila.
Ngunit hindi ko na nakayanan pa ang aking nakita. Mas lalo lang nadurog ang puso ko, kaya hindi na ako nagdalawang isip na umalis at tumakbo palabas ng building na yun.
Wala na akong pakialam sa mga matang nakatingin sa akin, habang nagpapahid ako ng aking mga luha sa pisngi ko.
Ang gusto ko lang makalayo na roon sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
They like each other, Marga! Wala kana, wala ka ng pag-asa pa! Dapat mo na ngang kalimutan siya. Mag-move on kana, okay?!
“M-marga! What happened?” Takang tanong ni Sheena nang makabalik na ako rito sa pwesto namin.
Iniwan niya agad ang dalawang lalaking kausap niya at hinarap ako ng mabuti. Nakasunod naman ang dalawang lalaki sa kanyang likod, kung kaya't inayos ko agad ang aking sarili. Dahil nakakahiya pag nakita pa nila ako na ganito ang itsura, baka gawan pa nilang issue ito.
“Oh my god! Why are you crying?” nag-aalalang tanong ni Sheena sa akin, at tinulungan ako na magpahid ng luha sa aking pisngi. “Alam mo sabi ng guro natin... pwede na raw tayo maka-uwi kapag meron na tayong partners. Bukas pa kasi magsisimula ang practice natin, dahil bukas pa raw pupunta rito ang ating choreographer.” she subtly said.
I nodded at what she said, because I also want to get out of here. Ayoko muna makita ang dalawa ngayon. Hindi ko pa kaya, lalo na nanumbalik sa aking isipan na magkayakap pa rin ang dalawa ngayon doon. That's hurt! Para akong tinu-torture sa sobrang sakit dahil sa nakita ko!
“Gusto n'yo ihatid na namin kayo?” singit ng lalaking kausap ni Sheena kanina. Sila yung nasa last section ng grade nine, sila yata ang magiging partner namin sa sayaw.
“No, thanks. May sasakyan naman kami. Kitakits na lang tayo dito bukas.” sabi ni Sheena sa dalawang lalaki, pagkatapos ay hinila na ako palabas ng eskwelahan.
Hindi na ako nagtanong kay Sheena kung paano siya nakamingwit ng dalawang bangus sa dagat. Basta hinayaan ko na lang siya hilain ako palabas ng gate at pumunta kami sa isang mini store. Nagtataka akong pinasadahan ng tingin ang buong lugar. Then, I looked at Sheena.
“Anong ginagawa natin dito?” Takang tanong ko.
“Mag-iinuman,” she answered directly.
Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Nababaliw na ba 'tong babae na 'to? Anong mag-inuman kami?
“Are you crazy?!” I shouted.
“Hindi! Broken hearted ka ngayon, di ba? Ako kasi kanina pa!” sabi niya habang itinuturo ang kanyang sarili.
Hinila niya ulit ako papasok sa store. Wala na rin kasi akong magawa kundi ang magpahila sa kanya. Nang makapasok kami ay agad siya dumampot na kung ano-anong chichirya at pagkatapos ay pumunta naman siya sa freezer, kung kaya't dali-dali akong lumapit sa kanya para pigilan siya.
“Sheena! Ang bata bata pa natin para mag-inom!” bulyaw ko sa kanya habang pinipigilan siya.
Tumawa siya. Tsaka tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
“Pinagsasabi mo riyan?” mataray niyang sabi sa akin at binuksan ang freezer.
Kumuha siya ng anim na botelya ng gatas. Tiningnan niya ako at ngumisi sa akin. Hinampas ko naman siya ng pabiro sa kanyang balikat, habang tinawanan niya naman ako.
“Alam kong bad influence ako na kaibigan sa 'yo, pero hindi naman ako sobrang lala gaya ng nasa isip mo ngayon.” sabay lapag niya sa lamesa ng mga pinamili namin.
Nasa labas na kami ngayon, sa tapat pa rin ng store na pinagbilhan namin. Umupo na kami sa upuan. Kumuha ako ng isang chichirya at agad na binuksan ito, habang si Sheena ay binuksan ang isang bote ng gatas at agad itong tinungga.
“Anong nangyari kanina?” tanong niya pagkatapos ibinalik ang bote ng gatas sa lamesa.
“Ikaw, anong nangyari?” balik na tanong ko sa kanya.
Agad na umikot ang mga mata niya sa akin. Binuksan niya ang isa pang chichirya at pinapak ito. Huminga ako ng malalim tsaka binuksan din ang isang gatas at uminom. Pagkatapos ay nilapag ko ito sa lamesa at agad na bumaling sa kalsada kung saan nagdadaanan ang mga sasakyan.
I swallowed hard.
“Sila na, Sheena.” pabulong kong sabi sa kanya. Parang pinipiga naman ang puso ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina.
I don’t know what exactly happened to them, pero sa narinig at nakita ko kanina. Imposible na hindi pa sila. Saan pa ba pupunta ang kanilang relasyon kapag nagkaaminan na? Edi magiging sila na, hindi ba?
“Sila na?” nagtataka n'yang tanong sa akin, “Sino?” tanong niya pa ulit.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
“Sila Erin at Dean…” I managed to speak my words, habang ang dibdib ko ay sumisikip na. “Narinig ko sila at nakitang nagyakapan kanina,” I added.
“Are you sure?! Oh my god!”
Mabilis akong tumango at bumaling sa aking kanan para hindi niya makita ang pagtulo ng aking mga luha. Suminghot ako habang pinunasan ang aking mga luha sa pisngi. Nakakainis! Ayaw tumigil ng mga luha ko. Tuloy pa rin ito sa pag-agos sa aking pisngi, na parang talon. Naramdaman ko ang pagtayo ni Sheena sa kanyang upuan at lumapit ito sa akin. Umupo siya sa aking tabi at inalo ako.
Mas lalo tuloy akong napaiyak dahil sa pag-alo niya sa 'kin. Hindi ba talaga mauubos ang luha na ito? At hanggang kailan naman ito titigil? Hanggang kailan din ba mawawala ang sakit sa aking dibdib, at kailan ba ako makaka-move on? Pa'no ko ba mabubura ang nararamdaman kong ito? Hirap na hirap na ako kimkimin pa ito.
Kahit hindi naman naging kami, gusto ko pa rin palayain siya.
“Ssshhh… bestfriend. Tahan na please…” she subtly said while she gently caress my back. “Okay lang yan… may mga tao talagang hindi para sa 'tin… at may mga tao rin na karapatdapat sa atin. Alam kong alam mo yan, 'di ba?”
Tumango agad ako sa kanyang sinabi. She's right! There's someone for me, someone who loves me back the way I love him too. Kung hindi talaga kami para sa isa't isa. Bakit ko pa ipipilit, hindi ba? He likes someone now! Kaya mas mabuti pang maging masaya na lamang ako para sa kanya.
“Saka bata kapa naman, e! Makakilala kapa ng marami pang Dean,” sabi niya.
Pinahiran ko ang mga luha sa aking pisngi, tumulong na rin si Sheena sa akin.
“Pa'no mo naman nasasabi?” tanong ko sa kanya.
“Tiwala lang! Mana ka sa 'kin ng kagandahan, e!” sagot niya, habang hinawakan ang aking baba.
“Puro ka kalokohan!” sabay tulak ko sa kanya.
Tumawa siya, kaya tumawa na rin ako. Tumigil din agad nang may maalala ako sa sinabi niya kanina. Umayos ako ng upo at hinarap siya.
“Ako naman ang magtatanong sayo? Ano'ng nangyari, huh?” usisa ko sa kanya.
“Uhh…”
My eyes narrowed, staring at her as she averted her gaze from me. Kinuha niya agad ang kanyang gatas at uminom doon. Napakagat siya ng labi niya nang humarap na siya sa akin ng maayos. Tinaasan ko siya ng isang kilay sa tagal niyang magkwento.
“Uhmm… ganito kasi yun…” she trailed off, at kumuha muna ng chichirya bago siya magsimulang magkwento.
Pagkatapos niya magkwento. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin dalawa, habang nakatulala sa kalsada. Iniisip ang mga nangyari sa amin dalawa.
“Ang sakit pala talaga magmahal, no?” she asked out of nowhere.
“Magbestfriend nga talaga tayo,” she added.
Tumawa kaming dalawa sa kanyang huling sinabi. Pakiramdam ko para na kaming nababaliw dito. Kanina lang ay umiiyak kaming dalawa, tapos ngayon tumatawa na. Buti na lang walang ibang taong tumatambay rito, kami lang dalawa.
Kinuha niya ang dalawang bote ng gatas at agad binigay sa akin ang isa. Tinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na bote.
“Cheer?” pagtatanong niya.
I genuinely smiled at her. “Cheer!” I subtly said.
Nanatili pa kaming dalawa sa store, habang nagkukwentuhan. Binabalikan namin ang nangyari noon, lalo na yung paano kami nagkakilala at nagkakasundo sa maraming bagay. Nagpasya lamang kami umuwi nang mapansin namin na dumidilim na ang paligid...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top