CHAPTER 7

HOPEDEEPLY



I can't imagine nakausap ko ang ama ni Dean kanina. Kung yun nga talaga ang papa niya. Hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin kanina pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Kung sasabihin ko ba kay Dean o hindi ang nangyari kanina.

Alam kong nagsasayahan na sila ngayon sa bahay nila. Kanina pa tumatawag sa 'kin si Sion ngunit hindi ko sinasagot dahil alam kong yayayain niya ako kila Dean.

Sion Panget(TT):

Bakit wala ka? Ikaw na lang ang kulang dito, ate Marga! :(

Nagtipa ako ng mensahe para matigil na ito sa kati-text at tawag sa akin. Gusto ko lang magsaya silang lahat na nandoon, hindi yung aabalahin pa nila ang kanilang mga sarili sa pagtawag sa 'kin.

Ako:

Busy ako ngayon kaya hindi ako nakapunta diyan. Congratulations and enjoy your day. Wag nyo na akong kulitin. Busy ako!

Matapos kong magreply ay nilagay kona sa side table ang aking cellphone. Nandito ako sa aking kwarto, nagkukulong. Walang ganang lumabas. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama at tumitig sa kisame habang iniisip kung paano ko na naman iiwasan si Dean sa mga sumusunod na araw. Dahil nahihirapan na akong kimkimin ang naramdaman ko para sa kanya tuwing magkasama kaming dalawa.

Dahil sa tuwing magkasama kaming dalawa ay mas lalong lang ako nahuhulog sa kanya. At baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at umamin pa ako sa kanya.

Kaya mas mabuting iiwas na lang ako para madali lang sa 'kin ang kalimutan siya… ang kalimutan itong nararamdaman ko para sa kanya. Para hindi na ako masaktan ng sobra sobra.

“Bakit wala ka kila Dean noong biyernes? Tinatawagan ka namin hindi ka sumasagot. Anyare sa 'yo?!” Dere-deretsong pagtatanong ni Sheena sa akin sa pagpasok ko pa lang ng classroom.

Diretso lang ang lakad ko patungo sa aking upuan habang nakabuntot naman siya sa 'kin. I sat down and placed my books on my desk. At agad na binuklat ang isa sa mga libro para magbasa. Ngunit tinakpan agad ito ni Sheena ng kanyang kamay.

“Huy! Maria Gandrelle Roja! Hindi mo ikagaganda ang pag-iignora sa 'kin ngayon! Lalo na't alam ko kung bakit ka nagkaganyan!” she shouted at the top of her lungs.

I dunged at her with sharp eyes. Ano bang sinasabi niya? Anong alam niya? Sinubukan kong hilain ang libro habang nakapatong pa ang kanyang kamay.

“Stop it, Sheena! Nagbabasa ako!” I hissed.

Napatingin ang iilang kaklase sa pwesto namin. Konti pa lang kami nasa loob dahil maaga pa naman ngayon, at hindi pa dumating ang adviser namin. Nakataas ang isang kilay sa akin ni Sheena habang humigpit ang hawak niya sa aking libro. 

“Bakit wala ka no'ng biyernes kila Dean? Sumama pa naman ako kina kuya Sion dahil akala ko nandoon ka!” marahan niyang sabi.

I took a deep sigh and leaned back in my seat. “Busy ako kaya hindi ako pumunta.” I subtly said.

“E bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin?” tanong niya.

My one brow rose up in an instant.

“Busy nga 'di ba!” sarkastikong tugon ko saka siya inirapan at tumingin sa labas ng bintana.

Yumuko siya habang pinanliliitan ako ng mga mata, parang tinatantya ang mga sinasabi ko. Alam kong may hinuha na siya sa nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw, pero gusto niya lang marinig iyon mismo sa 'kin. 

Nang hindi pa rin ako nagsasalita ay tumayo na siya ng matuwid at bumuntong hininga.

“Sige, ganyan ka naman lagi. Aanhin pa ang pagiging magkaibigan natin kung hindi ka nagsasabi ng mga problema mo. Samantalang ako, palagi kong sinasabi sa 'yo ang mga problema ko.” sumbat niya.

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Inaasahan kong magdadrama siya sa aking harapan para maawa ako at masabi ko sa kanya ang aking problema, pero hindi. Sa unang salita naramdaman ko ang kadramahan niya pero naging seryoso rin sa sumunod na pangungusap kaya medyo nakonsensya ako.

“That's not healthy, Marga. Hindi lang sa kalooban mo, pati na rin sa friendship natin.” dagdag niya pa.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. She's right! This is not healthy! Mabigat na ang dala ko. Tapos kung magtatampo pa sa 'kin si Sheena ngayon, mas lalong bibigat lang. I glanced at her and saw that she was also looking out of the window. Malayong-malayo ang tingin niya na parang hindi ko talaga maaabot ito.

“Fine!” I said breathily.

She immediately looked at me. Her eyes beamed as she stared at me. She quickly went to my side and sat down. I was stunned when she hugged me tightly. Eventually, I just closed my eyes tightly and feel her embrace.

“Hmmm… huwag mong kimkimin 'yan. Mahirap. Alam mo ba 'yun?” marahan niyang sabi.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

“Nahahalata kong iniiwasan mo si kuya Dean. Tama ba ako?” she whispered.

Hindi ako naka-sagot agad. Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko habang ako nama'y nakatingin lang sa labas. Nadako ang aking mata sa building nila Dean. Kung saan may nakatambay na estudyante sa labas ng classroom nila.

“Alam mo mahirap talaga 'yan. Dapat mona talagang sabihin ang totoong nararamdaman mo sa kanya.” marahan na sabi niya.

Bumaling ako sa kanya. May nakatagong ngiti sa kanyang labi. Inirapan ko siya at ibinalik ang mata sa labas ng bintana.

Umiling ako. “Ayoko.” mariin kong sabi.

“Gusto kong mawala na lang ito.” dagdag ko pa.

“Paano? Iiwasan mo siya habang buhay. Mahirap 'yan ha!” sabi niya.

Oo. Mahirap naman talaga. Pero gusto ko na talagang mawala na lang ito, para matapos na rin ang paghihirap ko. Kung kailangan ko talagang iwasan siya habang buhay, gagawin ko. Ngunit paano? Kaya ko ba?

Tumango ako. “Kung 'yan lang ang paraan para mawala o mabawasan man lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit mahirap, gagawin ko.” marahan kong sabi.

“Okay… susuportahan kita.” humigpit ang yakap niya sa 'kin kaya niyakap ko rin ang kamay niyang nakagapos sa aking baywang. “Mga bata pa naman tayo… kaya… sasabayan kita sa pagpapalaya ng taong mahal natin.”

Agad naman akong tumango sa kanyang sinasabi.

Alam kong mahal niya pa rin ang kanyang ex, kahit hindi niya man aminin o sabihin sa 'kin. Tulad niya, naramdaman ko rin na nasasaktan pa rin siya tuwing nakikita niya ito kasama ang girlfriend. Hindi niya man pinahalata sa iba, pero nahahalata ko 'yon. Kaibigan ko siya, e!

Oo. Magkaibigan nga talaga kami. Parehong sawi sa pag-ibig.

“Kaya siguro tayo naging magkaibigan, parehong sawi sa pag-ibig.” I subtly said.

She chuckled a bit and then nodded.

“Okay lang yan! Madami pa namang gwapo diyan, e! 'Di ba?” sabi niya.

Napasapo ako sa aking noo at umiling-iling. Seryoso niyang sinabi iyon na may halong biro. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti dahil sa kanya at medyo gumaan din ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin ngayon. Kahit saglit lang.

Tumikhim si Sion nang makita kami nasa kanyang harapan na. Napatingin naman sa amin ni Sheena ang dalawa niyang kasama sa lamesa. Nandito na kami ni Sheena sa Cafeteria. Dahil nagtext na ako kay Dean na dito na kami dederetso pag lunch break na, kaya nandito na rin sila pagkapasok namin. Isinama kona si Sheena para hindi na uli ako ma-bored tuwing may pinag-uusapan silang tatlo at para maiwasan ko rin si Dean. Atleast, may kausap na ako. 

Hindi ko nilingon ang dalawa para hindi ko matingnan si Dean na katabi lang ni Erin ngayon.

“Pasensya na medyo natagalan kami,” sabay upo sa tabi ni Sion at umupo naman sa tabi ko si Sheena na katabi rin Dean.

Naramdaman ko ang paninitig ni Dean sa akin, matalim ang mga mata niyang pinagmamasdan akong nasa tabi ni Sion. Nanginig ang mga tuhod ko dahil sa titig niya. Kung assumera lang ako, iisipin ko talaga na may gusto siya sa akin, dahil sa paraan ng paninitig niya sa 'kin at kay Sion.

 Tumikhim si Sheena nang mapansin iyon. Umusog siya palapit sa 'kin na parang natatakot kay Dean.

“Gutom nako,” she said as she picked up the burger in the table, trying to change the atmosphere.

“Akala ko iniiwasan mona ako, ate Marga,” Sion whispered.

My forehead knotted. “Ha? Ba't naman kita iiwasan?” Takang tanong ko sa kanya.

“Dahil sa nangyari nung nakaraan,” sagot niya.

“Ba't naman kita iiwasan dahil doon? E nag-sorry naman na ang girlfriend mo sa 'kin, at naintindihan ko naman 'yun dahil akala niya may relasyon tayong dalawa. Tsaka sanay naman na ako sa mga estudyante rito… mula noon… lalo na pagdating sa inyong dalawa palang ni… kuya Dean…” sabi ko.

Sinulyapan ko si Dean na mariin ang paninitig sa 'kin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya ngayon. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya.

“Oo nga naman kuya Sion. Sa dami ng fangirl nin'yo, dinaig n'yo pa ang mga artista. Lahat ng taong involve sa inyong dalawa ni kuya Dean ay pinagguguluhan din nila o di kaya'y inaaway. Pero huwag kayong mag-alala sa amin ni Marga dahil immune na kami diyan.” sabi naman ni Sheena na may kasamang tawa sa huli.

“Hmmm… kaya pala yung grade ten student sinabihan akong lumayo kay Dean.”

Napatingin kami lahat kay Erin.

“What?! Who?” tanong ni Dean habang nakakunot ang noo niya na nakatitig kay Erin. 

“Nililigawan mo raw ang isa sa kanila, yung Lily?” sabi ni Erin.

“Baliw talaga ang babae na yun sa 'yo, bro. Binasted ka tapos hahabol-habol siya,” sabi ni Sion.

“Naku! Mag-iingat ka sa babae na 'yan ate. Baka tuklawin ka,” sabi ni Sheena.

“So, nililigawan mo talaga ang babae na 'yun?” tanong ni Erin, na parang nagugulat pa.

Kumain na lang ako ng aking sandwich habang sila natuon ang pansin kay Erin at Dean. Tumawa si Sion.

“Halos top honors na babae rito sa eskwelahan natin ay ex niya,” natatawang sabi ni Sion.

“Pati ang bestfriend mo? Si Tala?”

Tumawa uli si Sion.

“Sana…” tumatango nitong sabi, “kaso wala 'yung oras sa relasyon kaya binasted agad. Puro aral kasi 'yon,”

Napasinghap si Sheena sa tabi ko at agad na lumapit sa 'kin.

“Totoo ba?” bulong na tanong niya.

Apat lang kami nakakaalam na nililigawan ni Dean si ate Tala. Dahil ayaw ni ate Tala na may nakakaalam ng iba, inilihim na namin 'yon sa lahat. Sa takot na mabigwasan niya kami. Ang amazona pa naman 'yon. 

Ayaw niya kasi ma-issue, kaya mas pinili niyang hindi sumama rito sa amin dahil ang gusto non ay tahimik lang, at walang gumugulo sa ginagawa niya. 

Tumango ako sa tanong ni Sheena.

Naubos na ang sandwich ko habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Uminom na ako ng tubig at nakita kong gano'n din ang ginawa ni Sheena. Pagkatapos ay tumayo na ako agad para makapagpaalam na sa kanila. Hindi na kailangang hintayin sila na matapos ang kanilang pagkain kung kailangan namang umuna dahil magkaiba naman kami ng year level.

“Alis na kayo?” tanong ni Erin.

“Oo. Marami pa kasi kami gagawin,” sagot ko.

“Katatapos lang ng exam natin marami na agad kayo gagawin?” Takang tanong ni Sion.

Namilog ang mata ko sa sinabi ni kuya Sion.

“Ah-h… oo, kuya Sion. Last quarter na kasi namin, kaya maraming binibigay na gawain.” sabi ni Sheena.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sheena. Buti na lang nakaisip agad siya ng palusot, at buti na lang isinama ko siya rito.

“Ihahatid kona kayo,” sabi ni Dean sabay tumayo sa kanyang kinauupuan.

“H'wag na.” agap ko kaya natigilan naman siya. “May pupuntahan pa kasi kami ni Sheena—”

“Saan kayo pupunta?” tanong niya agad nang hindi ako pinapatapos sa sinasabi ko.

Nakatitig siya ng maigi sa 'kin, nanantya sa magiging sagot ko. I swallowed hard when my heart starting palpitated, hindi naman ako mahilig sa kape. Pero bakit ganito na lang kabilis ang tibok ng puso ko para sa kanya?

Alam ko sa aking sarili na 'pag siya ang kaharap ay hindi kona kayang magsinungaling pa. Nablangko ang utak ko sa kanya, hindi na magkapag-isip ng maayos lalo na 'pag may tinatago ako.

“Sa tindahan lang kuya, sa labas ng eskwelahan. May bibilhin kaming folder doon,” sagot ni Sheena na medyo ikinalma ng puso ko.

Nakatitig pa rin siya kahit sinagot na ni Sheena ang tanong niya. 

Oh my god! Gusto niya yata galing mismo sa 'kin. I swallowed hard again and then nod for assurance. 

Tumango din siya bago kami magpasya ni Sheena na lumakad na. Nang makalabas sa Cafeteria ay tumunog naman ang cellphone ko kaya agad ko ito kinuha sa bulsa ng aking palda. At agad na binuksan ang mensahe galing kay Dean.

Suplado kong tutor(^^):

Hintayin moko mamaya, sabay na tayong uuwi. Mag-usap tayo!

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Iniisip ang posibleng pag-usapan naming dalawa. Shit! Kailangan ko yata agahan ang paglabas ko mamaya para hindi niya akong maabutan.

“Anong text niya?” tanong ni Sheena na kanina pa nakatitig sa akin.

“Mag-usap daw kami mamaya,” sagot ko.

“Oh my god, Mare! Nakakahalata na siya! I'm sure!” ekseheradang sabi niya. “So anong balak mong gawin?”

“Aagahan ko ang pag-uwi ko mamaya para hindi kami mag-abot,”

“E paano kung maabutan ka niya, anong gagawin mo?” nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako.

“Hindi ko alam.” sabi ko.

Naglakad na kami sa hallway papuntang classroom namin. Pero nang napatingin ako sa labas ng gate ay nakita kong may naka-park na sasakyan sa labas. Tumigil ako at tinititigan ang sasakyan. Ito yung sasakyan katulad nung biyernes. Bumalik siya rito?

“Saan ka pupunta?” tanong ni Sheena nang makita akong naglalakad papuntang gate.

“Ahh… mauna kana sa classroom natin. Lalabas lang ako!” sabi ko habang patuloy sa paglalakad at hindi na siya nilingon.

Narinig kong tinawag uli ako ni Sheena ngunit binalewala ko lang ito. Nang malapit na ako sa gate ay nakita ko naman nakababa ng konti ang bintana nito. Nakalabas na ako sa gate ng eskwelahan at nagkunwaring may ibang pupuntahan, pero habang naglalakad, palihim ko naman tinignan ang sasakyan. Naglakad ako patungo sa tindahan. Matagal-tagal pa naman ang oras ng klase namin kaya pwede pa akong magtagal dito sa labas at tumambay muna sa tindahan. Palihim ko uli sinulyapan ang sasakyan ngunit hindi ko makita ang nasa loob nito.

Bumili ako ng ballpen kahit mayroon pa naman akong ballpen. Bumili lang ako para walang masabi sa 'kin ang tindera dito, baka paalisin ako bigla.

Tinry ko muna ito sa papel na binigay ng tindera sa 'kin. Sinulat ko rito ang pangalan ni Dean. Maraming beses ko pa ito isinulat. Nang maayos naman ang ink ng ballpen ay tsaka na ako tumigil. Binalik kona sa tindera ang papel at nang makita niya ang papel ay kumunot ang kanyang noo, tsaka ako tiningnan na nakataas ang isang kilay niya. Ano, ikagaganda niya ba ang pagtaas ng kilay niya sa 'kin?

Nang mas lalong itinaas pa ng tindera ang kanyang kilay. Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang may natanto ako. Napuno ko yata ang isang intermediate paper ng pangalan ni Dean.

Nginingitian ko ang tindera nang bigla akong napatalon sa kinatatayuan ko dahil sa isang boses.

“Pabili ng mineral water,” sabay bigay ng pera sa tindera.

Nilingon ko siya at nakitang nakatingin ito sa 'kin, bigla naman akong kinabahan. Naka white long sleeves polo shirt partnered black pants, at black shoes. Nginitian ko siya para hindi niya mapansin na kinabahan ako sa kanya.

“'Di ba ikaw yung batang pinagtanungan ko nung biyernes, hindi ba?”

Nawala agad ang ngiti ko at napangiwi sa tanong niya. 

Marahan naman akong tumango sa kanya. “Opo. Nice to meet you again po,” sabi ko at ngumiti uli.

Binigay na sa kanya ang mineral water at agad niya naman kinuha ito. Pinanood ko lang siya habang naghihintay ng sukli sa tindera. Kahawig niya talaga si Dean, pareho silang kumilos at pati sa ekspresyon ng mukha ay pareho sila. Napatikhim ako nang bumaling uli ito sa 'kin. Agad ko naman inilihis ang mata ko sa kanya at tumitingin sa mga paninda. Naramdaman ko pa rin ang tingin ng lalaki sa 'kin.

Tumikhim uli ako. “Pabili rin po ng lollipop! Yung chocolate po! Isa lang!” sabi ko sa isang tindera habang tinitingnan ang wallet ko kung may coin pa ba ako.

“Paborito mo ba ang lollipop, ija?” tanong niya sa 'kin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Tumango ako at nahihiyang ngumiti.

“Ah, Miss! Idagdag mona rin yung kanya sa'kin. Ako na ang magbabayad! Gawin n'yo na ring limang lollipop.” sabi niya sa tindera.

“Naku, salamat po! Pero may pera naman po ako, e! Tsaka isa lang naman ang bibilhin ko.” nahihiya kong sabi.

“Okay lang ija,” he subtly said.

Binigay na sa kanya ang sukli niya at ang limang lollipop. Tipid siyang ngumiti sa tindera bago bumaling sa'kin. Inabot niya sa'kin ang limang lollipop. Nahihiya ko naman itong tinanggap at nagpasalamat na sa kanya.

“Salamat po, Sir.” I subtly said before smiling.

“Walang anuman, ija...” he directly said.

Nagdadalawang isip akong tumango sa kanya at pilit na ngumiti. Gusto ko na tumalikod na sa kanya dahil nahihiya na ako. Marami sana akong itatanong sa kanya pero hindi ko naman maisatinig iyon dahil sa hiya. Baka kung ano pa isipin niya, kaya nagpaalam na lamang ako.

“Sige po Sir. Balik napo ako sa loob ng eskwelahan,”pagpapaalam ko sa kanya.

Tumalikod na ako nang bigla niya akong tinawag kaya natigilan ako.

“Saglit lang ija,” sabi niya.

Humarap muli ako sa kanya.

“B-bakit po?” nautal kong tanong.

Tinititigan niya ako ng maigi. “Pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo,” sabi niya habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.

“S-sige po…” I trailed off as my face is full of curiosity. “Ano po yun?” I added.

May kinuha siyang puting papel sa bulsa sa likod ng pantalon niya. Inayos niya pa ito saka iniabot sa 'kin. Tiningnan ko ito.

“Paki bigay naman ito sa kanya, kay Tristan.” he said.

Napatitig ako saglit sa puting sobre na hawak niya bago ko ito kinuha. Ngumiti ako sa kanya.

“H'wag po kayong mag-alala ibibigay ko ito sa kanya.” I subtly said.

Ngumiti naman siya sa 'kin, yung pagpapasalamat na ngiti.

“Thank you very much, ija!” he subtly said.

Tumalikod na ako agad nang marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa kamamadali kong makapasok agad ng gate para hindi masarhan. 

Nang makapasok na ako sa gate saka lang ako lumingon pabalik sa lalaki na ngayon sumakay na sa kanyang sasakyan. Hinintay ko pa umalis ang sasakyan nito bago nagpasyang tumalikod sa gate para pumunta nasa classroom, ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang nasa harapan kona pala si Dean. Nagulat din siya sa reaksyon ko.

“Bakit nasa labas ka pa?” mariin niyang tanong sa akin.

“Ahh… may binili lang k-kuya…” kabado kong sabi.

Tinignan niya ako ng maigi. Napatingin siya sa mga kamay ko na may hawak na lollipop. Itinago ko ito sa aking likod dahil sa hiya. Baka isipin niya na ang tanda-tanda kona tapos nag-lollipop pa.

“Ahh, sige kuya. Pasok na po ako.” sabi ko sa kanya sabay lakad paalis.

Pero bago pa man ako makalayo sa kanya ay may pinaalala siya sa 'kin.

“Hintayin mo 'ko rito mamaya, huh!” mariin niyang sabi.

Patuloy lang ako sa paglalakad, hindi kona siya sinagot o nilingon pa. Wala na akong magawa kundi ang hintayin siya mamaya dahil may ibibigay rin ako sa kanya. Pagkatapos nito ay iiwasan kona siya ng tuluyan. BAHALA NA SI BATMAN!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top