CHAPTER 5
HOPEDEEPLY
Nag-inat ako ng kamay pagkatapos ng mahahabang pag-eexplain ng teacher namin sa AP. Parang ngayon lang ako nagising mula sa pagkakatulog. Ang boring kasi ng topic kaya hindi ko maiwasang antukin. At dahil terror si Mrs. Sanchez, ang guro namin. Pipilitin talaga namin idilat ang aming mga mata para hindi kami ma-discipline office, dahil kapag nahuli ka lang na nakapikit saglit o narinig ka na humihikab sa klase niya, ipapatawag niya agad ang parents mo rito sa eskwelahan.
Kaya nang lumabas na si Mrs. Sanchez, ay parang nag-uunahan sa pagpasok ang diwa sa aming mga katawan. Tumayo na ang mga kaklase ko para lumabas at makakain na rin ng lunch. Habang ako nanatili pa rin sa aking upuan, iniinat pa ang katawan. Lumapit sa akin si Sheena.
“Mare? Ano? Sasamahan mo na ba ako sa sabado?” puno ng pagmamakaawa ang kanyang tinig.
Napakunot ang noo ko at umayos ng pagkakaupo. Hindi pa rin ba siya titigil sa pagpupumilit sa 'kin sa sabado. Matalim ang tingin ko sa kanya, habang siya nakanguso sa'kin na parang pato sa haba ng kanyang nguso.
“Hindi nga Sheena!” mariin kong sabi sa kanya. “Saka ano naman gagawin ko roon habang kayo ay nag-uusap. Tutunganga sa inyong dalawa? No way!” I hissed nang makita ko kami na lang dalawa sa classroom namin.
“Pwede ka naman mag-shopping. Bumili ng damit, sapatos o 'di kaya'y jewe—”
“No!” I stopped her talking nonsense. “alam mo namang pinagbabawalan na ako ni Mommy na bumili ng mga ganyan. Bawas iyon sa allowance ko!” dagdag ko pa.
Tulad ng ginagawa ni Sheena ngayon. Mahilig din ako bumili ng kung ano-anong gamit o damit. Mahilig din ako mag-mall noon, kada uwi o walang pasok sa mall ang tambay ko. Pero nang nalaman ito ni Mommy at nagalit siya sa'kin. Lalo na nalaman niyang sobrang baba ng grades ko noon. Kinuha niya agad sa'kin ang ATM card ko at grounded din ako buong summer noon. Kaya nga may inutusan siya ngayon para may magbantay araw-araw sa'kin.
Bumagsak ang mga balikat niya, “Fine! Hindi na kita pipilitin, okay?” pagsuko niya, “Tara na nga! Lumabas na tayo, gutom na ako, e!” she added.
Akala ko hindi na kami kakain ng lunch kasi hanggang mamaya pa kami matatapos rito. Buti na lang naisipan niyang lumabas na kami dito dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.
Naglalakad na kami sa hallway, papunta sa Cafeteria.
“Hindi mo ba pupuntahan ang kapatid mo?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya. “Hindi. Sure ako, kumakain na iyon ngayon.” sagot niya sa 'kin habang nakatingin sa daan
“So, sa cafeteria ka ngayon kakain?” tanong ko uli at tiningnan siya.
“Oo, sasabay ako sa inyo ni kuya Dean at kuya Sion ngayong lunch!” ngumisi siya sa 'kin.
“Wha—”
Natigilan kami sa paglalakad nang humarang sa amin si Lily. Nakapamewang pa ito sa harapan namin, habang nanatili naman sa kanyang likuran ang dalawang kasama niya. Ano na naman kaya kailangan ng babae na 'to?
“May palakang naka-eyes glasses na naman ang paharang-harang sa daanan natin,” Sheena whispered.
Inirapan lang siya ni Lily at pinandidilatan naman ng mga mata ng mga kaibigan ni Lily si Sheena. Humakbang papalapit sa akin si Lily at taas noo ito nakatingin sa aking mga mata. Pinantayan ko siya ng tingin. Mas matangkad ako sa kanya kaya hindi niya ako matitinag sa tingin niya lang.
“Pwede ba tayong mag-usap?” sinulyapan niya saglit ang kaibigan ko, “Nang tayong dalawa lang,” mariin niyang sabi.
“Wow! Ano kayo? Close na sa isa't isa?!” sarkastikong sabi ni Sheena.
“Pwede bang manahimik ka riyan!” iritableng sabi ni Lily sa kanya.
Sheena made a face at her saka tumawa ng pagak.
Alam kong magkagalit din ang dalawa na'to dahil isa din si Lily sa nang-bully sa amin noon. Siya rin ang nangunguna sa pagpapakalat ng issue ni Sheena tungkol sa ex niya. Ang pinakamalalang pinakalat niya ay yung nabuntis daw si Sheena tapos pinalaglag niya ito dahil ayaw malaman ng magulang.
Pero nang malaman ng magulang ni Sheena ang issue ng buong campus. Dahil pamilyang abogado ang magulang ni Sheena. Nag-file agad sila ng kaso laban sa mga estudyante gumawa ng issue kay Sheena at kinausap ang school head ng paaralan dahil sa kapabayaan nito sa mga estudyante. Kinasuhan din nila ang mga magulang ni Lily sa pagiging pabaya nito at kinukunsinti pa ang ginagawa ng anak.
Kalauna'y humingi naman ng tawad ang magulang ni Lily sa pamilya nila Sheena dahil sa takot na makulong.
Sinipat ko ang aking kaibigan para tumahimik na sa katatawa. Nginusuhan lang niya ako at napahawak sa kanyang tiyan. Oo nga pala, kaya pala para siyang baliw sa katatawa riyan, dahil hindi pa siya nakakakain ng lunch.
“Sorry not sorry, wala akong oras para kausapin ka.” mariin kong sabi sa kanya.
Lilihis na sana ako ng daan para magpatuloy na sa paglalakad ngunit hinarangan niya na naman ako kaya napatigil uli ako.
“Si Dean ba at yung babae. Sila na ba?”
My eyes widened for a moment at her question. Umirap ako sa kawalan nang tumawa ng pagka lakas-lakas si Sheena. Hindi ko alam kung nalipasan na ba talaga ito ng gutom o sadyang iniinis niya lang si Lily.
“Girl! 'Yan ba ang dahilan kung bakit gusto mong kausapin ang kaibigan ko ng private. God! Nonsense!” sabay irap ni Sheena kay Lily.
“Pwede ba, Sheena! Huwag ka nga mangialam dito. Hindi naman ikaw ang gusto kong kausapin, e!”
“E bakit ayaw mo akong kausapin? Takot ka sa 'kin?” sarkastikong sabi ni Sheena sa kanya.
Tumawa nang pagak si Lily at tinuon ang buong atensyon nito kay Sheena.
“Ba't naman ako matatakot sa 'yo, ha? Diyos ka ba?” Lily fired back.
Nasa gitna nila ako kaya pabalik-balik ang mata ko sa kanilang dalawa. Tumaas ang isang kilay ni Sheena habang unti-unti siyang lumapit kay Lily, itinaas niya rin ang kanyang noo. Ganoon din ang ginawa ni Lily kaya nagtama ang kanilang nag-aapoy na tingin sa isa't isa.
Sheena flipped her hair. “It isn't obvious, Monteverde.” mariing sabi ni Sheena kay Lily.
Tiningnan ng maigi ni Lily ang buong mukha ni Sheena, “Oh! I can't see it, Dizon.” mapanuyang sabi ni Lily.
Ngumisi si Lily nang makita ang reaksyon ni Sheena, na namumula na sa galit ang mukha. Bago pa sila magkasakitan ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa.
“Ah gano'n—”
“Stop it!” sigaw ko.
Humarap ako kay Lily na nakangisi ngayon habang nakatingin sa aking likod.
“Hayaan mo 'kong kalbohin ang impakta na 'yan, Marga!” galit na sabi ni Sheena mula sa aking likuran, sinusubukan abutin si Lily na nasa aking harapan.
Pinipigilan ko naman ang mga kamay ni Sheena na abutin si Lily, kahit labag ito sa loob ko. Kung wala lang kami sa eskwelahan ngayon o kung hindi lang ako takot na malaman ito ni Dean. Hindi ko lang basta hahayaan si Sheena, tutulong pa ako sa pagsasabunot kay Lily.
The way Lily smirked in front of us. The urge that I wanted to rip her lips.
“Tama na, Sheena! Ano ba!” pigil ko sa aking kaibigan.
Lily's gaze shifted to me. She grinned and also raised an eyebrow at me, na para bang natutuwa siya sa pagpigil ko kay Sheena.
“Isa lang naman ang gusto ko, Marga. Ang malaman tungkol kay Dean at sa babae na yun.”
“Wala akong alam sa sinasabi mo, Lily!” agap ko. “At wala akong pakialam sa kanilang dalawa. Ba't di mo tanungin sila, huh?” mariin kong sabi.
“Bakit hindi na lang ikaw ang sumagot? Tutal lagi ka naman nagpupunta sa bahay nila Dean.” sabi niya.
I narrowed my eyes on her, “Stalker ka ba?” mariin kong tanong sa kanya.
Ba't niya alam na lagi ako sa bahay nila Dean? Sinusundan niya ba si Dean?
“No!” agarang sagot niya, “Why would I do that? Ugh! Pwede ba sagutin mo na lang ang tanong ko!” sabi niya na parang iniiwasan ang tanong ko.
I instantly rolled my eyes. “Wala nga siyang alam sa sinasabi mo! Ba't ba ang kulit mo?!” sigaw ni Sheena mula sa aking likod.
“Hindi ikaw ang tinatanong ko, huh!” inis na sigaw ni Lily kay Sheena sabay turo nito sa aking likod.
“E ang kulit mo kasi! Kanina ka pa sinagot ng kaibigan ko! At paulit-ulit ka pa rin nagtatanong diyan. Ilang beses ka ba ipinanganak, ha?!” balik na sigaw ni Sheena kay Lily.
“E ikaw? Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo, ha? Ang hilig mong sumingit hindi naman ikaw ang kinakausap!”
“Syempre—”
At dahil nasa gitna ako ng dalawa, halos mabingi naman ako sa sigaw nila. Napapikit na lamang ako ng mariin habang pinipigilan sila na huwag magsi-abutan. Habang ang mga kaibigan naman ni Lily ay nanood lang at hindi ako tinulungan para pigilan ang kanilang kaibigan. Hinayaan lamang ako rito sa gitna na nahihirapan sa pagpigil sa dalawa. Buti na lamang walang estudyante ngayon na tumatambay sa hallway dahil nasa Cafeteria ang lahat, walang nakakakita sa amin dito.
Ngunit natigil kami sa isang sigaw.
“Marga!” Sion shouted my name that stopped us.
Sion's marches swiftly toward us. His eyes were so serious, with an intimidating aura, like blazing fire. Nanginig na umatras si Lily sa amin, habang ang kanyang mga kaibigan ay nagmamadaling nagpuntahan sa kanyang likod, nagtatago at takot na takot kay Sion. Napalunok naman ako. Hindi ako takot kay Sion pero kabado ako ngayon. Nanatili pa rin sa aking likod si Sheena, naramdaman ko rin na kinakabahan din siya.
“Ano'ng ginagawa n'yo pa rito?”
Tanong niya nang makalapit na at huminto sa harapan namin. Napaatras ako bigla. Shit! Baka kanina pa ako hinihintay ni Dean na pumunta sa building nila, at dahil hindi ako nakapunta agad sa building nila ay baka inutusan niya ito si Sion na sunduin na ako. Nanatili pa rin ang seryosong mga mata ni Sion habang nakatingin sa akin taliwas sa maloko at palangiti na nakikita ko sa kanya araw-araw.
“Ah-h… papunta na kami sa C-cafeteria ngayon,” kabado kong sabi.
“O-opo, kuya Sion! Papunta na po sana kami roon kaso...” pinisil ko ang kamay ni Sheena para pigilan siya sa pagsasalita.
Tiningnan ko si Lily na parang tinakasan ng lahat ng kulay sa mukha ngayon dahil sa takot at kaba kay Sion. Tapos pinalala pa ng pagsusumbong sana ni Sheena.
“Kaso ano, Ms. Dizon?” maotoridad na tanong ni Sion na nagpatalon kay Sheena sa akin likod.
“Kaso… kinausap pa po kami nina Lily,” tuloy kong sabi.
Tumingin siya kina Lily na nasa harapan niya lang. Napalunok naman si Lily dahil sa kaba at takot nang siya naman ang tiningnan ni Sion.
“Ahmm… opo, Sgts. Sion. Tungkol sa…” nag-iisip pa siya ng idudugtong hanggang sa tumingin na sa 'kin, nagpapatulong.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Maliban sa takot kami kay Sion, ay ayaw kong tulungan si Lily. Tsk, bahala siya sa pagsisinungaling niya. Tutal magaling naman siya diyan.
“Tungkol sa JS prom po!” sabi ng isa sa mga kaibigan niya.
Automatically, my brow rose up.
Bravo! Once a friend of Lily. The bitchy liar!
“Oh, kasali na pala kayo sa JS prom.” sabay tingin ni Sion at ngumisi sa'kin. “But anyway, mamaya n'yo na yan pag-usapan dahil kanina kapa hinihintay ni Dean, Marga.”
Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Hinihintay ako ni Dean? Sabi na, e. Baka nainip na rin yun kaya pinapasundo niya ako kay Sion. Lihim ako napangiti.
“Saan ba si… kuya Dean ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Nasa Cafeteria na siya ngayon kasama si Erin,” sagot niya.
I immediately lost my smile, disappointed with what he said. The two are already in the Cafeteria?
“Tara na! Malapit na mag-end ang lunch break baka hindi na kayo makakakain niyan.”
“Si-sige po kuya, sunod kami.” nauutal kong sabi.
Tumango siya sa 'kin, “Basta sunod ka, okay?” mariin niyang sabi.
Tumango uli ako bago niya pinasadahan ng tingin sina Lily at mga kaibigan nito kaya napayuko na lang ito sa takot. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Sheena mula sa aking likod.
“Pwede ba ako sumabay sa inyo kuya Sion?” she asked confidently.
“Sure! Para namang hindi ma-out of place si Marga habang nag-uusap kami tungkol sa thesis namin.” he said before turning back on us.
Hindi kona pinansin ang pang-aasar sa akin ni Sion o ang impit na “yes” ni Sheena sa aking likod. Sumunod na ako kay Sion sa paglalakad at hinayaan na si Sheena na may kung anong sinasabi pa kay Lily.
“Oh. Inggit ka, no?” she said tauntingly.
Nagpatuloy lang ako sa pagsunod kay Sion. Nasa likod niya lang ako. Sa laki ng katawan niya at medyo malapit din ako sa kanya, hindi ko na makita ang daan. Basta nakatitig lang ako sa kanyang likod habang iniisip ang ginagawa ng dalawa niyang kaklase na nasa Cafeteria ngayon. Lalo tuloy akong nagutom sa kaiisip ng ginagawa ng dalawa.
Dahil wala ako sa sarili ko habang naglalakad, hindi kona napansin ang biglaang paghinto ni Sion sa aking harapan kung kaya't bumangga ang noo ko sa kanyang dibdib dahil nakaharap na pala siya sa'kin. Malakas ang pagkabangga ko sa kanyang dibdib, muntik na ako ma-out of balance. Buti na lang nahawakan agad ni Sion ang likod ko.
“You're spacing out, Marga! You okay?” he subtly asked.
Pumikit ako ng mariin. Naramdaman kona nagdidikit ang aming katawan sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Umahon ang kaba ko sa aking puso, sa pag-alalang may nakakita sa posisyon namin ngayon.
Minulat ko ang aking mata. Nanlaki agad ang mata ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Concern etched on his face as he watched me intently.
I couldn't move immediately due to panic, his arm still wrapped around my waist, so I wouldn't fall. Nakarinig ako ng mga nagsisinghapan kaya nilibot ko agad ang tingin ko sa buong paligid.
Mahina kong naitulak si Sion nang napag-alaman kong nasa gitna na pala kami ng Cafeteria. Nanghihina akong humakbang paatras kay Sion dahil sa mga estudyanteng nakatingin sa amin.
Nakakahiya! Oh my god, Marga! Ang lutang mo masyado!
Nagsimula na silang magbulungan laban sa'kin. Pero sigaw ng isang tao ang napatalon sa akin at nagpabalik sa diwa ko.
“Marga!” si Dean.
Nanlaki ang mga mata sa sigaw niya. Napatingin na kami lahat sa kanya. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin kay Sion, tapos dahan-dahan niyang nilihis ang tingin niya kay Sion at agad tumama ito sa'kin. His sharp eyes drifted to mine, as he slowly walked towards us.
“Ano'ng nangyari?” he mumbled, still eyes on me.
“Bumangga lang si Marga sa dibdib ko kaya muntik na siya matumba,” Sion answered and then chuckled a bit. “Baka nalipasan na ng gutom kaya lutang habang naglalakad,” he continued while shaking his head.
Tumango agad si Dean sa sagot ni Sion habang nanatili pa rin ang mata niya sa'kin. Naglakad papalapit sa akin si Dean at agad na hinawakan ang siko ko.
Kumunot ang noo niya, “Are you okay?” he subtly asked in worrying tone of voice.
Nanginig ang mga tuhod sa tanong niya at napaatras ng konti.
I nodded at him, “O-oo,” nauutal kong sagot. “Gutom lang ako,” I added.
“Tara na! Gutom na rin ako.” sabi ni Sion habang hinihimas ang tiyan niya.
Naglakad na kami papunta sa lamesa namin, kung saan naghihintay roon si Erin. Kumaway pa ito sa amin nang makita kami papalapit na. Nabigla ako nang may humawak sa baywang ko kaya napalingon ako sa aking tabi.
“Ano'ng nangyari? Bakit lahat ng mata ay nakatingin sa atin?” tanong ni Sheena.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Saan ba siya nagsusuot kanina? Akala ko ba nakasunod ito sa amin?
“Ewan ko,” sagot ko sa kanya nang makalapit na kami sa lamesa.
“Hello!” bati ni Erin sa amin na nakangiti pa.
“Hi po, Ate,” Sheena greeted her back.
“Maupo na kayo para makakain na. Kanina pa kasi namin kayo hinintay ni Dean, e.” Tumingin naman siya kay Dean nang umupo ito sa tabi niya.
Umupo na kaming lahat sa lamesa. May mga pagkain na rin dito kaya hindi na namin kailangan umorder. Magkatabi kami ni Sheena sa isang upuan, nasa kanan ko si Dean at nasa kaliwa ko naman si Sheena. Nasa kaliwa naman ni Sheena si Sion, nag-iisa lang sa kanyang upuan.
Nagsimula na kaming kumain nang biglang tumikhim si Sion.
“Mukang ako lang walang ka partner dito, a!” sabi niya habang palipat lipat ang kanyang mata sa amin.
“Bakit hindi mo isama rito si ate Tala kuya Sion?” tanong naman ni Sheena.
“Busy yun sa pag-aaral kaya huwag na natin isama.” sagot niya habang sumusubo ng pagkain.
“Isama mo siya rito Sion pag may pagkakataon,” si Erin.
“Naku, huwag na!”
Tahimik lang ako kumakain habang nag-uusap naman sila, kahit may alam ako o kaya ko naman sila sabayan sa topic na 'yan ay hindi ko magawa. Siguro, dahil sa gutom o sa lalaking nasa tabi ko ngayon na panay ang sulyap sa 'kin.
“Bakit?” kuryosong tanong ni Erin.
“Maliban sa panay ang pangaral ng babae na 'yon sa 'kin, bugbog sarado pa ako.”
Gusto ko tumawa sa sinabi ni Sion, pero ngiti lang naigawad ko. Nakatitig na kasi si Dean sa 'kin ngayon.
Nasaksihan ko kasi kung paano siya tratuhin ni ate Tala. At hindi mo alam kung matatawa ka ba o maaawa sa kanya dahil bugbog sarado naman talaga siya ni ate Tala. Amazona, e!
“Naghintay ako kanina sa building namin…” Dean whispered.
Gusto kong magkunwari na hindi ko siya narinig pero napabaling na ako sa kanya. Nagpatuloy ang tawanan ng tatlo na hindi kami napapansin.
“Sorry… na-traffic uli kami ni Sheena sa building three,” I apologized and smiled a bit.
“Next time, I'm going to pick you up in your classroom,”
“No!”
Napalakas ang boses ko non kung kaya't napatigil sa pagtatawanan ang tatlo at tumingin sa amin. Nanlaki naman ang mga mata ni Dean dahil sa pagsigaw ko.
“Ano'ng nangyari sa inyong dalawa?” Sion directly asked.
“Oo nga, para kayong may sariling mundo,” Sheena added.
Nakatingin lang sa amin si Erin, at nakakunot ang noo niya. Naghihintay lang silang tatlo ng sagot namin. Napakagat ako ng pang-ibabang labi.
“Ah… w-wala!” utal kong sagot sa kanila at uminom ng tubig.
Nanatiling tahimik si Dean at nagpatuloy lang sa pagkain. Umayos ako sa aking upuan, at may ibinulong naman sa 'kin si Sheena na hindi ko na lang pinansin.
Pagsinabi ni Dean susunduin niya ako sa classroom namin, susunduin niya ako! At pinal na 'yon!
Diyos ko! Unang buwan pa nga ng taon, madami na akong issue. Kailan ba kayo magsasawa sa akin?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top