CHAPTER 45
HOPEDEEPLY
LAST CHAPTER
Nagising ako dahil sa tindi ng sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Bumangon ako sa pagkakahiga at agad kinuha ang cellphone na sa gilid ng aking kama.
Pagkabukas ko pa lang ay may text na agad galing kay Dean.
Dean
Good morning, love! I'll be busy this weekend. There's something I need to finish, so I cannot book a flight back to the Philippines. I hope you understand. I miss you!
Nahiga ulit ako. Tila ba'y nawawalan ng lakas pagkatapos mabasa ang text ni Dean. Akala ko ba tapos na ang trabaho niya at uuwi na siya sa weekend para makapunta sa birthday ko. Umasa pa naman ako na may surpresa na naman siya para sa 'kin. Gaya ng mga ginawa niya nitong mga nakaraang araw, o mga nakaraang okasyon. Ngunit, kahit nasa ibang bansa pa siya, hindi siya nagmimintis sa pagpapadala ng bulaklak at regalo sa akin. Nitong mga nakaraang araw lang ay wala akong natanggap mula sa kanya, dahil palagi na siya busy sa kanyang trabaho. Ni hindi niya rin ako tinawagan o vi-ni-deo call tuwing gabi, at ngayon lang din siya na-late ng text sa akin.
At naiintindihan ko naman iyon. Hindi pa naman kami mag-asawa para maging demanding ako sa kanya. 'Tsaka ayaw ko rin ng gano'n.
Tatlong taon na simula nung nagbalikan kami ni Dean. At magdadalawang taon na siya sa Hongkong ngayon. Hinayaan ko siyang tanggapin ang trabaho sa Hongkong dahil iyon ang gusto niya. Kahit alam kong mahirap ang long distance relationship. Gusto ko maipadama sa kanya na suportado ako sa lahat ng ginagawa niya… na hindi ako magiging hadlang sa mga pangarap niya. Dahil alam ko sinusuportahan niya rin ako sa mga pinapangarap ko.
“Sa Monday na ang birthday mo. Wala ka bang balak maghanda na muna? Masyado kang busy sa shop mo!” ani Lily habang nakaupo sa couch ng opisina ko.
“Oo nga naman, best. At ako na bahala sa susuotin mo!” sabi naman ni Sheena, nakaupo rin siya sa couch habang kumakain ng cake.
Alam kong kanina pa nila ako pinagmamasdan dito, at ngayon lang sila umimik dahil sa sobrang busy ko dito sa aking shop. Pinuntahan nila ako para pag-usapan ang party ko sa Monday. Kanina pa sila naghihintay sa akin. Masyado kasi akong busy ngayon, dahil maraming nag sidatingan mga kustomer dito sa shop kaya hindi ko sila magawang unahin. Ngayon, nasa office na ako ay may binabasa naman akong files tungkol sa mga designs ng mga furnitures, kahit alam kong kanina pa sila nakatingin sa akin.
Tiningnan ko sila. At nakita kong nag-aabang ang mga mata nila sa akin. Bumuntong hininga ako saka binitiwan ang files na hawak ko.
“I'm sorry I'm busy…” I subtly said.
“Yeah, we noticed it.” Lily said as she rolled her eyes at me.
“Hm-hm… We understand that. Kabubukas lang nitong furniture shop mo kaya naiintindihan namin kung gaano ka ka-hands on dito. But, at least have a time to prepare your birthday party.” Sheena said.
“Yup! Sheena is right.” Lily agreed and nodded. “Hindi ka nag-pa-party sa birthday mo last year dahil wala ang boyfriend mo. Ngayon, uuwi naman si Dean, 'di ba? Dapat naghanda ka na.” she added.
“Oo nga!”
Huminga ako ng malalim at umiling.
“Hindi pa siya makakauwi ngayon dahil may tatapusin pa siyang trabaho doon.” sagot ko saka sumandal sa aking upuan.
“Oh! So ibig sabihin hindi ka na naman mag-pa-party?” tanong ni Sheena sa akin.
“Really? Trabaho ba talaga?” pagtatanong ni Lily kaya napatingin kami dalawa ni Sheena sa kanya. “E, bakit nasa Mall siya ngayon? At may kasamang ibang babae?” Sabay pakita sa akin ng picture, nasa cellphone niya.
Napatayo agad ako sa aking kinauupuan at agad na lumapit sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ni Lily agad na tinitigan nang mabuti ang picture. Nakatalikod ang babae sa picture kaya hindi kita ang mukha niya, habang si Dean ay nakangiti naman sa babae. Sino naman kaya ang babae na 'to?
Parang sinaksak naman ang puso ko, nang maalala ko ang text niya sa akin no'ng nakaraang araw. Pagkatapos non ay wala na akong natanggap na text o tawag mula sa kanya.
“Patingin nga!” Sabay kuha naman ni Sheena sa cellphone na hawak ko. “Who's this girl? Is this Erin?” she asked directly.
I immediately shook my head. “Nope. Hindi si Erin 'yan,” I uttered.
“Kung ganoon, sino?” tanong naman ni Lily.
“I don't know either,” I said.
“Aray!” Daing bigla ni Sheena kaya napatingin kami ni Lily sa kanya. Agad naman kaming lumapit sa kanya at sinuri nang mabuti.
“Ano'ng nangyari? Manganganak ka na ba?” nag-aalalang tanong naman ni Lily sa kanya.
“Hindi! Sumipa lang si Baby,” ani Sheena.
Nakahinga naman kami ng maluwag ni Lily. Pitong buwan na ang tiyan ni Sheena ngayon. Tatlong taon na ang lumipas nung kinasal sila ni Klein, ang boyfriend niya no'ng high school pa. Nandoon kami ni Lily sa mismong kasal niya, kaya simula noo'y naging malapit na sila ni Sheena sa isa't isa. Mas naging malapit pa nga sila sa isa't isa, kaysa sa akin, e.
“Bakit ka pa kasi lumalabas pa ng bahay? E, malapit ka nang manganak! Dapat kinukulong ka na ng asawa mo ngayon, e!” panenermon ni Lily sa kanya.
“Na-bo-bored na kasi ako sa bahay kaya lumabas na ako. 'Tsaka malapit lang naman dito 'yung bahay namin, a—”
“Kahit na!” putol ni Lily habang nakataas na ang boses. “Baka mamaya madulas ka pa dahil walang nagbabantay sa 'yo, Sheena. Hay! Ewan ko na lang talaga—” Natigilan sa pagsasalita si Lily nang marinig niya ang pagsinghot ni Sheena. Nanlaki ang mga mata namin pareho nang makita si Sheena na umiiyak.
“Lily!” maririin kong sabi kay Lily habang pinandidilatan ko siya ng mata.
“Sorry…” she mouthed at me.
Alam kong alam niyang sensitibo ang mga buntis kaya alam ko rin hindi niya sinasadya ang pagtaas ng boses niya. Nag-alala lang talaga siya ng sobra para kay Sheena, at sa bata. Kaya dali-dali niyang niyakap si Sheena at hinagod hagod ang likod nito.
“Oh no! I'm so sorry, Sheena. I didn't mean—those words to say… hindi ako galit, okay?” She tried to hush Sheena from crying.
Tiningnan ko lang sila habang magkayakap sa couch. I couldn't help but smile to them. Sino bang mag-aakala na ang mortal na magkaaway noon ay naging malapit na sa isa't isa ngayon? Kahit kami ang unang nagkaayos ni Lily ay mas malapit pa sila ni Sheena ngayon. Mas best friend pa ang turing nila sa isa't isa kaysa sa akin.
“Happy birthday, anak!” bati sa akin ni Tita Karen nang makita niya ako. Kasama niya si Tito Daniel habang papalapit sa akin.
Sasalubungin ko palang sila nang maunahan ako nila Mommy at Daddy. Nagyakapan ang dalawang babae habang ang kanilang asawa ay nagkamayan lang.
“Tita! Buti naman pumunta kayo!” Sabi ko nang makalapit sa kanila. Niyakap muna ako ni Tita Karen bago ako hinalikan sa pisngi.
“Pwede ba 'yon? Hindi na nga umuwi 'yong anak ko tapos hindi pa kami pupunta sa birthday mo!?” Tita Karen said.
“Binati ka na ba ni Dean, Marga? Tinawagan ka na ba niya?” tanong ni Tito Daniel sa akin.
Natigilan ako saglit sa tanong na 'yon. Hanggang ngayon kasi wala pang text o tawag sa akin si Dean kaya hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa tanong ni Tito Daniel.
Ngumiti lang ako sa kanilang lahat dahil napansin ko ang mga tingin nila sa akin, na para bang nag-aalala sila? Hindi ko alam kung may alam ba sila sa ginagawa ni Dean ngayon. Tingin ko naman… wala silang kaalam-alam na may ibang babae dini-date si Dean sa Hongkong.
“So… hindi alam ni Tita Karen na may ibang dini-date 'yong anak niya sa Hongkong?” tanong ni Lily.
“Bakit naman ipaalam ni Dean sa nanay niya? E, boto si Tita Karen kay Marga,” ani Sheena.
Umiling-iling lang ako at hindi na nagsalita. Napu-frustrate na kasi ako sa nangyari sa amin ni Dean.
Ang picture na nakita namin noon sa office ay nasundan pa nung Sabado. Sa mga pictures na 'yon, ay nasa restaurant at coffee shop na sila nagdi-date. Sinubukan kong tawagan si Dean ngunit hindi ko na siya makontak pa. Gusto ko siyang kausapin at kamustahin ngunit… ni isa sa mga text at mga messages ko sa kanyang social media accounts, wala siyang binasa o nireplyan. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sa akin 'to.
Dahil puwede niya naman sabihin sa akin kung ayaw niya na? Kung nagsasawa na ba s'ya? Kung hindi niya na ba ako mahal?
Nababaliw na yata ako sa kaiisip sa mga dahilan kung bakit ginagawa ni Dean sa akin 'to. Akala ko ang lalim na ng pinagsamahan namin dalawa… akala ko ang lalim na ng pagmamahal niya sa akin. Ngunit, bakit niya pa akong nagawang lokohin?
“Pwede ba, Jordan! Layuan mo nga ako!” singhal ni Lily kay Jordan na biglang umupo sa kanyang tabi.
“Bakit? Wala naman nakaupo rito, ah!” inosenteng sabi ni Jordan na parang walang balak kulitin si Lily ng buong gabi.
“Ang daming upuan! Bakit dito ka pa!?” ani Lily.
“E, dito ko gusto. Bakit ba?” sagot naman ni Jordan na halatang iniinis lang si Lily.
“Naalidbadbaran ako sa pagmumukha mo. Alam mo ba 'yon?” singhal ni Lily sa kanya.
Nasa iisang lamesa lang kami. Habang si Lily at Jordan, nagbabangayan. Si Sheena nama'y tumatawa habang nakasandal sa kanyang asawa. Napanguso ako. Today is my day, but why am I sad today?
“Excuse me, Mam Marga. May naghahanap po sa inyo sa labas.” sabi ng waitress sa akin.
Nagpaalam naman agad ako sa kasamahan ko ngunit mukang wala silang narinig dahil abala ang mga ito sa kanilang mga ginagawa. Kaya tumayo na lamang ako at sumunod sa waitress. Una, lumabas kami sa malaking pintuan, akala ko nakaabang nasa labas ng bahay ang naghahanap sa akin. Ngunit, lumiko ang waitress at nagtungo sa may swimming pool.
Kumunot ang noo ko nang makita ang nakatalikod na babae. Humarap ito sa 'kin at laking gulat ko nang makita kung sino ito.
“Maligayang kaarawan, Marga! Ang alaga ko…”
“Yaya Mina!” sigaw ko sabay takbo patungo sa kanya. At habang papalapit sa kanya ay nag-uunahan naman sa pagpatak ang aking mga luha.
Niyakap ko siya ng mahigpit, at gano'n din siya sa akin. Niyakap ko siya ng puno nang pangungulila, at ramdam ko gano'n din siya sa akin.
“Yaya, ikaw ba talaga 'to?” hindi makapaniwalang tanong ko pagkatapos kong humiwalay ng yakap sa kanya.
Tiningnan ko siya ng mabuti. Tumango naman siya bilang sagot habang pinupunasan niya ang aking luha sa pisngi.
“Ang laki-laki mo na talaga. Lumaki kang maganda, anak.” banayad na sabi niya habang tinititigan ako ng mabuti.
Napatawa naman ako sa kanyang sinabi. “Syempre, alagang Yaya Mina ata 'to,” sabi ko nang puno ng pagmamayabang.
Isa si Yaya Mina sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagalit sa sarili kong magulang. Tinuruan niya ako maging maunawain sa lahat ng bagay. Tinuruan niya ako intindihin nang mabuti ang mga ginagawa ng aking magulang para sa akin. Na porke't wala silang oras para sa 'kin ay pwede ko na silang suwayin. At porke't kaya nila ibigay sa akin lahat lahat… ay pwede ko na sayangin ang lahat ng binigay nila. Kaya malaki ang pasasalamat ko na siya ang nag-alaga, at nagpalaki sa akin. Tinuring niya ako na parang sariling anak. Simula pagkabata hanggang sa paglaki ko, hindi nagbago ang trato niya sa akin.
Napatawa naman siya sa aking sinabi. “Wala ka pa rin pinagbago, hanggang ngayon iyakin ka pa rin.”
Natawa ulit ako. Hindi ko mailarawan ang aking kasiyahan ngayon. Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan sa buong buhay ko. Sa sobrang saya ng puso ko, pakiramdam ko hindi ako makakatulog ngayong gabi dahil sa pagdating ni Yaya Mina ngayon.
Nawala ang lahat ng inaalala ko. Sa sobrang saya ko ay muntik ko nang makalimutan na may party pa pala ako sa loob. Kaya niyaya ko na si Yaya Mina sa loob para makakain naman siya.
Ngunit, pagpasok palang namin sa malaking pintuan ay madilim na ang loob. Walang kahit anong ilaw ang kumikinang dito. Napahinto ako at nilibot ang tingin sa paligid.
What happened? Block out ba?
“Mom! Dad! Saan kayo?” tawag ko sa kanila.
Bumaling ako kay Yaya Mina at sa labas. Kumunot ang noo ko. Bakit may ilaw sa labas? Tapos dito sa loob, wala? Bumaling ulit ako sa loob. Unti-unting umilaw ang series lights na nakalatag sa sahig kaya nawala ang pagtataka ko, at napalitan ng pagkamangha. Ginawang daan ang series lights na may mga petals sa gitna nito. Namamangha ko itong tiningnan habang umiilaw nang sunod-sunod ang series lights sa sahig, hanggang sa pumorma ito ng hugis puso sa gitna ng sahig.
Napatakip ako ng bibig. Hindi ako makapaniwalang may surpresa pa sila Mommy at Daddy sa akin. Akala ko 'yong pagdating lang ni Yaya Mina. Tumingin ulit ako kay Yaya Mina. Nakita kong nakangiti lang siya sa akin habang pinapanood ako.
“Sige na, anak. Lumakad ka na,” sabi niya sa akin.
Ngumiti muna ako kay Yaya Mina. Bago humakbang at naglakad patungo sa hugis puso na series lights. Nang nasa gitna na ako ng puso ay tumugtog naman ang pamilyar na kanta.
At isang tao lang ang naalala ko.
Tumingin ako sa paligid nang umilaw ang mga kandila. Nakita ko ang mga taong mahahalaga sa akin, bawat isa sa kanila ay may hawak na kandila. Hindi ko maiwasang ngumiti sa kanila, kahit nangingilid na ang mga luha ko sa mata. Naguguluhan ako kung bakit pa nila ginagawa ito?
“Hi, love.”
Napalingon ako sa aking likod nang may biglang nagsalita. My heart skipped a beat nang makita kung sino ito. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Akala ko ba hindi siya makakauwi, kaya bakit siya nandito?
Unti-unti siyang naglakad palapit sa 'kin.
“Akala ko ba…” my voice broke.
“Last week… nakauwi na ako, Marga. Alam 'yon ng lahat maliban sa 'yo.”
Napanganga naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. So… 'yong tungkol sa babae… ay gagawa lang? Hinanap naman ng mga mata ko sina Lily at Sheena. Tumango at ngumiti lang sila sa akin.
“Kaya kung ano man ang sinabi ng kaibigan mo ay parte lang 'yon ng plano namin.” dugtong pa ni Dean.
“Umiyak 'yan nung nalaman niyang may ibang babae ka. Ang galing ba naman mag-edit ni Lily. Hindi halata na si Yaya Mina ang kasama mo sa picture.” sabi ni Sheena na ikina tawa naman ng lahat. Nag-apir pa sila ni Lily.
Napanguso ako at tumingin kay Dean. Nakita ko ang pagngisi niya habang nakatingin sa akin. Sinimangutan ko siya. Tumikhim siya bago magsalita.
“Sinundo ko pa kasi si Yaya Mina sa Probinsya nila para makapunta sa birthday mo. Alam ko kasi kung gaano siya kahalaga sa 'yo. Siya ang nag-aruga, at nagbantay sa 'yo simula pagkabata… kaya gusto ko isa siya sa magiging saksi kung paano mo sagutin ang tanong na 'yon, Marga…” sabi niya sabay tingin sa aking likuran.
Kumunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya. Hindi pumasok sa aking isip ang huling sinabi niya kaya napatitig ako sa kanya ng matagal. Ngumuso naman siya habang nakatingin sa aking likuran. Nagtagal ang tingin niya roon, kaya tiningnan ko naman ang nasa likuran ko.
Wala na roon sila Mommy at Daddy, Tito Daniel at Tita Karen, saka sina Lily at Sheena, at saka 'yung iba. Ang tanging naroon lang ay ang kandilang hawak nila. Naka-arrange ito, kaya napansin ko agad ang mga letrang nakaukit sa bawat kandila.
Namilog ang mga mata ko nang mabasa ko ang nabuong mga salita. Bumaling agad ako kay Dean na ngayon ay nakaluhod na sa aking harapan. At may hawak na ng diamond ring. Napasinghap ako at napatakip din ng bibig.
“Maria Gandrelle Roja, will you marry me?” banayad na tanong niya sa akin.
Agad naman akong tumango. “Yes! Yes, yes, Dean. I will marry you!” Sabay lapit sa kanya.
Tumayo siya para salubungin ang yakap ko. I snaked my arms into his neck while he carried me and turned around. Narinig ko ang palakpakan ng mga nanonood sa amin.
Lumiwanag na ang buong paligid kaya kitang kita ko ang mga ngiti ng magulang ko sa amin. Si Daddy na nagpupunas ng luha sa mata, si Mommy naman ay nakangiti lang habang pumapalakpak. Dean planted a sweet kiss on my cheek before he gently put me down.
I looked at him intently. “I love you, Dean.” I said.
He reached my hand and gently caressed it. Tumingin naman ako sa mga kamay namin. Dahan-dahan niyang isinuot ang singsing sa daliri ko, bago niya inangat para halikan iyon.
“I love you too, Marga.” he subtly said.
Lumapit pa ako sa kanya. I tiptoed as my arms wrapped his neck. And then reached his lips to touch mine. Naghalikan kaming dalawa habang naghihiyawan naman ang mga tao sa paligid.
My dream came true. I can finally marry the man of my dreams after long years of waiting.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top