CHAPTER 44

HOPEDEEPLY





Look how selfish I am? May balak pa akong umalis ulit, at takasan ang problema na mula pa sa nakaraan. E, hindi lang naman ako ang nasaktan noon… hindi lang ako ang nagsisi sa nangyari. Pa'no ko mareresolba ang problema kung lagi ko itong tinatakbuhan?

Tama si Mommy at Daddy, ang masamang nangyari sa nakaraan dapat ibaon na sa limot. Kung ano 'yung aral na natutunan mo sa nangyari, 'yun ang dapat hindi mo kalimutan at laging tatandaan.

Nagsisisi man tayo sa huli… pero dapat malaya pa rin tayo. Huwag natin hahayaan ikulong ang mga sarili natin sa nakaraan. Huwag natin hahayaan na kakainin tayo ng konsensiya natin… habangbuhay.

Life is short. You cannot move forward when you're stocked in the past.

“Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Jordan.

Tumango na lamang ako sa tanong niya kahit hindi naman talaga ako okay. Nasa sasakyan kami at papunta na sa simbahan para sa kasal nina Kuya Lucas at Ate Dollie. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang katabi ko si Jordan sa pag-upo rito sa back seat. Kanina pa akong walang imik at napapansin na yata ni Jordan iyon.

Inaalala ko pa rin kasi ang nangyari nung nakaraang gabi. At hanggang ngayon ay parang pinipiga pa rin ang puso ko sa sakit.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. E, ito naman 'yong gusto kong mangyari, 'di ba? Oo, gusto kong tanggapin niya ang trabaho sa Macau. Gusto kong maabot niya ang kanyang pangarap. Kaya gusto kong tumigil na siya sa panliligaw niya sa akin. Gusto ko unahin niya muna ang sarili niya.

Ngunit, kahit 'yon ang gusto ko, masakit pa rin.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng simbahan. Nakita kong marami nang nagdadatingan na bisita. Nauna nang lumabas si Jordan sa kabilang pintuan. Umikot siya sa sasakyan upang pagbuksan ako ng pinto. Pagkabukas niya palang ng pinto ay natigilan agad ako sa aking nakita.

Nakita kong sabay na lumabas sa kotse sina Erin at Dean. Pagkatapos ay sabay rin sila umakyat ng hagdan habang nakakapit ang kamay ni Erin sa braso ni Dean.

“Marga, are you sure, you're okay?” tanong sa akin ni Jordan kaya napatingin naman ako sa kanya agad.

“Y-Yes.” I hesitated to nod at him when I answered his question.

Huminga ako nang malalim at pumikit nang maririin, saka bumaba ng sasakyan. Inaayos ko muna ang suot kong dress dahil baka may nagusot ito habang nakaupo sa sasakyan. And then I clung my hand to Jordan's arm, who was patiently waiting for me. Papasok na kami sa loob ng simbahan.

Sumalubong agad sa amin ang mga bisitang nag-aayos na sa kanilang pwesto. Nilapitan naman kami ni Kuya Lucas na bakas naman sa kanyang mukha ang pag-aalala at nerbiyos.

“Si Dollie?” tanong niya agad sa akin.

“Kuya, don't worry! Nasa labas na si Ate Dollie. Kaya bumalik ka na sa pwesto mo at maghintay.“ Sabi ko habang tumatawa ng mahina.

Sino'ng hindi matatawa? E, sa itsura palang ni Kuya Lucas ay parang tatakbuhan siya ni Ate Dollie. Napatingin naman ako sa kanyang likod at nakitang papalapit na sa amin si Tita Zandie.

“Lucas, nar'yan na si Dollie. Maghintay ka na doon sa altar. Magsisimula na tayo,” sabi ni Tita Zandie sa kanyang anak saka ngumiti sa akin bilang pagbati. Ngumiti rin ako sa kanya at tumango.

Pumuwesto agad kami ni Jordan sa aming pwesto. The first walk begins with bridesmaids and groomsmen walking down the aisle, at dahil isa kami doon ni Jordan. Naglakad na rin kami. Sumunod naman sa amin ang maid of honor at ang best man, tapos naglakad na rin ang ring bearer, at ang flower girl na anak ni Trisha. Pagkatapos ay dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng simbahan, kung saan papasok na ang bride.

I looked at Kuya Lucas. He's smiling and trying not to cry while looking at his bride, but he couldn't make it. His tears fell shamelessly kaya napansin ito ng pinsan niya. Kuya Lucas' cousin teasing him kaya sinapak niya ito. Nang malapit na si Ate Dollie ay umaayos naman ang dalawa. Kahit natatakpan ng veil ang mukha ni Ate Dollie. Nakikita pa rin namin ang mga luha na lumalandas sa kanyang pisngi habang nakangiti siyang nakatingin kay Kuya Lucas.

Hindi ko maiwasan tuloy mapaluha habang nakatingin sa kanilang dalawa. Sa dami ng kasalan na nasaksihan ko o napuntahan ko, mga kasal ng kaibigan ko at mga kaklase ko sa France. Tulad din nila Kuya Lucas at Ate Dollie, ay umiyak din sila. Ngunit, hindi naman ako naapektuhan doon. Siguro, dahil na rin sa kinuwento ni Trisha sa akin ang mga nangyari sa kanila noon.

Nasa altar na sina Ate Dollie at Kuya Lucas, nakaharap na sila sa pari. Umupo naman kaming lahat na nasa baba nila, upang pakinggan ang mga sinasabi ng pari. Habang nakaupo ako ay may napansin naman akong tumitig sa akin. Kaya nilingon ko ang tingin sa paligid, at nakita kong nakatingin pala sa akin si Dean. Ngunit, pagtingin ko sa kanya ay umiwas din siya nang tingin sa akin.

Hindi ko pa inalis ang tingin ko sa kanya. Hinintay kong tignan niya ulit ako, ngunit hindi na niya ginawa. Bagkus ay nakatingin na siya sa harap at nakinig na sa pari.

“Uy, best! Baka matunaw 'yan,” bulong sa akin ni Sheena, na nasa likod ko lang nakaupo.

Tiningnan ko siya bago tumingin ulit kay Dean. Napanguso naman ako. Bakit parang gusto ko siyang makausap ngayon?

‘Tanga, Marga! Tinulak tulak mo siya palayo tapos gusto mo siyang kausapin ngayon? Mahiya ka naman. Nasaktan na siya!’ I mentally said to myself. Huminga ako nang malalim, at nakinig na lamang sa sinasabi ng pari.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay pumunta naman kami sa reception area, kung saan nandoon ang lahat ng bisita.

Mabilis lang lumipas ang oras. Pagkatapos nang pagbigay ng mensahe para sa bagong kasal ay nasayawan na. Nakaupo lamang ako dito sa aming lamesa kasama sina Jordan at Sheena nang may mapansin ako. Lumingon lingon ako sa paligid. Nawala na sina Tita Karen at Tito Daniel na nakita ko lang kanina sa simbahan. Nandito ba sila? Hindi ko na kasi sila nakita pagkarating namin dito.

“Sino bang hinahanap mo, Marga?” tanong sa akin ni Jordan nang mapansin ako na may hinahanap sa paligid. Tumingin agad ako sa kanya.

“Jordan, Marga, hindi ba kayo sasayaw?” tanong naman ni Sheena sa amin.

Umiling ako agad at tumayo. “Kayo na lang ni Jordan, Sheena. Magre-restroom lang ako,” sagot ko naman, saka umalis sa pwesto namin.

Hindi naman talaga ako pupunta sa restroom. May kailangan lang akong gawin ngayon. Ayokong magsisi sa huli kaya gusto ko siyang kausapin ngayon. Hahanapin ko muna kung saan ang lamesa nila Tita Karen at Tito Daniel, dahil baka nandoon siya. Ngunit, wala talaga akong makita sa ilang minuto kong paglilibot dito sa reception area. Ano? Umuwi na ba sila? Ang aga naman yata, a!

“Marga.” Napalingon ako kay Kuya Lucas nang siya'ng tumawag sa akin. “Sino'ng hinahanap mo?” pagtatanong niya.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Hindi ako nakasagot agad dahil sa pagdadalawang isip.

“Sina Dean ba?” tumpak niyang sabi.

“A-Ahh, oo, kuya,” nahihiya kong sagot sa kanya.

“Kanina pa siya nagpaalam sa amin ni Dollie kasama ang mga magulang niya. Hindi mo ba alam na aalis siya papuntang Macau?”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kuya Lucas. Hindi ako nakapagsalita agad. Aalis na siya papuntang Macau? Tinanggap niya na ba ang proyekto sa Macau? Ngunit, bakit parang tinutusok ng karayom ang puso ko ngayon. Dapat nga masaya ako para sa kanya, 'di ba?

“N-Ngayon na ba?” nauutal na tanong ko.

“Oo, ngayon na ang flight niya.”

“Okay, kuya, salamat. Aalis na ako,” paalam ko agad sa kanya.

“Teka, saglit lang!”

Hindi na ako lumingon kay Kuya Lucas. Dali-dali akong lumabas sa reception area kahit na tinatawag din ako nila Sheena at Mommy. Pumara agad ako ng taxi at sumakay na. Mabuti na lang ay may taxing nakaabang na rito. Kaya sa pagsakay ko, sinabi ko agad na sa airport kami tutungo.

“Kuya, paki-bilisan naman po. Mahuhuli na kasi ako, e,” sabi ko sa driver habang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon.

“Mam, baka mapansin na tayo ng mga pulis pag binilisan ko pa lalo,” sabi niya.

Shit! Ang layo naman kasi ng airport mula sa reception area. Hindi ko alam kung makakahabol pa ba ako nito o hindi na? ‘Lord, huwag mo munang paliparin ang eroplano.’ Taimtim kong dasal.

Nang makarating ay bumaba agad ako ng taxi. Tumakbo na ako papasok sa entrance ng airport at pumunta sa passenger area. Ngunit, wala na akong nakitang pasahero doon.

Natigilan naman ako at nanlumo nang marinig sa speaker na nakaalis na pala sa ang eroplano papuntang Macau. Tumakbo pa rin ako papuntang landing area. Kasabay nang paglipad ng eroplano ay ang pagtulo ng mga luha ko sa mga mata. Nakaalis na ang eroplano papuntang Macau? Nakaalis na siya, hindi ko na siya nahabol pa. Huli na ba talaga ang lahat? Hindi ko na ba siya makakausap?

Parang sinaksak ng punyal ang puso ko nang makitang nasa ere na ang eroplanong sinasakyan niya. Napahawak na lamang ako sa mga tuhod ko habang humahagulgol.

‘Dean, ganito ba ang naramdaman mo no'ng iniwan kita?’ Parang bumabalik sa aking ang lahat-lahat, a. Ngayon… alam ko na kung gaano kasakit ang maiwan.

--

“Buti naman ay nagbago ang isip mo. Hindi ka na umalis,” sabi ni Sheena.

“Naisip ko kasi na kailangan ko munang magbakasyon ng matagal dito.”

“Mabuti 'yan. Para naman makakapunta ka na sa reunion natin next month,” masayang sabi niya. “'Tsaka mag-beach naman tayo! Tagal ko nang hindi naligo sa dagat kasama ka,” dagdag niya pa.

I chuckled at her. “Sige, kailan ba?” tanong ko naman.

“Wait lang. Magpapaalam pa ako sa boss ko.” Sabi niya sabay kuha ng kanyang cellphone. Natawa na lamang ako habang napapailing, dahil mukang sa tawag na siya magpapaalam sa boss niya.

Ilang minuto lang ay binaba na niya ang kanyang cellphone. Napataas naman ang kilay ko sa kanya nang nakasimangot na siya habang nakatingin sa akin.

“Pinapapunta ako sa opisina ngayon. Tatapusin ko raw muna 'yung trabaho na iniwan ko bago ako manghingi ng leave,” sabi niya.

Natawa naman ako dahil doon.

“So, aalis ka na?” tanong ko.

“Hindi pa, no! Huwag kang maniwala non. Gusto lang ako makita ng lalaki na 'iyon.” sagot niya naman sa akin.

Nagtuloy tuloy lang kami sa pag-uusap ni Sheena tungkol sa mga lugar na pupuntahan namin. Nandito kami sa paborito naming coffee shop, at dito na rin kami mananghalian. Pagkatapos namin mananghalian, ay napagpasyahan na naming umalis na. Naghiwalay na kami paglabas namin sa coffee shop, dahil siya ay babalik pa sa opisina niya. Habang ako naman ay may ibang pupuntahan.

Habang nakasakay sa taxi ay bigla namang tumunog ang cellphone ko, kaya kinuha ko naman ito sa bag. Nakita ko si Mommy ang tumawag kaya sinagot ko naman agad ito.

“Mom,” ani ko.

“'Nak, saan na kayo ni Sheena ngayon? Nakapag lunch na ba kayo? O dito na kayo kakain sa bahay? Pinagtirhan ko pa naman kayo ng ulam,” magka sunod-sunod na tanong ni Mommy.

“Mom, kakatapos lang namin kumain ni Sheena. At naghiwalay na po kami dahil may tatapusin pa siyang trabaho sa opisina niya, at ako naman ay may pupuntahan din,” paliwanag ko naman sa kanya agad.

“Gano'n ba. O, sige. Mag-iingat ka, anak, a!”

Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. “Thanks, mom,” sabi ko, sabay tango kahit hindi niya naman ako nakikita.

Nang tumigil na ang taxi ay bumaba agad ako. Isang pamilyar na hangin ang sumalubong sa akin pag-apak ko palang sa lupa.

“Nakaka-miss ang lugar na ito,” bulong ko sa aking sarili.

Dahan-dahan akong naglakad sa dalampasigan habang sinasayaw ng hangin ang aking buhok at ang palda ng suot kong dress. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Kung may nagbago man sa lugar na ito, 'yun ay may dalawa o tatlong cottage na akong nakikita rito. Resort ito ng mga Fontanilla. Open area pa rin siya hanggang ngayon, kaya may nagtatambay na mga tao rito pagdating ng hapon.

Hinubad ko ang strappy sandal ko. Gusto kong maglakad-lakad habang nababasa ng tubig ang aking paa. At habang naglalakad ay naalala ko naman ang dati.

Naalala ko lagi pala kaming pumupunta ni Dean dito. Ito 'yung lagi naming pinupuntahan kapag wala na kaming klase, o tapos na ang klase namin. Imbes na dumiretso ng bahay ay dito kami pumupunta. Dito kami… naging kami. Dito ko sinabi na mahal ko siya. At dito niya rin ako sinopresa nung 17th birthday ko.

At hanggang ngayo'y naalala ko pa rin ang gabing iyon. Isa 'yon sa mga masasayang ala-ala dito noon… na hindi ko makakalimutan.

Huminga ako ng malalim. Tatlong araw na nung umalis siya. At hindi ko maiiwasan sisihin ang sarili ulit. Kung hindi ko siya tinaboy, hindi naman siya aalis, e! Hindi naman siya pupunta ng Macau kung nag-ayos kaming dalawa.

Napatigil sa paglalakad dahil sa malakas na hangin. Tumatakip na sa mukha ko ang aking buhok, kaya inayos ko naman agad ito, at inipit sa likod ng aking tainga. Natigil lang ako sa aking ginagawa nang biglang may mga paa na tumigil sa harap ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking mga mata sa lalaking nakatayo sa harap.

Namilog agad ang mga mata ko nang makita kung sino ito.

“Dean?” Nagtataka kong tanong sa kanya. “P-Pano'ng—”

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya nang makita niya rin ako.

“Marga, you—”

“Dean!” I shrieked as I jumped and hugged him tightly. He just caught and wrapped my waist with his arms, while my legs were hung in the air.

“Wait…” sabi niya. Kaya tiningnan ko naman ang mukha niya. Tumingin din siya sa akin. Tumitig siya na parang hindi siya makapaniwala na ako ito. Bumaba ako at humiwalay ng yakap sa kanya.

Tumitig din ako sa kanya. Ngunit, dahil sa buhok kong tumatakip sa aking mukha, kaya inayos ko muna ito. Tumulong na rin siya sa pag-aayos ng buhok ko. Dahan-dahan niya itong inilagay sa likod ng aking tainga. At habang ginagawa niya iyon, ay tumitig naman ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon

“You're still here…” ani ko.

“You're still here, too.”

“Akala ko ba nasa Macau ka na?” tanong ko.

Tumaas naman ang kanyang isang kilay. “Sino'ng may sabi n'yan sa 'yo?” balik na tanong niya sa akin. “'Tsaka matagal ko na tinanggihan ang trabaho na iyon, kaya nakahanap na sila ng iba.” dagdag niya pa.

“So, hindi ka talaga umalis?” pagtatanong ko.

“Ba't ako aalis? E, nandito ka pa.”

“E, ikaw ba? Mamaya na ba ang alis mo?” tanong niya naman.

Natigilan ako ulit sa kanyang tanong. Ang alam ko si Jordan ang babalik sa France mamaya, at hindi na ako kasama.

Umiling ako. “Hindi na ako aalis,” sabi ko.

Nagtataka naman niya akong tiningnan. “Bakit?” tanong niya ulit.

“Hihintayin sana kita, e,” sagot ko naman.

Natahimik siya dahil sa naging sagot ko. Tiningnan niya ako nang mabuti. I flashed my sweet smile at him. Then he smiled back too. He slowly in circles his arm on my waist and pulled me into a hug.

“Let's stop the long wait, Dean. Let's be together, forever.” I said as I hugged him back while he planted a kiss on my head.

I looked around. This place is really special. Kung saan nagsimula ang relasyon namin... dito din namin sisimulan ulit...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top