CHAPTER 43

HOPEDEEPLY






“Okay… pero pwede bang pumasok muna tayo sa loob ng sasakyan?” he said while his eyes were wearily.

Napatingin ako sa gilid namin. Nakita ko ang itim na kotse niya. Dahan dahan naman akong tumango sa kanya saka sumunod. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat para sa 'kin. Pumasok naman agad ako. Isinarado na niya ang pintuan kaya hinintay ko na lang siya pumasok sa loob. Pagkaupo niya sa driver seat, may kinuha naman siya ng kung ano sa likod, tapos ibinigay niya sa akin.

“You showed too much skin tonight. The weather is cold. Come on, wear it.” Napatitig ako saglit sa coat na binigay niya bago ko ito kinuha.

Pagkalabas ko palang ng bar kanina, alam kong nilalamig na ako. Pero sa dami ng tumatakbo sa isip, hindi ko na ito inantala. Sinuot ko na ang coat niya. Ito yata ang sinuot niya sa bachelor party ni Kuya Lucas. Teka nga, bakit nga pala siya nandito? Tapos na ba ang party nila?

Matapos kong sinuot ang kanyang coat, ay tila hinihila naman ako ng antok dahil sa bango nito. Hindi ko maiwasang mapapikit na lamang, at ihilig ang aking ulo sa upuan ko. Napatigil na lang ako sa aking ginagawa nang biglang magsalita si Dean.

“Kung gusto mo nang matulog, ihahatid na kita sa inyo,” sabi niya sa tapat ng aking tainga. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko ngayon.

I pushed him slightly and shook my head.

“No! May itatanong pa ako sa 'yo, e,” sabi ko, saka umiwas ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan na ginawa.

I heard him sigh deeply. “What is that? Hmmm…” he subtly asked.

“Tungkol sa nangyari dati,” sabi ko.

Tumigil ako habang nag-iisip. Na kapag hindi ko ito maitanong sa kanya ay walang mangyayari. Habangbuhay ko ito dadalhin, at baka pagsisihan ko pa ito sa huli. Kaya kailangan ko na itong harapin na, para masagot na ang lahat ng tanong sa isip ko.

“Totoo bang… tinanggal ni Daddy ang pangalan mo sa scholarship?” lakas na loob kong tanong sa kanya.

Kumakabog ang dibdib ko habang tinatanong ko iyon. At alam kong wala na s'yang magagawa upang sagutin ito.

“Oo,” sinagot niya naman agad.

Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa harap habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa manibela.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong ko naman agad sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim bago sinagot ang tanong ko.

“Dahil ayokong magalit ka sa daddy mo.”

Napalunok ako ng sarili kong laway bago tumingin sa harap ng sasakyan.

“Ngunit hindi dapat 'yon ginawa ni Daddy. Magagawan ko pa sana nang paraan iyon, Dean,” sabi ko, habang unti-unting kumikirot ang aking dibdib.

“Alam ko…” sang ayon niya agad sa sinasabi ko.

Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang pag-aaral sa abroad. Matagal niya na pinaghandaan iyon. Gusto niya mag-aral sa abroad upang makabili siya ng lupa at bahay para kay Tita Karen. At makapag patayo ng isang restaurant para sa kanyang ina dahil sa hilig nito sa pagluluto.

“Pero ayos lang… nakagawa naman na ako ng paraan. Natupad ko naman ang aking mga pangarap kahit dito lang ako nag-aaral,” dagdag niya pa.

Natahimik ako dahil sa kanyang sinabi. Huminga ulit ako ng malalim.

“'Yun lang ba?” tanong niya nang mapansin niya ang pagtahimik ko.

Lumunok ulit ako bago magsalita.

“Pumunta ka sa bahay noon, hindi ba? Ano ang ginawa ng magulang ko sa 'yo?” tanong ko habang bumibigat ang aking pakiramdam. Tumingin ulit ako sa kanya.

“Marga.” Binalingan niya ako saglit.

Hindi siya makatingin ng maayos sa akin. Para bang ayaw niyang sagutin ang tanong ko.

“I want to know, Dean. Alam ko na kung gaano ako katanga noon, dahil nagpadala ako sa aking nararamdaman, at emosyon. Hindi ko pinakinggan ang magulang ko dahil… tingin ko mali sila at tama naman ako. Naging selfish ako at hindi na inisip kung tama ba ang ginagawa ko noon. Sinuway ko sila at dahil doon nadamay kayo ni Tita Karen. Hindi ko kasi inisip ang magiging consequences ng aking kinikilos at mga maling desisyons ko,” sabi ko saka huminga ng malalim.

“Dean, dahil sa mga maling desisyons ko kaya ka tinanggalan ni Daddy ng scholarship. Dahil sa pagsuway ko sa kanila kaya kayo napahamak ni Tita Karen. At ng dahil sa akin kaya ka ring nakulong, kaya——”

“Sshh, Marga…” he said as he put his index finger on my lips just to stop me from what I've said. “Marga, hindi lang ikaw ang may maling desisyon noon. Nagkamali rin ako kaya h'wag mong pasanin lahat. Sa ating dalawa ako ang mas may alam noon. Ako dapat ang magtuturo sa 'yo kung ano ang tama at mali. Ako dapat ang unang… tumigil sa ating dalawa.”

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi sa mga nangyari noon. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

“Kung pinigilan ko lang ang naramdaman ko noon... wala sanang masasaktan. Kung naghintay sana ako ng apat na taon bago kita ligawan… hindi ka sana lalayo,” dugtong niya pa.

Napayuko ako at saka ipinikit ang mga mata. Ngayon, parang sinaksak ng punyal ang aking puso dahil sa sinabi niya. Ang sakit, sobrang sakit, na pareho naming pinagsisihan ang mga nangyari noon. Hinawakan niya ang aking baba at dahan-dahan inangat ito. Nilebel niya ang aming tingin, kaya nakita ko ang nagsusumamo niya mga mata.

“Pero hindi pa huli ang lahat. Pwede naman tayo magsimula ulit,” sabi niya na ikina iwas ko naman ng tingin sa kanya.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Lumayo ako habang umiling iling sa kanya.

“Tama na, Dean. Kung pinaghiwalay tayo noon. Siguro, hindi talaga tayo para sa isa't isa. Kaya 'wag na natin suwayin ang tadhana…” Sabay bukas sa pintuan sa gilid ko.

Paglabas ko pa lang sa kotse ni Dean ay nakita ko naman ang kotse ni Sheena na papaalis na. Kaya tinapik ko ito, saka binuksan ang pinto sa passenger seat.

“What happened?” Sabay tingin ni Sheena sa kotseng pinanggalingan ko. “'Di ba kay Dean iyon?” tanong niya ulit.

Marahas kong inalis ang mga luhang lumandas sa pisngi ko habang nakaupo nang maayos sa passenger seat.

“Tara na, Sheena,” I said in a shaking voice.

“Huh? O-okay.” At agad pinaandar niya na ang kanyang kotse.

Dali-dali akong lumabas sa kotse ni Dean para wala na siyang masabi pa. Alam kong nasaktan ko na naman siya ngayon. At hindi ko alam kung na ba ang desisyon ko na iyon o hindi. Nawala ang scholarship niya noon dahil sa ginawa ni Daddy, kaya hindi ko hahayaang isuko niya pa ang proyekto sa Macau ng dahil sa akin.

'Masakit man sa akin ang desisyon ito. Ngunit, habang nakikita kita Dean, nakokonsensya ako. At habang kasama kita hindi ko maiiwasan isipin ang mga ginawa ng magulang ko sa inyo. Kaya hangga't maaari, sa pagkakataon na ito, pipigilan ko na ang nararamdaman ko para sa 'yo… at kalilimutan na kita.

Nagpahatid ako kay Sheena sa isang hotel dahil ayoko munang umuwi ngayon. Gusto sana akong samahan ni Sheena ngayon. Ngunit, may tumawag naman sa kanya. May emergency daw sa trabaho niya ngayon, kaya wala na siyang magawa kundi ang umalis na lamang. Mas mabuti na rin siguro iyon. Dahil gusto ko munang mapag-isa kahit ngayong gabi lang. Gusto kong mag relax at mag isip nang mabuti.

Alas nuwebe na ng gabi at nakaramdam ako ng pagkagutom. Dahil may restaurant sa baba ng hotel na ito ay nag order ako ng pagkain.

Habang hinihintay ko ang aking order ay tumunog naman ang aking cellphone kaya kinuha ko agad ito. Si Daddy ang tumawag kaya sinagot ko naman ito.

“Dad,” panimula ko.

“Marga, anak… alam kong masama ang loob mo sa amin dahil sa nangyari noon…” napapikit ako nang maririin dahil sa sinabi ni Daddy. “alam namin ng mommy mo na mali ang ginawa namin noon, at pinagsisihan na namin iyon. Anak, alam kong galit ka pa sa amin… pero sana tandaan mo na nandito lang kami lagi ng mommy mo, at sana mapatawad mo na kami. Hihintayin ka namin, anak.”

Hindi ko alam kung saan o kanino nila nalaman na alam ko na ang lahat. At mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Daddy. Hindi ako galit sa kanya, o sa kanila. Masama lang ang loob ko dahil sa mga nangyari noon. Dahil alam ko ako 'yung dahilan kung bakit nila nagawa iyon.

Pinatay ko na ang aking cellphone. Alam kong maiintindihan nila kung bakit hindi ako makakauwi ngayon. Gusto ko munang isipin nang mabuti ang mga gagawin ko sa susunod. At sana hindi ko ito pagsisisihan sa huli.

Nagmukmok muna ako bago naisipan maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas agad ako sa banyo na nakasuot lang ng bathrobe, habang pinupunasan ko ng tuwalya ang aking buhok. Habang ginagawa ko ito ay may biglang nag-doorbell naman. Kaya pumunta ako sa may pintuan at binuksan agad ito.

“Good evening, mam. Here's your order!” masayang bati ni Kuya.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Ngumiti na lamang ako at agad kinuha ang inorder ko, nagpasalamat na rin ako sa kanya. Pagkatapos umalis ni Kuya ay sinara ko na ang pintuan. Nilagay ko na sa lamesa ang mga inorder ko, at nagpatuloy na sa pagpupunas ng buhok. Lumipas ang tatlong minuto ay may nag-doorbell na naman, kaya natigil ulit ako sa aking ginagawa. Humakbang agad ako papuntang pintuan upang buksan ito.

Nang buksan ko ang pinto ay tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa lalaking bumungad sa akin. Sinuri niya agad ako mula ulo hanggang paa bago tumitig sa mga mata ko.

My forehead creased. “Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong ko agad sa kanya. Sinundan niya ba kami ni Sheena rito?

“May nagsabi sa akin na nandito ka.” Sabay hakbang niya papalapit sa akin.

Napasinghap ako at napaatras sa pagpasok niya sa pintuan. My heart skipped a beat when he closed the door, na parang sa kanya ang kwarto na ito.

“What are you doing?” Sabay lapit ko sa kanya upang pigilan siya.

Mabilis niya naman hawakan ang aking mga braso at humarap sa akin. Bahagya niya naman ako hinila papunta sa kanya kaya nagdikit ang mga katawan namin. Napasinghap ulit ako.

“Binuksan mo agad ang pinto habang nakasuot ka ng ganyan, Marga,” aniya habang naggagalawan ang mga muscles sa kanyang panga.

“Akala ko kasi 'yong delivery boy ang bumalik—”

“What?!” putol niya sa akin.

Napapapikit na lamang ako nang ma-realize ko ang aking sinabi. Unti-unti nang uminit ang aking pisngi kaya tinulak ko siya dahil sa kahihiyan.

“Ano bang paki mo?! Hindi naman kita pinapakialaman sa ginagawa mo, a! At saka bakit ka ba talaga nandito?” magkasunod sunod kong tanong sa kanya.

Tumawa siya saglit saka tumitig ng mariin sa akin.

“Marga, nandito ako para mag-usap tayo nang maayos,” he subtly said.

“Ano pa bang pag-uusapan natin, Dean? Binasted na kita, a! Kaya pwede mo nang gawin ang gusto mo!” pabalang na sagot ko sa kanya.

Natahimik siya at napatitig sa mga mata ko. May sinasabi ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. At ayaw ko nga lang intindihin. Kaya nilihis ko ang mga mata ko sa kanya. Tumingin ako sa bandang kanan kung saan ang lamesa na may pagkain.

“Ginagawa ko na nga ang gusto ko, Marga. Pero anong magagawa ko kung ayaw naman ng taong gusto ko.” he said.

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Kumunot ang noo ko.

“Babalik ka sa France pagkatapos ng kasal ni Lucas, hindi ba?” tanong niya.

Natigilan ako roon. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig ngunit hindi ko naman mahanap ang tamang salita. Kaya kinagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi.

“Hinintay kita, pero hindi kita pipilitin na manatili rito, Marga. Dahil kung masaya ka sa pupuntahan mo, masaya na rin ako…”

Lumapit ulit siya sa akin. At inabot ang magkabilang pisngi ko. Tumitig siya sa mga mata ko. Hindi agad na proseso ng utak ko ang kanyang huling sinabi. Nakatitig lang ako sa kanya nang inabot ng labi niya ang aking noo. Pagkatapos niyang halikan ang noo ko, ay tumitig ulit siya sa akin. Na para bang mino-memorize niya ang bawat anggulo ng mukha ko.

“I wish you will be happy forever, Marga.”

Huli na't natanto ko ang lahat. Ang pagsara ng pinto pagkatapos niyang lumabas, ay ang pagtulo rin ng mga luha ko sa mga mata. Nanghihina ako na napaupo sa kama. Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Parang sinaksak nang paulit ulit ang aking puso sa sobrang sakit nito.

‘Ito naman ang gusto ko, di ba? Ang sumuko na siya sa akin para magawa na niya ang kanyang gusto. Ngunit, bakit hindi ko matanggap?’

-

Nang umuwi ako sa bahay ay ikina taka ko ang pag-alis ng isang sasakyan. Nakita kong nakasakay roon si Tita Karen nang dumaan ito sa gilid ng taxi na sinasakyan ko.

Huminto na ang taxi sa tapat ng gate kaya pagkababa ko rito ay nawala na ang sasakyan ni Tita Karen. Pinuntahan ko agad sila mommy at daddy para tanungin. Nakita ko sila sa may hardin kasama sina Tita Zandie at Tito Luther. Bumaling sila sa akin nang mapansin akong papalapit sa kanila. Tumayo agad si Mommy upang salubungin ako.

“Anak.” tawag sa akin ni Daddy at tumayo na rin sa kanyang kinauupuan.

Bakas ang pag-alala sa kanilang mukha nang makita ako. Hindi ko tuloy maiwasan makonsensya dahil pinag-alala ko na naman sila. Niyakap nila ako pareho pagkatapos tiningnan ako ng mabuti.

“Marga, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Mommy. “Hinatid ka ba ni Dean dito?” dagdag niya pa.

Naningkit naman ang mga mata ko kay Mommy. Paano niya nalaman na magkasama kami ni Dean. Magtatanong na sana ako nang magsalita naman si Daddy.

“Nagpunta si Dean dito, kasama ang parents niya kagabi para pag-usapan ang kasal nina Lucas. Hinanap ka nila pero hindi ka pa umuuwi kaya tinawagan namin ang kaibigan mo. Inutusan agad namin si Dean para puntahan ngunit… nagdadalawang isip siya dahil medyo nagkasagutan daw kayo sa bar kagabi. Kaya tinawagan kita agad… at habang nag-uusap tayo, pinipilit naman ng mommy mo si Dean na puntahan ka para makapag usap kayo ng maayos.” sabi ni Daddy sa akin.

“Hinintay namin kayo umuwi kagabi habang nag-uusap kami nila Karen at Daniel. Umabot kami ng ala una ng gabi sa pag-uusap at hindi pa rin kayo umuuwi, kaya pinatulog na namin sila dito. Kakaalis lang nila ngayon dahil may emergency daw sa kanilang bahay.” dagdag naman ni Mommy.

Natahimik ako. Hindi maproseso sa utak ko ang mga sinabi nila. Nagkatinginan sila Mommy at Daddy habang hindi ako makapagsalita.

Paano nangyaring ayos na sila? Kailan lang?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top