CHAPTER 41
HOPEDEEPLY
After the three-hour drive, the Ferrari stopped in front of the wrought iron gate. I can see the plants that are placed outside the house. Nakita ko rin ang dalawang sasakyan nila sa garahe.
Inangat ko ang aking tingin sa two storey house nila. Pinaghalong itim at asul ang kulay ng bahay. Malaki ang bahay, kasing laki nung kay Kuya Lucas. Ngunit, kung ikukumpara mo ang mga bahay nila, di hamak na mas maganda ito.
Binuksan agad ng guwardiya ang gate kaya tumuloy na kami sa loob. Sabay kami ni Dean na lumabas ng sasakyan. Paglingon ko pa lang sa may pintuan ng bahay ay nakita ko agad si Tita Karen na nagkukumahog palabas. Unting-unti nag-init ang gilid ng mga mata ko, at halos kagatin ko na ang aking labi para lang tumigil ang luha ko sa pagtulo.
Nung huling kita namin ay nasa Ospital siya. Sobra-sobra ang galit ko sa aking ama nung nalaman ko ang totoong nangyari. Hindi ko matanggap ang ginawa ng aking ama sa kanila, at sinisisi ko pa ang sarili ko dahil doon. Hindi ako makapaniwala na nagkita kami ulit ngayon. Sobra ang kagalakan ng aking puso when she approached me with open arms. Ngumiti ako kahit gusto nang tumulo ng aking mga luha. Sinalubong ko rin siya ng yakap.
“Marga! Anak!” si Tita Karen sa akin.
She hugged me back, tightly. I could feel how she gently caressed my hair at the back. Napapikit naman ako habang ginagawa niya iyon. I felt I'm longing my own mother.
“Mabuti naman bumalik ka na…” banayad na sabi niya saka humiwalay ng yakap sa akin.
“Hindi mo ba na-miss ang mga luto ko?” tanong niya na parang nagtatampo.
Hindi ko mapigilang mapatawa sa kanyang tanong.
“Tita, hindi lang ang mga luto mo ang na-miss ko, ikaw rin po…”
“Hmmm… na-miss din kita, anak.” Sabay halik niya sa aking noo.
Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa halik niya. Parang hindi ako ang anak ng taong nagkasala sa kanila noon… parang walang nangyari dati, dahil hindi nagbago ang trato niya sa akin.
“Ma! Hindi mo ba kami papasukin muna sa loob?” singit ni Dean na nasa aking likuran. Kanina pa siya nanonood sa amin ni Tita Karen.
“Oh! Tara na sa loob. Nakahanda na ang mga pagkain...”
At gaya nga nang sinabi ni Tita Karen. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Hawak ni Tita Karen ang braso ko habang naglalakad kami papasok sa bahay nila. Si Dean nama'y nakasunod lang sa amin. Diretso na kami sa living area. Habang naglalakad papasok sa loob ay nilibot ko naman ang aking tingin sa buong bahay. Malawak at malinis tignan ang sala nila. Maliban sa mga upuan at appliances na nandito, ay may mga halaman din sa bawat sulok nito.
“Balita ko gum-raduate ka raw ng Architect?”
Napatingin naman ako kay Tita Karen nang banggitin niya iyon. Sigurado akong si Dean ang nagsabi sa kaniya non. Tumango naman ako saka ngumiti sa kanya.
“Opo, tita.” Sabay tingin kay Dean na umupo sa kanilang couch.
“Naku! Sigurado akong ang gaganda ng mga gawa mo!”
Imbes na magsalita ay ngumiti na lamang ako kay Tita Karen. Nahihiya ako dahil wala pa naman akong nasimulan, hanggang sketch pa lang ako.
“Let me see your design, Marga,” Dean said suddenly. So I looked at him.
I frowned as I walked towards him. “Why?” I asked.
“I want to see it…”
Natigilan naman ako at nag isip-isip. Bakit niya naman gustong makita ang design ko? E, ayoko ko nga ipakita kay Daddy iyon, sa kanya pa kaya?
“Naku! Sa hapag na kayo mag-usap, para makakain na rin tayo. Marami pa naman kami niluto ngayon!”
Namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Tita Karen.
“Talaga po?” tanong ko.
Tumango naman siya at sabay hila sa akin papuntang dining area. Nagniningning naman ang aking mga mata nang makita ko ang mga pagkain na nakahanda sa lamesa. Ang dami, parang may piyesta. Binalik ko ang aking tingin kay Tita Karen para magtanong sana. Ngunit, nahagip naman ng aking mga mata ang dalawang taong kapapasok lang. Kaya napatingin naman ako sa kanila.
“Marga! Nandito ka na. Buti ay napapayag ka ni Dean na pumunta rito,” si Tito Daniel.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi ako nakapagsalita agad, dahil hindi ko alam kung paano ba ako tumugon sa kanyang sinabi. Ngumiti siya sa akin, kaya ngumiti din ako sa kanya. Walang bahid na kaplastikan ang pinakita niyang expression sa akin, na para bang walang nangyari dati. Kaya gumaan naman ang pakiramdam ko at nakahinga nang maluwag.
“Ah, opo. Pinuntahan niya po kasi ako sa bahay,” I shyly said.
Kahit totoo ang pinapakita niyang expression sa akin, ay hindi ko pa rin maiwasang mahiya.
“Oh. Napadalaw ka Erin?” puna naman ni Tita Karen nang makita niya si Erin nasa lang likod ni Tito Daniel.
“Hello po, tita,” Erin said with a smile as she waved her right hand.
Naglakad siya palapit sa amin, kaya lumayo ako nang kaunti kay Tita Karen. Nagyakapan silang dalawa na parang mag-ina.
“Nagkita lang kami ni Tito sa site, and then nagtanong ako sa kanya kung nandito ba sa bahay si Dean. Hindi ko naman po alam na nandito rin si Marga. I'm sorry for meddling, tita.” sagot niya sa tanong ni Tita.
“Don't say that, Erin. You always welcome here. Magkaibigan kayo ni Dean, at childhood sweetheart naman sina Marga. Mas mabuti ngang nandito ka para naman maging malapit kayo ni Marga sa isa't isa,” banayad na sabi ni Tita Karen.
Napansin ko ang pangiwi ni Erin sa sinabi ni Tita Karen. Hindi iyon nakita ni Tita dahil nakayuko si Erin.
“Thank you so much, tita,” Erin said.
“Oh. Hali na kayo! Kumain na tayo. Nakahanda na pala ang pagkain!” pagyayaya naman ni Tito Daniel sa amin lahat.
Lumapit na kami sa mahabang lamesa, at umupo na. Nakaupo sa kabisera si Tito Daniel, habang magkatabi kami ng upuan ni Tita Karen, at gano'n din sina Erin at Dean na nasa kabilang side ni Tito Daniel. Nagsimula na kaming kumuha ng pagkain.
“Naalala mo pa ba nung unang nilutuan kita nito?” tanong ni Tita Karen habang nagsandok ng kare-kare, at nilagay sa aking plato.
Nahagip naman ng mga mata ko ang paglagay ni Erin ng kanin sa plato ni Dean kaya hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Tita Karen. Umiwas ako ng tingin sa kanila at nagpukos na lamang sa mga pagkain na binigay ni Tita Karen sa akin.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
“Syempre naman po, tita. Umiyak po ako non, e!”
“Bakit ka naman umiyak, Marga? Inaway ka ba?” kuryosong tanong ni Tito Daniel sa akin.
“Nope. Nahulog kasi siya sa puno ng mangga nang umakyat siya para pumitas ng hinog na mangga.”
Napatingin agad ako kay Dean, na siya'ng sumagot sa tanong ni Tito Daniel. Napalunok ako ng aking laway nang makita ko siyang nakatingin din sa akin.
“Matigas po kasi ang ulo niyan. Hindi po makapaghintay na pitasin ko ang mangga para sa kanya,” dugtong niya pa.
Naalala ko nung gumawa pa siya ng assignments niya, tapos kinulit-kulit ko lang siya para kumuha ng mangga. Sabi niya, mamaya na dahil gumagawa pa siya ng assignment. Kaso gusto ko na kasing kumain ng mangga kaya ako na mismo ang umakyat sa puno. Nasa dulo na ako ng sanga at aabutin na sana ang mangga nang biglang humangin at gumalaw ang sangang inupuan ko. Kaya nataranta na ako at hindi na magawang i-balance ng maayos ang sarili, dahilan ng pagkahulog ko sa lupa.
Sa sobrang pag-alala ni Dean at Tita Karen nang marinig nila ang sigaw ko. Dali-dali nila akong pinuntahan at agad na binuhat papasok sa kanilang bahay. Ginamot ni Dean ang sugat sa mga tuhod at braso ko, habang ako ay iyak nang iyak dahil hindi ko pa rin makuha ang mangga.
Habang ginagamot ni Dean ang mga sugat ko ay nagpasiya si Tita Karen na lutuan ako ng kare-kare. Kaya nung hinanda ni Tita Karen ang kare-kare at pinatikim sa akin. Nagustuhan ko ang lasa nito kaya nakatatlong bowl ng kanin ako noon.
“Tumigil na siya sa pag-iyak nung natikman niya ang kare-kare. At inubos niya pa. Hindi tinirhan si Dean,” pagpapatuloy ni Tita Karen sa pagkwento.
“Nakakatuwa naman po sila, tita. Parang magkapatid na,” biglang sabi ni Erin.
Tumingin ako sa kanya.
“They're so close. That's why Dean is always protecting Marga in school,” dagdag niya pa habang sumusubo ng pagkain.
“Naku! Akala ko nga magkapatid ang turing nila sa isa't-isa nung una, e. 'Yun pala…” Tumikhim si Tita Karen, tila nanunukso.
“Hindi ka ba nagalit sa kanila, tita?” tanong naman agad ni Erin na ikinakunot ng noo ko.
Naalala ko tuloy no'ng sinermonan niya kami ni Dean nang makita niya kaming nagyakapan at muntik nang maghalikan sa isang kwarto.
“Hindi ako nagalit. Nagtatampo lang… hindi kasi nila sinabi sa akin sa una pa lang,” sagot ni Tita Karen sabay ngiti sa akin.
“I like Marga ever since we met her. Simula nung dinala siya ni Dean sa bahay ay parang nagkaroon na rin akong anak na babae. 'Yung mga damit na hindi ko na naisuot o nakatago ng matagal ay naibigay ko sa kanya…” pagpapatuloy ni Tita Karen.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Naalala ko tuloy nung isinama nila ako magsimba tapos wala akong maisuot na damit na pamsimba noon. Kaya hinalungkat niya ang kanyang drawer para hanapin ang mga bestida na hindi niya na sinuot noon.
“Tita, nasa akin pa po ang mga damit na binigay n'yo noon,” I subtly said.
“Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ni Tita sa akin.
“Opo.”
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Narinig ko naman tumikim si Erin kaya napatingin ako sa kanya. I saw how she rolled her eyes and mimicked my words I say. What the hell is she problem?!
“Well, tito, nandito po ako dahil may good news ako sa inyong lahat,” sabi ni Erin kaya napatingin ang lahat sa kanya.
Ngumiti muna si Erin sa akin. Kaya hindi ko naman maiwasang kumunot ang aking noo. Is she teasing me?
“Dean, Mr. Watstone wants to make a big project, and he wants Dean to be a head of it,” she announced with excitement.
“Really?” Tito Daniel's eyes beamed in shock. “Dean, accept it! It's a big project. And maybe, this is the sign to make your name known to the whole world.”
Wala ni isa sa amin ni Tita Karen ang nagsalita. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
“Tito is right, Dean. Sulit ang anim na taon mo sa Macau pag tinanggap mo ang project na yan!” Erin said.
Inangat ko ang tingin ko kay Dean. At nakita ko na naman siya nakatingin sa akin. Sa paraan ng tingin niya ay parang sa akin siya kumukuha ng sagot. O ako lang 'to na nag-iisip ng kung ano-ano. Imposible naman iyon. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at yumuko sa pagkain na nasa harapan ko.
“Pag-iisipan ko pa, pa,” he simply said.
Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya, at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang nasa isipan niya ngayon, hindi ko kasi ito mabasa. Kung ako pa sa kanya ay tatanggapin ko na ito agad. Sayang din naman kasi.
“Kakausapin ko muna si Marga,” he added.
Natigilan ako, at nailunok agad ang pagkain na nginunguya ko dahil sa kanyang sinabi. Bumara pa yata sa lalamunan ko ang pagkain kaya uminom muna ako ng tubig bago magsalita.
“Bakit?” I asked confusedly.
He deeply sighed. “Again, Marga. You've forgotten that I'm courting you?” he uttered in cooly.
I stiffened and pressed my lips. I couldn't utter any words to say against his, while my heart pounding so fast. Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang reaksyon ni Erin ngayon. Tila ba'y nanigas na siya sa kanyang kinauupuan, at napatingin na lamang sa kanyang plato.
“Mga anak, natutuwa ako at nagkamabutihan ulit kayong dalawa…” Tita Karen said so I looked at her. Nakita ko na parang naiiyak na siya ngayon. “hindi ako tumigil sa pagdasal na sana maging maayos ang lahat pagkatapos ng nangyari dati… na sana kahit nasa malayo kayong dalawa ay maging masaya pa rin kayo sa bawat ginagawa n'yo, at pinagdasal ko rin na sana ay mahanap n'yo ang isa't isa upang maging maayos din ang inyong relasyon na natigil noon…” Sabi ni Tita Karen sabay hawak sa aking kamay.
My heart warmth because of what she said. I held her hand too, and gently squeezed it. Nakakapang-init ng puso na may taong na nag-aalala sa 'yo, at isinasama ka pa sa kanilang mga dasal.
Akala ko kasi pagkatapos nang nangyari dati, ay kakalimutan na namin ang isa't isa. Akala ko iiwasan na nila ako, o itataboy na nila ako. Ngunit hindi nila ginawa. Bagkus, tinanggap pa rin nila ako sa loob ng maraming taon na iniwan ko sila ng walang paalam. Tinanggap pa rin nila ako sa kabila ng mga ginawa ng magulang ko sa kanila.
At napakaswerte ko nang dumating sila sa buhay ko.
Natapos ang tanghalian na puno nang kwentuhan at iyakan. Nagpaalam naman agad sina Tito Daniel at Dean sa amin dahil may pag-uusapan daw sila, sumama na rin si Erin sa kanila. Habang tinutulungan ko naman si Tita sa pagliligpit ng pinagkainan namin. Pagkatapos namin maghugas ng plato ay nasa hardin naman kami, nag-aayos ng halaman. Mahilig si Tita Karen sa halaman noon pa man. At palagi niya akong isinasama pag bibili siya ng mga halaman o bulaklak.
Umabot kami ng alas kwatro ng hapon sa pag-aayos ng mga paso. Nagpaalam naman si Tito Daniel kay Tita Karen na umalis saglit dahil may titingnan raw ito sa site. Pagkatapos umalis ni Tito Daniel ay ipinagpatuloy na namin ang pag-aayos ng mga halaman. Napaangat ang aking tingin nang mapansin ko sina Dean at Erin na nag-uusap sa may veranda. Nakita ko kung paano kumapit si Erin sa braso habang nakasandal naman ang kanyang ulo sa balikat ni Dean na parang nakayakap na ito sa lalaki.
My heart hurts, na parang tinutusok ng maraming karayom. Agad ko naman iniwas ang aking tingin sa kanila, at nagpukos na lamang sa ginagawa.
-
Madilim na at katatapos lang namin mag hapunan. Nandito ulit ako sa hardin, nakatingin sa buwan na nakasilip sa ulap. Pagkababa ni Tita Karen mula sa kanyang kwarto ay pagpapaalam na agad ako umuwi. Hinintay ko lang siya rito, dahil ang sabi niya'y may ibibigay daw siya sa akin.
“Marga…” Napalingon agad ako sa tumawag sa akin. Si Erin. “Feel at home? Huh?”
I deeply sighed. “Just like you,” I answered sarcasm.
She rolled her eyes at me. “Matagal na ako nandito, Marga. Pamilya na ang turing nila sa akin,” she said.
I sighed again. I crossed my arms against my chest as I looked at her intently. Pinapaalis niya ba ako rito?
“Mas nauna pa rin ako kaysa sa 'yo, Erin,” I fought back.
“Mas nauna ka nga. Pero nagdadala ka naman ng mga pasakit sa kanila. Nakalimutan mo na ba?” she asked.
Natigilan ako at napatikom ng bibig. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan. Hindi ko ginusto ang nangyari noon. Wala akong alam! Isa pa, nagsisisi na rin sina Mommy at Daddy sa ginawa nila, at gusto na nila humingi ng tawad sa nangyari.
I swallowed hard. “Hindi ko nakakalimutan 'yon, Erin. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang nangyari,” ani ko.
“Kung gano'n. Ba't nandito ka pa? At kung may konsensya ka pa, dapat hindi ka na nagpakita sa kanila!” she said.
“Yeah, you're right!” I said directly as I nodded at her.
She then smirked at me and flipped her hair. It seems she looks so happy that agreed with her.
“Pero…” I trailed off. “mas gusto nila akong makita, e. Ano'ng magagawa ko?” I continued. And, I smiled at her.
“Wala ka talagang konsesnya, 'no?! Nasa abroad ka na bumalik ka pa rito!” she hissed at me.
I narrowed my eyes at her because of what she said. Angry is evidence in her eyes.
“Para ano, Marga? Para saktan sila ulit tapos iiwan mo?!”
“Ano bang kinakatakutan mo, Erin?” I asked curiously. “Ang maagaw ko si Dean sa 'yo. Bakit? Naging kayo ba?” I asked sarcastically.
“How dare you say that! Huh? Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan, pagkatapos ng ginawa mo kay Dean nung gabing iyon!”
Naniningkit ulit ang mga mata ko sa kanya. Naguguluhan na ako sa sinasabi niya.
“Ano'ng ginawa ko?” tanong ko.
Then she laughed sarcastically at me. “ Wow! Acting innocent again!”
I stepped more towards her. Hindi ko maialis ang mapanuring titig sa kanya. Ano'ng ibig niyang sabihin? Ano bang ginawa ko noon?
“Everyone knew in the past that you were an evil witch! You and your parents are so cruel!”
“Stop talking nonsense, Erin. Tell me!” I whispered in anger. “What. Do. You. Mean?” I asked slowly.
“I'm not talking nonsense, Marga. Ba't hindi mo tanungin ang magulang mo?”
“Ba't hindi mo na lang sabihin sa akin?” mariin kong sabi.
She stared at her wrist watch to check the time. “Just a waste of time. May party pa ako pupuntahan ngayon,” she said before turning her back to me.
I clenched my hand into a fist. I wanted to stop and begged her to tell me what happened in the past. But I couldn't follow her because, mas nanaig pa rin takot pag nalaman ko ito. Natatakot ako sa katotohanan na may iba pang ginawa ang mga magulang ko kay Dean.
Ayokong magalit ulit sa mga magulang ko. Ayoko silang sisihin. Maayos na kami, e! Tapos may tinatago pa sila sa akin.
“By the way…” Erin stopped and faced me again. “Hindi tinanggap ni Dean ang proyekto sa Macau. Alam mo ba kung ano ang dahilan? Ikaw! He is still persuading you!” maririin niyang sinabi na ikina laki ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top