CHAPTER 37
HOPEDEEPLY
I immediately averted my eyes from him because I couldn't stand his cold stare at me anymore. No words came out of my mouth to answer his question, so I just bit my lip. Why did he remind me of the past? Shouldn't he have forgotten?
“Wear this.” Sabi niya sabay abot ng itim na helmet sa akin. “Sasamahan kita dahil mas alam ko ang daan. Ayaw kong sisihin ako ni Lucas kapag may nangyari sa 'yo ng masama,” he added.
Huminga ako ng malalim, saka kinuha ang helmet na inabot niya para isuot ito. Wala na akong magagawa, kundi ang umangkas sa motor niya. Kaysa makipagtalo pa ako sa kanya, mas lalong hahaba lang ang usapan.
Lumabas muna kami ng gate. Iniwan niya muna ang motor sa tabi ng daan para maisarado niya ng maayos ang gate. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kanyang motor at inayos ang helmet niya sa ulo. Nilingon niya ako na nakatayo pa sa kanyang likuran. Kaya dali-dali akong lumapit sa kanya, at agad na sumakay sa motor niya… na hindi siya hinahawakan.
“Hold tightly,” he said.
Kaya humawak naman ako sa likod ng motor niya. Kumapit ako rito ng maigi.
“All right, I'm ready.” I said.
Nilingon niya ako. Itinaas niya muna ang shield ng helmet bago tiningnan ang aking posisyon dito sa likod niya. Tiningnan niya ng mariin kung saan nakahawak ang aking kamay. He chuckled sarcastically.
“So... you really have faith in what you hold, huh?” he said tauntingly.
Napalunok naman ako sa kanyang sinabi. E, saan ako kakapit? Sa kanya? No! Mamamatay muna ako bago ko gagawin iyon!
“Okay, kumapit ka lang ng mabuti diyan para hindi ka mahulog,” he added, with a tease of his tone.
Ini-start niya na ang makina ng motor kaya pinanindigan ko ang kapit sa likod. Ngunit, ang aking dibdib ay nagsimula nang kumabog ng malakas. Sa sobrang lakas ay para na akong ma hihimatayin. Jusko! Sana hindi ako lumipad nito.
Ngunit, nang nagsimula ng umandar ang motor, napahiyaw naman ako sa lakas ng tunog nito. At nung umalis na kami ay halos maiwan na ang kaluluwa ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya sa motor, na parang lumilipad na ako sa hangin. Kaya hindi ko na mapigilang humawak sa kanyang baywang dahil sa takot. Nakahawak lang ako ng mahigpit sa jacket niya, sapat na para sa akin hindi malaglag sa pagkakaupo.
May sinasabi siya pero hindi ko na narinig ng maayos dahil sa lakas ng tunog ng motor niya. Hindi ko na nga alam kung saan na itong daan na dinaraanan namin, e. Maliban sa hindi ito pamilyar, ay mabilis din ang pagpapatakbo niya sa motor, na parang may humahabol sa amin. Kaya hindi ko na matingnan ng maayos ang buong lugar.
Medyo malayo na ang narating namin. Napansin ko sa dinadaanan namin ay kaunti lang ang mga bahay na nakikita ko, may puno rin sa paligid, at medyo mabato ang kalsadang dinaanan namin. Parang ngayon lang ako nakadaan dito. Hindi kasi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Lumiko naman kami sa maliit na daan, kung saan mga tricycle lang ang makakaraan. Naging marahan na rin ang pagpapatakbo ni Dean sa motor, kaya nakahinga naman ako ng maluwag doon.
Napatingin ako sa unahan nang may makita akong kalsada ulit, na dinaanan na ng mga malalaking sasakyan. Lumiko naman kami roon at nakita ko agad ang kulay berde na gate, na may nakalagay sa taas; Mang Kaloy Furnitures.
Binuksan ng mga gwardiya ang gate nang makita kaming papalapit sa kanila. Pumasok naman kami pagkatapos nilang buksan ang gate.
“Magandang araw, Mam, Sir!” bati ng mga guwardiya sa amin.
Nginitian ko naman sila, kaso… natanto kong naka-suot pala ako ng helmet kaya tumango na lang ako. Itinabi na ni Dean ang kanyang motor saka itinigil ang makina nito. Bumaba agad ako sa pagkaka-angkas sa motor, at saka naghubad ng helmet.
Nilibot ko agad ang aking paningin sa paligid, at ang tanging nakita ko lang ay ang bahay nasa harapan namin ngayon. Gawa sa semento at kahoy ang bahay. Akala mo nung nasa malayo ka pa ay parang gawa sa semento lahat. Ngunit, nung nasa malapit ka na ay gawa sa kahoy pala ang itaas nito. Hindi mo mahahalata sa malayo dahil malinis din ang pagkaka pintura ng dingding.
Naglakad ako patungo sa kabilang side ng bahay, mga halaman lang ang aking nakikita.
Kaya bumaling ang tingin ko sa aking kasama. Nakita kong may kausap na siyang lalaki, na medyo may katandaan na. Lumapit naman ako sa kanila.
“Mang Kaloy, ito nga pala si Marga. Siya po ang bibili ng mga furnitures n'yo,” pagpapakilala ni Dean sa akin.
Ngumiti naman ang lalaki sa akin. “Magandang araw sa 'yo, Mam. Ako si Kaloy Alfonzo, ang may-ari ng bahay na 'to.” Sabay lahad ng kamay niya sa akin.
I smiled back at him and then gently shook his hand. “Good afternoon din po. Marga na lang po tawag niyo sa 'kin,” I said politely.
“Ah, sige. Pasensya ka na, ija, alam kong nagtataka ka kung bakit wala kang makitang furnitures dito. Nasa likod kasi ito ng bahay namin.”
Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya. Kaya pala wala akong makita kahit ano rito. Nasa likod pala ng bahay nila. Magtatanong pa sana ako nang may biglang lumabas na batang babae sa bahay, tingin ko nasa katorse pa lang ito.
“Tay! Pumasok na raw kayo! Nakahanda na ang tanghalian,” sabi niya sa kanyang ama.
“Engineer, Mam Marga, mas mabuting sumabay na kayo sa amin sa pananghalian. Sinabi ko sa aking asawa na pupunta kayo rito kaya nagluto 'yun ng marami ngayon,” pagyayaya ni Mang Kaloy sa amin.
“Sige po. susunod kami,” sagot naman ni Dean kay Mang Kaloy saka bumaling sa akin. “Matagal na gumagawa si Mang Kaloy ng mga kasangkapan. Kaya kilala na siya, hindi lang sa lugar na 'to, o dito sa ating bansa, kundi sa ibang bansa na rin. May mga taga ibang bansa kasi ang bumibili ng mga gawa niya para sa mga bahay o hotel nila roon. Mga magagaling din gumawa ang kanyang mga worker, malinis at maayos ang pagkakagawa nila sa muwebles at kasangkapan. At higit sa lahat marami kang pagpipilian ng disenyo at kulay,” mahabang paliwanag niya.
“Ahh… ikaw? Nakabili ka na rin ba ng mga furnitures nila dito?” tanong ko naman.
He nodded. “Oo, pagkatapos kong pinarenovate ang bahay namin,” he directly answered.
Dahan-dahan naman akong tumango sa kanyang sagot. Hindi na ako nagtanong pa, kaya niyaya niya na ako pumasok sa loob ng bahay. Dumeretso agad kami sa dining area. Bumungad agad sa amin ang parihabang lamesa na punong puno ng mga pagkain. Nakaupo naman sa kabisera si Mang Kaloy habang kausap ang babaeng na kasing edad lang niya. Asawa niya siguro ito.
Napalunok ako at bahagyang napahawak sa tiyan habang tinitingnan ang mga nakahandang pagkain sa lamesa. Kanina pa tumutunog ang tiyan ko habang nasa byahe kami, binalewala ko lang ito dahil sa kasama ko. Maaga kasi ako nagising kanina, nagkape, at tinapay lang naman ako. Kaya hindi ko na mapigilang matatakam sa nakahandang pagkain sa lamesa.
“Engineer! Mam! Hali na po kayo sa lamesa!” sabi nung babae.
“Sige po, Aling Selya,” Dean said behind me.
“Teka, kukunin ko lang 'yung mango float sa ref,” natatarantang ani ni Aling Selya bago bumalik sa kusina.
I bit my lower lip when my stomach roared. Jusko! Gutom na talaga ako.
“Come on, Marga. Let's sit before the dragon in your stomach becomes mad,” he seriously said.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Nakalimutan kong nasa likod ko lang pala siya at narinig pang tumunog ang tiyan ko. Naglakad na ako patungo sa lamesa kaysa tingnan siya sa likod. Nakakahiya na nga, tapos titingnan ko pa siya sa likod?
“Umupo na po kayo, Mam, Engineer.”
Ngumiti at tumango naman ako kay Mang Kaloy. “Salamat po,” banayad na sabi ko.
Hihila na sana ako ng upuan nang maunahan ako ni Dean sa paghila. Napaangat agad ang tingin ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay, kaya inalis ko agad ang mga mata ko sa kanya. Umupo ako sa upuan na hinila niya, at umupo rin siya sa aking gilid.
Bumalik naman agad si Aling Selya, dala-dala ang mango float. Nakasunod naman sa kanya 'yung batang babae kanina, na may dala ring kanin. Nilagay na nila ito sa lamesa pagkatapos ay umupo na. Nagsimula na agad kaming kumain.
“Hmmm… mukang mga masasarap po ang mga hinanda niyo,” puri ko.
“Naku! Salamat, ija! Hilig ko rin kasi magluto noon pa man. Siya nga pala, ako si Selya, ang asawa ni Kaloy. First time mo bang kumain ng ganitong pagkain?” Tanong ni Aling Selya habang tinitingnan isa-isa ang mga pagkain sa lamesa.
“Hindi naman po. Palagi po akong kumakain ng mga ganitong pagkain nung highschool palang ako,” sagot ko naman na may ngiti sa labi.
“Gan'on ba, ija. 'Kala ko pa naman sa ibang bansa ka lang buong buhay mo,” sabi naman ni Mang Kaloy kaya napatingin ako sa kanya.
“Hindi po. Taga rito po 'yung mga parents ko. At dito rin ako nag-aaral nung elementarya at high school pa ako,” sagot ko naman agad.
“Talaga ba, Mam?” hindi makapaniwalang tanong ni Aling Selya
“Schoolmates po kami ni Marga no'ng high school, Aling Selya,” si Dean na ang sumagot kaya napatingin naman kami sa kanya.
Nagkatitigan kami ni Dean saglit.
“Matagal na pala kayo magkakilala, Engineer. Sino po bang nauna n'yong nakilala? Si Architect Erin? O si Mam Marga?” mausisang tanong ni Aling Selya.
“Si Marga po, Aling Selya. Magkakilala na po kami noong elementarya pa lang. Tapos si Erin no'ng highschool naman,” deretsahang sagot naman ni Dean.
“Tapos highschool na rin nagsimula ang relasyon niyo ni Ate Erin, Kuya Tristan?” biglaang pag singit nung batang babae kaya napatingin naman ako sa kanya.
“'Yan nga pala si Sali, ang bunsong anak namin, Mam Marga,” pagpapakilala ni Mang Kaloy sa anak niya.
“Naku! Pagpasensiyahan niyo na 'tong anak namin. Mahilig talaga sumingit ang batang 'to.” Sabay haplos ni Selya sa ulo ng kanyang anak.
“Hello, Sali!” masayang bati ko naman sa kanya.
“Hello din po! Kuya Tristan, nasaan po si Ate Erin?” tanong niya ulit habang nakatingin kay Dean.
Natigilan naman ako at napatingin kay Dean. Tristan? Ngayon ko lang ulit narinig na tinawag siya sa first name niya. Napatingin din siya sa akin kaya nagkatitigan kami. Nauna naman akong umiwas ng tingin sa kanya. At bumaling sa bata na nasa harap ko. Nginitian ko siya ng matamis nang makita kong nakatingin ito sa akin, ngunit napawi agad ang ngiti ko nang inikutan niya lang ako ng mata.
“Matagal na 'tong naghihintay sa pagbabalik ni Mam Erin, Engineer. Akala niya nga si Mam Erin ang kasama mo ngayon, e,” sabi ni Aling Selya.
Napa 'o' ang aking bibig dahil sa narinig. Matagal na pala nilang kilala ang dalawa. Ibig sabihin ba palaging pumupunta rito sina Dean at Erin? Kung sabagay, sabi niya kanina ay pinarenovate daw nila ang kanilang bahay.
“Next week pa uuwi ang Ate Erin mo, Sali,” malumanay na sabi ni Dean.
Lumukot ng kaunti ang mukha ng bata. “Ganoon po ba. Ang tagal naman,” sabi niya.
“Malapit na 'yun, anak.” Sabay alo ni Aling Selya sa kanyang anak. “Miss na miss niya na talaga ang kanyang Ate Erin,” sabi ni Aling Selya sa amin.
“Baka mamaya tatawag si Ate Erin mo sa 'kin. Ikukuwento ko agad sa kanya na pumunta ako rito, tapos hinahanap mo siya at namimiss na, okay?” sabi ni Dean sa bata. Ngumiti naman ang bata sa kanya. Ngunit nang tumingin sa akin ay sumimangot ito.
‘Ano'ng nagawa ko sa batang 'to?’ I mentally asked myself.
Nagpatuloy ang kwentuhan habang kumakain. Sumabay naman ako sa kanila. Marami silang tanong tungkol sa akin, at sinagot ko naman lahat ng maayos. Kaya nalaman din nila kung para saan ang furnitures na bibilhin ko sa kanila.
“Ikakasal na pala ang pinsan mo, Mam. E, Ikaw ba, Mam Marga? Kailan n'yong balak magpakasal?” tanong ni Aling Selya sa akin.
Napangiwi naman ako sa tanong na 'yon.
“Ah, eh, wala pa po akong boyfriend, Aling Selya,” nagdadalawang isip kong sagot.
“Ha?” Aling Selya was shocked and then made a fake laugh. “Imposible, Mam Marga! Sa ganda mong 'yan wala ka pang boyfriend?”
“Oo nga naman. Imposibleng wala pa!” sang ayon ni Mang Kaloy sa kanyang asawa.
Tumikhim ako na parang may bumabara sa aking lalamunan. Paano nga ba napunta sa boyfriend ang usapan?
“Nagkaroon naman po ako ng boyfriend noon, kaso simula nung gumraduate ako sa college ay trabaho na ang inatupag ko,” sabi ko.
“Sigurado akong madami kang naging boyfriend noon, Mam Marga, ano?” tanong ni Mang Kaloy sa akin.
“Syempre naman, Kaloy. E, ako nga, no'ng kabataan ko naka apat, e. Pa'no pa kaya kung kasing ganda ni Mam Marga?” sabi ni Aling Selya at saka tumawa.
Napatawa na rin ako, pero alam kong peke iyon. Tumigil lang ako nang marinig kong tumikhim ang nasa tabi ko. Bumaling ang tingin ko sa kanya. Nakita ko siyang nakapukos lang sa pagkain habang gumagalaw ang kanyang panga. Ngunit, nang bumaling ang tingin niya sa akin ay mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Kinuha ko ang aking baso at agad uminom ng tubig. At habang umiinom ng tubig ay naramdaman ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Binalewala ko lang ito, at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay nagpunta agad kami sa likod ng bahay nila. Nakita ko agad ang mga magagandang gawa nila na furnitures. They have employees here, so I can see how skilled they are at making furniture. All of the designs on a piece of furniture are extremely detailed and unique.
Hindi ko talaga maiwasang mamangha habang pinapanood ko silang gumagawa ng iba't-ibang uri ng mga kasangkapan.
“Their finished furniture is in the stock room. Let's go there, so you can choose.”
Tumango naman ako sa sinabi ni Dean. Sumunod ako sa kanya papuntang stock room na sinasabi niya. Habang naglalakad ay may nakita akong nakahilerang upuan sa gilid namin, na parang mga upuan ng eskwelahan. May mga lamesa rin at upuan ng mga guro.
“'Yang mga upuan na 'yan. Ido-donate nila sa isang eskwelahan na kulang ng mga upuan,” sabi ni Dean nang nilingon niya ako saglit.
Tumango ulit ako sa kanyang sinabi. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa sinasabi niyang stock room. Nakita kong lumabas sa stock room si Mang Kaloy habang may kausap ng isang lalaki. Lumapit naman kami sa kanila.
“Engineer, Mam, nandito po lahat ang mga kasangkapan na hinahanap nin'yo. Kung gusto n'yong tingnan, ay pwede kayong pumasok sa loob,” sabi ni Mang Kaloy sa amin.
Tumango ako ng marahan sa kanya. “Sige po,” sabi ko, at matamis na ngumiti.
Pumasok na ako sa loob at nakita ang iba't-ibang klaseng kasangkapan dito. Nakaayos ito ayon sa uri ng kasangkapan. Pero may nakita akong mga nakasabit na ⅛ cardboard sa itaas, na may nakasulat na pangalan ng iba't-ibang parte ng bahay o hotel. Kaya pumunta ako sa may nakasulat na 'living area furnitures'. Kung saan naroon ang mga couches, center tables, drawers, at iba pang kasangkapan na dapat sa living area lang ilalagay.
Pumili ako ng mga designs at mga kulay ng furnitures, na nababagay sa theme ng bahay ni Kuya Lucas. At nang may napili na ako ay itinabi ko agad ang mga ito. Syempre 'yung mga magagaan lang ang binuhat ko, hindi ko na kasi kaya 'yung couch dahil malaki at mabigat iyon. Kaya ang mga naitabi ko na lamang ay 'yung center table, at mga maliliit na muwebles.
“Sana sinabi mo sa akin na hindi na pala kailangan magtawag ng trabahante para magbuwat n'yan. Kaya mo naman pala.” Bigla akong napatigil sa aking ginagawa dahil sa nagsasalita. Si Dean.
Mula sa pagkakayuko para buhatin sana ang maliit na lamesa, napatayo ako ng maayos upang tingnan si Dean. He was staring at me with his arms crossed across his chest. Although his lips were pressed together, I could still see a smirk on it.
I swallowed the bulb in my throat.
“Ahh… 'yung mga magagaan lang naman ang binuhat ko,” I uttered.
Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Oo nga naman, may trabahante pala sila dito, tapos nagbubuhat ka pa, Marga! Hindi ka ba makapaghintay? Huh?!
Pumasok na nga ang mga trabahante, kasama si Mang Kaloy, kaya nilingon sila ni Dean.
“Mam, sila na po ang magbubuhat niyan palabas dito,” sabi ni Mang Kaloy sa akin.
Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Aakmang aalis na sana ako sa aking pwesto upang hindi maging sagabal sa mga trabahanteng nagtatrabaho. Nang biglang nagsalita naman si Dean na ikinatigil ko.
“Hindi, Mang Kaloy. Hayaan mo na siya d'yan! Total kaya niya rin naman magbuhat,” Dean stated, without humour.
Napatingin ako sa kanya. His serious dark eyes stared at me, intently. Wala na akong nakikita kahit kaunting humor sa mukha niya. Binawi ko naman ang mga mata ko sa kanya at napanguso na lang. Kahit kailan ang hirap niyang basahin, tulad pa rin siya ng dati.
Hindi na ako nagmatigas ng ulo. Tumabi na ako para makakilos ng maayos ang trabahante. Binuhat na nila palabas ng stock room ang mga napili kong furnitures, isinama na rin nila ang mga itinabi ko kanina. Kaya lumabas na rin ako dahil tapos na akong pumili ng mga furnitures. Pagkalabas ko ay nakita ko agad isinasakay nila ang mga furnitures sa isang truck. Pinanood ko lang sila habang binubuhat ang mga kagamitan, at isinakay ito sa truck.
Naramdaman kong may tao sa likod ko, kaya nilingon ko ito. Nakita kong pinapanood rin ni Dean ang mga trabahante na abala sa pagbubuhat ng mga furnitures. Ngunit, bumaba rin ang tingin niya sa akin nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Inangat niya muna ang kanyang kamay upang tingnan ang relong nasa pala-pulsuhan niya, saka tumingin muli sa akin.
“Umuwi na tayo. Baka maabutan pa tayo ng dilim sa daan,” sabi niya matapos tingnan ang kanyang relo. “Nasabi ko na rin naman kay Mang Kaloy ang address ng bahay, kaya ayos lang kung uuwi na tayo ngayon,” dagdag pa niya.
Magtatanong pa sana ako nang may sagot na pala siya. Oo nga naman, at baka bukas na maidedeliber ang furnitures na binili namin. Dahil maliban sa gagabihin na sila sa daan, ay hindi pa nailagay sa truck ang iba pang furnitures. Kailangan pa ng dalawang truck para makarga lahat ng mga furnitures.
Sumang-ayon ako kay Dean. Umuwi na kami pagkatapos namin magpaalam sa mag-asawa. Umangkas uli ako sa motor niya, habang nakahawak sa kanyang baywang.
Tamang-tama lang ang bilis ng pagpapatakbo ng kanyang motor ngayon. Hindi tulad kanina na parang may humahabol sa amin, dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng motor niya. Sa highway na rin kami dumaan kaya may mga sasakyan na kaming nadaanan. Hindi tulad nung dinaanan namin kanina, walang kahit anong sasakyan na nakaparada sa kalsada.
Tuloy lang si Dean sa pagmamaneho ng motor niya, hihinto lang kami kapag red sign. Wala ni isa sa amin ang nagsalita, kaya nagtaka ako kung bakit tumigil siya sa tapat ng isang hotel. Nang pinatay niya na ang makina ng motor, ay hindi ko na mapigilang magtanong.
“Ano'ng ginagawa natin dito?” pagtatanong ko sa kanya.
Bumaba muna siya sa kanyang motor, kaya bumaba na rin ako. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.
“Let's have dinner here. Ayokong may marinig na naman kumukulo sa likod ko habang nagdadrive.” Sabi niya na ikinakunot ngl noo ko.
E, bakit dito pa? Marami namang restaurants.
Magsasalita na sana ako nang biglang may lumapit na lalaki sa kanya, at binati siya. Nakita kong inabot niya sa lalaki ang susi ng kanyang motor, pati ang helmet na suot niya. Pagkatapos ay tumingin na siya sa akin. I can see how he shot his one brow up.
“Ganyan ka na lang ba? Hindi ka ba maghuhubad ng helmet mo?” he asked in a sarcastic tone of voice.
Uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Tumawa pa ang lalaking nasa tabi niya. Kaya tumalikod agad ako para maghubad ng helmet. Pagbalik ko ng tingin sa kanila ay wala na si Dean doon sa kanyang kinatatayuan. Hindi na niya ako hinintay pa. Nauna na siyang naglakad papasok sa hotel. Kaya inabot ko na lamang sa valet ang helmet bago sumunod agad kay Dean sa hotel.
Ang lalaki na 'yon! Hindi ko alam kung anong meron sa araw na ito. Pero pansin ko palagi na lang akong napapahiya sa harapan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top