CHAPTER 36

HOPEDEEPLY





“May problema ba?” tanong ni Jordan nang marinig akong napabuntong hininga.

Nakahawak ako sa aking batok habang dahan-dahan tumingala at iniinat ang leeg. Alas kwatro y medya na ng hapon, ay hanggang ngayon nagse-search pa rin ako ng magandang furniture, at mura na rin para swak sa budget. Kanina pa ako rito nakayuko na nakaharap sa laptop kaya sumasakit na ang aking batok. Nandito ako sa sala, nakaupo sa couch. Masyadong mababa ang lamesa na pinagpatungan ko ng laptop kaya nakayuko ako habang nagta-type dito. Wala na kasi akong choice dahil ito lang naman ang gamit dito.

“Sumasakit ba ang batok mo? Gusto mo hilutin ko?” tanong ni Jordan mula sa likuran.

Natigil ako sa pag-iinat ng leeg, at umayos ng upo.

“No need—”

“Don't worry, Marga. Marunong naman ako. Talikod ka lang diyan, okay?” Sabi niya sabay hawak ng magkabilang balikat ko para manatili sa aking pwesto.

Wala na akong magawa, lalo na't nagsimula na siyang sa kanyang pagmamasahe sa likod ko. Tamang pisil lang sa likod ng balikat ko, tapos sa baba ng batok ko, at pababa sa spinal cord, ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. 

“Oh, ayos ba?” tanong niya.

“Oo, medyo gumaan nga ang pakiramdam ko,” sagot ko naman.

Napapikit pa ako habang minamasahe ni Jordan ang aking likod. Hindi ko alam na marunong pala siya mag-massage. Ang sarap sa pakiramdam. Kaya naman tinuro ko pa sa kanya kung saan banda 'yung masakit, o kung saan banda ang dapat niyang pisil-pisilin.

And as he did that, I couldn't help but moan softly. Shit! I bit my lower lip in reaction to the shame that I only knew.

“You can go home, so you won't be disturbed by what you're doing.”

My body stiffened as I heard a deep and powerful voice. Nilibot ng mga mata ko ang buong sala hanggang sa umangat ang tingin ko sa ikalawang palapag ng bahay. Dean was watching us like a hawk, his hands resting on the railing. I immediately got up and walked away from Jordan.

Napalunok ako ng sariling laway bago magsalita.

“N-Nagtatrabaho pa ako,” I said.

He crouched a little and chuckled sarcastically. I bowed down because my cheeks were turning bright red. Shit! Nakakahiya naman! Ano 'to, Marga?

“Ano'ng tinatrabaho mo, Marga? E, hanggang ngayon wala ka pang nagawa.” His voice were full of angry and dismay.

Napasinghap ako. Pagkatapos ng nangyari nung isang araw ay naging sobrang cold na ang tungo niya sa akin. Kaya hindi ako nakapag-isip ng maayos sa ginagawa ko dahil sa tungo niya. Nasa iisang bahay lang kami, pero kung magkasalubong ay parang hindi magkakilala, parang hangin lang ako na dumaan sa kanyang tabi. Laging naka poker face pag tinignan ko siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa nangyari nung isang araw o may iba pang dahilan. Ayaw kong mag-assume na lang.

“Minamadali ng pinsan mo ang pag-aayos ng bahay para sa kanyang asawa. Tapos ngayon wala ka pang natapos kahit isa dahil masyado kang busy diyan sa boyfriend mo,” maririin niyang sinabi.

“Engineer, minamasahe ko lang ang likod ni Marga. Wala po kaming ginagawa masama,” singit ni Jordan.

Dean's jaw tightened because of what Jordan said. He stood up properly, but his gaze remained fixed on us. From where he was standing, he was looking at us as if we were his slaves. And then we looked up at him, as if he was our king.

“As I said, you can go home to continue what you are doing—”

“Wala nga kaming ginagawang masama,” putol ko sa kanyang sinasabi. “At saka hindi ko siya boyfriend.” sabi ko na may diin sa huling salita.

Napatitig naman siya sa akin, kaya naman gumanti rin ako. Ngunit hindi rin nagtagal ay nauna siyang umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya ngayon. Tumalikod siya na wala ng sinabi at hindi na kami nilingon pa.

“Bakit kaya laging mainit ang ulo non?” Takang tanong ni Jordan sa akin.

Gusto ko sanang sagutin ang tanong ni Jordan, kaso baka magtanong ulit. Bakit palaging mainit ang ulo niya? Noon pa ma'y mainit na ang ulo ni Dean. Napaka suplado at snobber din. Kaya siguro kahit maraming nagkakagusto rito ay natatakot din sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti na lang nang maalala ang dati ngunit… agad ko rin ipinilig ang aking ulo para subukan alisin ang mga alaala na 'yun sa aking isipan.

Dahil sa tuwing naaalala ko ang masasayang alaala namin dalawa na magkasama, ay hindi ko rin maiwasang alalahanin ang mga masasakit din na alaala. Ang masasakit na alaala ang dahilan kung bakit naging ganito na kami kalayo sa isa't isa ngayon. Kung bakit sa simpleng tawag ko lang na 'Kuya' sa kanya ay hindi niya matanggap.

Parang sinaksak ang puso ko sa sobrang sakit, dahil sa mga iniisip na baka… kinalimutan na niya ang Marga na lagi niyang tinuturuan, na lagi niyang inaalagaan, na lagi niyang pinoprotektahan, na lagi niyang hinahatid sundo... at lagi niyang hinihintay.

He forgot everything... even our happy memories. All he remembered was that I left without saying goodbye.

--

Kinabukasan ng umaga'y nagreresearch pa rin ako kung saan makakabili ng murang at magandang furnitures. Wala kasi akong makita kahapon, at maaga rin ako natulog kagabi, kaya ngayon ko lang ito ipinagpatuloy. Ang sabi kasi ni Kuya Lucas, ako na ang bahala sa design. Kaya heto ako ngayon, nakapili na ng magandang design pero hindi ko pa alam kung saan bibilhin o hahanapin ang mga ito. Nasa sala ako, nagkakape habang nakaharap sa laptop. Kanina pa akong alas singko rito, at wala pa akong nahanap na shop ng mga furnitures dito sa Cebu. Hanggang naisipan kong magtanong na lang muna kay Kuya Lucas, dahil sigurado akong may alam siya na shop ng mga furnitures dito. 

Sakto naman ay namataan ko agad si Kuya Lucas na pababa ng hagdan, kaya mula sa pagkakayuko sa aking laptop ay napaangat agad ang tingin ko sa kanya. Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon.

“Oh, ang aga mo naman Marga,” bati niya agad sa akin nang makita ako rito sa sala.

“Uh… nagising kasi ako ng maaga Kuya, kaya tinrabaho ko na lang 'yung mga furnitures sa bahay n'yo," I directly replied to him.

“Oh, bakit? May problema ba?” nagtataka naman niyang tanong sa 'kin.

“Uh… Kuya, may alam ka bang shop ng mga furnitures?” tanong ko agad sa kanya.

He halted and slightly tilted his head. “Wala akong alam, e, pero si Dean, alam kong may alam siya. Tanungin mo na lang sa kanya.”

Napakagat ako sa sarili kong labi dahil sa sinabi niya. So, kailangan ko pang magtanong… sa kanya?

“Kuya, pwede bang ikaw na lang magtanong sa kanya.”

Kumunot naman ang kanyang noo sa aking sinabi.

“Ha? Hindi ako makakapunta sa bahay ngayon, dahil busy kami ni Ate Dollie mo sa preparasyon ng kasal namin. Bakit? Hindi ka ba pupunta sa bahay ngayon?”

“Uh…”

“Alam mo, pumunta ka na lang sa bahay at tanungin mo si Dean. I'm sure marami 'yung alam.”

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nagpaalam na agad si Kuya Lucas na umalis. Kaya naman umakyat na lamang ako sa aking kwarto at nagbihis agad ng damit. Pagkatapos ay lumabas agad ako sa aking kwarto, dala-dala ang mga importanteng gamit. At nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko agad si Lily sa sala. Nakaupo siya sa isang couch habang kumakain ng sandwich. Kakababa lang siguro nito dahil hindi pa nakapag ayos ng buhok at suot-suot pa ang kanyang damit na pantulog. Pinasadahan niya agad ako ng tingin nang makita ako.

“Aalis ka na?” she asked.

“Yap! Marami pa kasi akong gagawin,” I directly answered.

“So, palagi na ulit kayong magkasama,” she said with meaningful.

I rolled my eyes at her as I sat down on the couch. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

“Nasa iisang bubong nga kami pero hindi naman kami nag-uusap, Lily.” I said.

“Oh. Is that a problem, huh?”

My forehead furrowed. “Nope!” I directly replied to her. “Bakit ko naman 'yan poproblemahin?”

“I don't know with you. Easy, girl… baka ma-fall ka ulit sa kanya,” she said mockingly.

“Lily, may fiancee na siya, baka nakakalimutan mo!” I hissed at her.

“Bakit? May sinabi ba akong jo-jowain mo ulit siya, ha? Ang sinasabi ko lang naman, baka mahulog ka ulit sa kanya.” she hissed back at me.

I rolled my eyes at her again. “Matagal na 'yun, Lily. Sa tingin mo ba katulad pa rin ako ng dati?”

She just shrugged her shoulders as she bit into her sandwich. Napatitig naman ako sa kanya habang kumakain. Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Tumahimik lang siya habang kumakain, pero alam ko ang takbo ng kanyang isipan ngayon.

My eyes became a slit while looking at her.

“What?” she asked.

“Alam kong may iniisip ka ngayon. What was that?”

“Ha?” she suddenly trailed off. “Oh well, naisip kong… paano kung galit talaga sa 'yo si Dean dahil sa nangyari noon? At may balak s'yang pag higantihan ka ngayon?” 

 

Natigilan ako saglit dahil sa kanyang tanong. Well, naisip ko rin 'yan noong una pero binalewala ko agad.

“Edi lalayo na ako sa kanya,” sagot ko agad sa kanya. “Babalik ako agad sa France at hindi na babalik pa rito,” dagdag ko pa.

Kung galit man sa akin si Dean dahil sa ginawa ko noon, tatanggapin ko ng buong puso iyon. Dahil alam kong mali ang ginawa ko noon. Pero kung may balak siyang pag higantihan ako, hindi ko na matatanggap iyon. Masakit na ngang isipin na kinalimutan na niya ang mga masasayang alaala na magkasama kaming dalawa. At ayokong darating pa kami sa punto na sasaktan namin ang isa't isa. Kaya mas mabuti pang lumayo na ako sa kanya ng tuluyan, para hindi na kami magkasakitan pa.

“E, pa'no naman kung… mahal ka pa niya?” tanong niya ulit.

Natigilan ulit ako pero saglit lang din. Napailing ako sa kanya.

“That's impossible!” I said calmly.

“O, come on, Marga! It's just—” I directly cut her words.

“Oh, shut down your silly brain. We have already moved on. And he already has a fiancée, though!” I said.

Magsasalita pa sana siya nang bigla na akong tumayo sa aking kinauupuan. At para makaiwas sa mga tanong ni Lily ay kailangan ko ng umalis ngayon. Dahil kapag manatili pa ako rito, ay hindi talaga ako titigilan ni Lily sa kakatanong ng kung ano-ano. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko masagot ang mga tanong niya.

“Aalis na ako. May trabaho pa pala ako,” I reasoned out.

“Ha? Teka, sasama ako!” Sabay tayo niya sa kanyang kinauupuan.

Pinasadahan ko agad siya tingin dahil sa sinabi niya. Anong sasama siya? E, nakadamit pantulog pa nga siya.

“Ano? Hindi ka pa kaya nakabihis! Wala ka pang ligo! Nagmamadali ako, Lily!  Aalis na ako. Bye!” mabilis na sinabi ko sabay talikod sa kanya.

“Marga!” she shrieked.

Binalewala ko ang tawag niya. Lumabas agad ako ng bahay at sumakay na sa SUV. Sinabi ko agad sa driver na paandarin na ang sasakyan, sa takot na maabutan ako ni Lily. Ang babae na 'yon, sasama pa talaga para lang masagot ko ang mga tanong niya. Mabuti na lang ay nakaiwas ako agad.

Nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay ni Kuya Lucas. Nakita ko naman agad si Dean na lumabas sa bahay para buksan ang gate. Pumasok agad ang sasakyan namin, kaya nang huminto ay lumabas agad ang driver para buksan ako ng pinto. Lumabas agad ako at nakitang nakasarado na ang gate. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid pero wala na akong makitang tao. Kaya dumeretso na lamang ako sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay sumalubong agad sa akin si Manang Flor.

“Nandito ka na pala, ija. Sakto lang at nakagawa na ako ng meryenda. Hali ka na sa kusina!” yaya niya sa akin.

“Uh…” I trailed off. Nilibot ko muna paningin ko sa buong bahay bago tumingin kay Manang Flor. Ngumiti naman ako sa kanya. “Mamaya na po, busog pa po ako, e.” sabi ko pa.

“E, si Engineer kaya?” tanong niya.

“Uh… ako na po bahala magsabi sa kanya, Manang.” sabi ko agad sa kanya.

“O sige. Babalikan ko lang din 'yung ginagawa ko sa kusina.”

Tumango naman ako sa kanya bago lumabas ulit ako ng bahay. Pumunta ako sa poolside pero wala akong makitang tao. Kaya pumunta naman ako sa hardin pero wala rin akong makitang tao. Saan naman kaya nagsusuot ang lalaki na 'yon?

“Where are you going?”

Napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko. Tiningnan ko siya at nakitang nakasuksok ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya, habang seryoso ang mga matang nakatuon sa akin. Napalunok naman ako ng sarili kong laway dahil sa nerbyos.

“Uhmm… m-magtatanong sana ako kung may alam ka bang shop ng mga furnitures? Sabi kasi ni Kuya Lucas may alam ka raw?” mahinahon kong sabi sa kanya kahit ramdam ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi sumagot. Kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang hindi ko makayanan ang titig niya na parang makikita na yata ang kaluluwa ko. Bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable sa titig niya?

“Oo, may alam nga ako.”

Napatingin ulit ako sa kanya nang marinig ang kanyang sagot. Lumiwanag ang mukha ko sa sagot niyang iyon.

“Talaga? Kung gano'n saan naman? Para mapuntahan ko agad,” sabi ko.

Kumunot naman ang kanyang noo habang tiningnan ako ng mariin. Luminga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap. Pagkatapos ay bumalik agad ang tingin niya sa akin.

“Ikaw lang?”

Tumango naman ako sabay sagot, “oo.”

“Pupuntahan mo na ba ngayon?” tanong niya ulit sa akin.

“Oo,” sagot ko naman.

He wet his bottom lip and nodded. I immediately took my eyes off of him when I noticed that I was staring at his lips. I swallowed and cleared my throat, as if something was blocking my throat. I noticed he was looking at his wristwatch to see what time it was right now. 

“So, ano  nga pala 'yung address ng shop?” tanong ko ulit sa kanya.

“May kukunin lang ako sa loob. Maghintay ka na lang sa tapat ng gate. Lalabas din ako agad.” Sabay talikod niya sa akin.

Pumasok na siya sa loob ng bahay. Natigilan ako at biglang may naalala, pero agad ko naman iwinaksi iyon. Ayoko ng isipin pa iyon, dahil ayoko ng mag-assume pa.

Sinunod ko ang gusto niya. Ang maghintay sa tapat ng gate. At tulad ng sabi niya, ay lumabas din agad siya ng bahay. Kung kanina ay naka t shirt at pantalon lang siya. Ngayon ay may suot na siyang black leather jacket. May dala rin siyang itim na helmet. Sinundan ko lang siya ng tingin. Naglakad siya papunta sa garahe para kunin 'yung kumikinang na itim na motor doon. Kumunot naman ang noo ko habang papalapit siya sa akin.

“Saan ka pupunta?” nagtataka kong tanong sa kanya.

I saw how his forehead creased. “I will accompany you,” he directly answered me.

Napatitig ako sa kanya saglit, bago ipinikit ng mariin ang aking mga mata. Ano? Sasamahan niya ako?

“E, Pa'no 'yung trabaho mo rito?” pagtatanong ko naman sa kanya.

“They are fine here, Marga,” he directly said.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Ano? Ano'ng ‘they are fine here'? Talaga namang pinopilosopo ako ng lalaki na 'to. Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko.

“Ano nga 'yung address?” tanong ko ulit sa kanya.

“Malayo 'yon kaya sasamahan na lang kita,” sabi niya, binalewala ang tanong ko.

Umiling agad ako. “Hindi na kailangan, may sasakyan naman ako.” matigas na sabi ko.

“Magmomotor tayo, Marga. Dahil kung ang SUV na 'yan ang sasakyan mo papunta roon, baka gagabihin ka pa sa daan, o maabutan mo lang ang shop na sarado na,” he subtly said.

“Magmomotor tayo?” Sabi ko sabay kagat ng pang ibabang labi ko.

I saw how his eyebrows met. “Bakit? Ayaw mo na bang sumakay ng motor?” tanong niya.

Napaiwas ang mata ko sa kanya. Bakit parang may ibang kahulugan ang kanyang mga tanong? O ako lang 'to, na nag-iisip ng kung ano-ano. Ibinalik ko naman ang mga mata ko sa kanya. His eyes were dark while staring at me, hinihintay na sumagot ako sa tanong niya. I swallowed hard.

“Sabi mo, malayo 'yon. Baka gabihin tayo sa daan at… madisgrasya pa,” I reasoned out. Iba ang dahilan ko kung bakit ayaw kong umangkas sa motor niya.

Nakita ko naman kung paano nagalawan ang mga muscles niya sa mukha. Bumaling siya sa kung saan, kaya mas lalong nadepena ko ang kanyang perpektong panga at ang matangos niyang ilong.

“I always took you to your house before, Marga. Kailan pa tayo nadisgrasya?” sabi niya at muling tumitig sa mga mata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top