CHAPTER 3
HOPEDEEPLY
“Haist! Hindi na naman ako nakaperfect score!” sabay kamot ko sa aking batok habang nakatingin sa papel na hawak ko.
Eight over twenty. Really? Marga?
Hindi man lang nangalahati!
“Okay lang 'yan! Konting t'yaga pa makukuha mo rin 'yan,” si Dean, nakaupo sa kabilang couch habang nasa likod ng kanyang batok ang dalawang kamay. Pagod ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Nandito kami sa sala nila, tinuruan niya ako sa assignment ko sa math. Nakadalawang papel na ako sa ginagawa niyang problem solving, ngunit hindi ko pa rin maintindihan o makuha-kuha kahit anong sabi niya na, 'yon na raw ang pinakamadaling sagutan sa lahat, pero para sa 'kin parehas lang mahirap iyon.
“Halika, ulitin natin,” sabi niya.
I immediately shook my head at him before looking out the door. From the peaceful blue sky, ngayon, naghahalo na ang kulay kahel at itim, nagbabadya ng kadiliman. Bumaling ako sa kanya nang marinig ko siyang bumuntong-hininga, nakatingin din siya sa labas.
“Gumagabi na,” I sadly said.
“Oum,” then he looked at me intently, “ihahatid na kita sa inyo,” he continued.
“Maaga pa naman,” agap ko.
Pauwiin niya na talaga ako, kahit sabihin ko na pwede ako mag-overnight kahit saan ko gusto, kahit dito pa. Hindi niya pa rin ako papayagan kung saan-saan matutulog, dinaig niya pa ang mga magulang ko sa higpit.
“Edi ituloy na natin 'to,” sabi niya.
I smiled weakly. Susulitin niya talaga ang oras na pag-i-stay ko rito sa pagtuturo sa akin.
“Edi, dito na rin ako matutulog…” dugtong ko, “isang gabi lang naman, e,” sabi ko pa.
Naniningkit naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nilakihan ko pa ang aking ngiti para mapapayag siya agad.
Makuha ka sa charm ko, please…
“Marga, hindi pwede,” mariin niyang sabi.
“Pwede kaya kung papayag ka lang. Nakapag paalam naman na ako kay yaya Mina at Mommy na pwede ako mag-overnight sa ibang bahay—” sabi ko.
“Hindi nga pwede,” agap niya.
“Pwede nga 'yon, pero kung hindi mo naman ako papatulogin dito, edi sa ibang bahay na lang ako,” humina ang boses ko sa huling pangungusap.
His sharp eyes darted on me, kung nakamamatay lang ang kanyang tingin, siguro kanina pa ako nakahandusay dito. Gusto ko lang naman matulog dito, a! Ba't ayaw niya akong payagan?
Mabuti pa si tita Karen, pumayag agad. May isang kwarto naman sila rito. Sabi ni tita Karen, kung gusto ko raw matulog dito ay para sa akin ang kwarto na iyon. Ewan ko lang kay Dean, kung bakit ang laki-laki ng problema niya kapag sinabi ko rito ako matutulog.
He looked up and closed his eyes, while massaging his temple. Tila mapuputol na ang lubid ng pasensya niya sa'kin. I took a deep breath and looked outside again. It's getting dark. Kung pupunta pa ako sa bahay nila Sheena ngayon, mas lalo lang ako gagabihin, malayo kasi ang bahay non. Saka hindi alam non na mag-o-overnight ako sa kanila, mabibigla pa 'yon, o baka wala pa 'yon sa kanila dahil mahilig iyon mag-night out.
Uuwi na lang siguro ako ng bahay kung hindi talaga ako papayagan ng supladong lalaki na 'to.
“Isang gabi lang naman, e,” subok kong muli sa isang maliit na boses.
I almost jumped in my seat when he suddenly stood up, tila ba'y na-fufustrate na ito sa akin. Hinilamos pa ang kamay sa mukha nito at naglakad patungong kusina. Problema ba niya kung dito ako matutulog?
I heaved a sigh. He was already mad at my persistence, so he walked out.
Kung ayaw niya edi 'wag! Madali lang naman akong kausap, e! Ba't kailangan pa niyang mag-walk out?!
I put all my things on my bag, so I can say goodbye to tita Karen to go home and Dean to drive me home as well. Ang supladong 'yon! Hindi man lang ako pinagbigyan ni isa, kahit isang gabi lang naman.
“Oh, Marga? Ba't ka nagliligpit na?”
Bumaling ako sa nagsasalita na si tita Karen, kalalabas lang niya sa kusina. Nakasunod naman sa kanya ang naka-poker face niyang anak sa likod. Wondered Tita's eyes staring at me.
“Akala ko ba dito ka matutulog?” malambing na sabi ni tita Karen habang naglakad papunta sa akin.
“E ayaw po kasi ni Dean, Tita,” sumbong ko.
Ngumiti si Tita sa'kin, “Talaga?” nanunuyang sabi ni tita Karen saka kinuha ang bag ko at inilayo sa akin.
Kumunot ang noo ko sa ginawa ni Tita. Ang ngiti niya ngayon ay may ibang pahiwatig. Bumaling ako kay Dean na nasa hamba ng pinto ng kusina, seryoso na nanonood sa amin.
“Tita, uuwi na p-po ako.” nauutal kong sabi.
“No!” agap niya, “Dito kana matulog, okay? Huwag kang mag-alala, pumayag na si Dean. Nagpaalam siya sa'kin.”
Kukurap-kurap ako at saglit natulala sa sinabi ni Tita. Totoo ba 'to?! Pumayag na si Dean! O baka naman binibiro lang ako ni Tita.
“T-talaga po?”
Tanong ko kay tita Karen tsaka bumaling kay Dean, na hanggang ngayon seryoso pa rin.
“Oo! 'Di ba, 'Nak?”
Malaki ang ngiti ni tita Karen nang bumaling siya sa anak niya. Marahan naman tumango si Dean sa kanyang ina at sumagot.
“Yeah, kesa naman aalis kapa, gabi na.” sabi niya.
“Oh,” sabi ko na lamang.
'Yan lang ba? O may iba pang dahilan? Hindi ko alam kung bakit nag-a-assume pa ako na may ibang dahilan siya kaya pumayag siya na rito ako matutulog ngayong gabi. Hindi ko alam na sa gitna ng pag-alala at pagbabawal niya sa 'kin ay umaasa ako na may ibang dahilan iyon, hindi bilang kapatid kundi bilang… o assuming lang talaga ako. Imposible naman 'yun.
Hindi niya tipo ang isang tulad ko… na mahina halos lahat ng bagay.
“Oh sige, ereready kona ang hapunan natin para makakain na rin tayo,” sabi ni tita Karen bago bumalik sa kusina.
So, ano pang ina-assume ko? Na tinutulungan niya ako dahil may gusto siya sa'kin? Hindi no! Bakit pa ako nag-a-assume diyan? Tinutulungan niya lang ako dahil naawa siya sa 'kin, tinutulungan niya ako dahil kapatid na ang turing niya sa'kin, gaya ng iniisip ng iba kapag nakikita kami magkasama.
Ako lang naman 'to iba ang iniisip dahil may nararamdaman ako sa kanya, ako lang naman 'tong umaasa sa kanyang ginagawa kahit hindi dapat.
Nakahanda na ang pagkain kaya tinawag na kami ni tita Karen para kumain na. Nagtungo kami sa kanilang maliit na dining area kung saan naroon din ang maliit na bilogang lamesa at apat na upuan. Mainit pa ang sinigang na inihanda ni Tita sa lamesa, tumulong na rin sa paghahanda ng mga plato si Dean.
Tutulong din sana ako kaso pinigilan ako ni tita Karen at sinabihang umupo na lamang ako. Nakakahiya man pero wala na rin ako magagawa. Ayaw nila akong patulungin, kaya nanood na lamang ako sa kanila hanggang matapos na sila at umupo na rin sa kanilang upuan.
Umayos ako sa aking kinauupuan para simulan na ang pagpapasalamat sa biyayang nakahanda sa aming harapan. Ipinikit ko ang aking mata at nagdasal na rin.
Naramdaman ko ang panginginit ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Kahit alam ko naman na imposible mangyari 'to, na kahit anong hiling ko sa kanila, hindi naman nila ako mapagbibigyan. Ngunit hindi pa rin ako titigil sa kaaasa, dahil hindi pa rin nawawala ang inggit ko sa bagay na ito.
‘Sana ganito rin kami ni mommy at daddy.’
Kahit isang beses lang...
Pagkatapos sabihin iyon ng utak ko, dumilat na ako. Nakita ko naman ang dalawang pares mga matang nakatitig sa akin. Ngumiti si Tita sa akin kaya ginantihan ko rin siya ng isang tipid na ngiti, habang si Dean nakitaan ko ng pag-alala sa mata nito o namalik-mata lang ako kanina. Kasi bumalik din naman ito sa seryoso ngayon.
“Let's eat?” he asked me.
Tumango ako sa kanya at nilagyan na rin ni tita Karen ang pinggan ko ng kanin at ulam, bagay na hindi ko pa nakita na ginagawa ni mommy para sa akin.
“Thank you po, Tita.” I subtly said.
“Walang anuman, ija!” she said with a smile, “Naku, marami akong niluto kaya kailangan damihan mo rin ang kain mo, ha?!”
I nodded immediately, “Opo,” and then answered.
“Masaya ako dahil pinayagan ka ni Dean na dito matulog kaya sulitin mona. Baka sa susunod hindi kana payagan uli,” bulong ni tita Karen sa akin.
Tumango uli ako sa sinabi ni Tita bago bumaling kay Dean na umiinom ng tubig habang nakatingin sa amin ni Tita. Nang ibinaba na niya ang baso ng tubig, dinadaan ang pang-ibabang labi. Kunot-noong pinagmamasdan kami ng ina niya, kuryos sa sinabi ng mama niya sa 'kin.
“Anong sinabi mo sa kanya, Mama?” na-fufustrate nitong tanong sa kanyang ina.
“Ha? Wala!” sagot ni Tita sa anak, “kain na lang tayo,” dagdag niya para hindi na mangulit ang anak sa kanya.
Masaya kami naghapunan, ibang iba sa nakasanayan ko sa bahay. Panay kwento ni tita Karen tungkol sa nakaraan nung nabubuhay pa ang kanyang mga magulang. Nakinig lang kami ni Dean sa kanya, sa kanyang words of wisdom na talagang tumatak sa amin… lalo na sa akin.
Tapos na kami kumain, tutulong na sana ako sa paghuhugas ng pinggan kaso ayaw na naman akong payagan ni Tita. Kaya umupo na lang ako rito sa sala, hinihintay sila.
Si Dean ay umakyat sa kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang itsura ng kwarto niya. Hindi gaano kalaki ang bahay nila Dean. Kalahating semento at kahoy ang bahay nila, semento sa baba at gawa sa kahoy naman ang pangalawang andanas. May tatlong kwarto rito sa baba at isa na rito ang kusina. Ang kanilang sala ay may isang couch at dalawang solong upuan, at may lamesa sa gitna. May television at dalawang speaker, at may mini DVD player shelf din.
May konting picture frame na nakadikit sa dingding nila, kasama na rito ang picture ni Dean nung apat na taon pa siya, naka-jamper pa. Pati nung gumraduate siya ng elementarya, nakasabit din rito.
Malinis ang bahay nila, walang alikabok nakikita. Siguro, araw-araw naglilinis si tita Karen dito. Maliit lang ang bahay nila pero nasisiguro kong maraming alaala ang naganap na rito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil may alaala rin ako nabuo rito. Simula nung nakilala ko si Dean.
Lumabas si tita Karen sa kusina at naglakad ito patungo sa akin.
“Ija, dito ka muna, ha! Lilinisin ko lang ang magiging kwarto mo!” sabi ni Tita sa akin.
Ngumiti lang ako at nag-angat ng tingin sa lalaking bumaba ng hagdan. Basa at magulo na ang buhok nito. Wearing sleeveless shirt and black jersey short, at may puting towel sa balikat niya. Huminto siya sa harapan ng kanyang ina.
“Oh, anak.”
“Ma, hindi mo na kailangan maglinis doon, sa kwarto ko na lang po matutulog si Marga,” sabi ni Dean.
Napatayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kanila. Kunot-noo kong tiningnan si Dean. Ano raw'ng sabi? Sa kwarto niya ako matutulog?!
“Ha? Pa'no ka?” tanong si tita Karen.
“Mas malinis po ang kwarto ko kaya roon na po siya. Saka pwede naman ako matulog dito sa sala,”
“Hindi po, tita.” singit ko, “Ako na lang po rito sa sala. Okay naman po ako rito—”
“Huwag ka nang makulit, Marga.” bumaling sa akin si Dean. “Hindi ka sanay matulog sa sofa kaya doon kana lang kwarto ko para mas komportable ka,”
“Pero—”
Magsasalita na sana ako nang sinamaan niya ako ng tingin, kaya imbes na magsalita ay tinikom ko na lang ang bibig ko.
“Okay,” mahina kong sabi saka yumuko.
Maldito!
Nagpaalam na lamang si tita Karen na umakyat na sa kanyang kwarto para makapag pahinga at matulog na dahil maaga pa siya maghanda sa karenderya bukas. Hinatid naman ako ni Dean sa kwarto niya para matulog na rin. Akala ko tuturuan niya pa ako, hindi na pala. Dahil sabi niya, maaga niya akong ihatid sa amin para makapag bihis ng damit dahil may pasok pa kami bukas.
Wala na akong magawa kundi ang humiga sa malambot niyang kama. Hindi gaano kalaki ang kanyang kwarto, sakto lang para sa kanya.
Pagpasok mo pa lang dito, ang kakulay ng langit at ulap ng dingding ay nakapag dagdag sa kalinisan ng buong kwarto. May nakasabit na gitara sa malapit na bukana ng pinto. Tapos sa paanan ng kama ay may study table na puno ng mga libro niya, lahat ng ito ay maayos na nakalagay sa mini shelf.
Sa ibabaw ng kanyang study table ay may nakadikit na papel o bond paper na may skitch na iba't-ibang gusali. Hindi ko maiwasang mamangha sa galing ng kamay niya sa ganitong bagay. Araw-araw niya siguro ito ginagawa dahil lahat ng guhit niya ay may label na.
Naistress agad ako sa mga numero na nakita ko.
Habang tinititigan ko ang kanyang mga gawa ay unti-unti ko ring narealize na ngayon palang, mahirap na siyang abutin. Paano pa kaya kung matupad niya na ang kanyang mga pangarap.
I smiled faintly as I hugged and sniffed the pillow, dikit na dikit ang amoy niya rito, na parang hinihila ako para mas lalong mahulog sa kanya. Pero sa kabilang bahagi ng utak ko ay pumipigil para kumapit sa sarili at hindi na tuluyang umasa pa.
“Malaki ang ngiti natin ngayon, a!”
Bungad sa akin ni Sheena sa pagpasok ko pa lang sa gate ng school. Deretso lang ang lakad ko papasok sa unang building ng school, habang siya'y sinabayan ako sa paglalakad.
“Kahapon lang naka-busangot ka tapos ngayon para kang baliw diyan sa kangingiti,” dagdag niya pa.
“Shut up, Sheena. Huwag mong sirain ang araw ko, please,” sabay irap ko sa kanya.
Sa kabila ng mga iniisip ko kagabi, sa kabila ng mga pangamba ko. Hindi pa rin iyon hadlang para maging masaya ako ngayon araw.
Tulad nga ng sabi ni Dean sa akin kagabi, maaga niya akong naihatid sa amin. Malamig man ang simoy ng hangin kanina, pero naging mainit sa pakiramdam dahil kasama ko siya.
“Anong meron?” tanong ni Sheena.
Lilingonin ko na sana siya nang may nakita akong nagtatakbuhan sa malaking ground ng eskwelahan. Parang nagma marathon, nilibot ang buong ground ng eskwelahan, lahat ng estudyante madadaanan nila ay nagsisitabi. Papunta rito ang nagtatakbuhan kaya dali-dali rin kami tumabi ni Sheena.
“Oh my god! May binubully na naman sila!” sigaw ni Sheena, nang makilala namin ang tatlong estudyante.
Dumaan sa amin harapan ang tatlong grade ten students. May ginawa na naman silang kalokohan kaya hinahabol sila ngayon ng mga SSG officers.
“Saan sila dumaan?”
Tiningnan ko muna mula ulo hanggang talampakan ang nagtanong, dahil maliban sa marumi ang kanyang suot dahil may itlog at kamatis ang uniform niya, ay puno pa ng harina ang kanyang mukha. Tinitigan kopa siya ng maigi. Parang kilala ko 'to, a!
“Ate Tala?” taka kong tanong.
Best friend siya ni Sion. Minsan kona rin siya nakasama sa outing ng mga barkada, at nakausap. Matalino rin siya, laging nangunguna sa section nila. Hindi kami close, dahil maliban sa mataray ito, ay may pagka-amazona rin.
“SAAN NGA SABI SILA DUMAAN?!” sigaw niya sa amin, nangangalaiti na sa galit.
Napalunok ako ng sariling kong laway dahil sa takot sa kanya. Grabe, para na siyang kakain ng tao ngayon dahil sa galit. Nagtataka tuloy ako kung ano ang ginagawa ni Sion para kumalma siya, at paano sila naging magkaibigan.
“D-doon po ate Tala,” agad naman tinuro ni Sheena kung saan pumasok ang tatlong estudyante kanina.
“Thank you,” matigas nitong sabi saka sinundan ang tinuro ng aking kaibigan.
“Grabe! Nakakatakot talaga siya, parang gusto na tayong suntukin kanina, a!” sabi ni Sheena habang nakahawak sa bandang puso niya.
“Bakit naman kaya yun na-bully?” kuryoso kong tanong.
“Siya ba talaga ang binully o siya ang nang-bully,”
Umiling na lamang ako at binaliwala ang sinabi ni Sheena. Wala kami sa posisyon na magsabi na kung ano-ano dahil maliban sa wala kaming alam, ay hindi dapat kami sumali sa gulo nila. Tutuloy na sana kami sa paglalakad nang paparating sa amin ang SSG officers, kasama na roon sina Dean at Sion, ang mga sargent at arms ng campus. Agad kumalabog ang puso ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Dean. Huminto sila sa aming harapan.
“Nakita n'yo ba si Tala? Saka yung mga nagtatakbuhan na tatlong grade ten students?” tanong agad ni Sion sa amin, hinihingal pa ito mula sa katatakbo.
“Doon po! Sinundan ni ate Tala ang tatlong lalaki roon!” turo uli ni Sheena.
“Ang tigas talaga ng bestfriend mo bro, pinapahirapan tayo.” reklamo ng isa sa kasamahan nila. “Hi, Marga!” bati nito sa akin.
Nakita ko ang masamang titig ng dalawang lalaki sa kanya pero hindi ito nilingon ng lalaki. Nakatitig lamang ito sa akin. Sinikmuraan naman siya ni Sion kaya natanggal titig niya sa 'kin.
“Gago! Pumuslit kapa talaga! Tara na, habulin na natin 'yon.”
At hinila na ni Sion ang lalaki, sumunod naman ang dalawa pa nilang kasama, naiwan si Dean. Naglakad siya palapit sa akin. Pinasadahan ng kanyang daliri ang buhok at dinilaan ang pang-ibabang labi. Tagaktak ang pawis, pero hindi iyon naging dahilan para ma-turn off ako sa kanya, para siyang modelo kung maglakad. Napanganga ako habang naghuhuramentado naman ang puso ko sa kaba tuwing nasa malapit siya.
“Hintayin mo 'ko mamayang break time, okay?”
Nag-alangan pa akong tumango dahil titig na titig siya sa 'kin, habang naghuhuramentado naman ang puso ko dahil sa kanya.
Matapos niyang sabihin iyon, ay sumunod na siya sa kasamahan niya. Niyugyog naman ako ni Sheena na parang mahihiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Kilig na kilig siya para sa akin, e! Habang ako tuliro pa!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top