CHAPTER 29

HOPEDEEPLY





Hindi ko na hinintay sumagot si Yaya. Nagmadali na ako bumaba ng hagdan para puntahan si Daddy. Sakto lang dahil papaalis na ang mga pulis. Hinatid na'ng mga maid namin ang mga pulis palabas ng bahay. Kaya nilapitan ko agad si Daddy.

“Dad!” I called him. “Bakit may mga pulis dito?” I directly asked.

As he hesitated to respond to my question, my eyes narrowed.

“Ahh, wala. May tinatanong lang.” he said.

“Baka naman—” he directly cutted me off.

“No. You're coming with us abroad, aren't you? So bakit ko pa 'yun gagawin?” he subtly asked as he reached my hand and gently squeezed it.

I simply nodded in response to what he said. As a relief, I let out a deep sigh.

“By the way, aalis na ba kayo?” he asked again.

“Yes, Dad.” I said as I kissed him on the cheek.

“Sige.” Sabay tingin kay Yaya. “Yaya, ikaw na bahala, 'kay?”

“O-opo, ser.” sagot naman ni Yaya Mina.

Sumakay na kami ng sasakyan patungong eskwelahan. Hinawakan ni Yaya ang kamay ko habang pina-alalahanan ako nang mabuti. Tumango naman ako sa lahat ng sinabi niya. Pagkarating sa eskwelahan ay bumaba na agad kami sa sasakyan at pumasok na sa gate ng eskwelahan.

“Bumalik ka agad, anak, ha! Baka makahalata ang mga bodyguard mo,” she said.

“Saglit lang ako, Ya.” Sabay tango ko sa kanya, at nagpaalam na rin.

Niyakap niya ako saglit bago ako lumabas ng eskwelahan. Para hindi makita ng mga bodyguards ni Daddy ay dumaan ako sa likod ng eskwelahan, kung saan ang pangalawang gate nito. Nakabihis na rin ako ng damit, dahil 'pag naka-uniporme pa ako ay baka iisipin nila na nag-cutting classes ako.

Sumakay ako ng taxi patungo sa bahay nila Dean. Hindi ako mapakali habang nakaupo. Iniisip ko kung paano sasabihin kay Dean ang tungkol sa pag-alis namin. Iisipin ko pa lang hihiwalayan ko siya, sobrang sakit na. Ano pa kayang iiwan ko siya? Parang pinipiraso na ang puso ko non. Nahihirapan man ako gawin 'yun, pero kung para lang sa kapakanan niya, gagawin ko. Magalit man siya sa 'kin habang buhay, wala na akong pakialam doon.

Bumaba agad ako ng taxi pagkatapos kong magbayad. Tutungo na sana ako sa bahay nila nang narinig ko naman ang boses niya.

“Hindi ko magagawa 'yan, Erin.” Dinig kong sabi ni Dean.

Sumilip ako sa kanila habang nakatago rito sa karenderya. Nandoon sila sa may punong mangga kung saan kami palaging nagpapahinga ni Dean noon pagkatapos niya akong turuan sa lessons ko. Diyan kami laging tumatambay habang nakahiga sa isang banig. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingin kami pareho sa langit.

Nakita kong may hawak na beer si Dean sa kanyang kamay habang nakatayo siya roon. At magulo rin ang buhok niya ngayon na parang sinadya. Habang si Erin ay pinagmamasdan ang kanyang likod dahil nakatalikod siya rito. 

Kumunot naman ang aking noo, nagtataka sa aking naabutan.

“Dean, hindi mo pa ba makuha-kuha? Ayaw ng mga magulang ni Marga sa 'yo—”

“I knew that at first, Erin. They don’t like me because Marga isn’t yet fit for an early relationship. She is a minor, so I understand her parent’s decision,” maririin sabi ni Dean pagkatapos humarap kay Erin.

“No, Dean. Not only that. Ayaw nila sa 'yo dahil mahirap ka lang!” Erin snorted at Dean.

As he gazed at Erin, Dean's face clouded. His brows furrowed as he locked his gaze on Erin. Umiwas naman tingin sa kanya si Erin. Yumuko ang babae na parang hindi kayang tingnan ang lalaking nasa harapan niya.

“I-I know that's offensive but it's true. Dean, gusto rin nila para kay Marga 'yung lalaking katulad nila. Marangya at hindi mahirap. Kaya ang gusto nila Tito at Tita ay hiwalayan mo na si Marga dahil baka maulit na naman 'yung nangyari. Aren’t you worried about Tita Karen? She is in the hospital now because—”

Napaigting nang bahagya sa kanyang pwesto si Erin dahil sa sigaw ni Dean. Kahit ako ay gulat na gulat din dahil ngayon ko lang nakitang galit na galit si Dean na parang gusto na nitong manakit ng tao.

“Tama na, Erin!” sigaw niya sabay tapon sa bote ng beer na hawak niya. “Kasalanan ko 'yun! Kung pinigilan ko lang ang sarili ko hindi sana kami magkakaganito. Hindi sana ma-ospital si Mama. Kasalanan ko ang lahat!” galit na galit na sigaw niya.

Lumapit sa kanya si Erin para aluin siya. At nang nakita ko ang sitwasyon nila. It was as if my heart was being squeezed by the pain. Based on what I heard right now, I'm uncertain if I'll stick to my plan to talk to Dean.

Nagkabuhul-buhol na ang mga salita na nasa aking utak. Sa mga narinig ko mula kay Erin ay parang nakaharap na ni Dean ang mga magulang ko, kaya niya nasasabi na ayaw nila kay Dean. Kung totoo man ang hinala ko na nag-usap na sila ni Daddy, kailan naman 'yon? Ang alam ko lang ay nalaman ni Daddy na isang anak ng karinderya si Dean. Walang sinabi na kinausap niya ito, o pinagsabihan ng kung ano-ano.

Nadagdagan na naman ang mga tanong na hindi masagot-sagot sa utak ko. Bakit nasa ospital si Tita Karen? Kaya ba siya hindi na pumapasok sa eskwelahan dahil nasa ospital si Tita? Bakit hindi niya iyon sinabi sa akin? Ano ba talaga nangyari kay Tita Karen?

Girlfriend niya ako! Pero bakit wala siyang sinabi sa akin? May nangyari pa ba na hindi ko alam?

Bumigat ang paghinga ko nang makita kong marahan na hinaplos ni Erin ang pisngi ni Dean, habang nakatingin ito sa kanya. Sa paghaplos ni Erin sa pisngi ni Dean ay lumambot naman ang mga titig nito. Agad pinalibot ni Erin ang kanyang kamay sa batok ni Dean, saka dahan-dahan inilapit ang kanyang mukha.

My eyes widened in shock. My heartbeat also slowed down, as if it was about to run out of air inside. I expected him to push Erin away from him, but he didn’t. He didn't! However, I saw how he responded to the woman’s kiss.

I turned away from them while covering my mouth with my hand, suppressing the sobbing. I faintly leaned against the wall of the 'karinderya', seemingly running out of strength because of what I saw.

Oo, gusto ko makahanap siya ng iba para madali na lang sa kanya ang kalimutan ako. Pero bakit ganito kasakit? 

It felt like a dagger had pierced my heart, causing excruciating pain. I couldn't stop the flow of tears from my eyes any longer. Habang maririin naman ang pagtakip ko sa aking bibig para walang lumabas na hikbi rito. Sa nakita ko ngayon ay hindi ko na kayang humarap pa sa kanilang dalawa. Hindi ko na ipapaalam sa kanya ang pag-alis ko para wala nang problema, at para hindi ko na rin sila maisturbo pa.

Pinilit kong tumayo nang maayos at huwag lumingon sa likuran. Babalik na ako sa eskwelahan dahil nag-aalala na si Yaya Mina sa akin. Ayokong ituon ang sarili ko sa pag-iyak kaya mas mabuti pang ipukos ko na lang sa importanteng bagay ang aking sarili.

'Bobo ako. Oo. Pero hindi ko ikagaganda ang maging mahina.'

Pagkatapos tuyuin ang aking pisngi ay aakmang aalis na sana ako nang bigla akong napatigil sa taong nakatayo sa aking harapan. Parehong nanlaki ang mga mata namin dalawa. Pero agad ko rin iniwas ang mga mata ko sa kanya nang matanto kong may mga luha pa ito. Napatingin ako sa lupa, tila nahihiya sa naging itsura ko ngayon. At pinunasan agad ang mga luha na nasa gilid ng aking mata.

“Marga?” she asked confusedly.

I looked at her.

“May kinuha lang ako,” I trailed off. “Ikaw? Bakit ka nandito?” Balik na tanong ko, habang naniningkit naman ang aking mga mata sa kanya.

Umiwas siya nang tingin, tila nahihiya sagutin ang tanong ko. Mas lalo tuloy sumingkit ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Don't tell me, na hanggang ngayon hindi pa siya naka-move on kay Dean.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Stalker ka ba talaga?” I asked.

“Kung si Dean ang iniisip mong dahilan kung bakit ako nandito, hindi no! Ang dami ko ng problema tapos hanggang ngayon hindi pa ako naka-move on sa kanya,” she said.

“E, bakit ka nga nandito?” tanong ko agad sa kanya.

Lily sighed deeply. She looked at my back before answering my question.

“Gusto mo ba talaga ikwento ko sa 'yo rito mismo?” she subtly asked.

Saglit na kumunot ang noo ko nung hindi ko pa nakuha ang kanyang sinabi. Gusto ko na sana siyang tanungin agad, pero tama siya. Nandito pa kami ngayon sa tapat ng karinderya nila Dean. Kaya bago pa kami mahuli ay sumakay kami ng taxi.

“So bakit ka nga nandoon?” tanong ko agad sa kanya nang nasa taxi na kami.

“Nakita kitang dumaan sa exit gate ng eskwelahan kaya sinundan kita papunta rito,” sagot niya naman.

Napahilot ako sa aking sentido dahil sa kanyang sinabi. “Bakit mo naman ako sinundan?” tanong ko ulit.

She shrugged her shoulders and then looked at me. “Hindi ko alam,” sagot niya na ikina-ikot ng mga mata ko.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Hindi ako naiinis na sinundan ako ni Lily. Nahihiya ako dahil alam kong nakita niyang umiiyak ako kanina. Sa lahat ba namang taong nakakita sa akin sa ganoong sitwasyon ay siya pa talaga. At hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko na ba siya ngayon?

Narinig ko ang pagtikhim niya kaya napalingon naman ako sa kanya. Nakatingin na siya sa akin.

“Hmmm… inaamin ko marami na akong nagawa sa 'yo noon. At hindi ko pinagsisihan iyon.” Panimula niya na may hilaw na ngiti sa labi. “Oo, gusto ko si Dean. Gustong-gusto ko siya maging boyfriend. Kaya nung niligawan niya ako ay sobrang saya ko, ikaw ba naman ligawan ng crush mo, hindi ba? Kaya lang nagpakipot pa kasi ako… alam mo 'yun, gusto ko lang maging iba sa lahat ng naging girlfriend niya kaya hindi ko pa siya sinagot agad,” tuloy-tuloy na sabi niya.

My brow shot up because of what she said.

“At nang hindi niya na ako pi-nur-sue ay sa 'yo ko binuntong lahat,” sabi niya pa.

“Oh, bakit ako?” tanong ko habang nanlaki ang mga mata.

“Ikaw lang kasi pinaka malapit sa kanya na babae. Inggit na inggit ako dahil doon, na para bang walang makakapaghiwalay sa inyong dalawa. Kahit anong gawin kong paninira sa 'yo, ikaw pa rin talaga. Kaya nung nalaman kong kayo na'ng dalawa, at wala na talaga akong pag-asa para sa kanya. Tumigil na ako. Feeling ko kay-hirap mong kalaban pagdating kay Dean. Kaya nantanto ko, kung para talaga kami sa isa't isa, kami talaga, hindi ba?” sabi niya at ngumiti ng tunay sa akin.

Napanganga ako sa lahat ng sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na narinig ko iyon sa mismong bibig niya. Wala akong masabi ni isang salita. Tinikom ko lang ang aking bibig at pinagmasdan siya ng maigi.

Madami ngang babaeng naiinggit sa akin dahil malapit ako kina Dean at Sion, hindi lang si Lily. Dahil malapit ako sa dalawang lalaki ay mas lalong binully nila ako. Anila, hindi raw sila papansinin ng dalawa dahil nandito ako nakaharang sa kanila. Kaya pilit nila ako tinatakot at binu-bully para ako na mismo ang lumayo sa dalawa. Pero asa sila! Dahil marunong ako lumaban, hindi nila ako basta-basta mapaalis sa pwesto ng dalawa.

“Sincerely, I'm really sorry Marga for what I've done,” she sincerely said.

My brow shot up. “Oh. Akala ko ba hindi ka nagsisisi sa lahat nagawa mo?” I snorted.

Napatawa siya sa akin sinabi, at ganoon din ako.

“Well, bawal ba magbago ng isip?” she asked.

I just shrugged my shoulders at her. “Oh well. Okay lang ba kung hindi ko matatanggap 'yang sorry mo?” I seriously asked.

I saw how she pursed her lips before smiling. Tinititigan niya ako nang mabuti, saka siya dahan-dahan tumango.

“Kung hindi mo ipagkakalat ang nakita mo kanina,” I added.

Napabuga siya ng hangin dahil sa sinabi ko. Tumawa rin siya na parang may nakakatawa sa aking sinabi, habang siya'y umiling-iling sa akin. Kumunot ang noo ko.

“Wala na akong oras para diyan, Marga. Mas mabuti pang alalahanin ko muna ang aking sarili bago ang iba,” sabi niya.

I crossed my arms on my chest as I leaned my back on my seat. I couldn't help but to smile.

“Malay ko ba,” sabi ko pa.

Umirap siya bago sumandal din sa kanyang upuan. Tumingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan, ganoon din ako. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa habang iniisip ang nakita ko kanina. Gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin ni Lily ngayon, pero nang maalala ko ang nangyari kanina. Bumalik na naman ang bigat nito. 

“Ehem, saan ba kayo pupunta, ija?” biglaang tanong ng driver sa amin.

Napatingin kami sa kanya.

“Sa seven eleven lang, Manong,” sagot naman ni Lily sa kanya.

“Ako, diyan lang sa malapit na ospital, Manong,” sagot ko naman.

Sa pagsagot ko ay napatingin naman sa akin si Lily. Tila gulat na gulat sa naging sagot ko. 

“Sigurado ka ba?” Nahimigan ko ang pag-aalala sa tono ng boses ni Lily.

Ngumiti ako sa kanya, saka dahan-dahan naman akong tumango.

“Oo, bibisitahin ko lang si Tita Karen,” sabi ko.

Nang huminto ang taxi tapat ng Ospital ay napatitig pa ako sa harapan nito, bago naisipan buksan ang pinto ng taxi. Bumaba na ako at deretso ang lakad sa loob. Nagtanong kaagad ako sa nars kung anong room number si Tita Karen.

Nang sinabi ay agad ko naman ito pinuntahan. Nang nasa harapan na ako ng kwarto ay nagpakawala malalim na paghinga, saka dahan-dahan binuksan ang pinto ng kwarto. Sumilip muna ako, at agad kong nakita si Tita Karen na nakahiga sa isang kama. Nilibot ko muna ang aking tingin sa buong kwarto bago tuluyan na pumasok loob.

May nakita akong prutas sa lamesang katabi ng kama niya. Kaya napaisip tuloy ako kung bakit wala akong dala na kahit ano ngayon.

Napabuntong hininga ako. Saka lumapit sa kama ni Tita Karen. Tiningnan ko siya nang maigi. May nakita akong benda sa braso ni Tita Karen kaya ito ang tinuonan ko na'ng pansin. Pero unti-unting gumalaw si Tita Karen at dahan-dahan minulat ang kanyang mga mata.

“Marga…” banayad na sabi niya nang makita ako rito. “A-anak, ano'ng ginagawa mo rito?” tanong niya kaagad.

I genuinely smiled at her. “Nabalitaan ko po kasi na na-ospital ka kaya pumunta agad ako rito,” I answered.

“Kasama mo ba si Dean?” tanong niya ulit.

Siguro, akala niya si Dean ang nagsabi sa akin. Napalunok ako ng sarili kong laway, saka ngumiti sa kanya.

“Nasa labas pa po si Dean, Tita,” sabi ko.

Pilit kong pinatili ang ngiti sa aking labi, dahil hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. Sa lagay ni Tita Karen ngayon, hindi dapat niya akong makitang malungkot.

“Tita, ano po bang nangyari?” pagtatanong ko sa kanya.

Natigilan siya saglit habang nakatitig sa akin. Ngunit, imbes na sagutin ang tanong ko ay sinubukan niyang abutin ang aking kamay. Kaya para hindi na siya mahirapan pa, ay umupo ako sa gilid ng kama para maabot niya ako ng mabuti. 

Banayad niyang hinaplos ang aking pisngi, saka hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa aking hita. Ngumiti siya sa akin, kaya hindi ko rin maiwasan mapangiti.

“Anak, huwag mong punuin ng galit ang puso mo.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. “Lagi mong tatandaan na mahal ka ng taong nakapaligid sa 'yo,” dagdag niya pa.

“Opo, Tita. Alam ko 'yan. At alam ko rin isa ka na sa mga taong nagmamahal sa akin.” Sabay ngiti ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay kaya napatingin ako rito.

“Ang swerte ng anak ko sa 'yo,” biglaang sabi niya.

Muntik na ako matawa dahil doon. Swerte? Sa 'kin? Saan banda naman?

“Tita naman, ang galing mo magbiro,” sabi ko.

Mabilis naman ang kanyang pag-iling sa sinabi ko. Inabot niya ang aking pisngi gamit ang isa niyang kamay, saka ngumiti ulit sa akin.

“Hindi ako nagbibiro. Totoo ang sinabi ko,” sabi niya.

Magsasalita na sana ako nang nabitin lamang ito dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto. Napatayo kaagad ako sa aking kinauupuan. At tiiningnan kung sino ang pumasok sa pintuan. 

Ang lalaking nagbigay sa aking ng sobre para maibigay kay Dean. Pumasok siya na may dala dalawang supot na tingin ko'y pagkain.

“Pasensya na kung natagalan ako sa pagbalik. Mataas lang pila sa karinderya ng kaibigan mo,” sabi nito habang tuloy-tuloy ang pagpasok niya sa loob.

He noticed me, so he looked at me. His steps slowed suddenly as he stared at me intently. I was swallowed by my saliva.

“Okay lang,” sagot ni Tita sa kanya. “Nga pala Daniel. Siya pala si Marga, girlfriend ni Dean.”

Mas lalong naging masama ang tingin ng ama ni Dean sa akin, kaya napayuko ako nang kaunti. Naramdaman ko na ang tahip ng aking puso na parang kagagaling sa marathon. Kinakabahan ako ng sobra. Bakit ganyan siya kung makatingin sa akin?

Kahit takot na takot ay nagawa ko pa rin siya batiin.

“H-hello po…” I managed to speak my words.

“Ano'ng ginagawa ng bata—”

“Daniel.” Pagpuputol ni Tita Karen sa kanya. “Girlfriend siya ng anak natin.”

“Alam ko, Kar. Pero bakit siya nandito pa?” maririin na tanong niya kay Tita Karen.

“Binisita niya lang ako.”

“Na dapat ay hindi na.”

Mas lalo akong napayuko sa aking kinatatayuan dahil sa narinig. Parang piniga ang aking puso dahil sa kirot na nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko ang pagtaboy sa akin ng ama ni Dean kahit hindi niya ako maderetso. Alam ko naman na hindi niya ako gusto para kay Dean, pero bakit kung makakatitig siya sa akin ngayon ay parang galit na galit siya?

Kung hindi niya ako gusto para sa anak niya, tatanggapin ko 'yon. Sabi nga ni Dean dati, gagawin ng mga magulang ang lahat nang tingin nila mas nakakabuti para sa kanilang anak. Kaya kung gusto niya si Erin para kay Dean, ayus lang naman sa 'kin.

Wala na akong magagawa para doon. Tutal, aalis naman na ako.

Tumikhim muna ako bago magsalita. Tingin ko, kailangan ko nang umalis dito. Baka ako ang maging dahilan ng pag-aaway nila.

“Ahh, Tita. Aalis na lang p-po ako,” I stuttered.

“Hindi, Marga. Hintayin muna natin si Dean, at sabay na tayo kumain,” sabi niya.

“Naku, hindi na po, Tita. Salamat na lang po.” Sabay ngiti ko sa kanya.

Gusto ko na talagang umalis na rito dahil ayokong maabutan nila Dean at Erin na nandito ako. Ayoko rin makita silang magkasama na dalawa.

Wala nang magawa si Tita kundi hayaan ako lumabas ng kwarto. Nagpaalam din ako sa kanyang asawa. Tumango lang ito sa akin. 

Hindi pa ako nakakalayo sa pintuan ng kwarto ni Tita Karen ay nasalubong ko na si Erin. Pareho kami natigilan sa isa't isa.

“What are you doing here?” she directly asked me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top